Chapter 49
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG49 Chapter 49
Pare-pareho kaming tulala ng mga kapatid ko nang maka-pasok kami sa 'kubo' ni Vito. Nung isang araw pa siya lumipat dito, pero hindi niya ako pinapa-punta hanggang hindi pa natatapos iyong 'bahay' niya. Doon lang kami lagi naka-tambay sa labas ng bahay namin. Nag-uusap lang kami mula hapon hanggang sa dumilim at tawagin na ako para kumain ng hapunan. Pero sa amin din naman kumakain si Vito ng hapunan kaya pagkatapos nun ay lalabas ulit kami para... mag-usap.
Pero ngayon na naka-tayo na ako sa loob ng bahay ni Vito, hindi ko alam kung tama ba na sabihin na kubo siya...
"Welcome to my house," masayang sabi ni Vito sa amin habang naka-tayo kami nila Aaron at Alec sa loob ng bahay niya. Tumingin ako sa paligid. Mayroong flatscreen TV, sofa, maliit na dining table, recliner, ref, at kung anu-ano pang appliance. Parang dinala niya lang dito iyong condo niya.
"Ano iyong nasa bubong?"
"Solar panel," sagot niya. Napa-awang ang labi ko. "Trying to be environmental."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pati iyong mga kapatid ko ay ginulo na si Vito tungkol sa mga gamit niya.
Grabe... kahit nga yata dalhin mo sa bukid si Vito ay madadala niya iyong pagiging city boy niya.
"So, what do you think?" tanong ni Vito nang umalis sila Aaron at Alec dahil kailangan na nilang magluto ng hapunan. Dati ay ako ang nagluluto, pero ngayon na may trabaho na ako, sila na ulit ang bahala roon.
"Ang dami mong gamit."
"Well, I need these things."
"May microwave ka pa e pwede mo namang initin sa kalan," sabi ko sa kanya. Napa-awang na naman ang labi ko nang makita ko sa malapitan na iyong kalan niya ay iyong glass-top stove na gaya nung nasa condo niya sa Maynila.
"Well, in defense of microwave, I can heat my food in a minute."
"May coffee maker ka rin."
"It's a part of my life."
"Pwede ka namang mag-init ng tubig."
"You love strawberry cake—I love my coffee. There are things we just have to accept, Assia," sabi niya kaya hindi ko napigilan na matawa dahil parang seryoso siya sa pagdepensa sa kape niya. "Besides, when we get married, I'll use that very same coffee maker to make you coffee every morning, okay?"
"Kapag kinasal tayo?"
Tumango siya. "Yeah. Next year or next, next year," sabi niya at saka lumapit sa akin at hinawakan iyong mga kamay ko. "What kind of wedding do you want us to have?" tanong niya habang pinagsasalop ang mga daliri namin.
"Simple lang. Basta nandito iyong pamilya ko, mga kaibigan natin, iyong pamilya mo..."
Nakita ko iyong mabilis na pagbabago ng itsura niya. Hindi pa rin sila maayos ng pamilya niya. Parang ang hirap magpakasal kapag ganito...
"Ayaw ba nila sa akin?" tanong ko.
"Doesn't matter what they want—it's my life."
"Vito—"
Mabilis siyang umiling. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko. "No," sabi niya. "I already told them that I have every intention of marrying you. If they can't accept that, then it's too bad... but I really won't let what they want interfere with what I want," dugtong niya habang direktang naka-tingin sa mga mata ko. "And I want a life with you, Assia—you and I, okay? Just you and I and to hell with what other people think."
Binitawan niya iyong mga kamay ko at hinawakan iyong pisngi ko. Ngumiti siya sa akin.
"Okay?" ulit na tanong niya.
"Okay..." sagot ko. "Pero ang dami mo pa ring gamit."
Napaawang ang labi niya. "Tell me one appliance here that isn't essential," sabi niya at saka isa-isa naming pinagdebatehan kung bakit mayroon siyang air purifier at water filter at kung anu-ano pa rito sa bahay-kubo niya.
* * *
Maaga akong naka-uwi. Dumiretso ako kay Tatay at inabot sa kanya iyong sweldo ko. Maliit lang iyon, alam ko, pero alam ko na masaya si Tatay.
"Itago mo na lang, Tay," sabi ko kasi bina-balik niya sa akin.
"Ayos na nga iyong binigay mo iyong unang sweldo mo," sagot niya.
Umiling ako. "Para sa inyo po talaga 'yan," sabi ko. Hindi ko na nga bini-bigay iyong buong sweldo kasi iyong iba e iniipon ko. Balak ko sana na kapag sapat na iyong pera ko e maka-bili na ako ng mga semento, hollow blocks, saka bakal para masimulan na iyong bahay namin. Alam ko naman na hindi ko agad matutupad iyong pangarap ko para sa pamilya namin, pero ang mahalaga ay nasimulan ko na.
Isang araw, matatapos din iyong pangarap kong bahay para sa kanila.
"Kung ayaw niyong gastusin, itabi niyo na lang po. Basta sa inyo talaga 'yan," sabi ko bago tumayo at saka pumasok sa kwarto ko. Naligo ako dahil kung saan-saan ako naka-rating ngayong araw dahil sinamahan ko iyong ka-trabaho ko para puntahan iyong kliyente niya. Ang layo nung narating namin, pero importante na naka-rating kami roon. Sobrang bigat sa pakiramdam habang nakikinig ako sa kwento nila...
Paano kaya nagagawa ng mga tao 'yun?
Ang manguha ng hindi naman sa kanila?
Pinigilan ko iyong sarili ko na maluha habang kinu-kwento nila kung paano wala silang nagawa kung hindi 'ibenta' iyong lupa nila kasi ano pa ba ang magagawa nila? Naglapag ng ilang mga baril sa lamesa iyong kausap nila.
Pati iyong iba na hindi pumayag, bigla na lang nabaril.
Kapag talaga mahirap ka, ano ba ang laban mo sa may pera at kapangyarihan?
Sobrang nakaka-pagod iyong trabaho ko—hindi lang pisikal kundi pati emosyonal kasi ang hirap ng sitwasyon nila... pero pangako ko na ilalaban ko sila sa abot ng makakaya ko.
Kasi ito iyong dahilan.
Ito iyong dahilan kung bakit nagpaka-hirap akong mag-aral.
Nang matapos akong maligo at magpalit ng damit pambahay ay lumabas na ako. Hindi na ako tinanong pa ni Tatay dahil alam niya naman kung saan ako pupunta.
Naupo ako sa may parang swing sa harap ng bahay ni Vito. Siguro kung pwede lang siyang magpa-hukay ng swimming pool dito ay gagawin niya na rin. Minsan nga gusto kong sabihin sa kanya na bakit hindi na lang siya sa mansyon nila Sancho tumira?
Habang nagsu-swing ako ay iniisip ko iyong sa kaso ng mga naka-usap ko kanina. Pwede pa naman naming ilaban iyong kaso... vitiated naman iyong consent dahil may force—
"Stop laughing," sabi ni Vito dahil agad akong natigilan nang makita ko na may dala-dala siyang manok.
Tinakpan ko iyong bibig ko dahil hindi ko talaga mapigilan na matawa. May dala na naman siyang manok!
"Thank you is more than enough, but they won't stop giving me chickens," sabi niya habang naglalakad at hawak pa rin iyong manok na naka-lagay sa bayong. May isa rin siyang dalang supot na may mga gulay.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko iyong bayong. "Lima na iyong manok mo. Magtatayo ka ba ng farm?"
Sumi-mangot siya. "You know I stopped eating chicken already."
Tumawa ako. "Sino ba kasi ang nagsabi na manood ka kapag nagkakatay sila Alec?"
"What do I do with the chickens?"
"Alagaan mo?"
"No."
"Ibigay natin kila Alec?"
"They will kill and eat the chicken."
"Wag mo na lang panoorin."
Napa-buntong hininga siya. "I'm really tempted to put a 'No chicken as gifts' sign on the door."
Tumawa ako. "Ganoon lang talaga dito magpasalamat."
"I know... I love the vegetables and the fruits... I just can't with the chickens..." problemadong sabi niya pa rin.
Pumasok na si Vito sa bahay niya tapos ako naman ay dumiretso sa bakuran niya para ilagay iyong manok doon sa maliit na kulungan. Nung una ay nasa box lang iyong manok—kaso ay nadagdagan nang nadagdagan kaya naman tinulungan namin siya ni Aaron na gumawa ng kulungan. Tinuruan din namin si Vito kung ano ang ipapakain at ipapa-inom. Ang reklamo lang talaga niya ay sobrang aga niyang nagigising dahil sa tilaok ng manok.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay narinig ko lang iyong tubig. Habang naliligo siya ay nagsimula na akong maghain ng pagkain niya. Tinu-tulungan ko siya tuwing linggo na maghanda ng pagkain niya para sa buong linggo. Ayos lang naman sa kanya na iniinit lang ang pagkain niya, basta kapag naka-uwi siya ay may kakainin na siya agad. Nung isang beses na pinuntahan ko siya sa trabaho niya, naintindihan ko kung bakit gusto niya agad kumain pag-uwi—sobrang dami niyang ginagawa. Tambak na tambak iyong mga files na kailangan niyang basahin.
Sinabi ko naman sa kanya na kumain na lang siya roon kasi may canteen naman... pero tama nga si Niko na maarte talaga si Vito. Mas pipiliin niyang magtiis ng gutom kaysa kumain sa hindi niya alam kung malinis ba o ano.
Tahimik kong iniinit iyong ulam niya sa non-stick pan niya nang maramdaman ko iyong mga braso niya sa bewang ko.
"Three more months," bulong niya.
"Nagtanong si Tatay tungkol sa pamilya mo... kung mamamanhikan..." sabi ko habang nag-iinit pa rin.
"I know... I'll talk to Tatay," sagot niya.
"Hindi naman 'yon magagalit... Basta ipaliwanag na lang natin."
"I know... I'm sorry."
"Hindi mo naman kasalanan."
"They can't see how happy you make me."
"Hindi rin naman natin sila masisisi."
Alam ko na gusto nila si Shanelle para kay Vito... Kasi sino nga ba naman ako? Ni hindi nga nila ako kilala... Nakilala lang naman nila ako nung nakulong ang anak nila dahil sa akin... Kung paano nadumihan iyong pangalan ni Vito nang maging suspek siya sa homicide. Kung paano nagbigay siya ng sampung milyon para sa akin. Kung paano muntik na siya na-ambush dahil ulit sa akin. Kung paano iniwan niya iyong buhay niya sa Maynila dahil na naman sa akin.
Nalulungkot ako na hindi nila ako gusto para sa anak nila... pero naiintindihan ko.
"No," sabi niya. "If they love me, they'll love who I love."
Pinatay ko iyong kalan at saka humarap sa kanya. Niyakap ko na lang siya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na kausapin iyong pamilya niya, pero ayaw talaga niya.
"Don't worry about them, okay? You're my family now..."
"I love you..." bulong ko.
Hinawakan niya iyong mukha ko at hinalikan ako. "Mahal din kita," sabi niya at saka malambing akong nginitian. "I know you cooked food, but can we—"
Agad akong tumango.
Tumawa siya.
At saka muli akong hinalikan.
* * *
"I'm so sorry about my family po..." sabi ni Vito habang naka-upo siya sa tabi ko. Sa isang linggo na iyong kasal namin... ngayon siya mamamanhikan...
"Ayos lang," sabi ni Tatay. "Hindi ko alam kung ano ang tingin nila sa anak ko, pero ikaw bilang pakakasalanan mo siya, inaasahan ko na hindi mo hahayaan na hamakin ng pamilya mo 'yang si Assia."
Agad na umiling si Vito. "Never, Tatay."
Tumango si Tatay. "Tiwala naman ako sa salita mo—"
Agad kaming natigilan lahat nang may malakas na busina. Tumayo kami para tignan iyon. Napa-awang ang labi ko nang makita ko sila Niko, Sancho, Jersey, Yago, at Rory na naglalakad papunta sa amin.
"What—"
"We're here for pamamanhikan," sabi ni Niko na parang hindi ko pa naintindihan iyong sinabi niya dahil nabuhol ata sa dila niya.
"How... did you know?" tanong ni Vito.
"Assia and I talk," sabi ni Niko.
Napa-tingin sa akin si Vito. Nagkibit-balikat ako. "Sabi niya kasi balitaan ko siya sa mga nangyayari sa 'yo sa kubo mo..."
Napa-iling si Niko at tinapik ang balikat ni Vito. "Man, you lasted a year... I'm proud."
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pumasok sila sa loob. May mga dala rin silang pagkain at kung anu-ano. Tapos nung gabi ay nasa labas sila at nag-iinuman. Kasama nila si Tatay at mga kapatid ko.
"Congrats, girl!" sabi ni Jersey sa akin.
"Salamat," sagot ko.
"Congrats!" sabi ni Rory. "To be honest, parang ibang tao si Vito kapag kasama ka niya. Sobrang good influence mo sa kanya."
Tumango si Jersey. "Totoo! Kapag nasa paligid ka, akala mo kung sinong santo 'yang si Vito. Kapag sila lang lalaki, mukhang mga tanga."
Sumakit iyong tiyan ko sa katatawa dahil sa mga kwento ni Jersey at Rory. Natuwa ako sa mga kwento ni Rory dahil kilala niya si Vito bago ko pa siya makilala... Nakaka-tuwang maka-rinig ng kwento kung paano ba siya bago kami nagkakilala... Tapos sa mga kwento naman ni Jersey kung paano si Vito nung nawala ako...
Ang dami na pala talagang nangyari.
Kung titignan ko siya ngayon, ibang-iba na siya sa nakilala ko dati... pero ganon pa rin... kasi sa lahat ng nangyari, ang hindi nagbago ay iyong kung paano niya ako alagaan.
"Ready ka na ba sa honeymoon niyo?" tanong ni Jersey.
Agad akong nasamid kahit wala akong iniinom. Tawang-tawa si Rory sa nangyari sa akin at tinapik-tapik iyong likod ko.
"Alam mo, minsan ang sarap lagyan ng tape niyang bibig mo?" sabi ni Rory kay Jersey.
"Syempre kailangan prepared siya! Isipin mo law school pa lang, patay na patay na sa 'yo 'yang si Vito? Nako, Assia, sinasabi ko, kabahan ka na sa wedding night niyo! Pagkurap lang ang pahinga mo!"
Bakit... bigla akong natakot sa mga sinasabi ni Jersey sa akin?
"Gago ka, Jerusha! 'Wag mo ngang takutin!"
"Honest lang ako, sisteret. Kung ako sa 'yo, magstretch-stretch ka na ngayon pa lang. At uminom ka ng energy drink. Foreigner pa naman 'yang si Vito... Nako talaga, Assia... Good luck, girl."
Agad akong napa-abot sa tubig. Tumawa sila Rory dahil matambak-tambak iyon dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
"Wag kang matakot," sabi ni Rory. "Di ka naman papabayaan ni Vito, for sure."
"San na ba kayong dalawa? Naka-second base man lang ba ang manok ko?"
"Second base?"
"Boobs, ganon? Nadakma—"
"Jersey, ano ba!" sabi ni Rory.
"Hey, the two of you. What did you do to the bride?" sabi ni Niko nang pumasok siya at nakita akong nanlalaki ang mga mata sa mga sinasabi ni Jersey at Rory.
Napa-tingin silang tatlo sa akin.
"Wala. Girls' talk," sagot ni Rory.
"Oh, come on, share!"
"Share mo rin sa 'min pinag-uusapan niyo?" naka-angat ang kilay na tanong ni Jersey.
"Tsk. Fine," sabi ni Niko. "Do you have more C2 here, Assia?"
"Ano'ng C2 ka d'yan! Walang mag-aalaga sa 'yo, Nikolai, ha!" sigaw ni Jersey.
"Fine, let me sleep outside if you can," sabi ni Nikolai.
"Feeling mo talaga, ha? Iiwan kitang matulog d'yan sa labas."
"I don't think you can."
"Masyado kang bilib."
"You're the one who introduced C2 gin to me—deal with it," sabi niya tapos ay hinalikan sa pisngi si Jersey. "Assia, where's the C2? And do you have chichirya here? Fucking Sancho's eating the chips like it's his fucking dinner!"
Sinabi ko kay Niko na wala kaming C2 dito kasi hindi naman umiinom na si Tatay pati iyong mga kapatid ko... Pumasok na sila Tatay at mga kapatid ko at sinabi na magpapa-hinga na sila. Alam ko naman na gusto lang nila na maka-sama ko iyong mga kaibigan ko.
Paglabas namin ay kita naming namumula na iyong mukha nung mga lalaki. Nakita ko na halos ubos na iyong lambanog. Saan kaya nanggaling 'to?
"Come here," sabi ni Vito matapos hawakan iyong kamay ko at paupuin ako sa tabi ko. Naghiyawan naman sila dahil sa ginawa ni Vito. "Shut up," dugtong ni Vito tapos ay niyakap ako at pinatong iyong ulo sa balikat ko. "I love you," bulong niya.
"You two are disgusting," sabi ni Niko pagkatapos kaming batuhin ng mani.
"No one gives a shit," sabi ni Vito.
"Jersey, come here," sabi ni Niko sabay tapik sa mga binti niya para paupuin si Jersey doon.
"Tangina ka. 'Wag mo akong idamay."
Napailing at natawa na lang ako roon. Napa-tingin ako kay Sancho na tumatawa habang naka-tingin kay Niko at Jersey na nagtatalo dahil ayaw maupo ni Jersey sa binti ni Niko. Si Yago at Rory naman ay guma-gatong pa.
Nang magka-tinginan kami ay ngumiti lang siya sa akin.
Sabi ni Vito, si Isobel lang daw ang gusto talaga ni Sancho... pero paano kung mayroong iba talaga para sa kanya? Kasi gusto ko rin siyang maging masaya...
"They'll sleep in the house," sabi ni Vito. "Do you think Tatay will allow you to sleep there, too?"
"Itatanong ko."
"You can sleep beside me."
"Bawal nga."
"Literally just sleep."
"Ikakasal na tayo."
"I'll just hold you close."
"Baka may iba kang gawin," sabi ko at natawa siya at hinalikan iyong balikat ko.
"Fine..." sabi niya at saka ipinikit ang mga mata habang naka-sandal pa rin sa balikat ko. "I'm so happy right now, Assia..."
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top