Chapter 34

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG34 Chapter 34

Ni hindi ko magawang kausapin si Niko nang bumalik sila sa condo. Masyado siyang tahimik—ramdam na ramdam ko iyong nangyari kanina sa pre-trial kahit pa hindi nila sabihin...

Sabi ni Jersey, hindi raw talaga maganda ang nangyari...

"Why are you still awake?" tanong ni Niko.

"Nagbabasa," pagsisinungaling ko.

"Oh, okay. I'll head to bed," sabi niya.

Tumango lang ako habang pinapa-nood siyang pumasok sa kwarto niya. Nang magsara ang pinto, muli kong binuksan iyong notebook na kanina ko pa sinu-sulatan ng mga possibleng tumawag sa pulis.

Si Atty. Torres kaya? Pero bakit naman?

Kapitbahay ni Atty. Villamontes? Pero masyado silang malayo.

Si Shanelle? Pero hindi niya ipapa-hamak si Vito...

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung sino ang pwedeng tumawag sa pulis.

Buong Sabado ay pinilit ko na 'wag isipin pa iyon at itunuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral. Huling linggo naman na... Pagkatapos nito, tapos na.

Pagdating ng linggo ay inihatid ako nina Sancho at Niko sa harapan ng UST para mag-exam. Iniabot sa akin ni Niko iyong binili niya na lunch kahit na sinabi ko na ako na lang ang bibili.

"Last Sunday," sabi ni Sancho.

Tumango ako. "Huli na 'to.

"We'll wait for you later, okay?" sabi ni Niko. "If you can't find us, we'll stay at the coffee shop on the other side of the street," pagpapa-tuloy niya sabay turo doon sa coffee shop na tinatambayan nila ni Sancho kapag sinusundo nila ako nung mga naunang linggo ng BAR exam.

Muli akong tumango. "Okay."

Ginulo ni Niko iyong buhok ko. "You got this."

"Salamat," sagot ko habang may tipid na ngiti.

"In a few months, Atty. dela Serna ka na," sabi ni Sancho.

Muli lang akong tipid na ngumiti.

Diretso akong pumasok sa unibersidad. Dumaan muna ako sa simbahan at saka naupo roon ng ilang minuto. Gusto ko lang ng katahimikan. Gusto ko na lang na maging maayos na iyong lahat. Gusto ko na lang na maka-labas na ng kulungan si Vito.

Pagkatapos kong magsabi ng kaunting dasal, dumiretso na ako para hanapin iyong classroom ko. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magsagot ng exam. Gusto kong magpasalamat dahil karamihan ng mga tanong ay tinanong din sa akin ni Jersey nung nagkita kami.

Pinilit kong ubusin iyong biniling pagkain sa akin ni Niko kahit na pakiramdam ko ay masusuka ako sa kaba. Kahit na nag-aral ako, hindi pa rin maalis iyong kaba.

Sana mabait iyong magcheck ng exam ko.

Sana mabasa niya iyong sulat ko.

Sana pumasa ako.

Sana.

Ang daming sana.

Mabilis na natapos iyong huling exam. Binasa ko pa ulit ng isang beses bago ko ipinasa. Halos ako ang pinaka-unang natapos sa classroom. Ni hindi pa ako nakaka-labas ng building ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga tao sa labas.

Parang ang saya-saya nila.

Pero ang hirap maging masaya kapag alam mo sa sarili mo na may ibang nahihirapan.

Huminga ako nang malalim.

Tahimik na naglakad-lakad at nag-ikot muna ako sa unibersidad. Parang hindi ko pa kayang lumabas at makita iyong mukha ng mga tao na naka-ngiti habang sina-salubong iyong paglabas ng mga nag-exam.

Alam ko na ang dapat gawin at ngumiti at magpasalamat.

Pero ang paulit-ulit na nasa isipan ko ay kung sino iyong tumawag sa pulis... dahil iyon na lang ang hindi namin alam... dahil baka iyon ang maka-tulong sa kaso...

Dahil kailangan na maka-labas si Vito.

Hindi siya pwedeng makulong para sa bagay na hindi niya ginawa.

Nang halos palubog na ang araw at pahina na ang sigawan ay saka pa lamang ako nagdesisyon na lumabas. May mangilan-ngilan pa rin na nagsabi ng congratulations. Sinuklian ko sila ng ngiti at pasasalamat. Tahimik akong naglakad habang patuloy na iniisip kung sino iyong tumawag... kung bakit niya alam...

"Pasen—"

Pero natigil ang pagsasalita ko nang makita ko kung sino iyong nabangga ko.

Mabilis na napa-irap si Trini nang mapagtanto niya na ako iyong naka-salubong niya.

"Oh, for god's sake!" sabi niya habang galit na pinapagpagan iyong damit niya na dumikit sa akin. "God, you're still here!"

"Pasensya—"

"Why aren't you even in jail?"

Mabilis na umuwang ang labi ko.

Nagsimulang sumikip ang dibdib.

"Bakit..."

Bakit niya itatanong sa akin iyon?

May alam ba siya?

Posible ba na siya iyong tumawag?

Pero paano?

Wala naman siya—

"Never mind," sabi niya at saka mabilis akong tinalikuran at naglakad papalayo. Parang may karera sa loob ng dibdib ko. Gusto ko siyang habulin pero ni hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko.

Posible ba na si Trini ang tumawag?

Bakit niya alam?

Pilit ko siyang hinabol.

"Trini!" pagtawag ko kahit na alam ko na itutulak niya lang ako kapag lumapit ako. "Trini, sandali lang!"

"Oh, my god! Just stay away from me!" sigaw niya nang hawakan ko iyong braso niya para pahintuin siya. Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap. Hindi ko alam kung saan siya naka-tira—

'Nandito ako sa Maynila... sa apartment ni Atty. Villamontes...'

'What?!"

Muli akong tumingin sa pintuan.

'H-Hindi ko alam kung saan 'to... Nandito na lang ako kanina paggising ko... Puntahan mo naman ako, Vito... Gusto kong umalis dito...'

'Okay. I promise I'll be there. Assia... this time, I'll be there, okay?'

'Okay...'

"Just go hide in the bathroom like before. I'll ask around for his address.'

I'll ask around for his address.

Paano kung—

"What?!" galit na sigaw niya nang mabilis na ilayo ang kamay niya mula sa akin.

"Ikaw ba 'yung..."

Pilit akong huminga nang malalim.

"Ikaw ba 'yung tumawag..."

Ni hindi ko magawang ipagpa-tuloy ang sasabihin ko.

Dahil paano kung hindi siya?

Paano kung iba?

Paano kung hindi niya talaga alam?

Ilang beses nang sinabi sa akin ni Vito na 'wag kong idamay ang sarili ko... na kaya niya iyong sarili niya...

Pero nagsisinungaling lang silang lahat para 'wag akong mag-alala.

Nakaka-pagod 'wag mag-alala.

Pero sa paraan ng pagbabago sa mukha niya...

"You should've been the one who got caught," galit na sabi niya sa akin. "God, he's so stupid—"

"Nandun... ka?"

Nandun siya?

Nung gabing 'yon?

Narinig niya ba iyong sigaw ko?

Iyong pagmamakaawa ko na tumigil iyong Tito niya?

Narinig niyang lahat 'yun?

"Tumawag ka ba... para patigiln iyong Tito mo?" tanong ko habang pinipilit na pakalmahin iyong sarili ko. Muli kong naramdaman iyong takot na naramdaman ko nung gabing iyon. Kung paano ako nagmakaawa na tumigil na siya... na paalisin niya na lang ako...

Na sana may tumulong sa akin...

Na sana may ibang tao na tutulong sa akin...

Pero nandun pala siya.

Pero wala siyang ginawa.

Mabilis kong pinahiran iyong luha ko nang hindi siya maka-sagot sa akin.

"Ni hindi ka naawa..." mahinang sabi ko habang pinu-punasan iyong luha ko. "Babae ka rin naman... Alam ko galit ka sa 'kin pero..." Muli akong huminga nang malalim. "Hindi ka man lang naawa..."

Gusto kong tumalikod.

Nakaka-pagod.

"You killed him."

"Sinubukan niya akong gahasain!" sigaw ko sa kanya. Parang ngayon lang lumabas lahat ng galit na nararamdaman ko. Kasi akala ko dati kasalanan ko. Na pumunta ako sa office niya kahit gabi na. Na naghintay ako kahit mag-isa lang ako.

Wala akong pwedeng ibang sisihin kundi ang sarili ko.

Pero nandun pala siya.

Narinig pala niya.

Ni hindi siya tumulong.

Paano niya nagawa 'yun?

Na manatiling tahimik habang may isa na nagmamakaawa na tumulong siya? Na tumigil siya?

Paano niya nagagawang matulog sa gabi?

Hindi niya ba naririnig iyong sigaw ko? Iyong iyak ko? Iyong paulit-ulit kong paghingi ng saklolo?

"Why were you even there? You asked for it."

Mas lalo lang lumakas iyong iyak ko.

Bakit siya ganito?

"You should've just let him have you and ask for hush money like all the other girls," sabi niya. "You're still lucky." At mabilis akong tinalikuran.

Paano ako naging ma-swerte?

Hindi niya alam na halos hindi ako maka-tulog dahil sa tuwing pipikit ko ang mga mata ko, paulit-ulit kong naririnig ang pagtawag ng Tito niya sa pangalan ko...

Na kahit sa mismong pagsara lang ng pinto ay parang tatalon ang puso ko palabas ng dibdib ko.

Paano ako naging ma-swerte?

Ni hindi ako maka-galaw sa sobrang sama ng loob sa mga sinabi niya sa akin. Pareho kaming babae... paano niya nagawang sabihin sa akin 'yun?

"Assia..."

Halos wala akong makita dahil sa luha sa mga mata ko, pero alam ko na sina Sancho at Niko iyong naka-tayo sa harapan ko. Sinubukan kong ngumiti nang makita kong may hawak silang bulaklak at isang box ng cake.

"Are you that happy that you finished your exam?" tanong ni Niko sa akin.

"Si Trini iyong tumawag," sabi ko.

Bahagyang kumunot ang noo nila ni Sancho. "Wait, what? Trini?" Tumango ako. "You talked to that psycho?" Muli akong tumango. "God, how many times do we have—"

"Siya iyong tumawag sa pulis. Sabi ni..." Muli akong huminga nang malalim. "Sabi ni Vito nung tinawagan ko siya nung gabing 'yun, hindi niya raw alam kung saan naka-tira si Atty. Villamontes... Sabi niya magtatanong daw siya... Baka... Baka sa pinagtanungan niya ay nagsabi kay Trini... Hindi ko alam..."

"What?" tanong ni Sancho. "Kung nandun man siya, bakit siya tumawag sa pulis? Gusto niya bang makulong si Vito?"

Umiling ako. "Sabi niya ako raw dapat ang nandun..."

Hindi niya siguro inaasahan na papaalisin ako ni Vito.

Na siya ang matitira doon.

Kasi dapat ako ang nandun.

Ako dapat ang inabutan ng mga pulis.

Pero paano kung ako ang inabutan? Paano kung sinabi ko iyong nangyari? Na sinubukan akong—

Muli akong napa-hinga nang malalim.

"So... she wanted to what? Have her uncle arrested for attempted rape?" naguguluhan na tanong ni Niko.

Hindi ako makapagsalita.

Paano ko sasabihin na walang plano si Trini na tumawag ng pulis?

Na tumawag lang siya nang makalabit ko na iyong baril?

Umiling na lang ako.

Ni hindi ko masabi iyong mga salita.

Masyadong... malungkot.

Masyadong nakaka-galit.

"Wait, what the fuck? So, she was there the entire time? Or at least for the better part of it and she did what? Nothing? And only called the police when you killed that motherfucking rapist?"

Nag-iwas ako ng tingin.

Ang bigat pakinggan.

Alam ko na galit siya sa akin, pero kahit pa ganoon... hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya nagawa.

"What the fuck? She's really a psycho! That entire family's a psycho!" galit na sabi ni Niko at saka hinagis iyong bulaklak sa basurahan at sinipa iyon.

Tumingin ako kay Sancho.

"Hindi lang daw ako iyong—" Muli kong pinahiran iyong luha ko at saka huminga nang malalim. "Marami daw kami. Dapat daw tumahimik na lang ako at tumanggap ng pera..."

Napa-awang iyong labi ni Sancho at umigting ang panga niya.

Halos mapa-talon ako nang muling sipain ni Niko iyong basurahan.

"That entire family, I swear to god..." sabi niya habang may tina-tawagan sa cellphone niya. "This needs to fucking stop."

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top