Chapter 23

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG23 Chapter 23

"Assia," pagtawag sa akin ni Atty. Villamontes.

"Sige, una na kayo," sabi ko kay Niko.

"Okay," sabi niya habang inaayos iyong gamit niya. "I still have to go somewhere. Just ride with Vito or Sancho," sabi niya pa bago umalis.

Huminga ako nang malalim bago ko sinara iyong bag ko. Kakabigay lang ng exam namin sa midterms. 68 lang ang nakuha ko sa Tax. Hindi ko pa alam kung ano ang recit grades ko. Kailangan kong ayusin. Hindi ako pwedeng bumagsak. Ayokong ma-delay ng isang taon.

"Bakit po, Attorney?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya. Naka-tayo siya habang inaayos nag gamit niya. Ramdam ko iyong bigat ng buong klase dahil walang pumasa kahit isa sa amin. Highest na raw na nakuha ay 73.

"53 lang ang midterms recit mo," sabi niyang bigla.

Napa-kurap ako nang maraming beses. "Po?"

"I can't really do anything about it dahil si Atty. D iyong gumawa ng midterms recit niyo," sabi niya at saka tumingin sa akin. "I know you're a hard worker, Assia, but you have to work harder. Kailangan mong galingan sa finals recit. And there's a talk na departmental na iyong finals exam."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinasabi niya. Parang hindi maalis sa isip ko iyong 53... Wala man lang ba akong tamang naisagot kahit isa kay Atty. D? Sobra naman iyong 53...

"If you have any clarification about the topics, you can always consult with me..." sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. Alangan akong ngumiti at nagpasalamat.

"Assia."

Sabay kaming napa-tingin nang tawagin ako ni Vito. Muli akong ngumiti kay Atty. Villamontes bago mabilis na umalis at lumapit kay Vito.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

Tahimik akong tumango. "Nakita mo si Sancho?" tanong ko.

"Why?"

Hindi ako naka-sagot. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Shanelle. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit bigla na lang siyang nawala nung party. Hindi siya nagpaalam na aalis siya. Basta nawala na lang siya. Hindi ko magawang magtanong kung bakit at kung saan siya pumunta.

At dahil hindi ako naka-sagot kung bakit ko hina-hanap si Sancho ay sumabay na lang ako kay Vito papunta sa birthday party ni Niko.

* * *

Mas tahimik iyong birthday ni Niko kumpara nung pinaka-unang birthday niya na napuntahan ko. Konti lang ang tao—karamihan ay puro lalaki na classmate nila nung high school. Ang konti lang ng babae. Karamihan puro girlfriend lang ng kaibigan ni Niko.

Naka-upo ako sa lounge chair sa may malapit sa pool. Sa 3 taon na kaibigan ko si Niko, parang 5 bahay na niya ata iyong napupuntahan ko. Meron ata silang bahay sa bawat sulok ng Maynila. Iyong condo niya na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Hanggang sa lobby lang ako naka-rating dahil ayaw magpa-akyat ni Niko.

"Malapit na kayong maging kambal ni Niko," sabi ni Sancho sa tabi ko. Mag-isa lang siya. Kanina ay kasama niya sina Vito, Yago, at Rory.

"Ha? Bakit naman?"

"Lagi niyong inaaral 'yang Tax," sabi niya habang naka-turo sa hawak ko na libro ni Ingles. Napa-buntung-hininga ako. "Ang baba ng recit grades na binigay ni Atty. D..."

Bahagyang umawang iyong labi ni Sancho. "Siya nagbigay?"

Tumango ako. "Sobrang baba," sagot ko. "Parang wala man lang pa-konswelo na complete attendance ako sa kanya," dugtong ko pa. Kahit nga parang aatakihin na ako sa puso tuwing bago magklase sa subject niya, pumapasok pa rin ako. Kasi alam ko na kahit ang hirap niyang professor, marami akong matututunan sa kanya pati sa mga recit ng mga kaklase ko.

Napa-upo si Sancho sa kabilang lounge chair.

"San mo nalaman grades? Nagbigay ba?"

"Sinabi ni Atty. Villamontes," sagot ko.

"What? Kanina? Kailan?" naguguluhan na tanong ni Sancho.

"What's happening?" biglang tanong ni Vito nang dumating siya. May hawak siyang beer. Medyo namumula na rin iyong mukha niya. Madaling malaman kapag naka-inom si Vito dahil namumula iyong leeg at tenga niya. Sana lang ay dito na siya matulog at 'wag na siyang magdrive pauwi sa condo niya.

"Our grades," sabi ni Sancho. Tumingin siyang muli sa akin. "Binigay ba 'yung grades kanina? Bakit 'di ko narinig?"

"Sinabi niya lang sa 'kin kanina," sagot ko.

"Is that why he asked you to stay?" tanong ni Vito. Tumango ako. "What the fuck's wrong with that guy?"

Agad akong napa-tingin sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na tumigil na siya sa pagsasalita dahil halata naman na naka-inom na siya, kaya lang ay pakiramdam ko magtatalo kami. Alam ko naman na ayaw niya kay Atty. Villamontes nung una pa lang. Alam ko rin naman na pangit ang reputasyon ng pamilya niya. Pero hindi naman niya kasalanan 'yun.

Kung ganon lang din kasi, e 'di sana galit na rin ako kay Sancho dahil pamilya niya iyong nangunguna sa pagkuha ng lahat ng lupain sa Isabela?

"Wag mo kasing sabayan si Lui uminom," sabi ni Sancho sa kanya. "Alam mo namang praktisado 'yun," dugtong pa niya bago tumayo. "Kuha kitang tubig."

Ibinalik ko iyong tingin ko sa binabasa ko. Ramdam ko na naka-tingin sa akin si Vito.

"Assia," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Hmm?" sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa libro.

"Don't you think it's weird?"

"Alin?"

"That he told you about the grades."

Hindi ako nagsalita.

Na-weirduhan naman din talaga ako.

"I know you're the kind of person who wants to see the best in everyone... but some people are just the worst."

Inilipat ko ng pahina iyong libro ko kahit wala akong naintindihan sa binasa ko. Gusto ko lang may gawin. Para hindi malaman ni Vito na pinapa-kinggan ko bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Take care, okay?"

Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang naka-tingin sa mga mata ko na para bang totoong nag-aalala siya. "Sala—"

"Someone's looking for you," biglang sabi ni Lui.

"What?"

"Singkit, maputi, may dimples," sabi ni Lui. Ah... Si Shanelle. "Hina-hanap ka. Samu's talking to her, so I advise to go collect the girl."

Tumingin sa akin si Vito. "Si Shanelle 'yun, no?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Yeah. She asked where I was, and she said she wanted to come," sagot ni Vito.

Tumingin ako sa libro ko. "Birthday kaya 'to ni Niko. 'Di naman sila close ni Shanelle."

"Nah, they're good. Shanelle helped him with Tax," sabi ni Vito bago tumayo at pumasok pabalik sa loob. Kinuha ko iyong highlighter ko at nagsimulang maghighlight sa libro.

* * *

Namatay na iyong cellphone ko kaya huminto iyong tugtog sa earphones ko. Rinig na rinig ko na iyong sigawan ng mga tao sa loob. Narinig ko silang nagcha-chant ng pangalan ni Shanelle.

Kailangan ko ng charger.

Iniligpit ko na iyong gamit ko. Magbu-book na lang ako ng sasakyan. Wala na rin yata akong masasabayan pauwi sa kanila dahil lasing na silang lahat. Kahit si Sancho ay lasing na rin dahil kanina pa siya hina-habol ng alak ni Lui at Samu.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko kung bakit sila nagsisigawan. Naglalaro pala sila ng beer pong at magka-partner sina Yago at Rory laban kay Vito at Shanelle. Nakita ko na kasama sina Niko at Sancho sa mga nagchi-cheer.

Dumiretso ako sa kusina. Alam ko may charger si Niko rito. Sa bawat parte ng bawat bahay nila may naka-tagong charger.

Tahimik akong naka-tayo sa isang gilid habang hinihintay na bumukas iyong cellphone ko.

"Hey." Napa-tingin ako sa gilid ko. "Felt like I haven't seen you all night," sabi ni Niko. Ang gulo niyang tignan. Pawis na iyong buhok niya. Halos naka-kapit na rin sa katawan niya iyong suot niyang puting t-shirt. Kita ko rin iyong tattoo sa braso niya.

"Nag-aaral ako sa labas."

"Come on, on my birthday?"

"Ang baba ko sa Tax."

"Yeah, but it's my birthday," sabi niya na naka-ngisi. "Come on. Let's play beer—I mean water pong?"

Sa wakas ay bumukas na iyong cellphone ko.

"Kailangan ko pang magreview. Walang nagtuturo sa 'kin sa Tax."

Kumunot ang noo niya. "What?"

Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Happy birthday, Nikolai. Uwi na ako."

"What? Really?"

Tumango ako. "Di naman talaga ako nagse-stay tuwing birthday mo... pero, at least, lagi akong present," sabi ko habang naka-ngiti. "Yung regalo mo sa Monday ko bibigay," dagdag ko pa pagkatapos ay nagbook na ako ng masasakyan ko.

Mabilis akong lumabas bago pa ma-proseso ng utak niya iyong sinabi ko at pilitin pa ako na manatili pa rito. Gusto ko na ring umuwi para matulog. Gigising pa ako nang maaga. Kailangan kong mag-aral para mabawi ko iyong mababang grade ko sa Tax. Kapag hindi ako pumasa sa Tax 1, hindi ko makukuha iyong Tax 2 next sem.

Pinapa-nood ko iyong paggalaw ng sasakyan papunta rito sa bahay ni Niko. Malapit naman na siya dahil wala ng traffic. Ano'ng oras na rin kasi.

"You're going home?"

Napa-hugot ako nang malalim na hininga. Ang daldal talaga ni Niko... Kanina pa rin naman ako sa birthday niya. Uuwi naman talaga ako. 'Di naman ako matutulog dito.

Tumango ako pagka-tapos lumingon sa gawi ni Vito. "1am na rin," sagot ko sa kanya sabay pakita ng cellphone ko. "Malapit na iyong driver. 10 minutes na lang daw."

"What? Just cancel that; I'll drive you home."

"Lasing ka na."

"Then let me have coffee and sober up."

Umiling ako. "Malapit na 'yung sasakyan."

"Yeah, but it's 1am. It's dangerous—"

"May pangalan naman saka litrato iyong driver," sabi ko sabay pakita sa kanya nung pangalan at litrato nung driver sa app.

"What? You want me to hunt him down if you ever get killed?" tanong ni Vito habang bahagyang naka-kunot ang noo. Lasing na talaga siya. Mahigit isang taon na rin simula nung sa kanilang 3 ako sumasabay pauwi. Sanay naman na siya na minsan ay kay Niko o Sancho ako sumasabay.

"Hindi naman lahat ng tao may masamang balak," kalmado kong sagot sa kanya.

Napa-suklay siya sa buhok niya. "Is this about Villamontes?"

"Atty. Villamontes," pagtatama ko sa kanya. "Prof natin siya."

"Yeah. He's also fucking creepy."

Hindi ako sumagot.

Naka-tingin lang siya sa akin.

"Come on... Can't you wait another hour? I'll drive you home."

Umiling ako. "Gusto ko nang umuwi," sagot ko.

"30 minutes, then," sabi niya. "Let's go back inside. I'll have coffee."

Umiling ako ulit. "Nasa gate na iyong driver."

"Yeah, he won't be allowed in. Niko needs to confirm with the guards," sagot ni Vito. Napa-buntung-hininga ako. "And I already told him that I'll drive you home."

Saglit na ipinikit ko ang mga mata ko.

"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko habang naka-tingin sa mga mata niya.

"I told you—"

"Gusto ko na ngang umuwi," madiin kong sabi.

"And I said—"

"Hindi kita boyfriend. Hindi mo ako responsibilidad," dire-diretso kong sabi sa kanya habang pilit na pinapa-kalma ang paghinga ko. "Kaibigan kita, Vito—best friend pa nga yata—pero hindi kita boyfriend. Hindi mo ako pwedeng sabihan kung sino iyong pwede kong lapitan o kausapin. Hindi mo ako pwedeng pigilang umuwi. Hindi mo ako pwedeng pilitin na hintayin ka para ihatid ako."

Gusto kong huminto nang makita ko iyong reaksyon sa mukha niya. Pero kailangan kong magpa-tuloy. Kasi wala naman siyang aasahan sa akin. Hindi ko alam kung totoo iyong sinasabi nila na may gusto sa akin si Vito—pero wala siyang aasahan. Mabuti na na alam niya na hanggang kaibigan lang ang kaya at gusto kong ibigay sa kanya.

Marami pa akong kailangang gawin.

Bahagyang umawang ang labi niya bago kumuyom ang panga niya. Tapos ay ngumiti siya. Kitang-kita ko iyong pamumula ng mga mata niya. Lasing lang siya. Maaalala niya kaya?

"Okay, then," sabi niya habang may ngiti sa labi. "Thanks for clarifying, Assia dela Serna," dagdag niya bago naglakad pabalik sa loob. 


***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top