Chapter 31
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG31 Chapter 31
"Wait... who's Zaldivar?" tanong ni Niko.
"The one we interviewed before for Legal Counselling?"
"Oh... She's tough."
"She is," sagot ni Sancho. "Did a little research when I learned that she'll replace Borromeo, and her record's impressive, as well. Practiced litigation before going to prosecution."
Agad akong tumingin kay Vito.
Isang segundo.
Sa isang segundo ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya... pero nang makita niya akong naka-tingin sa kanya ay agad siyang nagbigay ng maliit na ngiti.
"I met Atty. Zaldivar before," biglang sabi ni Shanelle. "Your lies won't hold up in court, Vito... She'll see through your lies—fod god's sakes, kahit sa akin hindi naka-lusot iyang kasinungalingan mo. Are you really willing to throw everything you worked hard for? Your entire life?" tanong niya habang sandaling tumingin sa akin. "Are you sure?"
Walang nagsalita.
Ngayon lang ako natakot sa katahimikan.
"Shanelle—"
"Your lies won't hold up, Vito."
"Look, I know that you're worried—"
"Damn right, I am! Ako lang yata sa inyo ang nasa tamang pag-iisip na nag-aalala. What the fuck, Niko? Sancho? I thought you're his best friend? Bakit niyo sinusuportahan iyong katangahan ni Vito?!"
Walang nagsalita sa kanila.
Pero alam ko.
Kasalanan ko.
"It'll be okay," mahinahong sagot ni Vito.
"Paano kung hindi, Vito? Are you willing to risk it? Reclusion temporal? Are you really willing to go to prison for 12 years? Naiintindihan mo ba 'yun? This is not a fucking game. You'll get imprisoned. You'll get disbarred. This is your life and freedom we're talking about," mahinang sabi ni Shanelle pero ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salita niya.
Kung pwede niya lang siguro akong sisihin...
Pero hindi niya naman kailangang sabihin.
Biglang may kumatok mula sa labas.
Binasag ang katahimikan.
"Think about that," sabi ni Shanelle habang seryosong naka-tingin kay Vito. "You've been here for what? 3 days? Imagine staying here for 12 years, Vito. Fucking imagine that," dagdag niya bago binuksan ang pinto at mabilis na lumabas.
Tanging tunog ng pagsara lang ng pintuan ang narinig namin. Bumabalot ang katahimikan hanggang sa marinig ko na ang tibok ng puso ko.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Wala pa ring nagsasalita.
"Just... please get Tali for me," sabi ni Vito bago ako inalalayan ni Niko para lumabas. Pero bago pa man masara ang pinto ay lumingon ako para tignan si Vito... Agad na parang piniga ang puso ko nang makita ko kung paano niya takpan ang mukha niya gamit ang mga kamay niya na para bang pagod na pagod na siya.
"Vito," pagtawag ko sa kanya.
Alam kong narinig niya ako...
Pero ni hindi siya lumingon.
* * *
Tahimik lang ako habang nag-uusap sina Niko at Sancho. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko iyong mukha ni Vito bago kami umalis. Alam ko na nahihirapan na siya sa sitwasyon niya, pero wala siyang magawa.
"We need Tali," sabi ni Niko.
"Lui said—"
"I don't care what Lui said," pagputol ni Niko sa sasabihin ni Sancho. "Get Tali. I don't care what her rate is."
Hindi agad sumagot si Sancho. "It's not about the money, Niko. Not everything's about money. May ginagawang iba rin 'yung tao."
"I know..." mahinang sagot ni Niko at napa-buntung-hininga. "I'm just—" sabi niya at muling natigilan. "Is that even allowed? Isn't Zaldivar too emotionally involved to be in this case even?"
"I don't know. But it's better than going against Iñigo," sagot ni Sancho. "Let's just think about contingencies. What if Tali won't be available? Who will represent Vito?"
"The asshole wants to represent himself."
"Yeah, not gonna happen."
"Agreed."
Tahimik akong nakinig sa pinag-uusapan nila.
Tuwing mayroong mababanggit na pangalan, agad na sasabihin an nakuha na iyon ng mga Villamontes... O kung hindi man ay nakapagconsult na roon kaya hindi na rin pwedeng makuha para kay Vito.
"This is fucking frustrating."
"Yeah..."
"So that was why we didn't hear from them until the next day! The assholes were busy consulting with basically all the good criminal lawyers in the fucking country."
Agad akong tumayo.
Sabay silang napa-tingin sa akin.
"May pupuntahan lang ako."
"Where?"
Bahagya akong ngumiti bago tumalikod at lumabas sa café na pinuntahan namin. Hindi ako lumingon kahit anong lakas ng pagtawag nila sa pangalan ko.
Tinulungan na nila ako...
Pero hindi sa lahat ng bagay ay kailangan nila akong tulungan.
Sarili ko lang at wallet ang dala ko. Agad akong dumiretso sa bus terminal at sumakay sa bus pauwing Isabela.
Habang naka-tingin ako sa daan ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko iyong sinabi ni Shanelle... At iyong boses ni Atty. Villamontes...
Dapat hindi ko na ginawa...
Dapat naghintay na lang ako...
Kasalanan ko lahat...
Hindi dapat may ibang magbayad para sa bagay na ginawa ko...
Tanging tibok lang ng puso ko ang narinig ko mula byahe galing Maynila hanggang sa maka-sakay ako sa tricycle pabalik sa bahay namin. Panay ang paghinga ko nang malalim. Kailangan kong maging matatag.
Hindi ako bata.
Walang dapat mag-alaga sa akin kundi ang sarili ko.
"Ate!" malakas na tawag sa akin ni Aaron nang makita niya ako. "Tapos na trabaho mo?"
"San si tatay saka si Alec?"
"Nasa loob si Tatay. Si Alec nasa galaan."
"Pwede mo bang tawagin?"
"Okay..." sabi niya habang bahagyang naka-kunot ang noo at naka-tingin sa akin.
Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Tatay na natutulog. May mga bote ng gin sa may paanan ng kama. Tahimik kong pinulot iyon at inilagay sa gilid. Kinuha ko rin iyong walis at naglinis.
"Assia."
Nakita ko si Tatay na naka-upo na at naka-tingin sa akin. "Tapos na iyong trabaho mo?" tanong niya at tahimik akong tumango. "Kumain ka na ba?"
Muli akong huminga nang malalim.
Tumingin sa labas.
Siguro... siguro mas mabuti na siya muna ang kausapin ko.
Tatay pa rin namin siya.
Alam ko na mahirap sa kanya iyong pagkawala ni Nanay, pero kailangan niya nang bumangon mula roon.
"Tay," pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa tono ng boses ko... o dahil anak niya lang ako. Kasi sabi ni Nanay na kahit hindi ko raw sabihin, alam niya na agad dahil anak niya ko.
Sana ganoon din sa kanya.
Kasi hindi ko alam kung saan ko sisimulan...
Naka-tingin siya sa akin.
Alam ko na ramdam niya iyong kaba.
Muli akong huminga nang malalim at pinunasan iyong mga mata kong puno ng luhang nagbabadyang umagos.
"Ano ba 'yan? Umayos ka nga," kinakabahan na sabi ni Tatay.
Muli akong huminga nang malalim.
Paulit-ulit.
Na para bang magagawan nun ng paraan iyong problemang ginawa ko.
"Tay..." sabi ko habang mabilis na bumabagsak iyong luha mula sa mga mata ko. Masyadong mabilis. Ayaw magpa-pigil. "Tay... Kailangan niyo na pong tumigil uminom. Kailangan ko na pong magpaka-magulang kina Aaron."
"Assia—"
"Patapusin niyo po muna ako..." paki-usap ko habang mabilis na pinapahid iyong luha. "May ipon naman po ako kahit papaano... Pwede po kayong magtayo ng maliit na tindahan, pero 'wag na po kayong magpapa-utang, ha? Kahit ano'ng sabihin nila, 'wag na kayong pumayag... Tapos po may scholarship naman po sa bayan para kina Aaron para maka-tapos sila ng high school... Kapag sa college naman po, sa State University po sila papasok. Iyong baon—"
"Assia, ano ba'ng sinasabi mo? Tumigil ka nga d'yan!"
"Magpapa-check up pa rin po kayo... Pwede po kayong pumila kay Mayor kada Lunes para manghingi ng tulong—"
"Assia!" malakas na sabi niya.
Gusto kong magpa-tuloy.
Pero hindi na ako maka-hinga.
Hindi ako makapagsalita.
Isang pagkakamali...
Wala na lahat ng pinaghirapan ko...
"Sorry po..." pilit kong sinabi sa gitna ng paghikbi. "Sorry po..." paulit-ulit kong sabi...
"Assia, anak... Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
Pinipilit ko iyong sarili ko na maging matatag.
Kahit ngayon na lang.
"May nagawa po akong mali..." dahan-dahang usal ko. Muli akong humugot ng malalim na hininga. "Hindi niyo po ako makikita ng matagal..."
Puno ng pagka-lito ang mukha niya.
Maraming tanong.
Gusto kong sagutin...
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan magsisimula...
Isang gabi...
Isang gabi, pero buong buhay ko iyong nasira...
"Assia—"
Umiling ako. "Ayoko pong pag-usapan."
"Tatay mo ako..."
"Nandyan si Aaron saka si Alec... Kailangan nila ng tatay..." sabi ko nang may bahagyang ngiti. "Sandali lang naman akong mawawala... Nandito ka pa rin naman nun, 'di ba, tay?"
Pero hindi siya sumagot.
Siguro kasi alam niya na rin.
Baka hindi na kami mag-abot muli.
"Ate, nandito na si Alec. Ayaw kasing umuwi."
Mabilis kong pinahid iyong luha ko bago ako humarap sa kanila. Alam kong gusto nilang magtanong, pero mabilis akong nagsalita at sinabi lahat ng bilin ko sa kanila.
* * *
Ayaw akong paalisin ni Tatay.
Doon na lang daw ako.
'Wag na raw akong bumalik.
Pero paano si Vito?
Wala siyang kasalanan...
Hindi tama na siya iyong magdusa sa ginawa ko...
Palagi niya akong pino-protektahan...
Takot ako...
Takot na takot...
Pero kailangan kong harapin iyong ginawa ko...
"Isa!" galit na sigaw ni Tatay nang kuhanin ko iyong bag ko. Ni hindi ako maka-tingin sa mga kapatid ko. Pakiramdam ko ay muli ko silang binigo. Kasi dapat abogado na ako... Dapat ay hindi na sila nahihirapan nang ganito... Iba iyong pinlano ko para sa kanila sa nangyari...
Puro mali...
Walang nangyaring tama...
"Aalis na po ako..."
"Assia!" muling sigaw niya.
"12 taon po siguro..." sabi ko nang may bahagyang ngiti. "Magpapaka-bait po ako para mas maaga tayong magkita ulit..."
Buong buhay ko, hindi ko pa nakikitang umiyak ang tatay ko.
Hindi siya umiyak nang makuha iyong lupa namin.
Hindi siya umiyak nang mawala si Nanay.
O baka hindi ko lang nakita.
Pero ngayon?
Parang binibiyak iyong puso ko nang makita ko iyong mga luha sa mata niya. Parang gusto ko na lang manatili dito... Sa tahimik kong buhay...
Sana hindi na lang ako nangarap...
Siguro nandito pa si Nanay...
"Sorry po talaga..." huling sabi ko bago lumabas ng pinto. Hindi ako lumingon kahit gaanong kalakas ang pagtawag nila. Ayoko silang sumama sa akin. Mas mahihirapan lang sila... Kasi wala naman akong laban... May kasalanan ako... Kailangan kong magbayad sa ginawa ko...
* * *
Pagbalik ko ng Maynila ay agad akong dumiretso sa presinto. Huminto ako para huminga nang malalim. Tumingin ako sa langit. Siguro... siguro ito na iyong huling beses na magiging malaya ako.
"Where the hell did you go?!"
Ni hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat," sabi ko. Agad na kumunot ang noo niya. "Salamat—"
"No."
"Hindi ako matatahimik ng may ibang makukulong sa ginawa ko."
"I told you, no one will get imprisoned!" Hindi ako sumagot. "God, you're frustrating!" sabi niya kasabay ng pag-igting ng panga niya. "So, what will you do now? Surrender yourself?"
Tumango ako.
"Great. Fucking great."
"May napatay akong tao..."
"You killed the person who tried to rape you!"
"Pero namatay pa rin siya..."
Saglit niyang ipinikit ang mga mata at nagbuntung-hininga. "If... if you go in there saying all that stuff, you'll get imprisoned, Assia. You'll get 12 years at the minimum. You'll forever be known as a convict. You'll never be a lawyer. Do you understand that?"
Hindi ako sumagot.
Siguro hindi ko naiintindihan...
Pero paano si Vito?
Wala naman siyang kasalanan.
"Si Vito—"
"He'll be fine," sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. "Look, I know Shanelle probably scared you... but Vito will be fine... You remember how in criminal law, it is guilt beyond reasonable doubt?" tanong niya. "There's no evidence, Assia. No fingerprints. No gun. No nothing. The prosecution doesn't have anything on Vito."
Hindi ako sumagot.
Marahan niyang ginulo ang buhok ko.
"You're scared... I'm scared... Vito is scared... but that's good, right? Being scared means that we'll do everything at our disposal to win... right?"
"May namatay—"
"He tried to rape you, Assia. In my book, that's punishable by death."
Hindi ako nakapagsalita.
Ni hindi maka-hinga.
"Just... don't give up yet. The fight hasn't even started," sabi niya ng may maliit na ngiti at pinahid iyong luhang hindi ko alam na kumawala. "Doesn't matter if they retained all the fucking lawyers. We'll outsmart them—we'll defy this rigged game."
***
This story is 7 chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top