VIII.

VIII.

Gastadoras GC

Andie:
Hi girls, nag rollers ako ng bangs todei kasi
baka makasalubong ko si crush.
Kahit na alam kong mahahaggard lang ako sa kusina. Lol

Mavs:
Ay wuw! Pinaghandaan ni ate mo ghorl.

Isha:
Ang cute naman ng chef na yan! 💕

Andie:
Thank you, love u!
Mas bobonggahan ko ang ayos sa weekend
pag tinuturuan ko na siya. 👀

Isha:
Magkano pala tf mo diyan?
'Di ba nagpa name your price siya sa'yo?
Malaki ba singil mo? 👀

Andie:
Saks lang. Sabi ko kiss lang niya sapat na.

Mavs:
Asa.

Isha:
Asa (2)

Andie:
Chareng! Pero de, ginaya ko na lang doon sa isa kong
kasamahan na nag turo rin mag bake. Di ko na tinaasan.
Nakakahiya naman, kasi, you know,
ipag luluto niya raw ako ng lunch every session eh. 🥰

Isha:
Edi hulog na naman si ate mo ghorl.

Mavs:
Kaya scam talaga yang sinasabi mo na move on eh. 🙄

Andie:
Che! Na realize ko lang din, ba't naman ako
mag m-move on eh happy crush lang naman 'to?
Tamang kilig lang, ganon! Tsaka lam nyo yon,
dahil pogi siya at magaling mag luto at mabait,
baka nagustuhan ko lang yung "idea of him."

Isha:
Ah gets gets. So feeling mo since di mo pa siya kilala talaga,
baka may binuo ka lang na image niya sa utak mo?

Andie:
Nadali mo! So I hereby conclude na
wala pa ako sa 'na-f-fall' na stage.
Happy crush pa lang 'to na may intense na kilig.
So keri pa kahit di ako umiwas.

Mavs:
At kung sakali man na ma-fall ka sa kanya,
may chance ka naman kasi wala pa namang jowa.
Pwede ba akitin.

Andie:
HOY!

Andie:
Pero agree. Kaya nga ako nagpaganda ngayon!

Mavs:
So itinapon mo na yung idea na mag m-move on ka?

Andie:
Oo. Hindi pa ako mag m-move on sa ngayon.
Pwede ko namang i-cram yan pag masakit na.
Chareng! 🤣

Mavs:
HAHAHAHAHA. DASURV.
Yan ang gusto ko sayo eh, marupok.

Isha:
Kasing rupok ng otap 🤣

Andie:
Mga bwisit talaga kayo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top