💌: jimin
Dear Park Jimin,
Mochiiii koooo~ charot.
Oy chim wala ka bang balak magseryoso? Ikaw nalang napag iwanan sa grupo. Ay si Yoongi pa pala, kayo nalang kaya 'no?
Huehue hindi sa pagiging assuming pero alam kong hinihintay mo ako. Chim? Napag usapan na natin yon diba? Si Taehyung yung mahal ko. Kung umamin ka lang sana sakin noon, edi tayong dalawa nagkatuluyan.
Yep, tama yung nabasa mo. Gusto na kita bago ko pa makilala si Taehyung. Nakikita kasi kita sa university non, e. Ang gwapo at ang cool mo. Don ako simulang nagkagusto sayo. Kaso wrong timing ka naman, e. Tsaka ka umamin sakin nung hindi na kita gusto. Ayan tuloy nauna na sayo si Taehyung. Pero wala naman akong magagawa kung hindi mo pa ako gusto non, hindi naman kita masisisi don.
Hoy, alam kong malungkot ka habang binabasa 'to. Hindi ko sinabi sayo yan para magsisi ka sa hindi mo ginawa noon. Ayoko lang na ulitin mo yan. Kasi ikaw na naman yung matatalo, e. You deserve someone better that will love you. Sadyang hindi mo lang talaga ako deserve, chim. Masyado kang mabait para sakin. You're an angel in disguise. Ang swerte ko para mahalin ng isang katulad mo. You're a good man, Jimin. Alam kong kaya mong magmahal ng iba maliban sakin. Siguro andiyan lang siya sa tabi tabi, sadyang hindi pa kayo pinagtatagpo. Wag mo na akong mahalin, huh? Masasaktan ka lang, hindi mo deserve masaktan.
Yah, I'm so thankful to you, to have you. Ikaw yung andiyan para sakin nung walang wala ako. Ikaw yung umalalay sa akin nung ang gago gago ni Taehyung. Haha ayoko ng pahabain 'to. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita bilang kapatid at kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top