89

Jungkook's Pov

Lahat kami ay nakasalampak na sa sahig. Walang may nakakaalam kung ano pwedeng mangyari sa kanila sa loob. Kanina pa kami naghihintay dito pero wala paring balita sa kanila.

Si Taehyung-hyung pinagdidiskitahan yung hawak niyang envelope. Hindi ko alam kung anong gagawin niya don, bubuksan ba niya o hindi. Pati yung hawak kong envelope hindi ko alam kung bubuksan ko.

Lahat kami may hawak na mga envelope, maliban lang kila Namjoon-hyung at Hoseok-hyung. Nakuha namin yung mga envelope na hawak nila Diane. Dahil na rin sa nangyari kanina hindi na namin magawang buksan.

Please, iligtas niyo po sila.

Sabay sabay kaming napatayo nang lumabas na yung mga doktor.

"D-Doc? Kamusta na po s-sila?"

Tinanggal ng doktor yung surgical mask niya. No no, hindi pwede.

"We're so sorry, we did our best to save them. Masyadong malala ang sinapit nila kaya hindi na kinaya ng kanilang katawan. We're so sorry again. But may isang nakaligtas, and we don't know kung tatagal pa siya." No no, mali lang yung narinig namin diba? Lahat sila hyung nakatulala, hindi makapaniwala sa nangyari.

"Ahm, sino po yung nakaligtas Doc?"

"Diane?" Bigla akong nabuhayan pero ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak.

Thank God, she's safe now! Fuck I want to see her now.

"And b-before I forgot, sino dito ang asawa ni Faye?"

Nagtaas ng kamay si Namjoon hyung. "B-Boyfriend palang po, Doc. Magpopropose palang s-sana."

"I'm sorry, but hindi rin namin nailigtas ang 1 month baby niyo. Pasensya na."

"Baby? Baby namin ni Faye? M-may anak na dapat kami?"

Tangina pati batang walang kamuwang muwang nadamay!

"At Mr. Taehyung, kinailangan naming tanggalin ang baby sa sinapupunan ng asawa niyo para makaligtas. Pre-mature po ang baby dahil 4 months pa lang, kaya ilalagay muna namin siya sa incubator."

"Mauna na po kami."

Hindi na tumigil sa kakaiyak si Namjoon hyung ng nalaman niyang dalawang anghel ang nawala sa kanya. Si Tae-hyung nakasalampak nalang sa sahig.

***

Pumasok na kami sa room kung nasaan sila.

Napaisip ako bigla, pati ba naman sa ganitong sitwasyon pinatunayan pa rin nila na 'Friendship goals' sila.

Ang sakit sakit na makita silang nakahiga lahat na walang buhay. Pero masaya ako na buhay si Diane, nalulungkot ako para kila hyung.

"PUTANGINA! BAKIT GANITO YUNG NANGYARI?! FARRAH YUNG MGA ANAK NATIN!" Yakap yakap lang ni hyung, yong katawan ni Farrah-noona.

Nilapitan ko si Diane. Nasilayan ko na agad ang ngiti niya. Ang ganda ganda parin niya kahit amputla niya na lalo na yung ngiti niya.

"Diane buhay ka! Thank you, thank you!" Pinaghahalikan ko siya sa bawat parte ng mukha niya.

"Jeon tandaan mo mahal na mahal kita."

"Alam ko Diane, kaya wag kang magsalita ng ganyan na parang iiwan mo na ako. Sasagutin mo pa ako e." Ngumiti lang siya sakin, pero malungkot yung mga mata niya.

"My answer is a big yes kookie. Sinasagot na kita." What the?!

"Talaga Diane?" Tumango siya sakin

Shit! I can't compose my feelings right now!

"Thank you Diane! Mahal na mahal din kita." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kaya magpagaling ka kaagad ah?" Dahan dahan siyang umiling sakin, kasabay non ang pagtulo ng mga luha niya.

"Sinagot kita para hindi ka na magmahal ng iba. Hayaan mo muna ako maging selfish huh? Kahit ngayon lang, bago ako mawala, please?"

"Ano bang sinasabi mo Diane? Buhay ka nga e, hindi ka mawawala."

"Sorry Jungkook, mahal na mahal kita. Pero mahal ko din mga kaibigan ko. Ayokong iwan sila, baka magalit sila sakin. A-ayokong mangyari yon Jeon."

"Hindi Diane, hindi sila magagalit sayo. Maiintindihan ka nila."

"Hindi ko na rin kaya, napapagod na rin ako. Mahal na mahal kita Jungkook. Maghintay ka muna ng ilang months bago ka magmahal ng iba ah? I love you, but I need leave you. I'm so sorry baby b—" No! Damn this shit! Iniwan niya na din ako.

"Diane? Bakit? Masaya ka bang iniwan mo na rin ako?!" Inalog alog  ko lang siya.

"Diane naman! Hindi naman pwede na sinagot mo lang ako tapos iiwan mo agad ako! Kailangan nating magcelebrate. Gumising ka na diyan! Please lang, ang sakit sakit na..."

Hagulgol lang ang naririnig sa kwarto na ito. Puro iyak ng mga taong nasasaktan.

"Love ko? Yung baby natin nakaligtas, pero bakit ikaw hindi? B-bakit hindi mo sinabi saking 4 months ka na palang buntis? Akala ko nananaba ka lang non.. love? Marianne, alam mo bang magpopropose na ako sayo pagbalik namin. Akala ko ikaw ang masusurpresa, pero ako pala. Grabeng surpresa 'to love." Inayos niya yung buhok na nakaharang sa mukha ni noona.

"Uy, Faye. Gising ka na. Sino na mamanyakin ko? Tsaka nagbunga na pala yung pangmamanyak ko sayo. Bakit hindi mo sinabi agad, huh? Edi sana hindi ako umalis.. edi sana b-buhay pa kayong dalawa ng baby natin. Wake up babe, nasasaktan na ako."

"Ahnnnnnnny! Hindi pa tayo bati ah! Tumayo ka diyan at awayin mo ako! Miss ko na yung hampas mo wifey ko." Nakangiti si hyung pero tuloy tuloy yung pag-agos ng luha niya. Ganyan siya e, ayaw niyang pinapakita na nasasaktan siya, na nahihirapan siya.

"Hoy tangina mo Mae, may pangako pa tayo sa isa't isa na magbobonding tayo ah. Alam mong ayoko sa talkshit, gumising ka na."

"Mga paps, bakit sila nakangiting lahat? Masaya ba silang i-iniwan na nila tayo?" Hindi ko na naman mapigilang hindi umiyak.

Traydor na luha 'to!

"Sir's? Kunin na muna namin sila, kailangan na po namin silang dalhin sa morgue." Tumango sila hyung.

Tangina, wala pa bang sasakit sa nangyari ngayon?

i'm so sorry guys, but i had to. please forgive me again :((

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top