V.
Gastadoras GC
Andie:
Girls 😭
Mavs:
Pusta ako isang milyon lubog ka na naman sa crush mo.
Andie:
Nag text na naman kasi sa akin huhu.
Wala lang naman yung message pero hayup na yan
kinilig na naman ako. 😭
Isha:
OMG! Tingin nung message dali!
Mavs:
Ano ba yan! Paka cold naman nung mga reply mo sa kanya!
Isha:
Mhie... bakit naman thumbs up lang yung reply mo sa dulo 🤦♀️
Andie:
Ay bakit ano ba dapat sabihin?
Tsaka para lang akong cold nyan pero
deep inside nag wawala na talaga ako 🤧
Isha
Sana man lang tinanong mo kung kumain na ba siya
o nag volunteer ka na ikaw na gagawa nung brownies
tutal pastry chef ka naman! Sisiw lang sayo yan!
Andie:
Eh baka sabihin ang feeling close ko naman!
Di nga kami close. 🤧
Mavs:
Nag ch-chat siya sayo, paanong di kayo close?
Andie:
Puro work related nga lang pinaguusapan namin
tsaka pag may itatanong siya sa akin na recipe. 🤧
Isha:
O eh pareho kayong chef. Work nyo ang pagkain.
Kaya pwede mo siyang tanungin kung kumain na ba siya. 😇
Mavs:
HAHAHAHAA may point si Isha! 🤣
Andie:
Ewan ko sa inyo huhu.
Pero alam nyo nakakainis yan i-stalk!
Yung twitter niya walang laman. Hindi ma tweet.
Nag open lang ata para palitan yung profile pic nya eh.
Ayan couples dp kami. Yung IG niya onti ng pictures.
Tapos yung fb sobrang private!
Isha:
Stalk lang ba? Akong bahala diyan. Anong full name?
Andie:
Nathan Suarez.
Isha:
Girl ang private nga ng account niya haha.
Andie:
Di ba? Kainis!
Mavs:
May jowa ba yan?
Andie:
Hindi ko alam! As in wala akong masyadong alam sa kanya.
Nakasama ko lang siya once nung may
out of town client yung hotel namin tapos ako yung pinadala
para mag luto ng dessert tapos siya naman sa main dish.
Pero pag sa hotel, halos hindi kami nag kikita
kasi ang layo ng pastry kitchen sa hot kitchen
kung saan siya designated.
Mavs:
Pero finofollow nyo na isa't isa sa ig?
Andie:
Oo kasi may need ako noon i-send sa kanya na
plating na nakita ko sa IG kaya
finafollow na namin isa't isa doon.
Isha:
Wala nga halos picture din sa ig niya.
Pero good thing kasi wala ring bakas na may jowa!
Hahahaha. Pero cutie nga siya ha? Very Andie type.
Andie:
Nfdjlhfketgirhgre di ba?!
Pero hoy ingat sa pag stalk sa IG!
Mamaya ma like mo!
Isha
Mamsh mo nag g-grocery siya.
Di ba ang lakas ng tama mo sa lalaking nag g-grocery? HAHAHAHA.
Andie:
SHET huhu call me weird pero dream ko talaga
yang grocery date. Yung sabay kayo mamimili ingredients
tapos uuwi sa bahay, sabay magluluto ng dinner
para sa dinner date niyo. 🤧
Mavs:
At muli na naman pong kinilig ang kaibigan namin. 🤣
Isha:
Girl look ang sweet.
Andie:
Kita ko yan!!! Tapos kinwento nung katrabaho ko na
nakasama ni Nathan diyan, dapat pala may
out of town gala yung mga chef sa hot kitchen nung araw na yan,
pero di siya sumama kasi gusto niya
ipag luto mga bata sa ampunan. 😭
Mavs:
Dinig na dinig ko ang pagkahulog ng kaibigan namin sa crush niya.
Isha:
OMG girl! He graduated as cum laude during college.
Wow! At nag work din siya as chef sa cruise ship ha? Ang saya!
Andie:
Hooooy! Paano mo nalaman?
Saan mo nakita yung mga info na yan?!
Di ko alam yan!!
Isha:
Girl nasa linkedin niya lahat ng credentials niya.
Mavs:
Shutaena nakarating ka na ng Linkedin hahahahahha.
Andie:
HAHAHAHAHAHAHHAA.
Hindi ko na alam kung matatawa ako o maiiyak?
You mean to say ang down to earth niya,
tapos ang funny niya, tapos mahilig sa mga bata,
tapos on top of that over achiever din siya?
HAHAHAHAHAHAHAHAH auq na sa earth.
Mavs:
Tapos biglang pamilyado na pala.
Andie:
Wag mo kong saktan Mavs!
Isha:
Feeling ko single. Walang bakas ng babae eh.
O pwede rin naman di lang talaga pala post.
Andie:
Mag m-move on na ba ako?
Mavs:
Ilang beses mo na sinabi yan pero di mo naman magawa.
Kung ako sayo push mo na.
I-verify mo na lang kung may jowa o wala.
Isha:
Pag nag usap kayo try mo i-ask!
Andie:
Kabado ako di ko alam kung paano.
Mavs:
Alam mo kung pwede lang na kami na
kumausap diyan ginawa na namin!!!!
Isha:
Mhie hanggang stalk lang ang kaya ng powers ko,
the rest, you're on your own na. Kilos kilos din.
Andie:
🤧
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top