Chapter 48

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG48 Chapter 48

"Ano po 'to?" tanong ko kay Tatay nang may iabot siya sa aking plastic. Naglilista ako ng mga ipapa-bili ko kina Alec sa bayan para sa ibabaon namin kapag lumuwas kami sa Maynila. Mahaba kasi iyong byahe kaya kailangan naming magbaon ng pagkain... Mabuti nga iyon at mauupo lang kami. Nabibilib talaga ako kay Vito tuwing pumu-punta siya rito na akala mo ay malapit lang.

"Ayos lang kahit hindi mo gamitin," sagot ni Tatay. Kumunot ang noo ko. Binitiwan ko iyong hawak ko na ballpen at saka tinignan kung ano ba iyong laman nung binigay niya sa akin. Napa-awang iyong labi ko nang makita ko na isa iyong kulay pink na dress na mayroong maliliit na strawberry na design.

Napa-tingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang sinu-suot sa oathtaking mo. Kung hindi iyan pwede—"

"Isusuot ko po."

"Ayos lang ba na isuot mo?" nag-aalalang tanong niya. Agad akong tumango. "Kasi kung hindi, pwede pa naman akong bumalik sa bayan para ibili ka ng ibang damit."

Agad akong umiling at saka ngumiti sa kanya. "Salamat po, Tay," sabi ko. Simpleng tumango lang si Tatay. Alam ko na hindi siya sanay sa ganito... mas lalong tahimik siya nung buhay pa si Nanay... pero ramdam na ramdam ko ngayon kung gaano niya sinusubukan na maging mas malapit sa aming magkakapatid...

Nang maka-alis si Tatay ay agad kong nilabhan iyong damit. Nang matapos ako at isasampay ko na sana ay nakita ko na tuma-tawag si Vito. Ibinaba ko iyong palanggana at sinagot iyon.

"Hi," agad na sabi niya.

"Hi," sagot ko. "Kumain ka na ba?"

"Yes," sagot niya. Sa dami ng ginagawa niya ay nalilimutan niyang kumain kaya lagi ko siyang tine-text na kumain siya. "What time will you arrive? I'll pick you up from the station."

"Gabi kami aalis kaya baka mga alas-otso."

"Okay. Text me when you're in NLEX?"

"Okay."

"Does your dad want any food so that I can prepare?" tanong niya. Sabi ko kasi ay sa mismong araw na kami ng oathtaking pupunta, pero sabi ni Vito ay mapapagod ako sa byahe. Sabi niya ay dumating kami sa Maynila sa araw bago ang oathtaking at doon na lang kami sa condo niya matulog. Ayoko sana dahil nakaka-hiya kaya lang ay naisip ko na tama rin siya... Sobrang haba ng byahe... At saka gusto ko rin sana ng oras para mapuntahan ko sila Niko at Sancho.

"Hindi na. May baon kami."

"You sure?"

"Sure."

Narinig ko iyong pagtawa niya. "How about you? Do you want any food?" tanong niya. Kahit sa boses niya lang ay ramdam kong naka-ngiti siya kaya naman napa-ngiti rin ako.

"Wala naman... pero kumain ka na nga?"

"Yes. I sent you a picture of my food."

"Hindi pa ako nakakapagbukas ng messenger," sabi ko sa kanya. Ang tagal ko nang walang kahit anong account online dahil ayoko na makita ako ng mga tao... pero naisip ko na kailangan ko rin iyon para maka-usap ko iyong ibang mga kaibigan ko. Kaya naman gumawa ako ng bago pero kaunti lang ang nakaka-alam.

"When you get your first salary, can you buy my phone for like a thousand so we can FaceTime?"

"Ibibigay ko kay Tatay iyong unang sahod ko."

"Then buy my phone for a hundred."

"May cellphone naman ako."

"Yeah, but we can't FaceTime."

"Nakaka-pag-usap naman tayo."

"Yes, but it's not FaceTime."

"Makikita mo naman ako bukas."

"But I want to see you right now."

Natawa ako. "May isasampay lang ako tapos tatawagan kita sa Messenger, okay?"

"Okay..."

"Sige na, magsasampay ako."

"Don't hang up the call. You can sampay while I'm on the line."

"Kailangan kong gamitin iyong kamay ko."

"Then loudspeaker."

"Wala akong patungan."

"Fine."

"10 minutes lang."

"Okay. I'll be waiting."

"Okay. Tatawag ako."

"I love you," sabi niya.

Napa-ngiti ako. "I love you din."

Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko ibinaba iyong tawag. Ilang segundo ang lumipas. "God, I can't wait to move to Isabela," sabi niya bago ako natawa at binaba na ang tawag.

* * *

"Wag mo na lang pansinin, Ate," sabi ni Alec nang mapansin namin na may dalawang babae na naka-tingin sa akin. Alam ko naman na kung ano ang iniisip nila.

"Wag niyo ring pansinin," sagot ko.

"Mga walang magawa sa buhay," singit ni Aaron.

Hindi na ako sumagot pa dahil baka mapa-away na naman ang mga kapatid ko. At saka kasama ko si Tatay. Gusto ko lang na pumunta kami sa Maynila nang tahimik. Masayang araw 'to. Magiging ganap na abogado na ako. Ayoko nang pansinin iyong ibang bagay.

Natulog lang ako buong byahe halos. Gising lang si Tatay dahil bina-bantayan niya kami at iyong gamit namin. Ginising niya ako nung nasa NLEX na kami dahil nagpa-gising ako.

'Nlex na kami.'

'Okay. I'll head there in a while,' mabilis na sagot niya na para bang naka-abang talaga siya sa text ko.

'Medyo malayo pa naman.'

'It's okay. Do you want any breakfast?'

'Kumain na kami. May baon nga kami.'

'Okay. Text me if you want anything. I love you.'

Grabe... Simula nung gabing hinalikan niya ako, tuwing matatapos kaming mag-usap o kaya naman ay matatapos iyong text namin ay lagi siyang may ganyan. Baka masanay ako.

"Grabe naman. May pa I love you," biglang sabi ni Alec.

"Ang chismoso."

"Ang ganda lang ng kapatid natin—ni walang I love you, too. Iba ka rin talaga, Ate. Ang haba ng buhok," sabi ni Aaron tapos nag-apir silang dalawa. Hindi ko alam kung saan sila nagmana.

Mula NLEX hanggang sa maka-rating kami sa terminal ay ginu-gulo lang ako ng mga kapatid ko. Mas lalo nila akong tinukso nang pagdating namin sa terminal ay agad nilang nakita iyong sasakyan ni Vito na naka-park.

"Kung ayaw mong pakasalanan, ako na lang magpapakasal, Ate," sabi ni Aaron. Napa-buntung-hininga na lang ako. Ang haba ng byahe namin, pero parang hindi sila naubusan ng lakas.

Pagbaba namin ay agad na tinulungan ni Vito si Tatay sa dala niyang mga gamit pagka-tapos niyang magmano. Napa-tingin ako sa mga kapatid ko at nakita ko na naka-ngisi sila sa akin.

Inilagay ni Vito sa likod iyong mga gamit. Naunang sumakay iyong mga kapatid ko sa loob ng sasakyan. Sumunod ako kay Vito sa likod habang nilalagay niya iyong mga gamit.

"Good morning," sabi niya nang mailagay niya na lahat ng gamit at sinara niya na iyong pinto. "I'd hug you, but they're watching."

Tumango ako. "Mamaya na lang."

Tumawa siya. "Definitely," sabi niya. "Interested in buying my phone?" tanong niya at napa-iling na lang ako dahil ang kulit niya.

Mabilis lang ang byahe. Pagdating namin sa condo ni Vito ay pinauna na kami nila Tatay dahil bibili muna raw sila ng kung ano sa convenience store. Sabi ko ay sasamahan ko na sila, pero mauna na raw kami. Pumayag na rin ako para maka-usap ko si Vito. Ang kulit kasi ng mga kapatid ko.

Pagsara pa lang ng elevator ay agad na hinawakan niya iyong kamay ko.

"Do you think your father will mind if I'll just build a hut near your house?"

Natawa ako. "Sa kubo ka talaga titira?"

"I'll try, but if I can't handle kubo, then I'll have a more permanent house built," sabi niya. "But do you think he'll mind?" Nagkibit-balikat ako. "Because I already asked around and the land next to yours is for sale."

"Landgrabber ka na rin?"

"How dare you," pabiro niyang sabi. "I'm gonna pay just compensation."

"Based sa fair market value o sa city assessor?"

"Whichever is higher, Atty. dela Serna."

Natawa ako. "Mabuti 'yan," sabi ko pero nagulat ako nang bigla niya na lang akong kabigin at yakapin nang mahigpit. Naramdaman ko iyong pagrerelax niya nang yakapin ako.

"I love you so much, Assia..." bulong niya sa akin.

"I love you rin."

"It's crazy how much I love you."

"Mahal din kita, pangako."

"Do you think your dad will kill me if I just take you home with me?" tanong niya natawa ako. Hindi rin ako naka-sagot dahil bumukas na iyong elevator.

"Gusto mo na talaga agad akong pakasalanan?"

"Without a doubt."

"Paano kung makalat pala ako sa bahay?"

"I won't marry you to be my maid or my cook—I wanna marry you because I want you to be my wife—so don't worry about cooking or cleaning."

Natawa ako. "Seryoso ka?"

"Ask me one more time and after your oath taking, we'll apply for marriage license," sabi niya habang binubuksan iyong pintuan sa condo niya. Natawa ako sa sagot niya. Magsasalita pa sana ako nang halos mapa-talon ako sa gulat nang may mga taong biglang sumigaw ng "Congratulations, Atty. dela Serna!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyong mga kaibigan ko... Agad na lumapit sa akin sina Jersey, Tali, Lui, Sancho, Niko, pati si Mauro.

Napa-tingin ako kay Vito na naka-ngiti sa akin. "Surprised?"

Tumango ako. "Paano—"

"Your family's in another unit. I asked them if they wanna come, but they said that you should enjoy this party with your friends," paliwanag ni Vito. Kaya pala...

Nagpasalamat ako sa kanila. Masaya silang lahat para sa akin, pero kahit na ganoon ay ramdam ko na mayroong nagbago. Siguro ganoon talaga... Kasi kahit sa sarili ko ay ramdam ko na mayroon ng iba—hindi na kagaya ng dati. Hindi na siguro talaga mababalik pa.

"Hey..." sabi ni Sancho nang lapitan ko siya. "Congrats, Attorney."

Ngumiti ako. "Salamat. Kamusta ka?"

Nagkibit-balikat siya bago uminom nung beer na hawak niya. "Ayos lang."

Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko. Ayoko namang pangunahan siya... pero ramdam na ramdam ko iyong bigat ng dala niya. Sabi ni Vito ay si Sancho raw ang kumontak doon sa mga taong namatay... Siya iyong naghanap ng security... Kaya ganito na lang iyong bigat ng dinadala niya dahil pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit may dalawampung buhay ang nawala.

Siya iyong unang kumausap sa pamilya.

Siya iyong sinisi nila.

Kaya hindi rin siya masisi kung bakit laging alak ang hawak niya. Siguro... siguro iyon ang nakaka-tulong sa kanyang maka-limot. Kahit sandali lang.

"Sancho—"

"Ayos lang ako, Assia," sabi niya na may tipid na ngiti. "Ayos lang ako." Pero kahit ilang beses niya pang sabihin, wala namang maniniwala sa kanya...

Iniwan ako ni Sancho para kumuha ng beer sa ref. Nanatili lang akong naka-tingin sa kanya. Ang hirap na hindi ko alam kung ano ang sasabihin... kasi nung ako ang may problema, para bang alam na alam niya kung ano ang sasabihin para pagaanin ang loob ko...

"Congrats again, Attorney." Napa-tingin ako kay Niko at napa-ngiti. Naupo siya sa tabi ko. "Wanted to personally congratulate you, but I was really busy."

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang... Kamusta ka?"

Nagkibit-balikat siya. "Could be better."

"Alam mo naman iyong number ko, 'di ba? Tawagan mo ako kapag gusto mo ng kausap."

Ngumiti siya. "I know," sabi niya. "Heard Vito's moving his ass to Isabela. Jersey and I will definitely come visit."

Tumango ako agad. "Magpapa-tayo raw si Vito ng kubo," sabi ko at malakas na tumawa si Niko.

"Vito!" malakas niyang tawag. "You'll live in a hut? You? Viktor Tobias Sartori? You don't even like camping, you dipshit!"

"Shut up," tanging sagot ni Vito.

"Vito... in a hut..." sabi ni Niko na natatawa. "I'll give him a day."

"Grabe ka naman."

"Assia, I don't know if you've ever noticed but Vito doesn't even use public bathroom because he's so..." sabi niya at saka napa-tingin kay Jersey. "What's the word, ga?"

"Maarte."

"Yeah," sabi niya sabay tingin sa akin. "Vito is maarte."

"Oh, fuck off," biglang singit ni Vito pero lahat ay sinabihan siya na maarte. Natawa na lang ako dahil pinagtutulungan na nila si Vito. Biglang si Lui ay nagkwento ng kung anu-ano tungkol sa mga 'kaartehan' daw ni Vito.

Akala ko ay mapipikon si Vito dahil pinagtulungan lang siya ng lahat—si Jersey iyong pinaka-maraming nasabi... Grabe... Ang lakas niyang mang-asar...

Nang mag-uwian na sila ay tinulungan ko si Vito na maglinis ng mga kalat. Nilalagay namin sa malaking plastic bag iyong mga kahon ng pizza at mga paper cups.

"Salamat," sabi ko sa kanya. Natuwa talaga ako na ginawa niya 'to... Binati naman na ako nila Niko, pero iba na nandito sila... Balak ko pa lang sana na kitain sila bukas, pero na-surpresa talaga ako...

"You're always welcome," naka-ngiting sagot niya.

"Vito."

"Hmm?"

"Mahal kita."

Napa-awang iyong labi niya. Nagulat siguro siya. Lagi kasing siya iyong nauuna... pero gusto kong mauna ngayon. Kasi deserve niya. Sobrang... mahal ko talaga siya.

"Sorry kung natagalan—"

Umiling siya. "I badly wanna believe everything happens for a reason," agad niyang sabi. "Everything that happened... it lead us here. I'm just thankful you're here right now."

Ngumiti ako sa kanya. "Bigyan mo lang ako ng kahit isang taon para makapagtrabaho at maka-tulong kila Tatay... Gusto rin kitang pakasalanan na..."

Umawang ang labi niya. "W-what?"

Pinulot ko iyong mga bote na halos si Sancho lang ang uminom. "Magta-trabaho muna ako... Tapos pangarap ko talaga na patayuan si Tatay nung bahay... Iyong gawa sa semento talaga... Saka pangarap ko rin na bilhan siya ng sasakyan... Para hindi na siya nahihirapan kapag pupunta sa bayan... Kailangan kong magtrabaho—"

Natigilan ako nang makita kong naka-ngiti siya sa akin.

"Bakit... ka naka-ngiti?"

Umiling siya habang naka-ngiti pa rin. "I love a lot of things about you, Assia... but the thing I probably love the most is how you love your family..." sabi niya at saka inilagay iyong mga kamay sa bewang ko. "Whatever you want, we'll do it, okay?" tanong niya.

Tumango ako. "Okay..."

"Can I kiss you now?" tanong niya pero imbes na sumagot ay tumingkayad lang ako at agad siyang hinalikan. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top