Chapter 41
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG41 Chapter 41
Hindi ko alam kung bakit kinailangan pa nilang pumunta rito para mag-away. Kanina pa ako naka-tingin kay Vito at Tali na kanina pa nagtatalo. Ni hindi ko maintindihan ang sinasabi nila sa bilis ng mga salitang lumalabas sa bibig nila kaya naman ibinaling ko kay Sancho ang tingin ko.
"May nangyari," sabi ko sa kanya.
"May masamang nangyari," sagot niya.
"Nasaan si Niko?"
Nagkibit-balikat siya. "Kay Jersey siguro. Mainit din ulo."
"Ano'ng nangyari?" tanong ko kahit pa mayroon akong ideya kung ano ang nangyari base sa mga salitang kanina ko pa naririnig kina Vito. Kahit subukan nilang hinaan ang boses nila ay may mga naririnig pa rin akong salita.
"Ayaw magsalita nung Torres—walang kwenta rin iyong statement na binigay."
Simple akong tumango.
Hindi na ako nagulat pa.
Ni hindi nga ako umasa nang sabihin ni Niko na nakita nila si Atty. Torres. Hindi ko alam kung dahil ba iyon nawawalan na ako ng tiwala sa mga tao... o dahil kilala ko lang talaga si Atty. Torres.
"Nung una, maayos daw kausap tapos biglang nag-iba ng tono," sabi ni Sancho. "Malamang nakausap na nung kabila."
Muli akong tumango.
"Lawyer din siya—alam niya iyong gagawin kung ayaw niyang magsalita. Kaya kahit ano'ng gawin ni Tali, kung ayaw magsalita, wala rin siyang magagawa..." sabi ni Sancho sa akin. "Delikado na 'to, Assia."
Tipid akong ngumiti sa kanya.
Kung ano man ang mangyayari, naniniwala ako na parte 'to ng plani Niya. Kailangan ko na lang magtiwala. Hindi naman siguro ako pinapahirapan nang ganito para lang sa wala.
"You know what? Shanelle's right—you're too emotionally involved in this, Vito. Pwede bang lumayas ka sa harapan ko ngayon?"
Agad akong napa-tingin sa gawi nila nang marinig kong sabihin iyon ni Tali. Naka-tayo siya sa harapan ni Vito at diretso lang ang tingin sa kanya.
"You know I'm right," sagot ni Vito.
"Leave," tanging sabi ni Tali.
Tumingin sa akin si Vito. Akala ko ay may sasabihin siya, pero diretso lang siyang lumabas pagkatapos akong tignan.
"Can you please leave us?"
Tumayo si Sancho at sinundan si Vito palabas. Hinatak ni Tali ang upuan at naupo sa harapan ko. Tahimik akong naghihintay sa sasabihin niya.
"As your lawyer, I'm obligated to tell you the facts," seryosong sabi niya. "Naka-usap namin si Atty. Torres and although she's been very cooperative, ayaw niyang magsalita tungkol sa nangyari. So far, ang nakuha lang namin sa kanya ay na nakita niya na nahimatay ka at nag-offer si Villamontes na siya na ang magdadala sa 'yo sa ospital."
"Pero hindi niya ako dinala sa ospital..."
"I know..." sabi niya habang hinawakan ang kamay kong naka-patong sa lamesa. "But the optic is really bad, Assia. Walang ibang suspect. Walang maayos na witness. This looks really bad. And as your lawyer, I need to tell you that I really hate where this case is heading at."
Tumango ako.
"Ano'ng dapat kong gawin?"
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "We can continue fighting... It's still guilt beyond reasonable doubt, but without any witness at our disposal, I don't really like our chances, Assia. Si Torres sana, pero ayaw biglang magsalita... All those other women... Freaking NDA."
Muli akong tumango.
"Or we can change your plea."
"12 years..." tanging sabi ko.
"Better than the possible 20 years."
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko.
Si Tatay.
Iyong mga kapatid ko.
Baka hindi ko na sila maabutan kung mawawala ako ng 20 taon...
Tumingin akong muli sa kanya. "Wala na ba talagang pag-asa?" tanong ko sa kanya. Sabi nilang lahat na magaling si Tali... na alam niya ang ginagawa niya... kaya kung sasabihin niya sa akin na mas magandang gawin ko ito ay maniniwala ako.
Labing-dalawang taon.
Ang tagal...
Pero mas matagal iyong dalawampung taon.
"God... I really wish I'm as good as people think I am," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "I wanna tell you to continue with the case kasi trabaho naman ng prosecution na patunayan na may ginawa ka... Pero wala tayong witness... walang ebidensya... I'm basically just refuting and discrediting their statements and witnesses and I don't know how long that could hold up.
"But this is not my life, Assia. It's not my liberty at stake. Hindi ko pwedeng sabihin na ituloy mo dahil lang gusto ko—gusto ko na ikaw ang magdesisyon dahil buhay mo 'to. Dahil kung anuman ang mangyari, ikaw ang pinaka-mahihirapan dito."
Dahan-dahan akong tumango.
"Pwede bang pag-isipan ko muna?"
"Of course," sabi niya habang hawak ang mga kamay ko.
"12 years..." ulit ko.
"May parole, early release for good behavior..."
"Pero hindi na ako magiging abogado."
Hindi ko na matutulungan iyong mga pinangakuan ko.
Hindi na ako makaka-dalaw sa puntod ni Nanay para sabihin na naging abogado na iyong anak niya.
Siguro hindi ngayon ang tamang panahon.
Mali rin iyong timing.
"I'm sorry..." sabi niya.
Hindi ako sumagot.
Hindi ko kayang sabihin na ayos lang dahil pakiramdam ko ay unti-unting sumisikip ang mundo ko. Parang hindi ako maka-hinga.
Parang... nauubos.
"Bukas na lang," sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at iniwan ako. Baka alam niya. Baka alam niya na kailangan kong mapag-isa.
Nang sumara iyong pinto ay doon lang nagdire-diretso ang luha ko. Sumikip ang dibdib ko. Parang hindi ako maka-hinga.
Labing-dalawang taon...
Ang tagal...
Masyadong matagal...
* * *
Hindi ako naka-tulog buong gabi.
Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang gagawin ko.
12 na taon... o possibleng 20 taon...
Ang daling sabihin na pipiliin ko iyong 12 na taon, pero masyado pa ring matagal para pagdusahan iyong bagay na hindi ko naman ginustong gawin.
Bakit ba kasi may mga ganoong tao?
Bakit gusto nilang namimilit?
Bakit hindi sila marunong tumigil kapag sinabing hindi?
"Why am I here?" tanong ni Shanelle.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Nakiusap ako sa mga pulis kanina kung pwede akong tumawag. Sinabi ko kay Tali na papuntahin dito si Shanelle dahil gusto ko siyang maka-usap bago ko sabihin kay Tali ang desisyon ko.
"Babaguhin ko na iyong plea ko," diretsong sabi ko sa kanya.
"I seriously think that's the best decision."
"Sa tingin mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang ding malaman at marinig mula sa kanya na tama ang desisyon ko. Gusto kong sigurado ako bago ko sabihin. Dahil hindi biro iyong 12 taon na ilalagi ko sa kulungan.
Sigurado na kapag lumabas ako, marami ng nagbago.
Nandoon pa kaya si Tatay?
Iyong mga kapatid ko?
May pamilya na siguro ang mga kaibigan ko noon...
Malayo na ang narating nila sa buhay...
Iba na sila...
Samantalang ako...
Nandoon pa rin.
Tumigil ang buhay.
"Tali's a great lawyer, no doubt, pero may kaso talaga na kahit ano'ng galing mo, wala kang magagawa," diretso niyang sabi.
"Talo talaga..."
"Zaldivar's honestly not that great, but she's got tons of evidence at her disposal. Nabasa mo naman siguro iyong discoveries ng prosecution, hindi ba? Doon pa lang lubog na, Assia. Kung mayroon sanang kahit isang witness na makakapagcorroborate ng defense niyo, maybe you have a chance."
Kaso wala.
Lahat sila ayaw magsalita.
"So I believe that pleading guilty is the best way here."
Tumango ako. "Kapag nagpalit ako ng plea, pigilan mo si Vito—"
"We're over already," agad niyang sabi. Kumunot ang noo ko. "I thought he loved me enough to respect me—but getting himself imprisoned for another woman? Hindi ako ganoon ka-desperada."
Napa-awang ang labi ko.
"Assia, hindi ka naman siguro tanga. The guy's been in love with you since law school. Even I know that," diretsong sabi niya. "Kaya kung sasabihin mo na kausapin ko siya para pigilan o kung anuman—we both know that there's nothing he won't do for you."
Hindi ko alam ang sasabihin.
"Seriously..." sabi niya nang tumingin siya sa cellphone niya matapos iyon tumunog. Naka-tingin lang ako sa mga kamay ko. Rinig na rinig ko lang ang malakas na tibok ng puso ko.
"He's finally fucking lost his mind," dugtong pa ni Shanelle bago iabot sa akin ang cellphone niya at ipakita ang isang video mula sa isa sa mga sikat na programa sa bansa.
'If there's anyone out there who's been sexually abused in any way by Arthur Villamontes,' sabi ni Vito sa video at saka lumabas ang litrato ni Atty. Villamontes sa screen. 'Please contact this number. We will provide you with any assistance you might need.'
Nang magscroll pa ako pababa ay nakita ko iyong iba pang impormasyon na lahat ng mapapatunayan na claim ay makakatanggap ng reward.
10 milyon.
Para sa bawat ng lalapit.
Bawat segundo ay padagdag nang padagdag iyong numero ng kumento at ng mga nagshe-share ng video ni Vito.
Agad na napa-tingin ako kay Shanelle.
"Looks like he's really willing to throw it all away for you."
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top