Chapter 42
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG42 Chapter 42
"Nababaliw ka na ba?"
"Maybe. I don't know."
"Bakit mo 'yun ginawa?"
Hindi siya agad sumagot. Sumandal siya at saka huminga nang malalim. Saglit na ipinikit niya ang mga mata niya bago idilat iyon at direktang tumingin sa akin.
"There are lots of claims, but we're verifying them to make sure that they're telling the truth."
"Ilan?"
"I don't know—hundreds."
"Hundreds?"
"Yeah... apparently, money's a really great motivator."
Kung makapagsalita siya, akala mo hindi 10 milyon ang sinabi niyang ibibigay niya sa sinuman ang lalapit at magsasabi na inabuso sila ni Atty. Villamontes.
"Nababaliw ka na nga yata talaga kagaya ng sinabi ni Shanelle."
Agad na kumunot ang noo niya. "Shanelle?"
Tumango ako. Hindi ko sinabi sa kanya na sinabi sa akin ni Shanelle na wala na sila. Siguro nga matagal ko nang alam, pero mas pinili kong 'wag pansinin. Kasi dati, iba ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
Pero ngayon, siya na ang nasa harapan ko.
Pero paano kung makulong ako?
Paano kung nandito ako at nasa labas siya?
Hindi patas—para sa kanya, para sa akin.
Makaka-hanap din siya ng iba.
Hindi siguro talaga.
"What did she say?"
"Wala."
"Assia."
"Vito."
Bahagya siyang natawa. "You're in a good mood, huh?"
Umiling ako. "Nababaliw na rin yata ako," sabi ko ng naka-ngiti.
Tumitig siya sa akin.
Tapos ay sa kamay ko.
Parang gusto niyang abutin.
Kinuha ko iyon at ipinatong sa mga binti ko. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Masama ba ako? Pero mas ayoko na umasa siya... kasi paano kung makulong ako? Hihintayin niya lang ako? Ng 12 taon? Masyadong matagal para hintayin niya ako. Ayoko na itigil niya iyong buhay niya para sa akin.
"There are hundreds of people calling every day, Assia. At least one of them will pan out. You just have to trust."
Huminga ako nang malalim at saka tumango. "Pero kapag wala..." Huminto ako at tumingin sa kanya. "Pwede ka bang mangako?"
"It depends," seryosong sagot niya.
"Please?"
Umiling siya. "I know where this is heading and the answer is no."
Inabot ko iyong kamay niya na naka-patong sa lamesa. "Sasabihin ko lang naman na kapag wala kayong nakuha na witness... Vito, bitiw na. Tama na. Baka ganito talaga iyong katapusan."
Ramdam ko na babawiin niya iyong kamay niya, pero hinigpitan ko iyong hawak. Sana makinig siya. Kasi pinapa-hirapan niya lang iyong sarili niya sa ginagawa niya. Alam ko kahit walang nagsasabi sa akin na naiipit na rin si Vito sa pamilya niya—kasi sino ba naman ang matutuwa na makita mo ang anak mo na tinatapon lahat ng pinaghirapan niya para sa isang babae na hindi masuklian lahat ng ginagawa para sa kanya?
Siguro nga tanga si Vito.
Bakit niya ba kasi 'to ginagawa?
Parang sobra na...
Parang kahit wala siyang sabihin...
Bakit parang mahal na mahal niya ko?
"Assia, we're still on the pre-trial—there's still trial, motion for reconsideration, certiorari, mandamus—hell, there are still a lot of things we can do for this case!"
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"Vito, alam mo, minsan may mga bagay na kailangang sukuan talaga."
Umiling siya. "I won't give up—not on you."
"Nagawa mo naman dati."
Napa-awang ang labi niya. "What?"
Ngumiti ako. "Naalala mo nung 4th year tayo? Nung hindi niyo ako kinakausap nila Niko? Nagawa mo naman dati... Nagkaroon ng Shanelle... Nabuhay ka naman ng wala ako... Kakayanin mo rin ngayon. Kailangan mo lang gawin ulit."
Mabilis na nagtubig iyong paligid ng mata niya.
Lumalim ang paghinga.
Umigting ang panga.
"That's unfair..." mahinang sabi niya.
"Pero nagawa mo pa rin..."
"Because you kept on saying no! What the hell was I supposed to do?!"
"Hindi ko alam pero, Vito, nasaktan ako noon."
Agad na natigilan siya.
"Nasaktan mo ako noon—kaya mo ulit gawin ngayon."
Mabilis niyang binawi iyong kamay niya at wala akong nagawa. Mabilis niya ring pinunasan iyong luha bago pa man kumawala mula sa mga mata niya.
Iyong mga mata niya.
Paborito kong tignan noon kasi ang ganda ng kulay.
Pero kapag ganitong may luha... gusto ko na lang mag-iwas ng tingin.
"Ginawa mo naman na lahat, Vito. Okay na 'yun. Sobra na 'yun."
"No," umiiling na sabi niya. "I'll get you out of here—"
Dahan-dahan akong umiling.
Natigilan siyang muli.
"Pwede mo naman akong bisitahin dito... pero 'wag na lang siguro... Sigurado ako makaka-hanap ka ng iba. Mabait ka, maalaga." Tumigil ako at saka ngumiti. "Saka gwapo. Tapos iyong mga mata mo..."
"If I'm all those things, then you should want me for yourself!"
Hindi ako sumagot.
"Assia, you know how crazy this is? It feels like you're breaking up with me when we were never together!"
Hindi naging kami.
Hindi siguro magiging kami.
Pero parang mas higit pa 'dun iyong pinagsamahan naming dalawa.
Lahat nung pinagsamahan namin sa classroom... iyong mga pag-aaral namin sa labas... iyong paghatid niya sa akin sa boarding house... pagtuturo kapag may hindi ako masyadong naiintindihan... iyong pagsaway niya kay Niko kapag tinutukso ako ni Niko...
"Know what, Assia dela Serna? I did exactly what you're asking me to do. I tried dating other women but it just made me feel like crap because I constantly felt like I was being unfair because... fuck! One call from you and I go running. That's so fucking unfair!" sigaw niya. Kita ko iyong lalim ng paghinga niya. Iyong bahagyang panginginig ng balikat at mga kamay niya. "Shanelle... God, she's amazing. You know how my family wanted me to marry her? But I could never bring myself to propose because what the fuck? Was I really that cruel? That I'd marry her when deep inside me, I know that at best, I'd give her half of myself. That's so unfair. I won't do that to her."
Malakas niyang ibinagsak ang mga kamay niya sa lamesa.
"I should've told you this years ago," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "I love you and it's crazy how much I love you. Even I don't understand it myself. I just go crazy when it's about you. I'm willing to throw it all away—defy every rule because what the hell? If it's for you, I'd do it in a heartbeat. No fucking questions asked."
Kitang-kita ko ang lalim ng paghinga niya.
"So, you listen to me because I've been listening to you for years. It's my turn now," matalim niyang sabi. "I'll get you a witness and I'll get you out of here. If God forbid that I don't find anyone, fine, but I won't date anyone. I'd visit you every weekend. You'll see this fucking face every weekend, Assia dela Serna. And we'll wait until you serve your sentence. And I'll be the one to welcome you outside."
Napaawang ang labi ko sa mga sinasabi niya.
"Did I make myself clear?"
Hindi ako naka-sagot.
"Say yes," sabi niya habang diretsong naka-titig sa akin.
Pero hindi pa rin ako maka-galaw.
Lumapit siya papunta sa akin. Kinulong ang mukha ko sa kanyang mga kamay at tumitig sa mga mata ko.
"Say yes," ulit niya.
"12 years..." sagot ko.
"Are you scared?"
Tumango ako.
Kasabay ng pagbagsak ng luha.
Mabilis niya akong kinulong sa yakap niya. Ramdam ko iyong paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "I'm sorry..." bulong niya sa akin. "I hate that you have to experience this, Assia... I only want good things for you... You're my angel, you know that? You make me want to be good because you're too good..."
Hindi ko alam kung gaano niya ako katagal na yakap. Pero bumitiw siya nang maka-rinig kami ng katok mula sa labas na senyales na kailangan niya ng umalis.
Muli siyang tumingin sa akin at pinahid ang luha gamit ang kamay niya.
"Just... hold on for a little longer, okay?"
"Okay..."
Ngumiti siya. "Thank you," sabi niya at hinalikan iyong noo ko.
* * *
Tahimik akong naka-upo nang tawagin ang pangalan ko. Agad akong sumunod—iniisip na baka si Tali o Vito ang bumisita sa akin. Pero agad na natigilan ako nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin.
"Plead guilty to homicide without self-defense and I'll recommend the lowest possible penalty for you," diretso niyang sabi sa akin.
Umiling ako.
"You studied law—you know that even with that circus your boyfriend created, it's still a court of law, not trial by publicity."
Tumingin lang ako sa kanya. Huminga nang malalim. Nung huli kaming nagkita, sinabihan niya ako ng malandi... Na pumunta raw ako doon para sa grades ko... Kahit hindi naman niya alam kung paano ko pinaghirapan lahat ng 'yun... Kung paano halos hindi na ako matulog para makapagbasa... Iyong mga gabi na magkasama kami nila Vito para lang mag-aral...
"Dapat abogado na ako ngayon," sagot ko sa kanya. "Dapat marami na akong natutulungan. Pero hindi nangyari dahil sa kaibigan mo."
"Pina—"
"Nabasa mo na 'to sa statement ko... pero uulitin ko sa harapan mo kasi baka makinig ka na," sabi ko sa kanya at saka huminga nang malalim. "Nung gabi na pumunta ako para magtanong sa grades ko, hindi ko siya inakit... Gusto ko lang magtanong kung bakit ganoon iyong nakuha ko. Bakit ako nandoon ng gabi? Siguro kasalanan ko rin. Pero alam mo kung ano ang naisip ko nun? Hindi ako pwedeng ma-delay kasi may pamilya ako na umaasa sa akin. Na hindi naman ako mayaman na pwedeng umulit lang ng klase. Hindi naman ako namumulot ng pera. Mahirap lang ako, Prosecutor... pero pinalaki ako nang maayos ng magulang ko... ng nanay ko na namatay sa sama ng loob nang malaman niya iyong ginawa sa akin ng best friend mo."
Nakita ko iyong mga mata niya.
Gusto niyang maniwala... pero kaibigan niya...
"Nung gabing nawala siya... hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandoon. Ang dami kong hindi naiintindihan... pero alam mo po kung ano ang naaalala ko? Iyong pagsigaw niya sa akin... iyong pagsabi niya sa akin na walang tutulong sa akin... iyong malakas na kabog ng pinto dahil gusto niyang buksan ko iyon kahit ilang beses na akong nagmakaawa na tumigil siya..."
Tumingin ako sa kanya.
"Bakit kasalanan ko pa rin? Kahit sinabi ko na na ayoko... na 'wag siyang lumapit... Bakit kasalanan ko? Kasi babae ako? Ganoon po ba 'yun? Dapat ba... pumayag na lang ako?"
Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Kaibigan mo siya... hindi niya ginawa sa 'yo... pero ibig sabihin ba nun hindi niya na ginawa sa iba? Dahil hindi mo naranasan, hindi na nangyari? Naniniwala ka ba talaga 'don?"
Nanatili akong naka-tingin sa kanya.
Hanggang sa marinig ko ang pag-atras ng upuan.
"Ayaw mong maniwala sa akin... pero paano kapag narinig mo sa iba? Kasalanan pa rin nila? Kasalanan din nila?"
Bahagyang umawang ang labi niya.
May gustong sabihin, pero agad na napa-tigil.
At mabilis na lumabas ng walang pasabi.
* * *
Ilang linggo pa ang lumipas.
Tahimik akong naghihintay sa sinasabi ni Vito na magandang balita. Magtiwala raw ako... Kaya naman tahimik lang akong naghihintay. Pero gumagawa ako ng sulat para sa pamilya ko. Kailangan kong magpaliwanag kay Tatay sa mga nangyari. Alam ko naman na alam niya na... pero mas mabuti siguro kung sa akin niya mismo malalaman.
"dela Serna," pagtawag sa akin.
Tahimik akong naglakad. Pagbukas ng pinto, agad kong nakita silang lahat—si Sancho, Niko, at Vito. Agad akong napa-ngiti dahil naka-ngiti sila. Para akong bumalik sa mga panahon na nasa law school pa kami.
"Hi," sabi ko.
"Hi," sagot ni Vito.
"Bakit... kayo naka-ngiti?"
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Niko. Natawa ako nang hatakin siya paalis ni Vito. "I'm sorry—just got really excited," sabi ni Niko.
Tumingin ako kay Vito. "Ano'ng... meron?"
Tumitig sa akin si Vito. "We finally found our witness, Assia," sabi niya sa akin. "And they can't discredit this witness because when Villamontes raped her—he also got her pregnant. There's a 3 year old boy carrying his blood. This is the break we've been searching for."
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top