Pied Piper: Story of a Murderer
This is an excerpt from one of my earliest drafts. High School pa 'ata ako nito. It's about modern retellings of fairytales. Parang Once Upon A Time, minus the magic. Hehe.
Sobrang tagal na nito kaya ampnagit pa ng sulat ko. Pero first time ko rin kasi magsulat ng murder scene... and it felt good. Char. Hahahahaha.
***************************************************************************************
Pied Piper: Story of a Murderer
Bernard Christopher A. Catam
Isang araw na lang ang hinihintay ni Gaston at magpo-propose na siya sa kaniyang kasintahan. Bukas, sasahod na siya bilang driver at huling sahod na n'ya iyon dahil sawang-sawa na s'ya sa matapobreng ugali ng pamilyang pinagtatrabahuhan niya. Sa wakas, matatahimik na ang kaniyang buhay.
Natigil ang kanyang pangangarap nang marinig n'ya ang isang sigaw mula sa kwarto ng anak ng kaniyang mga amo.
Agad s'yang pumunta at naabutan ang among lalaki na may hinahabol sa ilalim ng kama, ang asawa nito't anak na lalaki ay takot na takot na nakasandal sa pader.
"Marunong ka bang manghuli ng daga?" tanong sa kaniya ng amo. Hindi na siya nagsalita't agad na kinuha ang tsinelas at hinanap ang peste.
Lumabas ang makulit na daga at umikot-ikot sa paanan ng mag-ina.
"Patayin mo! Patayin mo!" sigaw ng nanay. Hinabol n'ya ito ng tsinelas at napalo ng ilang beses ngunit hindi ganoon katigas ang pamalo n'ya kaya naghanap s'ya ng ibang bagay sa kwarto.
Lumabas muli ang daga sa kinatataguan nito at muling tinakot ang mag-ina na nagpaikot-ikot sa loob ng kwarto dahil sa katarantahan.
"Patayin mo! Bilis!" utos ng mag-asawa. Nakahablot si Gaston ng matigas at mahabang bagay na s'yang pinampalo sa daga. At sa wakas, natusok n'ya ito at napatay. "Flute 'yan ni Christian. Sinira mo," rinig n'yang sigaw ng ina. Tinignan n'ya ang hawak n'ya— isang putol na plauta na may balot ng dugo.
"Lumayas ka! Mamahalin 'yang flute na 'yan at iyan ang ginagamit ni Christian sa mga performance n'ya. Kahit pa ilang buwang sahod mo, hindi mo 'yan mababayaran. Hala! Lakad. Lumayas ka," utos sa kaniya ng among lalaki.
Ilag beses s'yang nagmakaawa, nangakong magsisilbi ng walang bayad ngunit wala s'yang nagawa.
"Hindi namin ibibigay ang huling sahod mo." Ang mga salitang ito ang tumusok ng puso n'ya. Nang dahil sa isang daga at sirang plauta, hindi n'ya matutubos ang sing-sing ng kaniyang ina sa sanlaan na gagamitin n'ya sana sa proposal. Ano na lang ang sasabihin ng kaniyang kasintahan kapag nalaman nitong wala na s'yang trabaho. Natatakot s'ya. Nang dahil sa isang mayamang pamilya na hindi marunong pumatay ng daga at ang tanging alam ay mang-alipusta, natakot s'ya.
Ilang masasamang salita ang ipinabaon sa kanya ng mga among hindi man lang pinahalagahan ang limang taon n'yang paninilbihan bilang driver. Natatakot s'ya. Natatakot s'yang mawala ang mahal n'ya. At ang takot na ito'y nagsimulang maging galit at poot.
"Ipapa-ban ka namin sa agency para wala ng tumanggap sa'yo," huling sabi ng mag-asawa bago isara ang pinto ng bahay.
Bago s'ya tuluyang umalis, kinuha n'ya ang naputol na plauta at dumiretso sa likuran ng bahay kung saan naglalarong mag-isa ang anak ng kanyang amo.
"That's my flute," sabi nito.
Sumagot s'ya, "Edi, sa'yo na."
Pinalo n'ya ang bata ng ilang beses sa ulo gamit ang plauta hanggang sa magdugo ito. Ginamit n'ya ang matulis na putol na bahagi sa pagtusok sa mukha nito.
Nang magtangkang tumakas, sinaksak n'ya sa likod hanggang sumirit ang dugo at mapagod sa pagsigaw.
Sa tingin ni Gaston, isa lamang itong makulit na daga na dapat patahimikin.
Pilit pa rin itong sumisigaw kahit nakailang saksak na kaya itinusok ni Gaston ang plauta sa batok hanggang sa malunod ito sa sariling dugo.
Narinig ni Gaston ang pagsigaw ng kaniyang dalawang amo na hindi na naabutang buhay ang kanilang anak.
Kinuha n'ya ang plauta sa batok ng bata dahil may papatayin pa s'yang dalawang peste.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top