Ako'y 'Sang Hamak Na Guro
This is a poem written by my 15-year-old self during our High School Teacher's Day so pasensiya na if medyo juvenile pa ang writing style. Hehe.
***************************************************************************************
Ako'y 'Sang Hamak Na Guro
ni Bernard Christopher A. Catam
Naandito ako ngayon
sa isang mahabang pila.
Lahat sila'y nakaayon,
minamasdan bawat isa.
Lahat sila'y nakabihis.
Lahat sila'y mukhang sosyal.
Lahat sila'y malilinis.
Lahat sila'y mukhang pormal.
Maliban lamang sa akin,
sinimplehan lang ang bihis.
Medyo naiinip na rin,
naghihintay na umibis.
"Ako'y isang inhinyero",
maikling tugon ng isa
sa bantay na Serafino
sa may unahan ng pila.
"Ano ba ang nagawa mong
may kabutihan sa tao?"
"Tahanan bilang panilong,
nakapagtayo na ako."
"Makapaparoon ka na
sa paraiso ni Ama."
"Ako ay isang doktora,"
tugon muli ng isa pa.
"Ang mga may karamdaman,
lumapit, aking ginamot."
"Ikaw rin ay mananahan
sa tahanang walang poot."
"Ikaw naman, munting ale?"
ang tanong niya sa akin.
"'Wag na nga lang, 'di na bale
nakahihiyang aminin.
"Ako'y isang guro lamang
na nagtuturo sa bata.
Walang ginawang sanggalang.
Walang ginamot na madla."
"Ngunit kung wala ang guro,
wala rin ang inhinyero.
Manggagamot ay lalaho.
Paano na tuloy tayo?
"Sa dakila mong ginawa,
ikaw ay aking bibigyan
ng pakpak na pinagpala
sa likod mo'ymananahan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top