Chapter 2
Third Person's POV
Tagaktak ang pawis at sunod-sunod ang 'di mabilang na pag-alpas ng luha ni Odessa habang nakatingin sa kawalan at pilit hinahanap ang sagot sa mga katanungang naglalaro sa kanyang isipan.
Ang tanging ginagawa niya lang sa araw na iyon ay ang umiyak at tumingin sa malayo, 'di alintana ang mga naririnig na bulungan mula sa mga taong nakapaligid sa kanya at pinagmamasdan ang mga galaw niya.
"Odessa, aalis na kami," saad ng kung sino ngunit wala siya sa tamang huwisyo para lingunin ito. Tumango lamang siya nang hindi tumitingin sa taong nagpapaalam sa kanya.
Maya-maya pa'y naging tahimik ang buong paligid na naging dahilan ng muling pagbuhos ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
Nawala na sa kanya ang lahat. At ang tanging karamay ay ang sarili. Nanginig ang kanyang mga tuhod at hinayaan ang sariling sumalampak sa lupa dahil sa panghihina, not minding if it makes her dirty. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala ngunit wala na siyang sapat na lakas upang gawin ang mga bagay na iyon. Ubos na ubos na siya. She can't think of something else that she needs to do.
"Mama, papa. Pakiusap, bumalik kayo sa'kin!!" She find herself, trying her best to talk as she screams those words as loud as she can while staring and caressing her parents grave.
The same date and almost the same time, she lost the half of her life. Her world just crashed into pieces at wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya dahil sa parehong oras nawala ang mga pinakamamahal niya sa buhay. The feeling of losing her parents at once breaks her heart and her nonstop tears can prove it.
Mrs. Davika Del Sierra died because of illness and at the same day, Mr. Almio Del Sierra met an accident and was announced dead on arrival. At her young age, Odessa is currently experiencing the most heartbreaking tragedy of her life.
Hanggang ngayon, hindi niya alam ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya. Parang pinipiga ang puso niya at unti-unti na siyang pinapatay sa sakit na nararamdaman.
Walang tigil siya sa pag-iyak at pilit na tinatawag ang kanyang mga magulang na para bang babalik sila kapag ginawa niya ang bagay na iyon. Umaasa siyang panaginip lang ang lahat ngunit hindi. Wala na ang kanyang mga magulang. Wala na siyang matatakbuhan sa oras ng kagipitan. Wala ng magmamahal sa kanya.
"Mama, papa...k-kailangan ko kayo. H-Hindi ko kahit kailanman ito matatanggap. Gusto ko pa kayong makasama....h-habang buhay!! H-Hindi ko kaya. Mahal k-ko kayo. Mahal na mahal ko kayo. Pakiusap.....b-bumalik kayo sa'kin..s-sige na po!!" It's hard for her to even talk clearly. Nangunguna ang kanyang hagulgol at sumisikip nang sumisikip ang kanyang dibdib na halos hindi na siya makahinga.
Hanggang sa naglaban na lang ang liwanag at kadiliman sa kalangitan ay wala parin siyang tigil sa pag-iyak. Ilang oras na siyang nananatili sa puntod ng kanyang yumaong magulang at hindi niya alintana ang lumalamig na gabi dahil naging manhid siya sa panahon ngunit nasasaktan naman siya at nalulunod sa sakit.
Hanggang sa gumabi ay wala siyang naging pakealam. Hanggang sa bumuhos ang ulan ay hindi niya ito pinansin. Basang-basa na siya ngunit naroon pa rin siya na tiningala ang langit at sinalubong ang malakas na buhos ng ulan habang bumubuhos din ang kanyang mga luha at habang nakaluhod ang mga tuhod sa maputik na lupa.
She tightly closed her eyes and reminisce all the memories she had made with her family. Iyon na lang ang magagawa niya. Iyon na lang ang meron siya. She can't do anything now but to depend on those happy memories. It is the only thing she has right now. It is her last card to ease the pain on her heart pero kahit na anong gawin niya, kahit masasasaya ang mga ala-alang iyon ay sumasakit parin ang kanyang puso. It's too painful to even think about then. Those memories is the only thing she has, but why does it hurts? Memories. Memories that will never be the same anymore and will never ever happen again.
It's funny how she tried her best to fought with those tears and pain and it hurts her because she can't win. She will always be the loser. There is nothing more painful than being left behind.
Nakauwi na lang siya sa kanilang bahay at hindi niya alam kung paano. Madilim ang paligid ngunit maliwanag pa sa kanyang ala-ala ang mga nangyari. Nilakasan niya ang loob at wala sa sariling nagtungo sa kanyang kwarto. Umupo siya sa dulo ng kanyang kama hindi alintana na basang-basa pa siya. She closed her eyes and her back met the smooth foam of her bed.
"Odessa!! Hoy, Odessa!!" Isang sigaw na naging dahilan upang mapabalikwas siya.
She roamed her gaze around. It's amazing how the warm bright of the sun, kissed her skin. The weather is wonderful and fine ngunit hindi siya. Dumapo ang kanyang mga mata sa kanyang suot. It's the same white dress she's wearing yesterday. Naalala niyang hindi na pala siya nag-abalang magpalit nang makauwi siya kagabi dahil sa pagod niya.
"Odessa! Hoy bata ka!! Huwag mo 'kong taguan. Alam kong nandyan ka lang sa loob!!
Muli niyang narinig ang matinis at tila naiinis na boses mula sa taong kilalang-kilala niya. Agaran niyang tinahak ang daan para salubungin ang taong sumisigaw at natagpuan niya ito sa sala ng kanilang bahay.
The lady on her late 40's met her gaze and raised her eyebrows at her. She was impatiently waiting for her.
"Aling Grasya-"
"Ayoko na ng paligoy-ligoy pa. Asan na ang paunang bayad mo sa utang ng mga magulang mo. Aba!! Kahit kamamatay lang nila, hindi ko palalagpasin ang buwan na ito dahil kailangan ko iyon!!" the middle-aged lady said, cutting her off.
Natutop naman niya ang kanyang bibig dahil sa unang bungad nito sa kanya. Hindi niya alam ngunit biglang nangilid ang luha sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya itong tumulo at nagpapasalamat siya at nagawa niya. Kalilibing lang ng mga magulang niya kahapon at ito agad ang bubungad sa umaga niya. Wala na ba siyang mas imamalas pa?
"S-Sandali lang po," mahina niyang sambit at tinalikuran ang ginang upang magtungo sa kanyang kwarto.
Kinalkal niya ang damitan at doon nakita ang isang pink na box kung saan niya nilalagay ang mga ipon mula n'ong bata pa siya. Sa kasamaang palad, mukhang aabot iyon sa limang libo kung saan ay kasya lang sa minimum na sinisingil ng ginang sa kanya.
Ang limang libo na iyon ay ipon niya sa loob ng walong taon.
Napaluha siya ngunit agad din niyang pinalis iyon at nagmadaling bumaba.
"H-Heto na po," sambit niya at nilahad ang pera sa harap ng ginang at marahas lang niya itong hinablot mula sa kamay niya.
Rumehistro ang sakit sa mukha ni Odessa dahil may kalakasan ang paghablot nito kaya naman nasaktan ang kamay niya.
"Wala na ba itong dagdag? Kulang ito!" pabulyaw na saad ng ginang kaya napaatras siya nang bahagya.
"W-Wala na po, Aling Grasya. Iyan na po lahat ng pera ko. S-Sa susunod na lang po ako babawi," nagmamakaawang saad niya at lumuluha na hindi man lang pinakealaman ng ginang.
"Siguraduhin mo lang dahil malaki-laki ang utang ng mga magulang mo sa'kin. Sa susunod, doblehin mo ang ibigay mo kung ayaw mong tumawag ako ng police at palayasin ka dito!!" the lady uttered and walked out.
Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang sentido kaya napahawak siya roon at napaupo na lang siya sa sofa habang tumutulo ang mga luha.
Kailan ba ito matatapos. Kailan ba giginhawa ang buhay niya. Hanggang kailan pa ba siya iiyak at iindahin ang bawat masasakit na umaga niya. Napatakip siya sa mukha at sunod na narinig ang sunod-sunod na hikbi. Hanggang kailan siya magiging ganito.
Lingid sa kanyang kaalaman, ang ginang na si Aling Grasya kung tawagin nila ay ang pinag-kakautangan ng kanyang ama para sa pangtustos sa kanyang ina. Nasa Maynila ang tatlong anak nito at linggo-linggo siyang pinapadalhan ng malalaking halaga ng pera kaya naman isa ito sa may kaya sa lugar nila. Ngunit kahit na sabihing may karangyaan ang buhay nito ay kilala siyang masama ang ugali dahil mayabang ito at mapag-mataas sa kapwa. Mayabang lang naman ito dahil nakapangasawa ang panganay niya ng mayaman na taga Maynila.
Pinahid ni Odessa ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Pinikit niya ang mga mata bago huminga nang malalim tsaka niya iyon ibubuga. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Muli siyang napabuntong-hininga n'ong nag-ingay ang kanyang tiyan kaya naman agad siyang nagtungo sa kusina ng kanilang bahay. Naalala niyang ilang-araw na siyang walang maayos na kain dahil nawalan siya nang gana.
May maliit silang ref at iyon ang binuksan niya at nakahinga naman siya nang maluwag no'ng may dalawa pang itlog na natitira doon, isang pack ng hotdog at konting gulay. Nilabas niya lahat ang mga iyon at agad na tinanggal ang saksakan nito. Naisip niyang mukhang hindi na niya iyon magagamit dahil malaki-laki rin ang hatak nito na bayarin sa kuryente.
Sinimulan niya ang umagang iyon nang malungkot at may puwang sa puso. Ginawa niya ang lahat upang magsimula nang panibagong araw nang hindi kasama ang mga magulang niya. Nilinis niya ang kanilang bahay at tinipon lahat ng mga basura para ibenta kasama na ang iba pang gamit niya na kahit mahirap bitawan ay nagpaubaya siya kasi kailangan para may pang-gastos.
Matapos ang araw na iyon ay napag-desisyunan niyang tumigil muna sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Senior High graduate naman na siya ngunit hindi siya naka-attend sa kanyang graduation. Naisip niyang isantabi muna ang pagko-kolehiyo para magtrabaho.
"Pasensya na neng ha, wala na kasing bakante." saad ng isang ginang matapos niyang magtanong kung naghahanap ba sila ng dagdag na workers sa isang grocery store.
Bumagsak ang kanyang balikat sa narinig at maingat na tumango bago pilit na ngumiti. Wala sa sariling muli siyang naglakad at naglibot hanggang sa makarating na lang siya sa ibang bayan ay wala parin siyang nahahanap na trabaho.
Paulit-ulit at iisang dahilan lang ang naririnig niya.
"Pasensya na. Wala ng bakante,"
"Kahapon pa kami nakahanap ng mga trabahante,"
"Subukan mo na lang sa iba."
Pagod siyang naupo sa may waiting shed. Kinapa niya ang bulsa at binilang ang natitirang pera. 420, iyon na lang ang pera niya, ang naitabi niyang 800 ay malapit ng maubos dahil sa pamasahe lang niya. Ni wala pa siyang kain at malapit na namang dumilim.
Inubos niya ang natitirang tubig niya at handa na sanang magpatuloy ngunit biglang bumuhos ang ulan. Sa una ay mahina lang iyon ngunit kalaunan ay biglang lumakas hanggang sa wala na siyang pagpipilian kundi ang manatili roon sa waiting shed at hinintay na tumila ito.
Napatingin siya sa kanyang lumang selpon at nakitang maga-alas sais na ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan. Napayakap siya sa sarili n'ong humangin nang malakas at malamig ang simoy no'n. Baby yellow blouse lang ang pang-itaas niya at faded blue jeans naman ang pang-ibaba. Crocs naman ang sapin sa kanyang paa.
Muli siyang napatingin sa oras at nakitang alas sais na. Gagabihin pa yata siya dahil sa malakas na bugso ng ulan. Hanggang kailan pa siya mananatili sa walang katao-taong lugar na iyon? Siguro bukas na lang niya ipagpapatuloy ang paghahanap ng trabaho.
Ilang minuto pa siyang nanatili roon at nag-aalala na siya dahil mukhang ayaw pang tumila ng ulan. Hindi niya alam kung bakit siya nanginginig, kung sa lamig ba ng hangin o dahil natatakot siya na ma-stranded doon nang mas matagal pa o baka naman may iba pang dahilan.
Maya-maya pay napatakip siya sa mata no'ng may kotseng itim na papalapit sa direksyon niya. Nasilaw siya sa malakas na ilaw nito sa harapan ngunit nangibabaw ang takot niya dito mas lalo no'ng tumigil ito sa harapan niya. Napahawak siya sa may kaliwang dibdib niya no'ng bahagya iyong tumibok nang mabilis hanggang sa bumukas ang pintuan ng kotse sa harap.
Lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaki na may malaking katawan. Nakasuot ng three piece suit at may hawak na aparato ang kanyang kanang kamay na nakadapo sa tenga nito. Hindi maaninag ni Odessa ang hitsura ng lalaki dahil nakatalikod lamang ito mula sa kanya at nakatingala sa madilim na langit.
"F*ck it!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at wala sa sarili siyang napatayo sa kinauupuan. Nagsimulang magwala ang puso nito. Siniksik niya ang sarili sa sulok ng waiting shed. Ang totoo ay hindi siya nabigla sa pagmumura ng estranghero ngunit dahil sa lamig nang boses nito. Sin-lamig iyon ng yelo.
His voice were baritone and cold that you will felt shiver down to your spine when you heard them. She doesn't know if he noticed her or he just ignores her presence when he came out ngunit nagpapasalamat siya at hindi siya nito pinansin. Just by looking at his back, she can tell the status of his life not to mention him talking with someone in english on his phone with an accent and his black shining car despite the fact that it's mad out dark.
Nanatili siyang tahimik sa isang gilid at nakikinig sa sinasabi ng lalaki sa kanyang harapan. Hindi naman niya sinasadyang makinig.
"What do you mean I can't cross the road?" the male stranger said. Nakatalikod parin ito sa kanya ngunit sinundan niya ito nang tingin no'ng nagsimula itong maglakad pabalik-balik. "A tree on the road?"
Agad namang nakuha ni Odessa ang sinasabi ng estranghero. It seems like he can't cross the road to go on his destination because there's a tree blocking his way there. He was stranded too just like her.
"Make it fast, then. I can't stay here any longer!! I still have a lot of things to do!" "Where is he?" "That f*cking assh*le!" "Call him right now. I'll hang up first!"
Iyon ang mga huling litanya ng lalaki bago nito binaba ang telepono. Natutop naman ni Odessa ang bibig at hindi na gumawa ng ingay ngunit aaminin niyang malakas at mabilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba na baka mapansin siya o baka iba pa. Muli siyang naupo sa sulok at hindi na sana niya papansinin ang lalaki nang bigla naman itong magsalita na kinagulat niya.
"What's a lady doing here?" His voice were cold and manly. It was full of seriousness.
Odessa was caught of guard when the man slowly turned his gaze at her and she found herself speechless. Finally and for the first time, she got experienced and seen a very clear and beautiful thing after of so much tears and hurtful phenomenon.
It feels like her world stops after facing a beautiful stranger. Nagmistulang parang nasa isang Greek Mythology siya at nakilala ang isa sa kanila. He looks exactly like one of them with those captivating emerald green eyes and strong gaze. Expressions were hard and presence were given. She can't utter a thing.
Para siyang nakapasok sa isang libro o sa mga fantasy movies. Hindi niya maipagkaka-ila na kaya pala mabilis at malakas ang tibok ng kanyang puso. Odessa has been captivated. She was mesmirize.
"I...I..." She tried harder to find a words to say ngunit nakusot na lang niya ang hawak na bag ay hindi parin niya mahanap ang tamang sasabihin na para bang tinaasan siya ng kanyang boses.
Ang ganda niya. Sigaw ng kanyang isip. She knows he's a man but he looks beautiful for her. It's funny how he find him perfectly fine. She can't even take her eyes away from him.
"Never mind," he uttered, eyebrows were furrowed.
Nilagay nito ang isang kamay sa bewang at tinanaw ang madilim na kalangitan na sinusundan naman ni Odessa. Kahit sa simpleng galaw nito ay parang nasa slow motion din.
"You look like a Greek God,"
"Do I?"
Napatakip siya sa bibig nang kusang lumabas ang mga katagang iyon sa kanya. She was supposed to say it on her mind but she uttered it out loud na narinig naman ng lalaki. Naramdaman niya ang pagkalat ng kuryente sa katawan niya na naging dahilan ng pamumula ng kanyang mukha.
She was embarassed but she nodded anyway.
"Hmm. Is there anyone who told you that you look like a barbie?"
"A-Ano...."
"What's your name?"
Gulat man sa biglaang pagtatanong nito ay nagpakilala pa rin siya.
"Z-Ziyarasha Odessa,"
His eyebrows furrowed even more but he shooked his head.
"Demeereux Ivan,"
Tumambol ang puso niya sa narinig na pangalan lalo na no'ng nilahad nito ang kamay sa kanyang harapan.
She gulped one more time and was ready to accept the hand shake when he spoke again.
"Devan will do."
But it was too late for her. Everything went black.
Itutuloy........
_______
A/N: Hello everyone. Stand alone novel here and welcome to the world of Devan and Dessa. I hope you are enjoying reading this novel of mine. Love lots ^_^.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top