Chapter 33

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG33 Chapter 33

Nasa isang gilid si Shanelle at paulit-ulit na binabasa iyong mga hawak niyang papel. Tahimik akong naka-tingin sa kanya, nagdadasal na sana ay maging maayos ang lahat.

"You good?" tanong ni Niko sa akin pagkatapos niyang maupo sa tabi ko. Napa-tingin din siya kay Shanelle. Kanina pa siya nagsasalita mag-isa at pina-practice iyong sasabihin niya.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama mamaya?"

Ngayong araw na iyong arraignment at pre-trial conferrence para sa kaso. Ilang beses na na-delay dahil kailangan pa nila Niko na ayusin iyong ibang bagay. Hindi ko alam kung ano dahil kahit ano'ng tanong ko, ayaw niya talagang sabihin. Kahit si Sancho ay sinasabi sa akin palagi na mas mabuti raw na hindi ko alam.

Umiling siya. "Vito's family will be there and Villamontes and their evil spawns. Nah. I think it's better if you don't go," sabi niya. Hindi na ako sumagot pa. "Besides, you need to review. I remember taking the REM exam. It was so fucking hard."

Napa-ngiti na lang ako nang bahagya. Alam ko naman na sinusubukan ni Niko na ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero kahit na nag-aaral ako para sa BAR, tuwing gabi, tuwing naka-pikit ako, paulit-ulit na naiisip ko si Atty. Villamontes...

At iniisip kung dapat ba iba na lang ang ginawa ko...

Pero nung panahon na 'yun, gusto ko na lang siyang tumigil...

Gusto ko na lang na matapos...

"Okay naman siya kapag kabisado mo," sabi ko.

"Yeah, right. That's why I hated CivPro. My mind couldn't and wouldn't accept all those provisions I was trying to shove in," sabi niya habang naiiling pa. "And! And! And I almost failed that subject!"

Bahagya akong natawa.

Ang bilis.

Parang kahapon lang ay nasa Brent lang kami at ang tangi lang naming problema ay kung paano kami papasa sa mga subject namin... Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito...

Na ang problema ay kung paano hindi makukulong si Vito...

Dahil sa kasalanan na ako naman ang gumawa.

"Did you know that I had to talk with Atty and explain that I had no idea why there's a paper with song lyrics there? I had to pass a sworn affidavit and everything!"

Napa-ngiti ulit ako. Ganun naman talaga si Atty. Kahit nga kapag hihingi kami ng ceasefire, kailangan may motion ng buong klase at may pirma naming lahat.

Nakaka-miss iyong simpleng panahon.

Gusto ko na lang bumalik.

Nung first year pa kami.

Nung ang problema ko lang ay paano ako uuwi sa boarding house.

Napa-ngiti si Niko nang mahuli akong naka-ngiti.

"See? We've been through a lot, Assia. So, don't ever think that we'll just let you go to jail for something that he did to himself."

"Hindi makukulong si Vito?"

"No, I promise," sabi niya. "And if he did, we'll just have to break him out and let's all go to Brazil," pagpapatuloy niya habang ginu-gulo iyong buhok ko. "Finish reviewing."

Mayamaya pa ay umalis na sila. Naiwan ako sa condo ni Niko. Gusto ko talagang sumama... kaya lang ay nangako ako sa kanila na dito lang ako sa condo at magrereview para sa huling exam ko sa BAR.

Kahit pa gaano ko ka-gusto na pumunta roon, hindi ko gagawin. Alam ko na malaking problema na iyong nadala ko sa kanila at ayoko nang dagdagan pa. Kung sa ganitong paraan ako makaka-tulong, hindi na ako pupunta.

Kailangan ko lang magtiwala dahil alam ko naman na gagawin nila ang lahat para kay Vito.

Tahimik akong nagbabasa nang marinig ko na parang binubuksan iyong pinto. Akala ko ay si Niko iyon pero kumunot ang noo ko nang babae iyong pumasok.

"Assia!"

Napa-kunot lalo ang noo ko.

"Hala, sorry, na-excite lang ako! Sa picture lang kasi kita nakikita dati!" sabi niya at tuluyang pumasok. May dala siyang isang malaking itim na bag. Naka-suot siya ng maluwag na puting damit at maikling maong na shorts. Lumapit siya sa akin. "Hi! Jersey nga pala."

Napa-awang ang labi ko. "Ikaw 'yung—"

"Boss ni Niko," sabi niya. Tapos tumawa. "Joke lang! 'Wag mong sasabihin na sinabi ko 'yun, magagalit 'yun!" pagpapa-tuloy niya. Hinatak niya iyong upuan sa harap ko at naupo roon. "Nagrereview ka?"

Tumango ako. "Sa BAR."

"Oh... Hala, sorry. Akala ko walang tao. May kukunin sana lang ako sa kwarto."

"Hindi, okay lang... Hina-hanap mo ba si Niko?"

"Nasa pre-trial, 'di ba?" Tumango ako. "Kaya nga ako pumunta ngayon kasi akala ko walang tao."

"Ah... tina-taguan mo si Niko?"

"Di naman. Ayoko lang siya makita ngayon. Laging bad trip, e. E 'di nababadtrip din ako sa kanya. E 'di badtrip lang kaming dalawa," paliwanag niya. Ngumiti siya sa akin. "Sige, aral ka na d'yan. Kuha lang ako ng gamit sa kwarto."

Ni hindi na ako naka-sagot dahil dumiretso si Jersey sa kwarto ni Niko... na kwarto pala nila... Saan kaya siya naka-tira ngayon? Pina-alis ba siya ni Niko dito dahil sa akin? Ang dami kong gustong itanong, pero ayoko dahil baka magka-problema lang silang dalawa.

Bumalik ako sa pag-aaral, pero pagkatapos pumasok ni Jersey sa kwarto ay sa kusina naman siya pumunta. Binuksan niya iyong mga drawer doon at saka may mga kinuha at nilagay sa bag niya. Parang ang daming laman ng bag niya.

"Hindi ako magnanakaw, ha!" sabi niya habang kinukuha iyong mga spam sa drawer. "Ako bumili nito kasi! Tapos bigla akong nilipat ni Niko sa bahay niya. Ang laki nga pero wala namang pagkain!" reklamo niya habang pati ata iyong mga toyo ay gusto niyang kunin...

"Sorry..." sabi ko dahil pakiramdam ko ako talaga ang dahilan.

"Ano ka ba!" sabi niya habang nilalagay naman sa bag niya iyong malaking bag ng chips. "Okay lang, girl. Aral ka lang d'yan. 'Wag mo na akong pansinin. Kukunin ko lang lahat ng pinamili ko rito."

Tumango ako. "Okay..."

Isinara niya na iyong drawer at bumalik doon sa kanina niyang inupuan. "Last Sunday na, 'di ba? E 'di REM na 'yan?"

Tumango ako. "Lawyer ka rin ba?" tanong ko dahil parang pamilyar siya sa mga binabasa ko. Pero hindi siya mukhang lawyer. Para kasing ang saya-saya niya.

"Oo. Grabe, hindi ba halata?" tanong niya. "Akala ko kasi wala talagang tao kaya ganito attire ko. Pero kagalang-galang naman ako kapag nasa trabaho ako, promise!"

Napa-ngiti ako. Parang pareho sila ni Niko. Ang ingay siguro nila. Siguro lagi silang nagtatalo. Pakiramdam ko wala sa kanila ang gustong magpa-talo.

"Gusto mong tulong?" tanong niya. "Di naman sa pagyayabang pero highest grade ko 'yang Remedial. Kaya nga badtrip na badtrip sa akin si Niko kasi iyon 'yung nag-iisang bagsak niya sa BAR," sabi niya habang naiiling at natatawa. "Isipin mo 'yun? Yung highest ko, lowest niya? Napaka-liit na bagay."

Tinulungan ako ni Jersey. Nagtanong siya sa akin tapos ay sinagot ko lang. Halos puro tama naman ang sagot ko, pero pinaliwanag niya sa akin iyong ibang bagay. Mas madali daw kasing matandaan iyong mga rules kapag pina-practice mo na.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaral nang lumiwanag bigla iyong cellphone niya. Nakita ko iyong pangalan ni Niko roon. Tumayo ako at kumuha ng tubig para bigyan siya ng pagkakataon na basahin iyon. Pagbalik ko, nakita ko na medyo naka-kunot ang noo niya habang binabasa niya iyong text ni Niko.

"May... nangyari ba?"

Tumingin siya sa 'kin. "Olats daw. Lakas daw nung prosec."

Halos mabitawan ko iyong baso. Nag-aalalang tumingin sa akin si Jersey. Malungkot siyang ngumiti.

"Pre-trial pa lang naman... May trial pa."

"Abogado ka, 'di ba? Sa tingin mo ba... may laban?"

"Sa tingin ko, 'di naman lahat ng nasa kulungan ay may kasalanan. Hindi lahat ng malaya ay walang ginawa. So... sa korte, ang mananalo ay iyong may malakas na ebidensya."

Agad na napa-pikit ako at napa-hugot ng malalim na hininga.

"Sinasabi ba sa 'yo nila Niko kung ano nangyari?" tanong niya at umiling ako. Wala naman silang sinasabi sa akin. Ayaw nilang malaman ko. Alam ko pino-protektahan lang nila ako. "Gusto mo bang malaman?"

Agad akong napa-tingin sa kanya.

"I mean... gusto mo ba? Kasi alam ko naman lahat. Human diary ata ako ni Niko, ewan ko ba," sabi niya. "Hindi nila sinasabi sa 'yo, pero I think may karapatan ka namnag malaman since buhay mo rin naman 'to. Kung may masama mang—" sabi niya sabay katok sa lamesa. "Mangyari, dapat alam mo rin. Kasi ikaw magdadala sa konsensya mo nito."

Agad akong tumango.

Tama siya.

Karapatan ko rin naman na malaman.

"Okay. Sa iba tayo magkwentuhan. Feeling ko pabalik na sila, e," sabi niya at saka kinuha iyong bag niya na halos hindi niya mabuhat dahil sa dami ng laman. Tinulungan ko siyang dalhin iyon. Sumakay ako sa sasakyan ni Jersey.

"Hindi 'to binigay ni Niko sa 'kin! Binili ko 'to sa kanya!" paliwanag niya nang pumasok ako sa Jeep na dati kong sina-sakyan nung nasa law school pa kami. "Ayoko kasi bumili ng brand new. Inoffer ni Niko 'to. Kinuha ko na. Ganda, e."

Kung anu-ano iyong sinasabi ni Jersey hanggang huminto kami sa isang coffee shop. Siya iyong nagbayad nung inorder niya na kape at strawberry cake.

"Favorite mo raw 'yan."

"Salamat."

Parang ang dami niyang alam sa akin.

"So... gusto mong malaman kung ano nangyari kanina?"

Inabot ko iyong maiinit na tasa.

Huminga nang malalim.

Bago tumango.

"Although sa criminal cases guilt beyond reasonable doubt talaga iyong required, sa case kasi na 'to, walang ibang suspect kung hindi si Vito. Walang CCTV. Walang fingerprints. Walang baril. Walang kahit ano. Ang meron lang ay iyong presence ni Vito sa scene of the crime. Tapos may mga statement pa na law school days pa lang ay badtrip na 'yang si Vito kay Villamontes. Pareho naman talagang mahina iyong evidence ng both sides dahil walang evidence dahil nawala na lahat halos... Kaso..." Ngumiti siya nang bahagya. "Mas mahina nga lang iyong sa defense. Kaya nagalit iyong mga magulang ni Vito raw kanina. Kasi ramdam na talaga kanina sa pre-trial kung gaano ka-dehado. Nagalit pa nga kay Shanelle kaso alam mo 'yun?"

Napa-buntong-hininga siya.

"Kahit gaano ka pa ka-galing na abogado, may mga kaso talaga na sa simula pa lang, talo na talaga."

"Pero sabi nila—"

"Na magiging okay? You know that that's just bullshit, Assia. Sinasabi lang nila 'yun para hindi ka ma-guilty. Na hindi mo naman talaga dapat maramdaman kasi alam mo 'yun? Si Arthur Villamontes lang ang dapat sisihin dito. Rapist, potek."

Hinawakan niya iyong kamay ko at ngumiti sa akin.

"Not your fault, okay? You did what you had to do."

"Pero si Vito—"

"Ay, choice niya 'yan. Hindi ko alam ano pumasok sa utak nung isang 'yun. Bakit hindi umalis agad at nagpa-abot pa sa pulis—"

"Sabi mo walang CCTV," sabi ko at tumango siya. "Pero malayo pa iyong ibang bahay mula sa apartment niya..."

Tanda ko pa kung gaano ako ka-tagal nagdrive bago naka-kita ng mga tao.

Paano... nila nalaman na kailangang pumunta roon?

Sino iyong tumawag sa mga pulis?

***
This story is 6 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top