DFO 25: The Answer
Narration;
Sa pag bulusok ng special ai, umibabaw ito kay Abadon na nakadapa ngaun, nagawa namang maganti ni Abadon dito nasaksak nito ang tyan nito dahilan ng pagbagsak nito sa kabayo subalit gamit ang matalim na scythe naslash nito ang ulo ni Abadon. Makaraan ang ilang sandali ay nabasag na ito at lumabas ang isang Korona at Susi lumabas din ang pinaka iintay na salita ng mga nakulong sa game ang salitang "Exit"
Naghiyawan ang iba at naiyak pa ang ilan dahil matapos ang mahabang labanan ay makakalabas na sila subalit napatigil ang pagsasaya nila ng magsalita ang isang player si Crocoboy
"Maghanda ang lahat! Nandito pa din ang special AI baka bigla nya tayo atakihin " saad nito at napabalik sa pagiging seryoso ang lahat.
Tahimik at nakikiramdam ang iba, gumalaw ang special ai inalis nito ang maskarang suot nito tumambad sa kanila ang isang gwapong mukha ng lalaking nasa 30's
"Papa! "
"Tito?! "
Saad nila Dymn at pinsan nila at napatingin ang lahat dito
"Hindi, nagkakamali kayo hindi ako ang panginoon, ako si Hakudoshi ang kawangis nya ang unang modelo ang larong ito ang unang dyos na nagawa sa mundong ito "
Saad ng ai
"Kung ganon pwede mo ba ipaliwanag saken, samen ang nangyare, bakit nangyare ito! " saad ni Dycn
"Bakit nadamay din kami! " galit na tugon ng isang player
Halos galit na din ang iba at naiiyak na ang iba.
"Hayaan nyo ang panginoon ang magsalita at paliwanag nag aantay na sya sa kabilang mundo. Maaari na kayo makalabas kaya paalam at maraming salamat sa pagligtas ng aming mundo. " saad nito at ang hawak nitong sibat ay kanyang itinaktak kasabay ang paghiwalay ng mga suot na set ng bawat isa
Isa-isang lumabas ang mga ai na nakuha nila, nagulat pa ang iba sa nagaganap may ilan na nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod
Yumukod ang mga ai sa harap ng players at isa isa nagpasalamat sa ginawang pagliligtas sa kanila.
"Kung ganun hanggang sa muli, aalis na kami. Maraming salamat din sa pagpaparanas ng isang mundong aming naging pangarap kahit halos maubos kami, maraming salamat sa lahat! Mga kasama sabay-sabay na tayo! " saad ni Jaokun
"EXIT! "
Sa totoong mundo, naging usap- usapan sa buong mundo ang matagumpay na paglabas ng mga natrap sa DEITY FORCE ONLINE game. Halos nasa 1000 players ang nagawang makaligtas at makabalik sa mundo.
Kasabay nito ang pagla live worldwide ng speech, paliwanag sa naganap na insidente
"Marahil ang lahat ay nagagalit samen dahil sa pangyayare, subalit nais ko din ipabatid na kahit kami ay naging biktima din ng pangyayareng ito, ang mga anak ko at pamangkin ay kasama sa nakulong sa mundo na iyon kaya sana, maunawaan nyo at tanggapin ang aming, ang making paghingi ng patawad sa lahat ng naapektuhan at para sa mga namatayan alam kong hindi matutumbasan ng salapi ang buhay ng inyong mga anak at mahal sa buhay subalit tanggapin nyo po ang aking pagluhod tandaan ng taos pusong paghingi ng kapatawaran sa kapabayaan.
Ang nangyare pong ito ay isang paghihiganti sa akin, subalit gaya ng nasabi ko po kanina hindi ko o namen inakala na idadamay nya ang ibang tao sa alitan pagitan namen. Nilagyan nila ng virus ang laro kung saan sa halip na ung isip lang nila ang ipapasok sa laro ay buong katawan nila ang pumasok. Kahit kami po ay nagulat dahil alam po namen na hindi pwedeng gawin yon dahil magkukusang sumara ang daan patungo sa laro pag ganun paraan. Sa kasalukuyan nahuli na po namen ang mga tao sa likod ng insidente at kasalukuyang nakakulong na po.
At akin din pong ipinababatid na pwede nyo po ibalik sa mga stores ang mga nabiling nerve gear and capsules upang ibalik ng doble ang inyong ipinambayad at opisyal ko na din pong isinasara ang at sisirain ang larong Deity Force Online para sa ikakatahimik ng lahat at para hindi na din po maulit and gantong insidente sa hinaharap. Muli patawad sa mga naapektuhan at maligayang pagbabalik sa mga nakaligtas. " saad ng Presidente at pamunuan ng Deity Force Online
Matapos ang live conference ay bumalik na si Aries sa kanyang mga anak at niyakap ang mga ito isa-isa
"Maligayang pagbabalik mga anak" saad nito
"Dad! Huhuhu, kala ko hindi na kami makakabalik" umiiyak na tugon ni Neth sa ama
"Dad mabuti at hindi nasakop ang special AI na si Hakudoshi ang galing ng pagkakagawa nyo sa kanya " saad ni Jaokun
"Hindi ako ang may gawa sa kanya kundi ang mommy nyo, " saad ng ama
"Mommy? As in ung biological mommy namen?! " saad ni Jaonaay
"Oo, bago ko pakasalan papa nyo ang mommy nyo ang katuwang ko kasama ang dating kaibigan namen. Sya ang nagdisenyo at bumuo sa ai na yun, ansabi nya lang saken dati kahit ano mangyare hinding hindi masasakop ng baluktot ang hustisya, ngaun parang nagets ko na ung ibig sabihin nya noon" paliwanag nito sa mga anak
"Nga pala Dad, next week may ipapakilala ako sayo" saad ni Jaonaay habang nakatingin sa labas perp namumula ang tainga
"Si Discord ba anak, galing pumili ng anak ko, pogi din parang dad at papa nyo lang ah" saad nito sa anak at ginulo ang buhok
"Oh di ba kuya hindi galit si papa kahit galing sa hirap yun haha, pogi din kasi parang tayo lang haha" Neth said
"Gagu! Wala sa estado yan o sekswalidad yan, nasa pagtanggap yan sa taong mahal mo ng buong puso at katapatan yan. " saad ni Jaonaay
"Oh ano Third narinig mo yun? Kaya bukas pumunta ka na dito sa bahay
"Kuya Cgame!!!! Ano yan!! Nandito din pala kayo mga ungas " Jaonaay said
Makalipas ang 1week
Nagkaroon ng kasiyahan sa mansyon ng mga Canela bilang pasalamat sa mga tumulong at welcome party din sa mga magpipinsan. Syempre kasama sa party si Third at tropa nito halos mamula sa hiya si Jaonaay dahil sila ang pinag uusapan ng halos lahat, nag trend din worldwide ang nalalapit na engagement party nila.
Ang gabi na puno ang saya at tawanan. Lahat ay masaya sa nangyare ung akala nila walang solusyon subalit meron pala, talagamg totoo ang kasabihan pagtapos ng bagyo ay sisikat pa din ang haring araw na magbibigay pag-asa sa lahat upang magpatuloy sa hamon ng buhay
++++
Ayan natapos ko din, taena salamat po sa mga nag antay. Love lots ang keep safe everyone
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top