Chapter 25

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG25 Chapter 25

Hindi ko alam kung tama ba iyong naging desisyon ko na magpa-lipat ulit ng section. Nahirapan ako na hindi kami nag-uusap ni Vito... pero ewan, mas nahirapan ako kapag iniisip ko na galit sa akin si Niko.

Kaya ngayon, nandito na naman ako sa 4B, naka-upo sa unahan at nakikinig sa lecture ng prof hanggang sa wala na akong maintindihan.

Ganon lang ang nangyari sa akin buong sem.

Nakaka-usap ko sila Niko kaya lang ay ramdam ko na may tampo sila sa akin. Naiintindihan ko naman. Mabuti na lang din siguro na marami akong ginagawa kaya hindi ko na iyon masyadong naiisip. Ang tanging naiisip ko na lang ay kung paano ko maitatawid iyong huling semestre ko sa law school.

Kaunting gapang na lang, makaka-graduate din ako.

Sinandal ko iyong ulo ko sa lamesa. Kakatapos lang ng huling lecture namin sa Legal Med. Final exam na next week. Huling final exam na. Pagod na talaga ako, pero kailangan ko pang ilaban. Huli naman na 'to. Konti na lang. Kaya ko 'to.

"Let's ask for a breakdown," rinig kong sabi ng isa kong classmate.

"What for? We know naman na sobrang baba magbigay ni Villamonts. So annoying."

"I know, but we still should know para we know kung ano pa ang hahabulin natin. Better safe than sorry, right?"

"Fine. Let's pass by the Dean's na lang. Baka nandun siya."

Napa-buntung-hininga ako.

Kailangan ko rin bang kausapin si Atty. Villamontes tungkol sa grade ko? Simula nung ihatid niya ako sa boarding house, naging masungit na siya sa akin. Okay lang naman... kaso nahihirapan ako kapag may recitation dahil kapag ako ang tinatawag niya, parang sobrang hirap ng mga tanong at parang hindi nauubos iyong follow-up question...

Siguro ang maganda na lang doon ay napipilitan akong mag-aral nang mabuti sa CommRev dahil alam ko na pag-iinitan niya ako kapag may recitation.

Naka-yukyok pa rin ako sa lamesa. Iiglip muna ako. Inaantok na talaga ako. Wala namang gagamit ng classroom.

"I swear my mom's nice. My dad's a little strict, but I'm sure he'll like you," rinig kong sabi ni Shanelle. Pilit akong natulog. "Kung ginugulo ka ng mga kapatid ko, tawagin mo ako para masaway ko."

Huminga ako nang malalim at saka kinuha iyong bag ko na nasa sahig. Dumiretso na ako palabas at naglakad papunta sa Dean's Office. Agad akong napa-hinto dahil kaka-labas lang ng pinto ni Atty. Villamontes.

"What?" tanong niya nang makita ako.

"Sir, I just want to ask if the breakdown for recit grade is available," magalang kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin, pero sana ay 'wag niyang idamay iyong grade ko dahil pinaghirapan ko 'yun. Halos hindi na ako natutulog kapag siya iyong professor ko dahil alam ko na ako iyong pinag-iinitan niya. Akala ko nung una nasa isip ko lang, pero kahit si Isobel tinanong ako kung may galit daw ba sa akin si Sir.

"Why?" sagot ni Atty. Villamontes, pero iyong mga mata ko ay napa-dako kina Vito at Shanelle na naglalakad nang sabay. Wala naman silang ginagawa. Naglalakad lang sila at nag-uusap, pero agad kong napansin na dala ni Vito iyong mga libro ni Shanelle. Tapos ay nasa likuran nilang dalawa si Sancho at Niko na mukhang nagtatalo.

Pilit kong ibinalik kay Atty. Villamontes iyong tingin ko.

"Sir—"

"Sartori and Nuevas..." sabi niyang bigla habang naka-tingin sa naglalakad palayo na sina Vito at Shanelle. "Fine. I'll just email you your grade."

Tumango ako. "Salamat po," sabi ko at saka mabilis na naglakad para maka-uwi na ako.

Kung may papasok siguro sa kwarto ko ay aakalain na nasisiraan na ako ng bait dahil puno ng naka-dikit na papel iyong buong kwarto ko mula pader hanggang dingding. Ang dami kasing kailangang makabisa. Gusto ko na pagdilat pa lang ng mga mata ko ay nakikita ko agad iyong mga importanteng provision.

Isang take lang sa BAR.

Gusto ko nang umuwi.

* * *

Isang araw bago mag-exam ay parang maiiyak na lang ako nang makita ko iyong grade ko sa subject ni Atty. Villamontes. Agad akong pumunta sa school para hanapin siya at para itanong kung saan niya nakuha iyong grade ko sa recit. Bakit ganoon kababa? Wala ba talagang kwenta lahat ng sagot ko?

Isang subject lang, doon pa ba ako babagsak?

"Di pumasok si Atty. Villamontes ngayon," sabi ni Ate Nancy. Mabilis akong lumabas ng school at pumunta sa opisina niya. Pagdating ko roon ay sinabihan ako na may pinuntahan si Atty.

Sinabi ko na maghihintay ako.

Paano ako mag-e-exam bukas kung hindi ko sigurado kung makaka-graduate ba ako dahil may isa akong bagsak?

Paano ako makaka-tulog kung alam ko na hindi ko naman deserve iyong ibigay niyang grade dahil alam ko na ginalingan ko naman?

Hindi ako makapagbasa.

Hindi ako makapag-aral.

Tahimik akong naka-tingin sa sahig habang isa-isang nag-aalisan iyong mga tao. Pero kailangan kong maka-usap si Atty. Sabi nila babalik pa raw iyon dahil nandito pa iyong gamit niya. Kailangan kong malaman na may mali lang sa computation niya. Kasi kung iyon talaga ang grado ko, kahit ata ma-perfect ko iyong exam, hindi pa rin ako makaka-pasa.

"Dito ka lang ba, Assia?" tanong sa akin ni Kuya Jun.

"Opo," matipid na sagot ko.

"O siya. Doon lang ako sa baba," sabi niya bago ako iniwan. Nagpapasalamat ako na hinayaan niya akong maghintay dito dahil kailangan ko talagang maka-usap si Atty. Kung may nagawa man ako sa kanyang kasalanan o kung anuman na ikina-gagalit niya sa akin, hihingi agad ako ng paumanhin.

Pero 'wag sana iyong grade ko.

Maraming umaasa sa akin.

Agad akong nag-angat ng tingin nang maka-rinig ako ng yabag. Nakita ko si Atty. Villamontes na naka-kunot ang noo.

"What?" tanong niya sa akin.

"Sir—" sabi ko pero hindi natuloy dahil nilagpasan niya ako at dumiretsong naglakad papasok sa opisina niya. Tahimik akong naka-sunod sa kanya at pina-nood habang nilagay niya iyong brief case niya sa lamesa at nagsalin ng alak sa baso.

"Whatever it is, I'm having a really bad day today," sabi niya habang mabilis na niluwagan iyong necktie niya. "So, what is it?"

Huminga ako nang malalim. "Sir, iyong grade ko—"

"Ano'ng problema sa grade mo?"

"Sir—" sabi ko at saka natigilan. "Sir, pwede po..." Huminga ako nang malalim. "Sir, pwede po bang malaman kung bakit ganoon kababa iyong recit ko? Mali po ba talaga lahat ng sagot ko buong sem? Bakit po ganoon kababa?"

Halos masira na iyong cellphone ko sa higpit ng hawak ko. Ayokong maiyak sa harapan niya... pero parang gusto ko na lang humingi ng awa. Kasi kapag binagsak niya ako, isang taon akong maghihintay... Isang taon iyong masasayang...

May sakit si Tatay...

Paano kung iyong isang taon na 'yun—

"Sir, talaga po bang ganoon lang iyong grade ko?" tanong ko habang mabilis na pinupunasan iyong luha ko. Ayokong umiyak, pero pakiramdam ko ay wala na akong maatrasan. Ano ba'ng laban ko sa kanya? Prof ko siya. Estudyante lang naman niya ko.

Hindi siya nagsalita.

Tumingin ako sa kanya.

"Sir—"

"Baka mali lang ako ng computation," sabi niyang bigla.

"P-po?"

Inilabas niya iyong laptop niya at saka binuksan iyon. Tumingin siya sa akin. Halos ubos na iyong alak sa baso niya. "Come here. Tignan mo. Baka may mali lang sa computation," sabi niya habang naka-turo sa upuan sa harapan niya.

"Sir—"

"Ayaw mo ba'ng makita iyong grade mo kung may mali?" tanong niya habang naka-tingin sa akin. Mabilis akong nagpahid ng luha at lumakad palapit sa kanya habang nanginginig ang mga tuhod ko.

"Dito ka," sabi niya habang pinapa-upo ako.

"Let's see kung nasaan ang file ng section niyo..." sabi niya habang nasa likuran ko. Nasa gilid na ng mukha ko ang mukha niya habang hina-hanap niya iyong file sa laptop niya. Hindi ako maka-galaw. Dire-diretso iyong pagtulo ng luha ko, pero hindi niya ako pina-pansin.

"Here it is," sabi niya. "4B."

Umatras siya.

Naramdaman ko iyong pag-amoy niya sa batok ko.

"That's your section," sabi niya. "Look for your name," dagdag niya habang naglalakad papunta sa pintuan. Mabilis kong binuksan ang cellphone ko at nagsend ng text kay Vito habang ang mga mata ko ay naka-sunod sa bawat galaw ni Atty. Villamontes.

"Sir," sabi ko habang pilit na pinapa-kalma ang boses. "Pwede pong magcr?" tanong ko pero bago pa man ako maka-tayo ay itinuro ni Atty iyong pintuan sa gilid ko at sinabi na may CR doon.

Halos matumba ako sa paglalakad.

Mabilis kong isinara iyong pintuan at sinubukan na tawagan si Vito. Patuloy ang pagtulo ng luha ko na mabilis kong pinupunasan. Gusto kong sumigaw, pero walang tao rito. Nasa baba pa iyong guard.

Wala akong kasama.

Naaalala ko lahat ng pagkakataon na sinabi niya sa akin na mag-iingat ako.

"Assia," pagtawag niya habang kuma-katok. "Assia, your grades, ayaw mo bang tignan?"

"S-Sandali lang po..." sabi ko habang nagdadasal na sagutin ni Vito iyong tawag ko.

Puro lang ring.

Hanggang sa maputol.

"Assia," muling pagtawag niya. "Assia," sabi niya habang palakas nang palakas iyong katok sa pinto.

'Nandito ako sa dati kong trabaho. Puntahan mo ako please,' sabi ko sa kanya bago ko tinakpan ang tenga ko dahil sa lakas ng pagkatok niya. 

***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top