Chapter 29

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG29 Chapter 29

"Kanina pa nagriring iyong cellphone mo," puna ko nang magring iyong cellphone ni Niko nang ika-5 beses. Nasa kalsada pa rin ang tingin niya nang kunin niya iyon at biglang pinatay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Halos isang oras nang nagda-drive si Niko. Isang oras ko nang pinigilang magtanong. Kung pwede lang tumalon palabas ng sasakyan niya at tumakbo papunta sa presinto ay gagawin ko na... Ayokong madamay sila...

Hindi dapat ako tumawag kay Vito.

Pero natakot ako.

Wala akong matatakbuhan.

"Somewhere far," sagot niya habang diretso sa harap pa rin ang tingin. Hindi na ako nagtanong pa ulit at kinuntento ang sarili ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang huminto na ang sasakyan ni Niko. Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang ibaba niya iyong likuran ng pick-up truck niya at naupo roon. May inabot siya mula sa likuran. Bubuksan niya iyon kaya lang ay natigilan siya nang makita niya akong naka-masid lang sa kanya.

Napa-buntung-hininga siya at saka bumaba at lumapit sa akin. Marahan niyang ginulo iyong buhok ko. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil doon ay nagsimula na namang manlabo ang paningin ko.

"I'm sorry you had to go through that," sabi niya habang patuloy ang paggulo sa buhok ko. Tahimik kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at humikbi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naka-tayo roon. Basta hinintay niya akong matapos.

"Ayokong madamay kayo," sabi niya.

"I'm afraid that's out of the question already."

"Alam mo ba kung ano ang nangyayari kay Vito?"

Hindi agad siya naka-sagot. "I... don't know."

"May kasama ba siya? Sino ang abogado niya? Pwede ba natin siyang puntahan?" sunud-sunod na tanong ko dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari kay Vito. Wala dapat siya roon. Ako dapat ang nasa posisyon niya. Dapat hindi ako pumayag nang ipadala niya sa akin iyong baril.

"I don't know, Assia. As much as I want to answer your question, I have no idea, as well," sabi niya. "But he's a lawyer himself. He can handle it, okay?"

Umiling ako. "Puntahan natin siya."

Umiling siya. "No. It was him who told me to get you far away from the scene."

"Niko—"

"Assia, please—" sabi niya habang bahagyang naka-kuyom ang panga.

"Makukulong si Vito, Niko."

"Innocent until proven guilty."

"Pero pinatay ko si Atty. Villamontes."

Hindi agad siya nakapagsalita.

Tumingin ako sa kanya.

"Natakot lang ako kanina... Naisip ko lang 'yung pamilya ko... Pero mas hindi ko kaya na may ibang makukulong dahil sa ginawa ko, Niko."

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Listen, no one will get imprisoned, okay?"

"Pero si Vito—"

"He's just being detained," sagot niya.

"Pero nakita siya na nandun. In flagrante delicto. Makukulong siya, Niko."

Nakita ko kung paano niya kontrolin ang paghinga niya. Binitawan niya ang mga braso ko at bumalik sa pagkaka-upo sa likuran ng sasakyan niya. Binuksan niya iyong bag at may nilabas na matulis na bagay mula roon.

"Innocent until proven guilty. Let's just hold on to that, okay?"

Umiling ako. "Bumalik na tayo—" sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Nagsimula siyang kalasin iyong baril at may ginawa siya roon. Agad na kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang gawin iyon.

"I took units in forensic law," sabi niya habang naka-tingin pa rin sa baril na hawak niya. "Each gun's barrel has unique grooves and patterns that can be used to match the bullet to the gun."

Umawang ang labi ko. "Niko, madadamay ka na talaga niyan."

"Ride or die," sagot niya habang tuluy-tuloy pa rin sa ginagawa niya. "I'm your ride or die, okay? Deal with it."

Hindi ako naka-galaw doon.

Seryoso siya.

Talagang sinisira niya iyong baril na ginamit ko sa—

Agad akong nasuka nang maalala ko iyong itsura ni Atty. Villamontes. Iyong dugo... iyong mga mata niyang naka-tingin sa akin...

Kahit hindi ako makulong...

Buong buhay kong dadalhin iyong ginawa ko...

"Here," sabi niya nang abutan ako ng panyo at bote ng tubig. "Just breathe, okay? Everything will be fine."

Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nasabi 'yan?"

"I just know."

"Si Vito..."

Bahagya siyang ngumiti at muling ginulo ang buhok ko. "He'll be fine," sabi niya. "Let's just wait for Sancho's call."

* * *

Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon, pero nang ibukas ko ang mga mata ko ay mataas na ang sinag ng araw. Napa-tingin ako sa gilid ko at nakita ko na nasa labas si Niko habang may kausap sa telepono. Nang mapa-tingin siya sa gawi ko ay mabilis siyang lumapit sa akin.

"Aalis na ba tayo?" tanong ko.

"Yeah," sabi niya habang sumasakay sa driver's seat.

"May sinabi na ba si Sancho?"

"Vito's been detained."

"May abogado na ba siya?"

"His family's lawyer."

"Magaling ba 'yun?"

"Hopefully."

Gusto ko pang magtanong kay Niko, pero pakiramdam ko ay wala na rin siyang masasabi pa sa akin. Tahimik lang akong naka-upo hanggang sa mapa-awang ang labi ko nang makita ko iyong dami ng tao sa harap ng police station.

"Stay here—"

"Sasama ako."

"No—"

Mabilis akong bumaba at naglakad. Para akong mabibingi sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya... Kung paanong patay na siya... Kung paanong si Vito iyong suspect sa pagpatay...

"Fine," sabi ni Niko nang maka-sunod sa akin. "Just stay by my side."

Maraming tao sa loob ng police station. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Gusto kong magtanong kung nasaan si Vito. Gusto ko siyang maka-usap. Gusto kong sabihin sa kanya na 'wag niyang gawin kung anuman ang naiisip niya.

Hindi niya kasalanan iyong nangyari dati...

Dumating naman siya...

Hindi niya kasalanan kung tapos na...

"Niko!"

Bigla kaming napa-tingin sa pinanggalingan ng boses. Napa-awang ang labi ko nang mabilis na maglakad papunta sa amin si Shanelle. Naka-suot siya ng itim na pencil skirt at kulay asul na blouse. May galit sa mga mata niya.

"What the fuck is happening?! We were just having dinner last night tapos biglang suspect siya sa homicide?!"

Tumingin ako kay Niko.

Hindi siya nagsalita.

"Ano? Hindi ka magsasalita? Hindi rin siya nagsasalita, for god's sake!" sigaw niya. Halos hindi ko marinig ang sigaw niya dahil sa dami ng ingay sa loob ng presinto. Gusto ko lang tanungin kung nasaan si Vito... Pwede ko ba siyang maka-usap?

"Where's Vito?" tanong ni Niko.

"What the fuck happened, Niko? I know for sure that my boyfriend isn't a killer!" galit na sagot ni Shanelle.

Pero bigla siyang napa-tingin sa gawi ko.

Umawang ang labi niya.

Parang... alam niya.

Napa-tingin si Niko sa akin at mabilis akong hinatak palayo. Tahimik lang ako habang nakikipag-usap si Niko sa mga pulis at nagpakilala na abogado ni Vito. Nag-iwas ako ng tingin nang mag-abot si Niko ng pera.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko nang huminto iyong pulis na naghatid sa amin.

"Thanks," sabi ni Niko at saka tumingin sa akin. "Just... just don't cry in front of him, okay?"

Hindi ako sumagot.

"Vito will tell you that he's fine, but we both know that this situation is fucked up," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "So, don't cry. Try your hardest not to cry in front of him, okay?"

Tumango ako.

Akmang bubuksan na ni Niko iyong pinto nang matigilan siya at saka tinignan ako.

"And don't blame yourself. None of this is your fault," sabi niya bago tuluyang buksan ang pintuan.

Saglit lang na napa-tingin si Vito kay Niko bago mapunta ang mga mata niya sa akin. Agad siyang tumingin kay Niko. "I asked you one thing, Nikolai."

Mabilis na hinatak ni Niko iyong upuan sa harapan ni Vito at naupo roon. "She wanted to come," sabi niya. "So... what's the plan, Sartori? I sure as hell won't let you rot in jail."

Pero imbes na sumagot ay naka-tingin sa akin si Vito. Pilit akong huminga nang malalim para hindi umiyak. Pero traydor ang mga luha. Dahan-dahan silang nabuo hanggang sa mabilis na bumagsak.

"Sorry..." sabi ko habang mabilis na pinupunasan ang mga luha ko. Isa lang ang bilin sa akin ni Niko, pero hindi ko pa nagawa. "Aamin na lang ako, Vito... Pwede namang self-defense 'yun, 'di ba? SakaO kaya iyong uncontrollable fear?"

Pero hindi sumagot si Vito.

"Vito—"

"Assia, self-defense is hard to prove," sagot niya.

"Kahit na—"

"No."

"Vito—"

Pero imbes na sumagot sa akin ay ibinalik niya ang tingin niya kay Niko. "Find me a good lawyer," sabi niya sa kanya. "Who's a good criminal lawyer?"

"Yuchengco, but his firm's already retained," sagot ni Niko. "So that means Sancho's out, Yago's out, basically everyone we know is out."

Pinapa-nood ko iyong bawat dumadaang ekspresyon sa mukha ni Vito. Nakita ko kung paano siya humugot ng malalim na hininga. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti na para bang sinasabi niya na ayos lang siya kahit pareho naming alam na nagsisinungaling siya.

Kasi tama si Niko.

Fucked up.

Iyon lang ang tamang mga salita sa sitwasyong ito.

"How about Shanelle? She just resigned and started a firm with her friends, right? Surely she'll agree to represent you," sabi ni Niko.

Sila pa rin ni Shanelle...

Ang tagal na nila.

"I don't know."

"For fuck's sake, you want a public defender?"

"I don't know. Maybe. Or I'll just represent myself."

"Let's just call that plan Z," sabi ni Niko.

"I'm a good lawyer..." sabi ni Vito at natawa. "Just help me with the research."

"Fucking crazy," sagot ni Niko pagkatapos magpakawala ng malalim na hininga. "What about your parents, then? What did they say?"

Tumingin sa akin si Vito. Ayaw ba niyang sabihin sa akin kung ano ang sinabi ng mga magulang niya?

Tipid akong ngumiti at tumayo.

"Lalabas muna ako," sabi ko at saka mabilis na lumabas. Kailangan nilang mag-usap para malaman nila ang gagawin. Ayokong makulong si Vito... Hindi ako papayag...

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Kahit saan ako lumingon ay maraming tao.

Maingay.

Gusto ko ng katahimikan.

Napa-hinto ako nang mawala ang ingay.

"Assia."

Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Shanelle na naka-tingin sa akin. Seryoso ang mukha niya. Agad niyang binitawan iyong stick ng sigarilyo na hawak niya.

"Sorry," sabi niya sabay tapon sa basurahan nung sigarilyo. "I smoke when I'm stressed."

Tipid akong tumango.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Do you know what happened?" tanong niya. "Because as far as I'm concerned, kasama kong kuma-kain si Vito kagabi nang bigla na lang magbago ang ekspresyon sa mukha niya pagkatapos sumagot ng tuwag. The next thing I know, nagkalat na sa TV ang mukha ng boyfriend ko."

Bumilis iyong tibok ng puso ko.

Hindi na dapat ako lumabas.

"I don't know what exactly happened... but I sure as hell won't let my boyfriend take the fall for someone else's crime," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko na para bang sinasabi niyang alam niya kung ano ang nangyari. 

***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top