special chapter

Jungkook's Pov

Hirap na hirap na ako. Ilang buwan na rin simula nung iniwan nila kami. Tanginang buhay 'to, parang wala ng saysay.

Andito kami lahat sa dorm. Dito na muna kami nakatira.

"Seokjin-hyung, sila Snow daw hinahanap ka na. Miss na miss ka na ng kambal mo."

Tiningnan niya si Namjoon-hyung. "Hayaan mo sila, nakikita ko lang si Farrah sa kanila."

Simula nung namatay si Farrah-noona hindi na siya umuwi sa kanila. Pinabayaan niya na yung mga anak niya kay auntie. Hindi lang namin mapagsabihan si hyung kasi magkakagulo lang.

"Tangina naman Jin, mga anak mo yon oh! Isipin mo naman sila, nawalan na nga sila ng nanay, pati ba naman tatay? Man up, paps!"

"Hindi mo alam nararamdaman ko, Yoongi! Just shut the fuck up!"

Pareho na silang nakatayo. Mukhang nagkakainitan na silang dalawa.

"Alam ko Jin, nawalan din ako. Nawala yung babaeng mahal ko na kapatid ko! Kaya wag kang umarteng ikaw lang nawalan kasi pareparehas lang tayo!" Pagkatapos niyang sabihin yon ay pumasok na siya sa kwarto niya.

"Puta! Ayoko ng mabuhay!" Nilapitan ko si hyung at niyakap.

"Puntahan mo na yung kambal, alam kong sila lang magpapagaan ng loob mo."

"Pasok na muna kami sa kwarto. Pakalmahin mo sarili mo hyung, hindi makakatulong yang galit niyo." Sabi ni Jimin-hyung.

Tinap ko lang siya sa balikat at pumasok na rin.

Natanaw ko na agad ang litrato ni Diane.

Nakangiti siya.

Baby, I hope na masaya ka diyan. I can't wait to see you.

sorry for not updating :'<

so how's my new covers gais?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top