The echoes of yesterday
Dan
Dumeretso agad ako sa kama pagkarating namin ni Marge sa bahay.
" Mare anong gusto mong kainin? " Tanong ni Marge.
" Si Ajake mare. " Pabiro kong sagot.
" Tarantada paano mo makakain eh nagpakain na sa iba. Basurero ka ba at pumupulot ng tira tira? " Sagot niya.
" Kung siya lang din naman ang basura handa akong pulutin siya para mapakinabangan ko. "
" Gurl nakakababa ng class. It's not giving. So ano nga kakainin natin? "
" Adobo." Sagot ko.
Basura? Handa ako maging basurero para mapakinabangan si Ajake? Napatawa ako ng bahgya nung napagtanto ko na tama nga si Marge. Nakakababa ng moral kung ganon ang gagawin ko. I'm a high class person at hindi ako dapat papatol sa manloloko at mababang klaseng tao.
Alas syete na ng gabi nung nag umpisa kaming kumain ni Marge nung may narinig kaming sumisigaw sa labas.
" May nag aaway na naman! " Singhal ni Marge.
" Ano pa nga bang bago? Gusto mo lumipat na tayo ng tirahan? " Tanong ko.
Sa totoo lang nagtitiis na lang kami ni Marge dito sa apartment na tinitirahan namin. Hindi kasi nakukumpleto ang isang linggo na walang nag aaway na kapitbahay. Nung nakaraan nag batuhan ng mga plato sina Aizee at Ana dahil sa pusa ni Aizee na tumatae sa loob ng kwarto nila. Bakit hindi nalang nila gawing siopao iyong pusa para matapos na.
" Dannnnnnn! " Napatigil kami sa pag subo nung narinig kong may tumatawag sa akin.
" Mare narinig mo ba iyon? " Tanong ko kay Marge.
" Oo. " Saad niya. Agad naman kaming tumayo at sumilip sa bintana.
Nakita naman naming naka tayo si Ajake sa may gate. May hawak din siyang bote at gumegewang na kinakalampag ang gate.
" Si Ajake. " Saad ko.
" Dan lumabas ka jan. Mag usap tayo!" Sigaw niya.
" Mare labasin mo na. Huwag niyang antaying ako ang lumabas at ihampas ko ang boteng hawak niya sa ulo niya. Anong oras na at nag iingay siya rito! "
Agad naman akong nag suot ng jacket at lumabas.
Binuksan ko na ang gate at amoy ng alak agad ang sumalubong sa akin.
" Ajake lasing ka ba? " Tanong ko.
Agad naman siyang ngumiti. Baka ngiti siya pero bakas sa mata niya ang kalungkutan. Namamaga ang mga mata niya.
" Hello. " Saad niya at kumaway.
Pinipilit niya ring tumayo ng tuwid pero na a-out balance siya. Agad ko naman siyang hinawakan nung muntikan siyang dumulas.
" Bakit ka pumunta rito ng lasing ay este bakit alam mo ang bahay ko? " Tanong ko.
" Hinanap ko talaga ang bahay mo. " Saad niya.
Hinanap niya ang bahay ko? Para saan para manggugulo?
Biglang lumakas ang hangin. " Halika muna sa loob. " Saad ko at inalalayan siyang pumasok.
Pagkapasok namin ay inagaw ko naman ang hawak niyang bote ng alak at inabutan ng malamig na tubig.
Umupo rin ako sa tabi niya.
" Anong ginagawa mo rito? " Tanong ko.
Tumingin naman siya deretso sa mga mata ko. " Sorry. " Pag hingi niya ng tawad.
" Para saan? " Tanong ko.
" Sa ginawa namin ng mga barkada ko. Pasensya ka na at nadamay ka. "
" Ano bang ginawa niyo? " Tanong ko. Alam ko naman na ang ginawa nila. Pero mas magandang sa kaniya mismo mangagaling ang katotohanan.
Nagulat ako nung bigla siyang nag labas ng papel at iniabot sa akin.
Agad ko naman itong kinuha at binasa.
"Gagawa ka ng paraan upang ipahiya si Dan oh ipagkakalat kong na-rape ka nung bata ka. " Ang naka sulat sa papel.
Agad nagtaasan ang balahibo sa batok ko.
" Kayang gawin ng mga barkada mo ito! " Saad ko.
" Oo. Iyan kasi ang dare game namin. Ayoko sanang aminin sa iyo pero ang bigat ng nararamdaman ko tuwing nakikita kita. Tuwing nakikita ko na masaya ka pero napalitan ng galit ang mga ngiti mo. " Saad niya. Umiiyak na rin siya. Nakita ko na ang magandang ngiti ni Ajake. Ngayon nakikita ko naman ang mabigat niyang mga luha na dere-deretso ng pumapatak sa mga mata niya.
" Pe-pero hindi magandang gawing biro o laro ang pangit na nakaraan."
" Wala akong magagawa. Iyan ang pustahan. Sana maintindihan mo ako."
" Naiintindihan ko. Nakakatampo lang dahil ganun pala kababa ang tingin mo sa akin. Nagtatampo ako sa sarili ko dahil hinayaan kong bumagsak ako sa lupa mapansin mo lang. Hindi ako naaawa sa sarili ko dahil alam ko naman ang mangyayari, nagtatampo ako dahil kahit alam ko na ang kahihinatnan ay nagawa ko pa ring magpaka tanga para sa iyo. Pero okay lang sa akin na nagawa mo iyon. Oo tama ka Ajake nasaktan ako. Hindi naman ako napahiya sa mga tao napahiya ako sa sarili ko. Napahiya ako dahil sa kadahilanang umasa ako. Hindi naman ikaw ang may kasalanan. Ako, ako ang may kasalanan dahil umasa ako. Huwag kang mag alala dahil wala lang sa akin iyon. Ayos lang ako. "
Totoo naman na nagalit ako. Gusto kong magalit sa kaniya, gusto ko siyang awayin pero mas mabigat ang nararamdaman niya. Na-rape siya nung bata siya at alam ko na pilit niya itong kinakalimutan pero bakit inungkat ng mga barkada niya. Nakatitig lang ako sa kaniya nung nagsalita siyang muli.
" Siyam na taong gulang palang ako nung naglalakad ako pauwi galing eskwelahan. Madilim ang daan dahil kakatapos lang ng malakas na ulan. Naglalakad ako nung bigla akong hinila ng dalawang lalaki. Hinawakan ang bibig ko at nilagyan ng tali ang mga kamay ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil malakas ang pagkakahawak nila sa bibig ko. Nilagyan nila ako ng tali sa bibig at hinawakan ang leeg ko. Hanggang ngayon ay nakikita ko parin ang kanilang mga mukha. Ang madilim na awrang nakapalibot sa kanilang mga ngiti. Ibinato nila ako sa isang bakanteng lote at duon nila ginawa ang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa siyam na taong gulang na Ajake. Sinubukan kong kunawala ngunit wala akong magawa. Napakalakas ng kanilang katawan. Pinilit nilang ipinasok ang kanilang pagkalalaki sa akin. Umabot ng halos bente minuto nung natapos sila. Naka higa lang ako sa malamig na sahig habang pinupunasan ang mga luha ko. Iniwan nila akong nakahiga na para bang asong nasagasaan sa kalye. Sobrang sakit ng katawan ko at nakita ko rin ang dugong nasa sahig. Dugong nangangahulugang madumi na akong tao. Umuwi ako sa bahay nung araw na iyon pero hindi ako pinaniwalaan ng mga magulang ko. Ang sabi nila'y baka nananaginip lamang ako. Masakit sa parte ko na nawala ang pagiging inosente ko at nawalan din ako ng pagmamahal sa magulang dahil sa inasta nila. Takot na takot akong malaman ng ibang tao iyon kaya nagawa ko ang masakit na bagay na iyon sa iyo. Marahil tatanungin mo kung paano nalaman ng mga barkada ko. Nabasa nila ang diary na isinulat ko. Dahil sa lintik na diary na iyon ay nasira ako." Saad niya.
Gusto ko siyang yakapin, pero ayokong isipin niyang kinakaawan ko siya. Alam ko na sa mga ganitong sitwasyon, ang kailangan niya ay hindi awa, kundi isang tainga na makikinig, isang pusong handang umunawa. Sa mga titig niyang puno ng sakit, naisip ko na ang pinagdaraanan niya ay higit pa sa anumang salita.
"Kaya sana ay mapatawad mo ako," saad niyang muli bago siya bumagsak sa mga bisig ko. Sa mga sandaling iyon, ang damdamin ko ay tila nag-aalab. Para bang may apoy na naglalagablab sa aking dibdib—galit, takot, at pangangambang tila sinasakal ang aking mga pag-iisip.
"Ajake..." ang tawag ko sa kanya, ngunit walang lumabas na tunog. Ang tanging narinig ko ay ang malalim na paghinga niya habang nahihimbing.
"Marge, tulungan mo nga akong buhatin papuntang kwarto ko si Ajake," saad ko, tila may pangangailangan na ipagsanggalang ang kaibigan.
Lumapit si Marge sa amin, ang kanyang mukha ay nag-aalala ngunit nagpakita ng lakas. "Oo, Dan. Sige, hawakan mo siya sa likod. Ako ang bahala sa kanyang mga paa."
Inalalayan namin siya patungo sa aking kwarto, at ang bawat hakbang ay tila mabigat. Parang ang bawat sandali ay may dalang bigat na nagdudulot ng takot sa akin. Habang inihiga ko siya sa kama ko, isang bahagi ng isip ko ang nag-aalala sa kung anong mangyayari sa kanya. Ang sakit na dulot ng kanyang mga alaala ay hindi lang basta mga pangarap na nawasak; ito ay isang bangungot na patuloy na bumabalik sa kanyang isipan.
Hinawakan ko ang kamay niya, ang mga daliri niya ay malamig at tila walang buhay. Ipinikit ko ang mga mata ko, ang sakit ng kanyang kwento ay tila pumasok sa aking puso, umuukit ng mga alaala na hindi ko kayang kalimutan. "Ako ang magiging kakampi mo," bulong ko, naglalaman ng determinasyon sa aking boses. "Hindi ko hahayaang gaguhin ka pa ng mga peke mong kaibigan."
Nakatitig ako sa kanyang mukha, sinisikap na ipakita ang lahat ng suporta at pag-unawa. Hindi ko na kailangan pang magsalita ng marami. Sa mga sandaling iyon, alam kong ang presensya ko ay sapat na. Nais kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na may mga tao pa ring handang lumaban para sa kanya.
Bumalik si Marge sa sala, at naiwan kaming dalawa ni Ajake sa silid. Sa kabila ng tahimik na paligid, puno ang aking isipan ng mga tanong. Paano kung hindi siya makabangon mula sa sakit na ito? Paano kung ang kanyang mga kaibigan ang dahilan ng kanyang pagkawasak? Ang mga tanong na ito ay nagdudulot sa akin ng takot na parang may malaking anino na umaabot sa aming dalawa.
Sa paglipas ng mga sandali, unti-unting bumalik ang tahimik na paghinga ni Ajake. Natagpuan ko ang aking sarili na pinapanood siya, ang kanyang mga mata ay nakapikit, ngunit sa likod nito ay ang mga alaala ng sakit at takot. Nais kong ipagsanggalang siya, ngunit sa mga sandaling ito, ang tanging magagawa ko ay ang makinig sa kanyang kwento kapag siya ay handa na.
Muli akong bumalik sa aking mga naiisip. Hindi ko maiwasang magalit sa mga kaibigan niyang nagtaksil sa kanya. Paano nila nagawang gawing biro ang sakit na naranasan niya? Ang pighati sa kanyang mga mata ay patuloy na bumabalik sa akin, tila isang pagkukulong na hindi ko matakasan.
Tila wala akong sapat na lakas upang iligtas siya mula sa mga demon na patuloy na umuusig sa kanya. Ngunit nagpasya akong huwag susuko. Gagawin ko ang lahat para ipakita sa kanya na may pag-asa pa. Na kahit gaano man kalalim ang kanyang sugat, nandito ako, handang makinig, handang lumaban.
Nang sa wakas ay nahimbing siya sa aking tabi, ang takot at galit sa kanyang mga mata ay napalitan ng kapayapaan. Pinaubaya ko ang aking mga takot at pangangamba sa mga sandali habang unti-unting umuusad ang mga oras. Muli kong binalikan ang aking bulong, "Hindi ka nag-iisa. Huwag kang matakot. Ako ang iyong kakampi."
Habang nagmamasid ako sa kanya, naramdaman kong ang pag-asa ay unti-unting bumabalik sa aking puso. Sa likod ng mga luha at sakit, nandiyan ang posibilidad ng pagbabago. Pinasadahan ko ng daliri ang kanyang kamay, umaasa na kahit sa simpleng kilos na ito, maiparamdam ko sa kanya ang lahat ng aking sinseridad.
Sa mga susunod na araw, handa akong samahan siya sa kanyang paglalakbay. Sa bawat hakbang, magiging mas matatag kami. At habang natutulog siya sa aking tabi, alam kong may pag-asa pa.
Ang gabing iyon ay hindi lamang tungkol sa mga pighati. Ito rin ay isang simula ng isang laban na hindi kami nag-iisa. Sa kanyang mga hinanakit, natagpuan ko ang aking lakas. Sa kanyang mga luha, natagpuan ko ang dahilan upang lumaban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top