Chapter 39
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG39 Chapter 39
"Trini... Villamontes?" tanong ni Tali. Dahan-dahan akong tumango. "You mean to say that she was there?"
"Nandun siya..." simpleng sagot ko. Hindi ko na sinabi kung bakit nandoon siya. Alam ko na sisisihin lang ni Vito ang sarili niya kahit wala naman siyang kasalanan. Sisisihin niya ang sarili niya dahil siya ang dahilan kung bakit nalaman ni Trini na nandoon kami... Kung bakit may dumating na pulis... Kung bakit siya nakulong... At kung bakit nandito ako ngayon.
Pero pagod na akong maghanap ng sisisihin.
Si Atty. Villamontes lang ang tanging may kasalanan dito.
"She was there and she didn't even try to help you?" hindi maka-paniwalang tanong ni Tali. "So much for female camaraderie."
Hindi ako sumagot.
Kahit hanggang ngayon ay nagagalit pa rin ako sa nagawa ni Trini. Alam ko na galit siya sa akin dahil pakiramdam niya ay inagaw ko si Vito sa kanya... pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya naatim na marinig ang mga sigaw ko at piliing maging bingi.
"She won't testify," sabi ni Niko.
"Not if we compel her as an indispensable witness," sagot ni Tali.
"I sincerely don't think that she's above perjuring herself," dugtong ni Niko.
Tumango si Tali. Tumingin siya kay Vito na parang nagtatanong... dahil sa aming lahat dito ay siya ang pinaka-nakaka-kilala sa kanya.
"She's won't," sagot niya maka-lipas ang mahabang katahimikan.
"Does anyone else know that she was there? Para at least we can prove that she's committing perjury once we put her on stand."
Nagtagpo ang tingin namin ni Vito.
Hindi siya makapagsalita.
Huminga ako nang malalim.
Ako ang nagdala sa kanya sa posisyon na 'to.
"Nung gabi 'yun..." pagsisimula ko. "Pagkatapos kong tumawag kay Vito, nagtanong siya sa kaibigan ni Trini para alamin kung saan naka-tira si Atty. Villamontes... Iyon ang nagsabi kay Trini na nandoon si Vito..."
Tumango si Tali. "Okay. Do we have a name for this friend?"
"Elagor," sagot ni Vito. "Angel Elagor."
Naka-tingin pa rin ako kay Vito. Akmang magsasalita na si Tali nang putulin ko iyon. "Kapag nilagay siya sa stand, sasabihin niya na tumawag si Vito. Baka madamay siya—"
"Assia—"
Mariin akong umiling. "Hindi kayo madadamay," mabilis kong sagot. Tumingin ako kay Tali. "Iyon ang usapan, Tali. Hindi sila madadamay."
"Please stop being stubborn," nagmamakaawang sabi ni Vito.
Hindi ako tumingin sa kanya.
Ayokong tumingin sa kanya.
Alam ko na nasanay siya na inaalagaan ako...
Pero kaya ko na iyong sarili ko...
Siguro...
Hindi ko alam...
Pero hindi ako dapat habang buhay na naka-asa sa kanya.
"Okay," sagot ni Tali.
"Italia!" sigaw ni Vito.
"Ako pa rin ang kliyente niya, Vito. Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod," madiin kong sabi. Pinanatili ko pa rin na diretso lang ang tingin ko. Ayokong tumingin sa kanya... sa kanila ni Niko... kailangan kong panindigan ang mga desisyon ko.
"Can you please leave us?" seryosong tanong niya. Ni hindi ko kailangang tumingin sa kanya para maramdaman ang bigat ng titig niya sa akin.
Sabay na tumayo si Tali at Niko.
"5 minutes," sabi ni Tali. "Then we'll have to go back."
Tahimik akong nakikinig sa bawat hakbang nila hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto.
"What is the end game here, Assia?" agad niyang tanong ng magsara ang pinto.
"Hindi ko alam," diretso kong sagot.
"Let Angel testify."
"Madadamay kayo."
"Then so be it."
"Kung makukulong ako, ako na lang—"
"For god's sake—"
"Tama na nga, Vito! Hindi mo ako responsibilidad! 'Wag mong akuin lahat ng kasalanan ko!" hindi ko mapigilan na sabihin sa kanya dahil hirap na hirap na akong pigilan siya. Dahil alam ko na kung pwede lang, aakuin niya ang kasalanan ko—na siya na lang ang makulong, 'wag lang ako.
Dati, hindi ko maintindihan.
O baka ayaw ko lang intindihin.
Kasi may Shanelle na.
Kaya bakit niya ginagawa?
"Tama na..." nahihirapang bulong ko. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko... nanlalabo ang paningin. Nahihirapan na ako sa lahat ng nangyayari... sana 'wag na siyang dumagdag pa...
Pero agad na nagtagpo ang mga mata namin nang hawakan niya ang mukha ko at pilit akong patinginin sa kanya.
"Just please... let her testify..."
"Ayoko," umiiling na sabi.
"Don't be stubborn..." nahihirapan na pakiusap niya.
"Kung makukulong ako—"
"Stop saying that."
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Kung makukulong ako, ako na lang... Hindi ko kayo idadamay ni Niko, Vito..."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.
Kung dapat ko bang sabihin.
Dahil alam ko na nung mangyari ang mga iyon ay bigla na lang akong nawala at iniwan sila. Na ni hindi ko man lang nagawang sagutin iyong mga text at tawag nila sa akin.
Siguro wala akong kwentang kaibigan sa kanila.
Pero kailangan kong mapag-isa ng mga panahon na 'yun.
Pero kahit na ganon... pamilya ko sila.
Sila iyong tinuring kong pamilya nung mga panahon na nasa Maynila ako.
Hindi ko alam kung ganoon din ako sa kanila... pero ganoon sila sa akin... at hindi ako papayag na makulong sila kasama ko... kung pwede naman na ako na lang...
"Makinig ka sa 'kin, please?" naka-tingin na paki-usap ko sa kanya. Umiling siya. Inabot ko iyong kamay niya na naka-hawak sa pisngi ko at hinawakan ko. "Kapag tumestigo siya, sasabihin niya na ikaw ang nagtanong... Malalaman kung bakit ka nandoon... Kung bakit wala ako... Hindi sila tanga, Vito... Mapagtatagpi-tagpi nila lahat ng ginawa natin nung gabing 'yun... Ikaw... Ako... Si Niko... Si Sancho..."
Muli akong umiling.
"Hindi ko kayo idadamay."
"Assia—"
Pilit akong ngumiti.
Nagpanggap na matapang.
Baka maniwala siya.
Sana.
"May tiwala ako kay Tali," muling sabi ko.
"She's not a magician, Assia. She can't perform miracles. We don't have any witness on our side."
"Magtiwala na lang tayo sa katotohanan, Vito," pakiusap ko habang naka-hawak sa mga kamay niya. "Kaya mo ba 'yun?"
Umiling siya. "How did we fucking end up here?"
Nagpahid ako ng luha. "Hindi ko alam... pero naniniwala ako na may dahilan lahat ng 'to."
Sana.
Kasi kung wala... bakit kailangang ang hirap?
"Assia—"
Pero natigilan siya nang maka-rinig kami ng katok.
"Ako na iyong ico-cross-examine," sabi ko sa kanya kahit alam naming pareho ang mangyayari. "Wag mo akong alalahanin—magsasabi lang naman ako ng totoo."
Muli kaming naka-rinig ng katok.
"Baka magalit na si Tali—"
"Assia, just please let her testify. You know I'm willing to go to jail for you, right?"
Hindi ako nakapagsalita.
Ramdam ko iyong kabog ng dibdib ko.
Pero mabilis na bumukas ang pinto.
"Mali dati... mali pa rin ngayon. Siguro sa susunod, tama na," sagot ko bago nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
* * *
"Ready?" tanong ni Tali nang magharap kami.
Tumango ako habang pinupunasan iyong luha sa mga mata ko. "Ako na iyong susunod, 'di ba?"
Tumango siya. "Yeah. I'll go first, then iyong prosecution."
Tumango ako. "Magsasabi lang naman ako ng totoo."
"Yeah. It's the easiest thing in the world."
Pilit akong ngumiti. "Kung makukulong ako... ito ang una mong talo..."
"What?" naka-kunot ang noong tanong niya.
"Sabi ni Sancho wala ka pa raw kaso na natatalo."
Umawang ang labi niya. "I don't treat my case as a simple win or lose, Assia. Buhay ng tao ang naka-salalay dito—buhay mo. My record is hardly my concern. So, when we go in, we're gonna fight, okay? Hanggang hindi lumalabas ang verdict, hindi pa tapos ang laban. Do you hear me?"
Tumango ako.
"You have to fight," muling sabi niya.
"Sinusubukan ko."
"You have to want this," sabi niya. "You can't go in there with the thought na makukulong ka. You didn't do anything wrong. Act like it. Show the judge na wala kang ginawang masama kaya hindi ka dapat makulong."
Muli akong tumango, pero hinawakan niya ang mga balikat ko.
"Assia dela Serna... until you hear the word convicted, you'll have to fight tooth and nail with us because trust me, we're doing everything we can to get you out of here—we're all doing our best. Ako, si Niko, si Sancho... God, si Vito—"
"Alam ko na pro-bono lang 'to, Tali, pero bilang abogado ko, ayoko ng kahit anong depensa na madadamay sila—"
"I know," mabilis na sagot niya.
"Salamat."
"You must really love him, huh?"
Napa-awang ang labi ko.
Ngumiti siya sa 'kin.
Pero bago pa man ako makapagsalita, ngumiti siya at saka nagpaka-wala ng buntung-hininga. "It's time," sabi niya bago kami sabay na naglalakad pabalik.
Pero bago pa man kami makapasok ay nakita namin si Niko na mabilis na naglalakad palapit sa amin.
"We have another witness," agad niyang sabi.
"Sino?" agad na tanong ni Tali.
"Torres."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Si Atty. Torres?"
Tumango si Niko at sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. "Been looking for her ever since Assia mentioned her, but maybe she was hiding. I don't know. But I just got a call saying that she came back from wherever the hell she was hiding."
"Do we include her as our witness?" tanong ni Tali sa akin.
"Siya iyong kasama ko bago ako nagising sa apartment ni Atty. Villamontes," sagot ko.
Tumingin siya kay Niko. "Do we have evidence to prove that?"
"Yes," sagot niya. "3 CCTV cameras from business establishments and 2 dashcam footage. Got a verified testimony from her driver saying that she's indeed here in Manila on that date, as well as leave form from her work. Also got paperworks showing that Assia was just here in Manila for business—"
Nanlaki ang mga mata ko. "Paano—"
"I told you no one's getting imprisoned," sabi niya sa akin bago muling ibinalik ang tingin kay Tali. "Make sure she doesn't say anything stupid, okay? Vito and I, we'll have to talk to this Atty. Torres first—make sure she doesn't do anything funny," dugtong niya bago mabilis na naglakad paalis.
Tumingin sa akin si Tali.
Nag-iba ang itsura niya.
Ngumiti siya sa akin.
"You heard the man—no one's getting imprisoned," sabi niya bago hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok para simulan ang pagtatanong sa akin.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top