Chapter 46
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG46 Chapter 46
"Ah... Ganon ba?"
Mabilis na kumunot ang noo niya; umawang ang labi. Alam ko na gusto niyang tanungin kung bakit ganito lang ang reaksyon ko. Alam ko na dapat excited ako... ilang taon kong hinintay na maging abogado ako...
Pero para kasing nawalan ng saysay.
Hindi ko alam kung sino pa ang tutulungan ko kung lahat sila ay ganito na ang tingin sa akin.
"Is there anything wrong?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala naman. Hindi lang ako ganoon ka-excited. Nagulat din ako," sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang muli kong marinig ang pagtawag sa akin ni Alec. Tumalikod ako para humarap sa kanya at nakita ko na natigilan siya nang makita niya si Vito. Agad din siyang naglakad pabalik sa bahay. Nito ko lang nalaman na malapit pala kahit papaano si Vito sa pamilya ko dahil madalas siyang pumu-punta rito nung naka-kulong pa ako. Sinabi rin ni Tatay sa akin na si Vito iyong tumulong sa kanila para makapagsimula ulit sa pagtatanim.
Walang sinabi sa akin si Vito—kung hindi pa sinabi nila Tatay ay hindi ko pa malalaman.
"Kamusta ka? Tapos na ba iyong sa hearing?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi na ako masyadong nanonood ng TV dahil palagi ko lang nakikita iyong mukha ni Atty. Villamontes. Gusto ko nang mawala siya sa isipan ko. Pero kahit na ganoon, nakikinig pa rin ako tuwing tuma-tawag si Vito kasi gusto kong malaman niya na may taong laging handang makinig sa kanya.
"I've given my statement—Tali's doing all the job," sabi niya.
"Si Tali..." Tumingin ako kay Vito. "Magiging maayos naman siya, 'di ba?"
Maraming magagaling na abogado.
Maraming matatalinong abogado.
Pero kakaunti lang iyong may puso.
"She's fine... at least physically," simpleng sagot niya.
"May nangyari ba sa kanya?"
"She's just been never the same since—" sabi niya at saka saglit na natigilan. Kitang-kita ko pa rin sa mukha ni Vito iyong hirap at pagka-guilty sa nangyari. "But she's fine. I think. Lui's always with her."
Tumango ako. "Sila... Niko? Sancho?"
Sabay kaming naglakad ni Vito. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Basta ay naglalakad lang kaming dalawa sa gilid ng bukirin. Sariwa iyong hangin. Walang masyadong ingay. Mas gusto ko rito... kaya lang ay masyadong mapanghusga iyong mga tao.
Sandali lang akong nakulong kung tutuusin at napa-laya ako, pero ganito na iyong trato nila sa akin... paano pa sa iba? Iyong mga nahatulan talaga? Wala na ba silang karapatang magkaroon ng bagong buhay? Kasi iyon ang sinabi sa amin dati—na ang dahilan kung bakit kinu-kulong ang isang tao ay para pagbayaran niya iyong kasalanan niya at magbago siya.
Pero paano kung parang mantsa na siyang naka-ukit sa balat mo?
Iyon ka na lang? Ex-convict? Walang karapatang magbago?
"Niko's with Jersey so he's fine," sabi niya.
"Si Sancho?"
"He's spiraling." Napaawang ang labi ko. "There are things going on with him and it's not my story to tell... but you should maybe talk to him. He listens to you."
Agad akong naka-ramdam ng pagsisisi dahil hindi ko masyadong nakaka-usap si Sancho... Nandyan siya nung mga panahon na kailangan ko siya... Hindi ko lang akalain na ganito pala kabigat ang pinagdadaanan niya... Lagi lang kasi siyang tahimik... Tatawa kapag pinagti-tripan nila ni Vito si Niko...
Napa-tigil sa paglalakad si Vito. Kinuha niya iyong cellphone niya, at saka tumingin sa akin. Sa tingin pa lang niya ay parang alam ko na kung ano ang nasa cellphone niya.
"Lumabas na?"
Tumango siya. "What do you want to do?"
"Hindi ko alam."
"Don't you want to be a lawyer anymore?"
"Hindi ko alam."
"You can always talk to me," malambing na sabi niya. Hinawakan niya iyong mga kamay ko at direktang tumingin sa mga mata ko. "I know I've been busy the past month, but you can always tell me anything. I'll always listen."
Mabilis akong napa-ngiti. "Sa tingin mo ba, papasa ako?"
Binitiwan niya iyong isang kamay ko at sabay kaming naglakad muli. "I mean, if Niko topped the BAR, I can't see why you can't pass it," sabi niya at bahagya akong natawa. "Seriously—no one saw that coming."
"Grabe ka. Masipag naman iyong tao."
"You didn't see him when we were reviewing—he was very distracted."
"Bakit naman?" tanong ko. Alam kong hindi kami okay nung mga panahon na 'yun... Nasabi ko naman na kay Vito noon na nasaktan ako nung iniwasan nila ako sa law school... Pero ayoko nang banggitin pa ulit iyon. Wala namang may gusto—saka maayos na kami ngayon. Bakit ko pa babalikan iyong nakaraan?
"You already met Jersey, right?"
Tumango ako. Naalala ko na naman iyong panty sa sofa ni Niko... Kay Jersey kaya iyon? Pero bakit naka-ipit sa sofa? "Girlfriend ni Niko?"
Natawa siya. "Those two confuse me."
"Matagal na pala sila?" tanong ko.
"It's hard to say—they're very confusing."
"Pero mukhang bagay naman sila," sabi ko. Maingay si Niko... pero mukhang mas maingay si Jersey. Siya na yata ang makaka-pantay kay Nikolai.
"Yeah..." sagot niya. "Do you wanna look at the results?"
Imbes na sumagot ay tinuro ko kay Vito iyong naka-tumbang kahoy sa may ilalim nung puno. Naglakad kami papunta doon. Naupo kami. Ramdam ko iyong tingin niya sa akin.
"Kung pumasa man ako... para saan pa?"
"Because you wanna help the people, remember?"
Nagkibit-balikat ako. "Ang hirap nilang tulungan."
"Assia..." pagtawag niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit kapag siya ang tumatawag sa pangalan ko, imbes na makaramdam ako ng takot ay parang mas nagiging kalmado ako.
"You're the kindest person I know—please don't let what happened change you," mahinang sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko. "There are monsters in this world... but there are also kind people. Let's fight for those people."
"Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Mabait si Vito... pero ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang ganito. Sa aming dalawa, mas ako iyong magsasabi ng sinasabi niya sa akin ngayon.
"I don't know... I spent a lot of time with the victims' families. It changed my perspective in life."
Nagbuntung-hininga siya.
"I'll always remember that day," sabi niya. "What if Niko and I rode with them? What if Tali arrived on time? Would we have died with them, too?" tanong niya. "It was hard reading the report—how they asked those who survived the initial ambush to step out of the vehicle and executed them like... they meant nothing."
Hinigpitan ko iyong hawak ko sa kamay niya. Ngayon lang niya sinasabi sa 'kin 'to... Palagi lang siyang tahimik dati at sinasabi na kasalanan niya iyong nangyari...
Tumingin siya sa akin. "I've always wondered what my purpose in life is, Assia... I always did what was expected of me—I never wanted to say no because I don't like disappointing the people around me..." sabi niya at mapait na ngumiti. "It sucks that this had to happen for me to find what I really want to do in life."
Hindi ako nagsalita, pero nanatili akong naka-tingin sa kanya.
"When everything is settled, I'm gonna quit my job."
"Saan ka pupunta?"
"Public Attorney's Office? Prosecution? I don't know yet—but all I know is that I want to fight for the oppressed," sagot niya sa akin.
"Sa Maynila?"
"Why? You want me here?" naka-tawang tanong niya. Nagkibit-balikat ako. Napa-awang ang labi niya. "Seriously?"
"Wala akong sinabi."
"But do you want me here?"
"Nasa Maynila iyong pamilya mo."
"They're not talking to me right now, so I don't think that's a problem."
Agad na nawala iyong ngiti sa labi ko.
Oo nga pala—pinaghatian nila nila Niko iyong sa mga binigay sa bawat pamilya... Sabi ni Vito na nagalit iyong magulang niya nang galawin niya iyong trust fund niya para gamitin doon... Pero ayaw pumayag ni Vito na hindi gawin iyon kasi alam naman naming lahat na kahit pa manalo si Tali sa kaso, hindi pa rin basta-basta magbibigay ng danyos iyong mga Villamontes. Sigurado akong gagawin nila lahat para wala silang ibigay kahit isang kusing.
"Sorry..." mahina kong sabi.
Hinawakan niya iyong pisngi ko. "Not your fault—never your fault, okay? It was my choice to do that, and I'll do that again if I have to. It's just money. There are more important things than money."
Hinawakan ko iyong kamay niya na naka-hawak sa pisngi ko. Bakit hindi na lang kami ganito dati? Bakit ang daming kailangang mangyari?
Pero baka ganoon talaga.
Parte siya ng buhay ko.
Kailangan ko lang tanggapin.
"Salamat..."
Umiling siya. "You don't have to."
"Pero salamat pa rin."
"You're welcome, I guess?" natawang sagot niya sa akin. "But I just want to see you smiling again, Assia. I'll wait for that day."
Tumango ako. "Makaka-balik din ako..." mahinang sagot ko. Alam ko naman na hindi pa rin ako kagaya ng dati... pero mas maayos na ako ngayon... at mas magiging maayos ako sa mga sumunod na araw... kailangan ko lang maging ma-tyaga sa sarili ko...
"If you feel lost right now, it's okay. I'm here. I'll hold your hand until you find your way back."
Tumingin ako sa kanya. "Okay," sabi ko at saka huminga nang malalim. "Tignan na natin iyong resulta."
Agad kong tinakpan ng mga kamay ko iyong mukha ko nang kunin ni Vito iyong cellphone niya. Kanina ko pa naririnig na sunud-sunod iyong pagvibrate ng cellphone niya. Nanginginig iyong mga kamay ko at pabilis nang pabilis iyong tibok ng puso ko.
"Top 10's announced," sabi niya. "As usual, SCA got the top spot. I seriously wonder what's up with that school—they're producing topnotchers like it's their hobby."
"May naka-pasok ba sa Brent?" tanong ko para mabawasan iyong kaba.
"Top 5 and Top 8," sagot niya. "Why are you covering your face?" tanong niya na ramdam ko na natatawa siya sa akin.
"Kinakabahan ako."
"And here I thought you don't wanna be a lawyer anymore," tukso niya.
"Bawal bang kabahan?"
"Bawal," paggaya niya sa sinabi ko.
"Tignan mo na kasi."
"It's still loading."
"Baka mahina iyong signal dito," sabi ko at saka tumayo para sana maglakad kung saan man may magandang signal. Pero bago pa man ako maka-lakad ay mabilis ding tumayo si Vito. Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Bumilis iyong tibok ng puso ko sa ngiti niya.
"No need to worry, Atty. dela Serna—" sabi niya kaya naman agad akong napa-tingin sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Top 17—not bad, huh?"
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top