CHAPTER TWO
HOMETOWN
Marahang hinilot-hilot ni Charlie ang ulo nang makita ang address na ipinadala ni Thea sa kanya. Ilang beses siyang huminga ng malalim at hinilot-hilot pa ang batok. She knew that address. She knew that place.
It was in her hometown in San Juan, Batangas.
The place that she promised herself not to go back.
Naiiling na tinawagan niya si Thea.
"Are you sure this is the address?" Paniniguro niya. Baka nagkamali lang kasi ng ipinadala sa kanya ang matanda.
"Yes, hija. Hours away lang naman iyan dito sa Maynila. I am sure kapag ibinigay mo na kay Armando ang papeles na iyan, siguradong pipirmahan na niya dahil mahihiya siya sa iyo. Use your persuading charms."
Hindi niya alam kung bakit naisipan pa ni Thea na gawin siyang messenger. She wanted to spend her day with Connor and start to plan for their wedding. Pero hindi niya magagawang tanggihan ang taong pinagkakautangan niya ng kung anong natatamasa siya ngayon.
"Fine. Sige bibiyahe na ako ngayon para makabalik ako agad mamaya." Tonong wala na siyang magawa.
"Good luck, Charlie. Tawagan mo ako agad at sabihin kung anong mangyayari."
Literal na sumakit ang ulo ni Charlie nang makabalik sa penthouse dahil sa mga nangyayari. Painis ang paraan niya na isinuksok ang mga gamit sa bag tapos ay tinawagan ang kanyang sekretarya at ibinilin na mawawala siya maghapon.
Madali lang naman sana ang task na ito ni Thea. Ang mahirap lang ay ang lugar na pupuntahan niya.
There were so many memories in that town. Happy. Sad. Pero mas malamang ang sad dahil doon niya naranasan na mawala ang lahat sa kanya.
Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe nang tumunog ang telepono niya. Agad niyang sinagot ang tawag ni Connor at inilagay niya sa speaker mode ang telepono para makapagmaneho siya ng maayos.
"You're going somewhere, babe? I went to your office and your secretary told me you have a schedule to travel out of town. You forgot to tell me."
Napangiti siya. Ang lambing-lambing ng boses ni Connor.
"Thea gave me a task that I needed to do personally. I am sorry. Biglaan kasi talaga ito. But I'll be coming home later this evening."
"Bakit hindi mo na lang ako isinama?" Hindi niya alam kung bakit na-guilty siya kahit wala namang bahid pagtatampo ang boses ng lalaki.
Puwede ba niyang sabihin na kaya hindi niya sinabi sa lalaki ay para hindi talaga ito sumama sa kanya? She doesn't want Connor to know who she really was. She doesn't want him to know the life she turned her back upon.
She doesn't want Connor to know the real Charlie de Vera.
"Babe, I know how busy you are, and I don't want to be the cause of your stress. Magulo ang inutos na ito ni Thea. Hindi ko lang talaga mahindian." Katwiran niya.
"And so? Maybe I can help you." Napahinga ng malalim ang lalaki. "But fine, I can feel that you don't want me to go with you. Do your thing. Baka isipin mo naman masyado akong naghihigpit sa iyo. Even if we are engaged, I still want you to do your usual stuff. I told my mother about us and she was shocked." Natatawa na ito ngayon.
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng kaba. Iyon ang isa sa kinatatakutan niya. Alam niya kung paano siya i-scrutinize ng nanay ni Connor. Sa tuwing makakaharap niya ang babae ay para siya nitong inuuri.
"What did she say?"
"Well, shocked but she can't do anything about it. It's my life and I am going to do what I want. And that's what I wanted. To be married to the most successful and beautiful designer in the world." Tumawa pa ito. "Besides, kapag nakasal na tayo, sigurado na rin ang pagtaas ng posisyon ko sa company ni dad."
Kapag ganoon na ang tono ni Connor ay nawawala na ang pag-aalala niya.
"I'll see you later, okay? I love you." Nakita niyang papasok na sa probinsya nila ang daan na tinatahak niya.
"I love you too. Miss you already. Have fun."
Wala na siyang narinig pa kay Connor kaya ini-end na niya ang tawag nito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Dinampot niya ang bote ng tubig na nasa passenger side at uminom doon. Pagbalik niya sa kalsada ng paningin ay nakita niyang may lalaking papatawid na may mga bitbit na mga supot.
Mabilis niyang inapakan preno ng sasakyan at natapon sa sarili niya ang hawak na bote ng tubig.
"Fuck!" Inis na inis si Charlie. Nagkalat ang tubig sa mukha niya at sa damit pati sa dashboard ng sasakyan. Inis niyang inalis ang seatbelt at bumaba ng kotse. Naabutan niya sa harap ng sasakyan ang lalaking patawid na nagpupulot ng mga kamatis at sibuyas na kumalat sa kalsada.
"Are you fucking blind? Nakita mong kalsada ito at may mga dumadaang sasakyan tapos bigla kang tatawid?" Asar na singhal niya sa lalaki.
Nag-angat lang ito ng tingin at pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Nang matapos damputin ang mga pinupulot, tumayo na ito sa harap niya at bahagya siyang napa-atras.
Ang tangkad ng lalaki. Parang kapre. Kahit na simpleng t-shirt at maong lang ang suot nito ay alam na alam niyang maganda ang katawan na nagtatago doon. Sa tagal na niya sa fashion industry, alam na niya ang mga magagandang katawan ng lalaki kahit may suot itong mga damit. At nang tingnan niya ang mukha nito ay punong-puno iyon ng balbas at bigote na halos pumuno sa mukha nito. Pero hindi naman nakakadiring tingnan. Sa katunayan, bumagay pa dito at lalo lang nagmukhang hot. Ilalampaso nito ang sikat niyang modelo na si Philip Cruz na madalas niyang kinukuha sa mga fashion shows niya.
The guy was a screaming trouble. Trouble but he still looks delicious.
Mabilis niyang ipinilig ang ulo para mawala ang kung ano-anong pumapasok sa isip niya. Bahagya siyang napa-ehem pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kinakabog ang dibdib niya habang nakatingin sa kanya ang lalaki.
"Sa susunod, titingnan mo ang tinatawiran mo." Pinilit na lang niyang magtaray para mapagtakpan na apektado siya ng presensiya ng lalaki. Inirapan pa niya ito at lumakad na pabalik sa kotse.
"Dayo ka dito?"
Napahinto siya sa paglakad at nilingon ang lalaki. Hindi niya maintindihan ang kilabot na dulot ng boses nito sa sarili niya. That voice. It reminded her of someone that she buried together with her dark past.
Saglit niyang tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Imposible. Siguro ay magkaboses lang sila. It could not be him. The man from her past doesn't look like this.
Nakatingin sa kanya ang lalaki habang kipit nito ang mga supot na may laman na sibuyas at kamatis.
"No, I am not. Please move away from the road. Mamaya masagasaan ka pa maging kasalanan ko pa." Inirapan na niya ito at dire-diretso siyang sumakay sa kanyang kotse.
Tumabi naman ang lalaki pero nanatiling nakatingin sa kanya. Painis ang ginawa niyang pagmamaneho paalis doon. Ni-rev pa niya ng malakas ang kotse niya para lang makaalis na.
She doesn't want any distractions in this place.
Ang purpose lang niya kaya bumalik siya dito ay dahil sa utos ni Thea. Bukod doon ay wala na.
-------------
Ipinarada ni Charlie ang kotseng minamaneho sa harap ng isang malaking bahay. She knew this place. Naalala niya noong maliliit pa sila, lagi silang napapadaan sa bahay na ito. Mansiyon nga ang tawag nila ng mga kaibigan niya. Ito kasi ang nag-iisang malaking bahay dito sa bayan nila. Hindi nila kilala ang nakatira. Nang makilala niya si Thea, noon lang niya nalaman na ang asawa pala nito ang may-ari noon. Sabi nga niya, sobrang small world. Tawa nga ng tawa si Thea sa kanya kapag ikinukuwento niya ang mga escapades niya noong kabataan tungkol sa bahay na ito.
Kapag yumaman ako, bibilhin ko ang bahay na ito para sa iyo. Diyan tayo titira. Diyan natin palalakihin ang mga anak natin. Anong kulay ang gusto mong ikulay diyan?
Black.
Iyon ang gusto niyang kulay sa bahay na iyon. At ang nasa harapan niyang bahay ay ganoon na ganoon ang kulay. Itim and pinta ng buong bahay na napapaligiran ng salamin. Ang pinaka-accent ay ang warm lights na nakapaligid dito. Sigurado siyang mas magandang tingnan ang bahay na ito sa gabi dahil sa likod nito ay tanaw ang malawak na dagat. It was designed like those houses that she saw in some modern architectural magazines. Ganito ang plano niyang bahay na ipatayo kapag nagpakasal na sila ni Connor.
And she really liked this one. Hindi niya nabalitaan na nagpa-renovate pala ng bahay si Armando.
Sabagay, matagal ng walang communication si Thea at Armando kaya hindi na rin niya alam ang nangyayari tungkol dito. Thea was very vocal that she doesn't want to hear any news about her estranged husband.
Bumaba siya sa sasakyan at hinubad ang suot na shades. Kinuha niya ang bag at dinukot doon ang envelope na naglalaman ng papeles na dapat pirmahan ni Armando. Nag-doorbell siya pero walang sumagot. Naiinitan na siya. Sinubukan niyang itulak ang gate at bumukas naman. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Kung makikita naman siya ni Armando dito, siguradong makikilala siya
Dumeretso siya sa pinto ng bahay. Kumatok at tinatawag ang pangalan ng lalaki. Wala pa ring sumasagot. Sinubukan niyang buksan at bumukas naman. Pumasok na rin siya. Nilinga niya ang paningin sa loob at lalo siyang humanga doon. Kung maganda sa labas, mas maganda sa loob. De-klase ang mga gamit. Well maintained ang bahay. Halatang alaga sa linis at renovation.
"Armando," muli niyang tawag. Kinuha niya ang telepono sa bag at idinayal ang number ni Thea.
Palinga-linga pa rin siya sa paligid at nagbabakasakali na makita niya ang matandang lalaki.
"Thea, I am here in Armando's house. Wala naman yata siya dito." Sabi niya sa kausap at inihanda na niya ang mga papel na dala niya.
"Oh, I am sure he is there. That man is a hermit. Hindi iyon lumalabas sa lungga niya."
Napa-rolyo siya ng mata. Gusto na talaga niyang iwan na lang ang papeles dito at babalik na siya sa Maynila.
"Dear, enjoy your stay there. Sigurado akong maraming itatanong sa iyo si Armando at magpapakipot iyon na pirmahan ang mga iyan. But I know you can do it. Call me when it's done." Magsasalita pa sana siya pero pinatayan na siya ng call ng matanda.
Napahinga na lang siya ng malalim at painis na naupo sa sofa na naroon. Mahina siyang napamura. Bakit ba nauubos ang mahalagang oras niya dito? She should have stayed in her office designing wedding gowns for her high-end clients rather than wasting her time in this low life place.
Nakaramdam siya na may kumakaluskos kung saan. Agad siyang tumayo nang makarinig ng mga yabag patungo sa sala kung saan naroon siya.
"Armando, Thea asked me to-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil hindi nag-iisa si Armando nang pumunta sa sala. May kasama itong isang lalaki at napakunot ang noo niya nang makilala kung sino iyon.
Iyon ang lalaking muntik na niyang mabangga kanina. Ngayon ay nakasuot na ito ng chef's uniform at may bandana sa ulo. Ibang-iba ang hitsura kanina sa nakita niyang mukhang rugged stray man sa kalsada.
Hot rugged stray trouble. Pagtatama ng isip niya.
"Charlie?" Paniniguro ni Armando. Halatang gulat na gulat na makita siya doon.
Alanganin siyang ngumiti sa matanda. "Hi, Armando." Bati niya dito.
"Charlie! Wow. This is a surprise. What are you doing here?" Lumapit ito sa kanya at yumakap tapos ay humalik sa pisngi niya. Napatingin siya sa lalaki na kasama nito na nanatili lang na nakatingin sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha. Strange, he was looking at her like she was someone that he didn't want to see. She could see anger in those eyes.
Gumanti siya ng yakap sa matanda at humalik din sa pisngi nito.
"What are you doing here?" Muli ay ulit nito sa tanong kanina.
"I-I was- well- Thea asked me-" hindi niya maintindihan kung bakit siya nabubulol. Dahil ba sa hindi inaalis ng lalaking naroon ang tingin nito sa kanya?
"Thea?" Ngayon ay sumeryoso na ang tinig ng matanda. Nawala ang jolly expression sa mukha nito.
"Yeah." Pinilit niyang ngumiti. "Well, she asked me to-"
"Ding! Nadala ko na sa likod ang pinabili mong karne ng baka saka mga kulang na gulay."
Pare-pareho silang napatingin sa dumating na lalaki doon na nakasuot din ng chef's uniform. Kumunot ang noo niya. Kilala niya ang lalaking iyon.
"Herman?" Paniniguro niya.
Takang tumingin sa kanya ang lalaking tinawag niya at pilit siyang kinikilala. Tapos ay biglang nagliwanag ang mukha.
"Charing?!" Mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki at yumakap sa kanya.
Napangiwi siya nang marinig ang pangalan na iyon. Isa iyon sa mga ibinaon na niya sa limot tungkol sa pagkatao niya.
"It's Charlie now, Herman." Marahan siyang lumayo dito at ngumiti. Isa si Herman sa mga kababata niya na halos kasabayan niyang lumaki dito sa lugar nila.
Bumaling ito sa lalaking kasama ni Armando.
"Ding, hindi mo ba nakilala si Charing?" Paniniguro nito.
Nanlaki ang mata niya at napako ang tingin sa lalaking tinawag na Ding.
At gusto niyang kumaripas ng takbo nang tuluyang makilala kung sino ang lalaking iyon.
Si Ding.
Si Donato Alvarez.
Ang pinaka-heartthrob sa lugar nila noong araw at iniiyakan ng mga babae.
Ang lalaking minahal niya pero iniwan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top