Shattered glass
Dan
Ang ganda talaga ng boses ni Ajake. Para akong inaakit. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi pinapansin itong si Marge na kinukulit akong umuwi. Kung kailan nag-umpisa ang pinaka-highlight ng gabing ito, tsaka pa nag-inarte si gaga.
"Mare, tapusin lang natin itong kanta, tapos uuwi na tayo," sabi ko, nag-aalangan.
"Mare, hindi ka ipapakilala ni Ajake. Trap ito. Narinig ko na may dare games sila at natalo si Ajake. Ikaw ang ginawa nilang pustahan," sagot ni Marge, ang boses niya’y puno ng babala.
Tinitigan ko naman siya. "Ano ba, mare? Kung totoo man iyon, okay lang. Kahit papaano'y napili ako ni Ajake," sagot ko, ngunit ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.
Nasa chorus na ang kanta nang bahagya itong huminto. May spotlight ding tumapat sa akin. Madilim ang kapaligiran at sa akin lang naka-focus ang ilaw. Nararamdaman ko na lahat ng tao ay nakatingin sa akin, kaya't nag-init ang aking katawan.
"Ngayong nand'yan ka na, 'di magmamadali. Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti," sabi ni Ajake, ang boses niyang puno ng damdamin.
Huminto siya ng bahagya at naka-tingin sa akin. "Sa lahat ng pagsubok na kinaharap ko, ikaw at ikaw ang naging pahinga ko," sambit niya, tila ba may mga salitang hindi niya maabot.
"Will you be my other half?" tanong niya. Napakalakas ng tibok ng puso ko.
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang sumigaw.
"Ann, will you be my happy ever after?" tanong niya, at ang isang babae sa harapan ko ay biglang tumayo.
"Yes, Ajake. I will be your happy ever after," sagot niya, at tumakbo papuntang entablado upang yakapin si Ajake.
Nakatitig lang ako sa kanila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, punung-puno pa ng yelo. Ice bucket challenge ba ito? Nanginginig ang buong katawan ko.
Hindi pala nakatutok sa akin ang ilaw. Nakatutok pala ito sa babaeng nasa harapan ko. Totoo nga ang sinabi ni Marge. Pero bakit ang sakit? Bakit ako nasasaktan?
Tumayo ako at pumalakpak ng malakas bago sumigaw.
"Congratulations! Palakpakan naman jan!" sigaw ko. Agad namang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin, ngunit sa loob ko’y tila nag-uumpisa na ang isang bagyo.
"Teh, mukhang hindi naman affected si Dan sa ginawa ni Ajake," narinig kong bulong ng isang babae sa likuran ko.
Affected ako. Ang sakit, pero hindi ko dapat ipakita kay Ajake na nasasaktan ako sa panggagago niya.
Natapos na ang kantahan at nagdesisyon na kaming umuwi. Nakainom na kami ng apat na bote ng alak, at ramdam ko na ang sipa nito sa katawan ko.
Naglalakad na kami palabas ni Marge nang biglang hinawakan ni Ajake ang kamay ko. Tumibok ng malakas ang puso ko. Nginitian ko siya.
"Dan, sorry," sabi niya, ang tingin ay puno ng pag-aatubili.
"So-sorry para saan?" tanong ko, nakangiti ngunit pilit pinipigilan ang sakit.
"Kanina."
"Huh, bakit?" tanong ko, parang nagmamakaawa ang boses.
"Alam ko na may gusto ka sa akin. At alam kong umasa ka na ipapakilala kita sa mga tao sa loob."
"Huh? Hoi, oo, tama ka. May gusto ako sa'yo, kaso mali ka sa part na umasa akong ipapakilala mo ako. Ajake, may taste naman ako sa isang tao, sa isang lalaki. I'm happy for you," sagot ko, binawi ang kamay ko mula sa kanya.
Ayokong maramdaman niya ang panginginig ng katawan ko. "Uuwi na kami," aniya ko, habang ang mainit na tubig ng mga luha ay tila naghihintay na tumulo.
"Ihahatid ko na kayo. Mukhang lasing na kayo," sabi niya, ang tono ay puno ng pag-aalala.
"Hindi, kaya pa namin. Mag-enjoy ka na lang diyan. Samahan mo ang girlfriend mo. First day niyo ngayon, kaya dapat siya ang samahan mo, hindi ako," sagot ko, ngunit sa likod ng aking isip, ang sakit ay nag-aalab.
"Dan, sorry."
"Bakit ba sorry ka ng sorry? Ayos lang iyon," sagot ko, ang tono ko’y pilit pinapabango ang sitwasyon.
Nararamdaman ko na ang namumuong mainit na tubig sa mga mata ko. Tumingin ako sa itaas upang mapigilan ang pagdaloy nito.
Kinapa ko ang bag ko at inilabas ang basong itinago ko.
"Ay, nandito pa pala ito. Akala ko naitapon ko na," sabi ko at naglakad papunta sa basurahan. Gamit ang mga kamay ko, pinilit kong binasag ang baso. Manipis lang naman ito kaya agad nabasag.
"Bakit mo itinapon iyong baso?" tanong ni Ajake, naguguluhan.
"Ah, hindi na kasya sa bag ko. Mare, tara na. Inaantok na ako," sabi ko at hinawakan si Marge. Itinago ko rin ang kanang kamay ko, natatakot na baka makita niyang nasugatan ako.
Tinalikuran na rin namin si Ajake at naglakad palayo. Kagaya ng paglalakad namin, dere-deretso na rin ang pag-agos ng mainit na luha sa mga mata ko, kasabay ng dugong nasa palad ko.
"Mare, sabi ko kanina na ayos lang, pero shit, ang sakit pala. Ang sakit umasa na ipapakilala niya ako. Ang sakit umasa na akala ko ako iyong tamang tao na para sa kaniya," sabi ko habang ang luhang walang katapusan ay unti-unting bumabagsak mula sa aking mga mata.
"Mare, ikaw naman ang tamang tao sa kaniya eh. Mali lang dahil maling tao ang nahanap niya. Wala kang ginawang mali. Gusto nga kitang palakpakan dahil hindi mo ipinakitang apektado ka kanina. Napaka-lakas mo kanina. I'm so proud of you," sagot ni Marge, niyayakap ako.
"Yeah, I'm so proud of me too," sagot ko, subalit ang sakit ay tila isang malamig na talon na humahawak sa aking puso.
"Dumudugo ang kamay mo!" sigaw ni Marge.
"Oo, binasag ko iyong baso kanina gamit ang kamay ko. Ramdam siguro ng baso ang galit ko kaya agad itong nabasag. Wala rin siyang ginawang kahit anong ingay dahil siguro'y alam niyang nasasaktan ako," sagot ko, ang boses ko'y tila nababalot ng pagkalumbay.
"Tara, mag-ice cream. Bili na rin tayo ng gamot para sa sugat mo," suhestiyon ni Marge, na tila hinahawakan ang aking balikat.
"Tara, bumili tayo ng maraming ice cream," sagot ko, ang sakit ay pilit kong pinaparam.
Naglakad kami papuntang convenience store upang bumili ng ice cream at band-aid.
The world will not stop spinning. Kagaya ng mundo. Hindi ako hihinto sa paglalakad hanggang mahanap ko ang tamang daan. Oo, nasaktan ako ngayon, pero hindi ito magiging rason at hadlang upang mahirapan ako. Gagawin ko itong rason upang maging masaya ang sakit na ibinigay sa akin ni Ajake. Haharapin ko siya na parang walang nangyari. Gagantihan ko siya sa paraan na siya naman ang maghahabol sa akin sa dulo.
Hindi ako magbibitaw ng masasakit na salita dahil alam ko kung gaano ito makakaapekto sa isang tao. Gagantihan ko siya sa paraan na alam kong masasaktan siya.
Masakit, sobrang sakit dahil umasa ako na magiging masaya ang gabi ko ngayon. Pero may bukas pa naman at marami pang gabing dadaan sa akin. Itong gabing ito ay isa lamang sa mga milyong bangungot na nararamdaman ko. Bangungot na kusang nawawala pag sapit ng umaga. Iiyak ako ngayon, pero tatawa at ngingiti ako bukas. Nasasaktan ako ngayon, pero gagaling at maghihilom na ako bukas.
Ako ang tamang tao na trinato mong hayop.
"Give me your forever" will not be as happy as before. It will be the scariest pain we'll both experience.
Habang naglalakad kami, sa bawat hakbang ay para bang may bagong pangako akong binubuo sa aking isip. Sa bawat luha, may bagong lakas na bumabalik sa akin. Hanggang sa makabuo ako ng isang plano: hindi na ako aasa sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top