Chapter 27
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG27 Chapter 27
Nang idilat ko ang mga mata ko ay agad akong napa-tingin sa paligid. Pinilit kong maupo, pero agad akong natigilan nang makaramdam ako ng sakit sa ulo ko.
"You're awake."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.
Ramdam ko ang paggapang ng takot sa buong katawan ko.
Gusto kong magsalita.
Gusto kong magtanong.
Pero mas nangibabaw iyong kagustuhan ko na umalis kung nasaan man ako.
"Nawalan ka ng malay kanina," sabi niya habang naka-tayo pa rin doon sa may pintuan. "Masakit ba ang ulo mo? Tumama kasi kanina sa may semento nang bumagsak ka."
Hindi ko magawang makapagsalita dahil makita pa lang siya ay agad nang sumisikip ang dibdib ko. Gusto kong tumayo at lumabas, pero paano ko gagawin iyon kung nandyan siya sa harapan ko?
"Assia."
Isang salita niya lang ay bigla akong nanliit.
"You accused me of sexual harassment tapos ay bigla kang mawawala after graduation?"
Mabilis kong pinunasan iyong luha na kusang tumulo mula sa mga mata ko. Pwede ba na itulak ko na lang siya palayo at tumakbo ako? Gusto ko nang umuwi. Hindi na dapat talaga ako bumalik dito.
"Do you know what I had to do because of what you did?"
Bumilis ang pagtulo nang luha ko nang humakbang siya palapit sa akin.
"Sir—"
"You knew I was drunk that night."
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"I barely even got to touch you."
Gusto kong tumayo.
Hindi ako maka-galaw.
Para akong nasa bangungot ko.
"Kasalanan mo kung ano ang nangyari kay Kuya Jun."
Agad akong napa-tingin sa kanya.
Kahit sa panlalabo ng mga mata ko sa luha ay naka-tingin ako sa kanya. "Si... Kuya Jun?"
"Assia," sabi niya sabay ng pag-iigting ng panga niya. "You know, this is all your fault. I just wanted to be friends with you. Mabait naman ako sa 'yo, 'di ba? But you acted like I had some kind of a disease na kailangan mong layuan."
Para akong mahuhugutan ng hininga sa tuwing hahakbang siya palayo sa akin.
"Sir, tama na po... Gusto ko nang umuwi sa amin..."
Huminto siya at tumingin sa akin.
"Sir—"
"May tatlong anak si Kuya Jun—2 sa elementary at 1 sa high school," sabi niya habang naka-tingin sa akin. Gusto kong mapa-upo sa takot na nararamdaman ko. Ni hindi ako maka-hinga. Ni hindi ko siya matignan. "Bakit mo kasi kailangang sumigaw, Assia?"
"Tama na..."
Humakbang siya palapit.
Niyakap ko ang mga binti ko at ipinikit ang mga mata.
"Tama na... Ayoko na..." bulong ko sa sarili ko habang pinipilit na isipin na wala ako rito, na nasa Isabela ako at matahimik na nagta-trabaho para sa pamilya ko...
Pinigilan ko iyong paghikbi ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa 'kin.
"Bakit ka ba takot na takot sa akin?" bulong niya. "Assia, look at me."
Hindi ako gumalaw.
Ayoko rito.
Gusto ko nang umuwi.
"Tumingin ka sa 'kin."
Natatakot ako.
Pero... kailangan ako ng pamilya ko.
Paano... paano kung may gawin din siya sa 'kin?
Ano 'yung ginawa niya kay Kuya Jun?
Kailangan ako ng mga kapatid ko... paano na lang sila kapag nawala na rin ako?
Halos hindi ko siya makita dahil sa mga luha sa mga mata ko nang tumingin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong panginginig ng buong katawan ko nang pahiran niya iyong luha sa pisngi ko.
"I just want to be friends."
"May gagawin pa po ako..." mahinang sabi ko sa kanya. "Sir, hahanapin ako ni Atty. Torres..."
Bahagya siyang ngumiti sa akin.
Gusto kong umiyak nang muli niyang hawakan ang pisngi ko.
"I'm sure she's preoccupied," sagot niya. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?"
Hindi ako maka-galaw.
Gusto kong umalis.
"I'll take that as a yes," sabi niya at nginitian ako. "I'm not a good cook, but I'll try to prepare food for us."
Tumayo siya at iniwan ako sa isang gilid habang yakap ang mga binti ko. Pinapanood ko ang bawat paghakbang niya palayo sa akin. Hindi ako maka-hinga kapag nandyan siya.
"I badly wanted to forget about you, Assia... but Kuya Jun's family is a constant reminder of you," sabi niya habang naka-tayo sa pinto. Nakita ko kung paano siya nagbuntung-hininga. "You shouldn't have shouted so loudly. Sayang siya..." sabi niya pa bago tuluyang lumabas.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-upo roon habang pinipilit ang sarili ko na kumalma.
Gusto kong gumalaw.
Gusto kong tumayo.
Pero natatakot ako na baka bigla siyang bumalik.
Pero kailangan kong umalis...
Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kay Kuya Jun... Pero hindi ako pwedeng mawala... Iyong mga kapatid ko...
Pinilit kong tumayo.
Tinakpan ko iyong bibig ko dahil ayokong maka-gawa ng ingay.
Kailangan kong lumabas.
Kailangan kong maka-alis.
Gusto ko nang umuwi.
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong maka-isip ng paraan para maka-alis dito.
Lumapit ako sa bintana niya, pero may bakal doon kaya hindi ako makaka-labas. Gusto kong sumigaw, kaya lang ay wala akong makitang tao sa labas na makaka-rinig ng sigaw ko.
Nasaan ba ako?
Bakit ako nandito?
Wala bang naka-kita sa akin?
"Makaka-alis ka rito," mahinang bulong ko sa sarili ko nang sumuko ako sa bintana. Tahimik akong sumilip sa pinto at nakita kong nagluluto siya. Nakita ko iyong pintuan sa gilid niya. Kaya ko ba 'yung takbuhin? Makikita niya ba ako? Mahahabol? May tutulong ba sa akin kung sisgaw ako?
Magagaya lang ba sila kay Kuya Jun?
Huminga ako nang malalim.
Tumingin ako sa paligid.
Natigilan ako nang makita ko iyong telepono sa gilid ng kama ni Atty. Villamontes. Isa lang iyong kabisado kong numero...
Dadating ba siya?
Sasagutin niya ba 'yung tawag ko?
Muli akong huminga nang malalim.
Kailangan ako ng mga kapatid ko.
Kailangan kong maka-alis dito.
Nanginginig ang mga daliri ko habang isa-isa kong titipa iyong numero niya. Naka-takip sa bibig ko ang kamay ko para pigilan ang paghikbi ko dahil sa takot na baka bigla siyang pumasok dito.
Hindi ko alam kung ano iyong mas malakas—iyong ring o iyong tibok ng puso ko.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang patayin niya iyong tawag.
Muli ko siyang tinawagan.
Pero pinatay niya ulit.
"Wag mong ibaba, please," sabi ko nang sagutin niya iyong tawag nang ika-limang tawag ko.
"Who's this?" sagot niya.
Ilang taon na rin ang lumipas nang huli kaming nagkita.
Hindi niya na yata tanda iyong boses ko.
Kasalanan ko naman.
Umalis na lang ako bigla.
"Assia," sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. "Nandito ako sa Maynila..." Humugot ako nang malalim na hininga. "Sa apartment ni Atty. Villamontes..."
"What?!"
Muli akong tumingin sa pintuan.
"H-Hindi ko alam kung saan 'to... Nandito na lang ako kanina paggising ko... Puntahan mo naman ako, Vito... Gusto kong umalis dito..."
"Okay," sagot niya. "I promise I'll be there. Assia... this time, I'll be there, okay?"
Tumango ako habang pinupunasan iyong luha ko. "Okay..."
"Just go hide in the bathroom like before. I'll ask around for his address. Don't let him get to you," sabi niya.
"Okay—"
Pero agad akong natigilan nang bumukas iyong pinto. Lumipat iyong mga mata niya mula sa hawak niyang pagkain papunta sa akin na hawak iyong telepono. Nakita ko kung paano mag-igting iyong panga niya.
"Gusto mo talagang may nadadamay, Assia?" tanong niya kasabay nang pagbagsak ng plato sa sahig.
Mabilis siyang lumapit sa akin. Nabagsak ko iyong telepono. Mabilis niya akong hinatak, pero pilit akong naghanap nang makaka-pitan. Narinig ko iyong pagbagsak ng drawer sa nightstand niya. Muli akong naghanap nang makaka-pitan.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Ayokong umalis.
"Sino 'yung tinawagan mo? Si Vito? Kagaya ng dati, hindi rin siya dadating," sabi niya habang hina-hatak iyong binti ko. Tumingin ako sa likod para maghanap ng makaka-pitan. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyong baril na kasama sa mga nahulog mula sa drawer niya.
Mabilis ko iyong kinuha.
Tinutok sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay ko.
"Do you really think you can shoot me?" tanong niya habang may ngisi. "I don't think so, Assia. That's the reason why I want you. You're so... soft," sabi niya sabay hawak sa binti ko. "So soft spoken... so submissive... You don't have it in you to shoot a gun."
"Wag... 'wag kang gumalaw..." sabi ko nang gumalaw siya para kuhanin iyong baril.
"I'll take the gun. Baka masaktan mo pa ang sarili mo—"
"Wag ka ngang gumalaw!" sabi ko habang patuloy iyong pagtulo ng luha ko.
"Assia—"
"Wag ka sabing gumalaw!" sigaw ko, pero gumalaw pa rin siya... Ayaw niyang makinig sa akin...
"Sabi nang 'wag kang gumalaw..."
Hindi na siya guma-galaw...
Tahimik na...
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top