Chapter 32
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG32 Chapter 32
Ayaw akong isama ni Niko pabalik sa presinto dahil baka raw bigla akong umamin. Siguro tama siya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita si Vito na naka-kulong dahil sa bagay na ako naman ang gumawa.
"Pasensya ka na kailangan mo pa akong bantayan," sabi ko kay Sancho dahil nandito siya ngayon sa condo ni Niko. Pina-punta siya ni Niko para sa samahan ako—pero alam ko na para bantayan talaga ako.
"Okay lang," sabi niya.
"Ang dami mong ginagawa, e," sagot ko dahil simula nang pumunta siya rito, hindi pa siya umaalis sa harap ng laptop niya. Kanina pa siya may binabasa roon.
"Nagresign kasi si Jax," sabi niya. "Sa 'kin napasa ibang workload niya kaya kailangan kong magcatch-up sa mga pending niya."
Tipid akong tumango.
"Gusto mong tumulong?"
"Di ba confidential 'yan?"
"Di ko naman papabasa sa 'yo," natawa niyang sabi. "At least help me with finding similar cases? Or gusto mong tulungan ako magdraft ng petition for certiorari?"
Saglit akong natahimik.
"Wag na... Baka mali magawa ko," sagot ko.
"What? Kaya mo 'to. Pareho lang naman tayo ng pinag-aralan sa school," sabi ni Sancho habang naka-tingin sa akin. Hindi pa rin ako nagsalita. May kinuha siyang mga papel sa bag niya at inilagay sa harapan ko. "Here. Gayahin mo na lang tapos baguhin mo 'yung ibang pertinent details."
"Sancho—"
Natigilan ako dahil sa ekspresyon sa mukha niya.
Napa-hugot ako ng malalim na hininga dahil sa tingin niya.
"Assia, I know life's been very hard on you and I really wish all those things didn't happen... but they did happen. We're all trying our best to help you. But the other things? You have to do them yourself. Mali lahat ng nangyari. Gago si Villamontes. But you can't just let that control your life."
Napaawang ang labi ko.
"I'm sorry, but you need to hear this. Stop moping around. Walang maitutulong. Kung gusto mong tulungan si Vito? You know what? Maybe you can review and take the BAR. Deadline for application is until next week."
Nanatili pa rin ang katahimikan.
Tumayo si Sancho at pagbalik niya ay may dala siyang libro.
"Here. Consti books. Magreview ka na lang kaysa kung anu-ano iniisip mo."
"Sancho—"
Natigilan ako nang ipatong niya ang dalawang kamay niya sa mesa at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Vito will be fine... Trust us, okay?"
"Paano ka nakaka-sigurado? Kayo na rin ang nagsabi an matalino ang mga Villamontes..."
Kaya nga nakuha nila lahat ng magagaling na abogado.
Siguro ay dahil sanay na sila sa ganito...
Alam na nila ang gagawin.
"Yeah. But we have tricks up our sleeves, kaya 'wag ka nang mag-alala masyado."
"Iyong Tali ba 'yan?"
Bahagyang ngumiti lang si Sancho.
* * *
"Where's Niko?" tanong ni Shanelle nang buksan ko ang pinto.
"Ah... Lumabas lang sandali."
Tumango si Shanelle. "Dito ka naka-stay?" Tumango ako. "Alam ni Jersey?" Hindi ako naka-sagot. Tumango siyang muli. "Can I come in?"
Niluwagan ko ang bukas ng pinto. Naka-sunod lang ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Inilagay niya iyong brief case na dala niya sa lamesa. Huminto siya roon at ipinatong ang mga kamay niya. Ilang segundo siyang hindi gumalaw na para bang iyon lang ang pahinga niya buong araw.
"Gusto mo ng tubig?"
"That would be great, thanks," sagot niya. Pumunta ako sa ref at ikinuha siya ng bote ng tubig. Tahimik kong iniabot sa kanya iyon. Hindi ako tumingin nang uminom siya dahil baka mailang siya sa akin.
Nang matapos siya ay naupo siya at saka binuksan iyong bag niya.
"Pwedeng magtanong?"
"Yeah, sure," sagot niya habang naka-tingin sa laptop niya.
"Si Vito..."
"Siguro ang pinaka-bobong taong kilala ko," sagot niya. Tumingin siya sa akin. "I'm sorry. But I really find this situation to be highly infuriating."
Agad akong nagbaba ng tingin.
"I already heard Vito's version of what happened when we were rehearsing for the pre-trial..." sabi niya. Kahit hindi ako naka-tingin sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang titig niya. "How about you, Assia? What happened? What's your version?"
Napa-tingin ako sa kanya.
"Normally, in hearings, there's the defendant's truth, the prosecution's truth, and the judge's truth... pero dito? Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Do you know how frustrating it is? Na alam na alam kong nagsisinungaling sa akin si Vito dahil ayaw niyang sabihin kung ano ang nangyari talaga? Para sa 'yo?"
Napa-awang ang labi ko.
Saglit siyang natawa.
"You're probably wondering why I'm still here. You're probably thinking how stupid I am."
"Hindi—"
"Let's just cut with the bullshit, Assia. I'm a big girl. I can handle giving the truth and receiving the truth."
Natigilan ako sa kanya.
Sa tingin niya.
Sa tono niya.
"You think this is stupid—that I am stupid."
Gusto kong umiling.
Dahil hindi ko iyon iniisip.
"And it is stupid... But I love Vito... And now that I know that he's innocent, I'm gonna fight like hell to get him out of there."
Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"I worked hard for our relationship. Like everything else in my life, I worked hard para makuha si Vito. I'm not stupid—alam kong may gusto siya sa 'yo nung nasa law school tayo—"
"Shanelle—"
"May gusto siya sa 'yo. You can't be that stupid, Assia. Everyone in our block freaking knew. Tanga lang ang hindi makaka-pansin."
Hindi ako naka-sagot.
"Alam mo," sabi niya.
Hindi ako makapagsalita.
"You knew about his feelings," dagdag niya. "You knew about his feelings and you pushed him away. And that's fine. That's your decision. You wanted to focus on your studies and nothing else? That's totally your decision."
Pinilit kong huminga nang malalim.
Hindi ko alam kung bakit nagsisikip ang dibdib ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya kahit na alam ko naman ang lahat ng iyon.
"But when you distanced yourself from him, from them, you left a space that I occupied. And I'm not sorry for that. I didn't take anything away from you. You chose that. So it annoys me to heavens tuwing umaarte ka na para bang kinuha lahat sa 'yo."
Nagbuntung-hininga siya.
"Atty. Villamontes did a horrible thing... You didn't deserve that... But we both know that what you did is punishable by law, Assia. Kung ako lang ang masusunod..." sabi niya habang palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. "Kung ako lang ang masusunod, ako mismo ang magdadala sa 'yo sa presinto dahil mali 'yung ginawa mo. That was homicide and you know it. Pero hindi sila papayag. So, I just have to suck it up and do my best para walang makulong na inosente dahil sa kasalanan na ikaw ang gumawa."
Nagbaba ako ng tingin.
Pinigilan ko pero bumagsak iyong luha.
"For god's sake, stop with the tears. Hindi ka na bata. You made a mistake. Own it up and do something about it. Wala kang mapapala sa pag-iyak."
Mabilis kong pinunasan ang luha.
"Sorry..."
"I don't need your apology. I need you to tell me what happened that night dahil kahit ano pang kasinungalingan ang sabihin ni Vito, lalabas pa rin sa hearing kung ano talaga ang ginawa mo."
Mabilis akong tumango habang pinupunasan ang luha ko.
"Ang swerte sa 'yo ni Vito."
Napa-ngiti siya.
Pero malungkot.
"Yeah... I don't know if he knows that. I honestly don't know if he loves you or he just feels sorry for you. I hope it's the latter," sabi niya sa akin. "Don't worry... I know myself. I'll know if I have to give it up."
Muli siyang ngumiti.
"Can you take a seat and tell me what happened that day?"
Tumango ako at naupo.
Huminga nang malalim.
At nagsimula.
* * *
Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabi sa mga nangyari nung araw na iyon nang bumalik si Niko. Naka-ngiti siya nang pumasok, pero agad na natigilan nang makita kami ni Shanelle na magka-harap.
"Okay, what's happening here?"
"Cross-examination," sagot ni Shanelle.
"Shanelle—"
"I'm still Vito's lawyer, so shut the fuck up, Niko. Ako ang aayos sa gulong pinasok niyong apat."
Napa-suklay si Niko sa buhok niya.
"Fine," mabigat na sabi niya. "But why do you need to interview her? She won't testify."
"That's what you want. But what can you all do if she's been summoned by the prosecution?" sagot ni Shanelle habang patuloy sa pagsusulat sa notebook niya. "You'll what? Hide her?"
Hindi naka-sagot si Niko.
"Ayos lang ako. Kaya ko," sabi ko.
"Assia—"
"Kaya ko," ulit ko. "Kaya ko, Niko."
Lahat sila ginagawa ang lahat para maka-laya si Vito.
Lahat sila nagsasabi na kailangan kong maging matapang.
Susubukan ko kahit mahirap.
Dahil kapag nagka-loko-loko ang lahat, hindi naman ako ang maaapektuhan...
"Fine," sagot niya pagkatapos ay hinatak ang upuan sa tabi ko. "You should've told me you're coming—my condo's not some fucking café where you can interview people," galit na sabi niya kay Shanelle.
Hindi pinansin ni Shanelle ang sinabi ni Niko. Nagpa-tuloy lang siya sa pagtatanong sa akin.
"Walang CCTV?" tanong ko.
"Wala," sagot ni Shanelle. "Sabi ni Vito, walang CCTV. He stayed to check dahil makikita na nandun ka. I don't know kung bakit wala. Atty. Villamontes probably disconnected it dahil may balak siya."
Saglit akong napa-pikit at napa-hinga nang malalim.
"That's enough for today," sabi ni Niko.
Mabilis akong umiling. "Ayos lang ako."
"Yeah, Niko. She's fine. She's not some porcelain doll. Stop treating her like one."
Masamang tumingin si Niko sa kanya. "I never really liked you."
"Don't really care. I'm dating Vito, not you."
Umigting ang panga ni Niko. "Just continue with this fucking interview and leave when you're done," sabi niya habang naka-upo pa rin sa tabi ko.
Nagkibit-balikat si Shanelle. "So, basically, the CCTVs were disconnected that night. Vito said that Niko disposed the gun," sabi niya sabay tingin kay Niko. "Which makes you an accessory, if shit hits the fan."
"Just continue and no commentary," sabi ni Niko.
Napa-ngisi si Shanelle. "Vito also stayed to wipe off your prints in the apartment. If he did a good job, maybe you won't get summoned."
Hindi ako nakapagsalita.
"Can you think of any reason kung paano ka pwedeng ma-konekta sa nangyari sa gabing iyon?" tanong ni Shanelle.
Saglit akong natigilan.
"Atty. Torres," sabi ko. Napa-tingin silang dalawa sa akin. "Siya iyong kasama ko nung araw na iyon... Hindi ko alam kung alam ba niya na isinama ako ni Atty. Villamontes papunta sa apartment niya—"
"Where and when is this?" agad na tanong ni Niko.
"Nung araw na 'yun sa harap ng SVH building—" sagot ko, pero bago pa man ako matapos ay may tinatawagan na si Niko at inuutusan na hanapin kung saan iyong mga CCTV sa lugar na iyon at burahin lahat ng footage.
Nakita kong naka-tingin sa akin si Shanelle.
"You really got them all wrapped around your fingers..." napapa-iling na sabi niya.
***
This story is 6 chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top