Chapter 28

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG28 Chapter 28

"Assia."

Halos hindi ko makita iyong mukha ni Vito nang buksan ko iyong pinto.

"Where the fuck is that asshole?" galit na sabi niya bago naglakad papasok sa apartment ni Atty. Hindi ako naka-sunod sa kanya. Ni hindi ko magawang maka-galaw sa kinatatayuan ko. Basta nakita ko na lang siya na natigilan nang makita niya ang katawan ni Atty. Villamontes na nasa sahig at walang buhay.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal na naka-tingin doon.

Nang humarap sa akin si Vito, nakita ko ang pagka-bigla sa mga mata niya.

"I'm sorry," sambit niya habang naka-tingin sa akin. "God, I'm sorry, Assia."

Hindi ako maka-galaw.

"Patay... na ba siya?" tanong ko sa kanya. "Hindi siya guma-galaw... Natatakot akong lumapit sa kanya..."

Humakbang siya palapit sa akin.

Napa-hakbang ako palayo.

"God, I'm so sorry this happened..." sabi niya nang matigilan siya sa ginawa ko. "Assia, I'm sorry... I should've been there for you."

Pinunasan ko iyong luha ko.

Nandito pa rin naman siya...

Nandun siya dati, pero tapos na...

Nandito na siya, pero tapos na...

"Hindi ko sina-sadya," sabi ko. "Hinatak niya ako. Sabi ko naman sa kanya 'wag na siyang lumapit sa 'kin..."

Tumango siya. "It's not your fault."

Tumingin ako sa kanya. "Alam ko mali... pero hindi na ako nakapag-isip kanina... Gusto ko lang siyang tumigil..."

Hindi siya sumagot.

Naka-tingin lang din siya sa akin.

"Leave," sabi ni Vito habang naka-tingin sa akin. Hindi pa rin ako maka-galaw. "Assia, we have to go."

Gusto kong umalis.

Gusto ko lang namang umalis.

Pero ngayon ay hindi ako maka-galaw.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok niya. Pakiramdam ko ay hindi ako maka-hinga habang naka-tingin sa katawan ni Atty. Villamontes...

Puro dugo...

Naka-dilat ang mata niya...

Naka-tingin siya sa akin...

"Vito..." pagtawag ko sa kanya habang mabilis na tumutulo ang luha ko. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya... Pinatay ko talaga siya... Nagawa ko... Hindi ko alam na kaya ko pala...

"Vito... Vito, pinatay ko siya..." paulit-ulit kong sabi.

Agad na lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Vito na naka-hawak sa mukha ko. Pilit niya akong pina-tingin sa kanya. Naka-tingin siya sa mga mata ko. Naramdaman ko iyong paghaplos niya sa pisngi ko.

"Assia, listen to me," sabi niya sa akin.

"Pinatay ko talaga siya, Vito..."

"I know," sagot niya.

"Ayokong makulong..."

Napa-tingin siya sa walang buhay na katawan ni Sir sa amin. Mabilis siyang lumapit roon at kumuha ng pantakip.

"You won't, okay?" sabi niya sa 'kin.

"Pero pinatay ko siya..."

"I'm sure there's a reason," sagot niya at saka hinila ako patayo. Sandaling naka-tingin lang siya sa mga mata ko. Alam ko na gusto niyang pag-usapan... pero nangako siya sa akin na pagkatapos ng gabing iyon, hindi niya na ulit babanggitin iyong mga bagay na sinabi ko sa kanya... Kasi gusto ko na lang matapos 'yun... Gusto ko na lang magpanggap na walang nangyari...

"Did you tell anyone that you went here?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Wala akong sinabihan..." mahina kong sagot. Ni hindi ko alam na pumunta ako rito... Hinahanap kaya ako ni Atty. Torres? May naghahanap kaya sa akin? Bakit pinabayaan lang nila ako na kunin ni Atty. Villamontes?

"Good," sabi niya. "You still know how to drive?"

Tumango ako. Inabot niya sa akin iyong susi ng sasakyan niya. "You still know where Niko lives?" Tumango ako. "You go there, okay? I'll tell him that you're going there."

"Maiiwan ka rito?"

Tumango siya. "Yeah," sabi niya habang tinapunan ng tingin iyong walang buhay na katawan ni Atty. Villamontes. Parang gusto kong masuka... Gusto kong lumapit sa kanya para isara ang mga mata niya...

"Bakit... ka maiiwan?"

"I just have to do something," sabi niya.

"Ano'ng gagawin mo?"

Napa-buntung-hininga siya bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya. "It's better if you don't know." Tumingin siya sa akin. "Please don't ask," seryoso niyang sabi.

Tumango ako. "Okay..."

Tumingin siya sa paligid. "Did you touch anything?"

Muling sumikip iyong dibdib ko bago ako tumango. "Ayokong makulong, Vito... Ako lang inaasahan ng pamilya namin... Gusto ko lang naman magtrabaho... Hindi ko naman gusto 'to..."

Wala na akong makita.

Ramdam ko lang 'yung pagtulo ng luha ko.

"You remember what I promised you before?" he asked and I nodded. "I always got your back... Remember that?"

Hindi ko alam kung bakit... pero sobrang bait niya sa akin...

Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin noon.

Kahit bigla na lang akong nawala ng walang pasabi.

"I got your back then—I still got your back now," he said. "You understand me?" tanong niya at tumango ako. Bumalik siya sa kwarto at kinuha iyong baril. Nakita ko kung paano niya tinanggal iyong mga bala roon at inilagay iyon sa plastic tapos ay iniabot sa akin. "Now, you drive to Niko's place... Burn all your clothes then take a shower in the tub. Then pour bleach on the tub. You hear me?" he asked.

"Vito—"

"Assia, the world is not a fair place. I won't let you go to jail for this, okay? I just won't," matigas na sabi niya sa akin. "Don't argue with me. Not now."

"Paano ka?" tanong ko.

He gave me a small smile. "I can handle myself."

"Vito—"

"Just go, okay? I'll take care of this," sabi niya bago ako mabilis na pinalabas sa apartment ni Atty... Pilit akong huminga nang maayos habang nagda-drive ako paalis doon... Sinunod ko iyong daan na sinabi sa akin ni Vito...

Patuloy lang ang luha ko habang naka-tingin sa plastic sa tabi ko. Nandoon iyong baril na ginamit ko. Gusto ko lang naman na tumigil siya. Ayaw niyang tumigil. Ayaw niya akong paalisin. Ayaw niyang makinig.

Nang huminto ako sa basemet ng condo ni Niko ay agad ko siyang nakitang naka-tayo sa may isang gilid.

"Let's go," Niko said nang makita niya ako. Agad niya akong sinuotan ng baseball cap at itinaas iyong hoodie sa ulo ko.

"Niko—"

"I don't wanna talk right now," pagputol niya sa sasabihin ko. "You stay behind me, okay?" sabi niya bago kami pumasok sa emergency exit. Tahimik lang ako habang naglalakad kami sa hagdan. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na umaakyat bago kami lumabas sa isang floor.

Sinabihan ako ni Niko na hubarin ko lahat ng suot ko. Binigay ko sa kanya lahat ng hawak ko. Nilagay niya iyon sa isang metal trashcan. Lumabas siya sa terrace at doon sinunog iyon. Pina-punta niya ako sa CR at pina-ligo. Binigyan niya rin ako ng bleach. Sinunod ko lahat ng utos niya sa akin.

Paglabas ko, nakita kong naghihintay siya sa akin.

"You done?"

"Salamat..."

"Vito called."

"Ano'ng sabi niya?"

"He told me to tell you to sleep," sabi ni Nikolai. "I have a vacant room."

"Niko, galit ka pa rin ba sa 'kin?"

Naka-tingin siya sa akin. Tahimik kong hinihintay na magsalita siya. "I'm not mad. I'm just... hurt. You should've told me this happened to you. I had no fucking idea."

Hindi ako sumagot.

Paano ko sasabihin sa kanya? Hindi niya ako kinakausap noon. Mas close siya kay Shanelle. Pero hindi ako galit kay Niko. Alam ko na may kasalanan din naman ako sa nangyari sa pagkakaibigan namin.

Wala akong lakas para makipagtalo kaya naman pumasok ako roon... pero kahit na ganoon, hindi ko magawang matulog... parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig lahat ng nangyari kanina...

At iyong tunog ng baril...

Paulit-ulit kong maririnig...

Hindi ko magawang matulog. Sinubukan kong buksan iyong TV... Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Vito. Nanginginig ang mga kamay ko habang inabot ko ang remote. Mabilis na nilakasan ko ang TV... Kasabay ng pagtulo ng luha ko nang makita ko si Vito sa TV... Naka-takip ang kamay niya pero alam ko na naka-posas iyon.

"Atty. Vito Sartori was arrested last night while he was caught attempting to cover up the scene of a suspected homicide," sabi ng reporter habang pinapa-kita si Vito na hatak-hatak ng mga pulis. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naka-tingin ako sa bawat galaw niya. I could still see the blood on his white long sleeves... the blood that I caused to spill. "We reached out to his lawyers, but for now, no comment has been made by both camps."

Agad akong lumabas para hanapin si Niko. Agad kong nakita siyang naglalakad pabalik-balik, ang mga daliri niya panay suklay sa buhok niya.

"Obviously, I know that!" sigaw niya sa kausap niya. "Fuck you, Sancho! Now's not the time to be a smart ass!"

Niyakap ko palapit sa dibdib ko iyong mga binti ko.

"We don't have much choice, do we?!" sigaw na naman niya. "I'm shouting because this is so fucked up! We don't have a choice!"

Naka-tingin ako sa kanya, naghihintay na sabihin niya sa akin kung ano ang nangyayari... Natatakot ako... Natatakot ako para kay Vito... Alam ko na hindi niya ako ilalaglag... Pero paano siya? Ayokong may masamang mangyari sa kanya...

Nang matapos ang tawag, nakita ko siyang naka-tingin sa akin.

"Ano'ng... nangyari?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin. "Assia," pagtawag niya sa pangalan ko. "Vito's in deep shit."

Tumulo ang luha ko. "Pupunta ako sa presinto—"

"No," sabi niya. "He insisted that you stay here."

"Pero—"

"You stay here," he said.

"Si Vito..."

"He'll be fine."

"Bakit ka sumisigaw kanina?"

Tumingin sa akin si Niko. "You know the Villamontes clan," pagsisimula niya. Tumango ako. Laman sila ng bangungot ko... Si Atty. Villamontes... Si Trini... Ayaw nila akong tigilan. "They retain almost all the biggest firms in the country... So, that means all those firms can't represent Vito... Then I heard earlier that they're starting to consult with the private lawyers."

Agad na umawang ang labi ko.

Ibig sabihin... walang pwedeng magrepresent kay Vito na magaling na abogado? Dahil nagcoconsult na sila? Dahil conflict of interest iyon...

"So... you see, that's the reason why I was shouting," sabi ni Niko. "Vito needs a fucking good criminal lawyer and all the criminal lawyers I know are retained by that evil family."

Agad akong tumayo. "Pupunta na lang ako sa presinto, Niko."

"Assia, don't be stupid," sabi niya. "You stay in the—ah, shit! Just come with me."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"We'll make the gun disappear," he said, grabbing his car keys and putting the gun inside his jacket.

Natigilan ako. "Obstruction of justice. Magiging accessory to the crime ka."

Tumango siya. "I know."

"Niko—"

"I don't care," sabi niya. "You two are in deep shit, and I'm a ride or die kind of friend, so let's go."

***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top