Chapter 50

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG50 Chapter 50

"Parang nakaka-lungkot ituloy iyong kasal kapag ganito, Vito..."

Hinawakan ni Vito iyong kamay ko. Kahit gustuhin ko mang umalis agad sa trabaho ko nang matanggap ko iyong tawag ay hindi ko magawa. Kailangan ko ng kliyente ko... Hindi ako maka-alis habang iniiyakan ako at nakikiusap na gawin ko lahat para hindi makuha sa kanya iyong lupain nila dahil mana pa raw niya iyon sa mga magulang niya.

Hindi nagsalita si Vito at nanatili lang siyang hawak iyong kamay ko. Nakita kong lumabas si Mrs. Cantavieja kasama iyong doctor. Nang mapa-tingin siya sa akin ay humigpit ang hawak ni Vito sa kamay ko.

"Pwede kaya nating puntahan si Sancho?"

"Let's ask the doctor first."

"Pero ayos lang naman siya, 'di ba?"

"I'm not sure."

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"I...don't know, Assia. I feel like a horrible friend. I've been really busy with work and with the wedding and I didn't check up on Sancho for a few days. I asked Niko and he said that Sancho's been acting fine... then this happened. No one saw this coming."

Hindi ako nagsalita.

Ako, nakita ko.

Kaya araw-araw akong nagtetext sa kanya.

At kahit araw-araw niyang sabihin na okay lang siya, alam ko na araw-araw lang din siyang nagsisinungaling sa akin.

Pero wala akong masyadong magawa dahil nasa Isabela ako... at ayaw niyang pumunta roon dahil iniiwasan niya yata iyong nanay niya. Pakiramdam ko rin ang sama kong kaibigan... baka kung nandito kami ni Vito sa Maynila, hindi 'to mangyari...

Nang maka-alis iyong doctor ay agad na tumayo si Vito at lumapit kay Ma'am Isobel.

"Tita—"

"No, Vito," agad niyang sabi. "You and that woman better leave now."

"Tita, I know you're upset right now, but please don't take it on my fiancée," sagot ni Vito habang hinigpitan iyong hawak sa kamay ko. "We're still Sancho's friend. We just want to know if he's okay."

"Does my son look okay, Vito?! He just literally killed a man! Kasalanan niyo 'tong dalawa ni Niko! Bakit niyo ba kinunsinti 'yang si Sancho sa babaeng iyon?! For goodness' sake, she was married! Ang dami-daming babae!"

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Vito.

"He already lost his license, and now, he's about to lose his freedom, too—all for what? That woman?!"

Napa-hinto si Jersey at Niko nang makita nilang nasa harap namin si Ma'am Isobel.

"Tita..." pagtawag ni Niko. "I know we're all upset—"

"I am not upset, Nikolai! I am mad! My son used to have a bright future—nasaan na iyon ngayon?! God, all this for a woman!" sigaw niya bago mabilis na humugot ng malalim na hininga. "I don't even recognize my own son anymore!"

Para akong na-estatwa na hindi maka-galaw hanggang sa maka-alis siya. Ni hindi ko napansin na tumigil pala ako sa paghinga habang nandito siya sa harapan ko.

"Where were you?" tanong ni Vito kay Niko.

"Precinct—I wanted to know the extent of the damage done," sagot niya. "If this happened before, I'd probably suggest just paying off the family..." Napa-pikit si Niko sandali at napa-buntong-hininga. "The man had a family... I love Sancho but—" Malungkot na ngumiti si Niko. "He's got to take responsibility for this one."

Walang nagsalita sa amin.

Walang gustong magsalita.

* * *

Mahigit isang araw nang tulog si Sancho. Hindi ako maka-alis sa Maynila. Ayokong umalis. Gusto ko na nandito ako kapag nagising siya... Kasi alam ko na sa oras na magising siya ay kailangan niya ng kaibigan.

Mali iyong nagawa niya...

Hindi ko sasabihin na tama...

Pero ang bigat-bigat ng pinagdadaanan niya... tao lang din naman siya...

"Pasensya na po, Tay..." sabi ko nang sagutin ko iyong tawag ni Tatay. Ngayon kasi dapat iyong kasal namin ni Vito. Pero pareho kaming nandito sa Maynila at hindi maka-alis.

"Kamusta na iyong kaibigan mo?"

"Hindi pa rin po gising."

Hindi agad siya nagsalita.

"Basta mag-iingat ka riyan," sabi ni Tatay.

"Opo... lagi kong kasama si Vito..."

"O siya... Magtext ka na lang ulit mamaya..."

Ibinaba ko iyong tawag. Tumingin sa akin si Vito.

"You're supposed to be Mrs. Sartori by this time," sabi niya.

"Mas mahalaga iyong kaibigan natin," sagot ko.

"I know," sabi niya at hinalikan iyong likod ng kamay ko. "Sucks that Sancho won't be able to come to the wedding."

"Parang hindi kumpleto iyong kasal kapag wala siya..."

"I know," sagot ni Vito. "But Niko's right, you know? He's got to take responsibility for this one. I've seen hundreds of cases like this—and I know that if Tita wants him out of jail, she could easily do that... But I care about Sancho. He needs to be accountable for this one. He can't hide behind money anymore. We're already done with that shit."

Isinandal ko iyong ulo ko sa balikat ni Vito at naramdaman ko iyong paghalik niya sa noo ko.

"Ano'ng gagawin natin ngayon?"

"I don't know... Wait for Sancho to wake up and know how he wants to proceed?"

"Paano kapag... ayaw niyang makulong?"

"Then he needs to fucking grow up. We're not kids anymore. This is real life and there are real consequences for every action."

Ilang taong makukulong si Sancho...

Alam ko makukulong siya.

Mali si Vito—may tiwala ako na gagawin ni Sancho kung ano ang tama. Kasi hindi lang naman si Vito at Niko iyong natuto—kasama rin si Sancho roon.

Lahat kami.

Lahat kami nagbago.

Alam ko at may tiwala ako na gagawin niya iyong nararapat.

* * *

Nang madaling-araw ay nagising si Sancho. Mabuti na lang at nandoon lang kami sa labas kaya mabilis kaming naka-punta sa kanya. Halos hindi siya maka-galaw dahil ayon sa doctor niya ay may crack daw iyong sa ribs niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng sasakyan niya.

"You fucking moron!" sigaw ni Niko agad sa kanya.

Tahimik lang si Sancho habang pilit na umuupo kahit pilit namin siyang tinu-tulak pahiga ulit ni Jersey. "Where... is the guy?" tanong niya.

"What?"

"The guy..." pag-ulit ni Sancho. "There was a guy—nandito rin ba siya?"

Walang nagsalita sa amin.

Hindi niya alam.

Hindi niya pa alam na may napatay siya.

"Nandito ba siya?" tanong niya habang pilit na tumatayo. "I tried to hit the brake—"

"Sancho, that guy is dead."

Kitang-kita ko kung paano nawala iyong natitirang kulay sa mukha ni Sancho. Walang nagsalita matapos sabihin iyon ni Niko. Parang binibiyak iyong puso ko nang makita ko iyong sunud-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata ni Sancho.

Hinawakan ni Jersey iyong kamay ko habang naka-tingin kami kay Niko at Vito na niyakap siya.

"I... didn't mean to..." sabi niya sa kanila.

"We know," sagot ni Vito. "But he's dead."

"Fuck."

"You have to take responsibility, man. I met the family. God, I never thought I'd go through that shit again," sabi ni Niko. Na-kwento niya sa akin na isa iyon sa ayaw niyang gawin ulit—ang kausapin iyong pamilya ng mga namatay. Kasi hindi niya raw alam kung paano sasabihin... kung may salita ba na sapat? Kung paano mo mapapagaan ang loob nila kahit alam mo na ang imposible?

Tahimik kaming naka-tingin sa kanya—naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Does my mom know?"

"Yeah."

"Can you make sure she stands down?" tanong niya kay Niko. "Nandyan iyong pulis sa labas?" Tumango kaming lahat. Tumango si Sancho. Napa-tingin siya sa akin. "Fuck. Sorry, Assia. Kasal mo ngayon..."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Mas mahalaga ka sa kasal namin," seryoso kong sagot sa kanya. Kasama ko siya sa lahat ng nangyari. Tanda ko pa noon nung iniiwasan ko si Vito... Kay Sancho ako suma-sabay pauwi. Tahimik lang siya pero nandyan siya palagi kapag kailangan ko ng kaibigan.

"Sorry," ulit niya at pagak na natawa. "I was looking forward to the wedding."

Pinahid ko iyong luha ko dahil nakita ko na nagtutubig na naman iyong mga mata niya. Naaalala ko iyong sarili ko sa kanya... nung mga panahon na parang tinatanggap ko sa sarili ko na makukulong ako ng 12 taon... nung mga panahon na iniisip ko na hihinto ang mundo ko habang patuloy lang iyong mga nasa labas...

Nasasaktan ako para kay Sancho...

Pero kailangan niyang gawin 'to...

Hindi na kami bata para tumakbo sa responsibilidad...

"God, I'm so sorry for ruining this day," sabi niya at muling huminga nang malalim. "Can you please tell the police that I'm already awake?"

Lumabas si Niko at Vito. Sumunod si Jersey sa kanila. Lumapit ako kay Sancho at hinawakan iyong kamay niya.

"Dadalawin ka namin palagi."

"Salamat," sagot niya. "Pasensya ka na—"

Agad akong umiling. "Kapag lumabas ka, magpapakasal ulit kami, okay?" sabi ko sa kanya habang hawak iyong kamay niya. Kahit hindi ko alam kung paano pa kami magpapakasal ni Vito ngayon... na wala siya... kasi siya iyong best man dapat ni Vito... tapos sa akin si Niko...

Ang hirap magpakasal na hindi kami kumpleto.

"Don't worry, wala kayong aattendan na hearing," sabi niya. "Alam ko mali ako. Kasalanan ko."

Hinigpitan ko lang iyong hawak ko sa kamay niya. Mali siya... pero sana hindi mabura nun lahat nung tamang nagawa niya. Pero ang hirap kasi may pamilyang nawalan.

Hindi mo na alam kung saan ang tama.

Ang... komplikado ng buhay.

* * *

Naka-upo kami ni Vito sa sofa sa condo niya. Naka-tingin kami sa TV. Walang nanonood. Ni hindi ko naiintindihan iyong nandoon. Hindi kami maka-tulog dalawa.

"Assia dela Serna..." pagtawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Nothing," sabi niya na may maliit na ngiti. "I was just recalling my vow. Today's supposed to be our wedding—and right now, our wedding night."

"Vito..." pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. "Parang ayokong magpakasal kapag wala si Sancho."

"I know..." sagot niya. "He's been there through it all. It feels wrong to go through this without him."

Humarap kami sa isa't-isa. Hawak-hawak niya iyong mga kamay ko.

"I, Viktor Tobias Sartori—"

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Marrying you."

"Ano?" tanong ko habang may inabot siya mula sa suot niyang jacket kanina. May inilabas siyang kulay navy blue na box mula roon. Napa-awang ang labi ko nang buksan niya iyon. Inabot niya iyong kamay ko at dahan-dahang isinuot iyon sa daliri ko.

"I take you, Assia dela Serna, as my wife—to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, 'til death do us part."

Hinawakan niya iyong kamay ko at tumingin sa akin at ngumiti.

"I know this is not the wedding we prepared for... but that's just a mere legality. I'm yours—heart, mind, and soul," sabi niya at hinalikan iyong kamay ko. "You got me the moment you laid your eyes on me, Assia dela Serna. I still remember the day I first saw you—you were wide-eyed and looked fearful... but I also so how determined you are. I love how studious you are—how idealistic. You're the angel to my demons and it's like God sent one of his angels down to save me from this hell," pagpapa-tuloy niya habang naka-ngiti sa akin. "I just... love everything about you. All my life I thought I already knew what happiness was... but all that was nothing compared to what you make me feel. You're literally everything I never knew I wanted but ended up selfishly needing."

Masuyo niya akong hinalikan.

"Ti voglio tanto bene, Assia Sartori," bulong niya sa labi ko. "Siamo io e te per sempre, lo prometto."

Ngumiti ako habang hawak iyong kamay niya na naka-hawak sa pisngi ko. Hinalikan ko siya. Paulit-ulit.

"Hindi ko dala iyong singsing mo..."

"It's okay..."

"May hinanda din akong vow sa kasal natin," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at pinahid iyong konting luha sa gilid ng mata niya. "Viktor Tobias Sartori—" pagsisimula ko, pero naiyak na agad siya. Tumawa ako at pinunasan iyong luha niya. "Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa akin—"

"Literally everything," sagot niya.

"Wag kang sumagot. Hindi 'to recit," sabi ko at natawa siya habang naiiyak. "Literal na magkabilang mundo yata tayong dalawa. Sorry kung matagal kitang pinaghintay at pinahirapan... Ang hirap maniwala sa akin noon na may isang kagaya mo ang magkaka-gusto sa akin... kasi sino ba naman ako?"

Agad siyang umiling.

"I love you," bulong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Pero salamat kasi hindi ka sumuko... Hindi ko alam kung kailan kita minahal, Vito... Ang hirap alamin kung kailan kasi lahat ng ginawa mo para sa akin, lahat iyon pwedeng maging dahilan para mahalin kita... Iyong pagtabi mo sa akin sa classroom dahil wala akong kakilala... Iyong paghatid mo sa akin sa boarding house... Iyong pagsama mo sa akin sa pag-aaral... Ang dami... Hindi ko alam kung alin doon..."

Pinahid ko iyong luha ko.

Siguro mas maganda rin na kaming dalawa na lang ang nakaka-rinig nito dahil parang tanga lang kaming dalawa na umiiyak.

"Pero salamat... kasi hindi ko akalain na posible pala iyong ganito... posible pala na mahalin ako nang ganito..."

Lumapit ako para halikan siya.

"Ay ayaten ka unay," marahang bulong ko sa kanya. Naka-tingin kami sa mata ng isa't-isa. Hinawakan ko iyong pisngi niya at ngumiti sa kanya. "Sika ti biag ko."

"Te amo..."

"Mahal din kita..." bulong ko habang palalim nang palalim ang paghalik niya sa akin. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top