XIV

XIV.

**

***

Nathan and Andie Chatbox
9:23 PM

Andie:
Uy Nate sorry di ko nasagot call mo.
Bakit?

Nathan:
Okay lang!
Chinechek ko lang kung nakauwi ka na.
Parang ang bilis kasi magpatakbo
nung angkas na sinakyan mo eh.

***


***

Andie:
Nakauwi naman ako nang buhay hehe.

Nathan:
Ayos! Uy salamat pala sa patience mo kanina.
Alam kong di ako madali turuan. 😅

Andie:
Uy hindi ah! Ang galing mo nga eh.
Gets mo agad. And not bad naman yung
texture ng sponge cake na nagawa
natin kanina. Next time turuan kita
mag icing nang maayos.

Nathan:
Thank you po teacher. 🤣
Next time din ihahatid na
kita pauwi para di ka na mag a-angkas.

Andie:
Ano ka ba, keri lang yun.
Nag luto ka na nga ng lunch eh,
maabala ka pang maghatid.

Nathan:
Hindi naman yun abala sa'kin 😁
Tsaka mahihirapan ka pa sa
pag tuturo sa akin sa mga susunod na araw
kaya parte na yun ng bayad
ko sa'yo na ihatid ka.

***


***

Andie:
Hindi naman ako nahihirapan! 🤣
Bakit mo nga pala naisipan mag baking?

Nathan:
Hahaha! Weakness ko yun eh.
Hindi rin kasi ako nakapag
culinary studies or anything.
Medtech student talaga ako.

Andie:
Weeeh? Seryoso? Hindi ko alam yon!
Paano ka napunta sa ganitong field?

Nathan:
Dahil kay Lola.
Mahilig yun mag luto luto,
tapos nakahiligan ko rin.
May karinderya kami dati.
Natikman ni headchef luto ko, ayon,
nirecruit ako sa kusina ng hotel natin
hahaha.

Andie:
Huy ang galing mo naman!
Ibig sabihin masarap ka talagang magluto!
Ang sarap nung ravioli btw. 

Nathan:
Uy salamat! Buti nagustuhan mo 😁
Pero ayun lang, nasanay ako
sa tanya-tanyahan na luto.
Eh sa baking hindi pwede
yung ganoon di ba?
Sabi mo nga, dapat nasa tamang
sukat ang lahat.
Kaya weakness ko talaga yan.
Hindi ko naman itinataggi.

Andie:
At least you're doing something
about your weakness.
I salute you for that. 😊
Minsan talaga wala rin yan sa natapos.
Kung may talent ka, may talent ka.
Also, you worked hard, Nate. 🫶🏻

Nathan:
Haha grabe natouch naman ako doon!
Salamat teacher. ✊🏻
It means a lot na sa'yo nanggaling.

Andie:
Bakit namaaan? HAHAHA.
Simpleng pastry chef lang po ako, ser.

Nathan:
Hindi ah! Galing mo kaya!
Kaya nga sayo ako nagpaturo eh
kasi isa kang tunay na alamat.

Andie:
Grabe yung alamat! Hahaha!
As compare naman sayo,
iba na yung posisyon mo.
Going head chef ka na eh.
Ako taga gawa lang ng cake sa tabi tabi.

Nathan:
Uy wag mo maliitin yung ginagawa mo ha?
Hindi madali yun. Ako nga hirap, eh.
Tsaka di kita binobola no nung
sinabi kong magaling ka kasi
magaling ka talaga, Chef Andie. ✊🏻

Andie:
Thank you sa validation,
Chef Nathan. 💕

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top