58

Diane's Pov

Sa sobrang bagot ko sa bahay napagdesisyunan kong pumunta muna sa hitman pizza. Wala akong magawa e, so kapag andon ako pwede akong makatulong diba?

K defensive ko masyado.

Bakit wala si Jeon dito? Akala ko ba morning shift siya?

"Jackson asan si Jeon?" Yung kaibigan ni Jeon na waitress dito. Gwapo din 'to e.

(A/N: bias ko po si Jackson sa Got7 ayieee haha skl)

"Pagkakarinig ko may sinundo, si Princess ata?" Yung babaeng yon? Pavip siya ah. Sundo-sundo pang nalalaman tss.

"Kanina pa ba siya umalis?"

"Yup, parating na yon." Tumango nalang ako sa kanya. Ano ba sa tingin ng Princess na yon siya huh? Hello nililigawan here. Tss kaurat amp.

"Guys, help!" Tss boses ng maharot ng Princess na yon. Dumating pa siya. Teka bakit ba inis na inis ako?

"Oh anong nangyari diyan kay Jungkook?!"

Bigla akong napatayo ng akay-akay ni  Princess si Jeon. Bakit may galos yon sa mukha?

"OA mo Cess, malayo naman sa bituka 'to e. Gasgas lang naman inabot ko e."

"Kahit na! Gash sorry talaga, dapat hindi nalang ako nagpasundo para hindi ka nadisgrasya." So? Obviously naman na Princess ang may kasalanan. Tss napaka-arte kasi, sundo sundo pang nalalaman.

"Oy Diane, andito ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi Jeon, baka anino ko lang 'to." Di ko maiwasang mainis sa kanya. Bakit? Hindi ko rin alam. Basta naiirita  ako sa kanya, kay Princess. Sa kanilang dalawa.

"Sungit naman nito, red days mo ba ngayon?" Naaksidente na nga, nagawa pang mang-inis! Ugh!

"Princess oh, ayan na yung first aid."

Bago pa makuha ni epal (Princess) yung first aid, hinablot ko na agad kay Jackson. Ako na maggagamot kay Jeon.

"Halika sa labas Jeon, ako na gagamot."

Baka lalo pang lumala kapag yong Princess na yon pa gagamot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top