Chapter 22
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG22 Chapter 22
"Finally," sabi ni Niko nang maka-labas kami ng City Hall. Mabuti na lang at nasabihan ako ni Atty. Villamontes ng mga tips kay Prosecutor Ocampo. Napigilan ko agad si Niko bago pa man siya makapagtanong nung mga tanong na pwede naman naming makita online. Mabilis lang natapos iyong interview. Mukhang nagmamadali rin kasi si Prosecutor. Hindi ko alam kung dahil ba iyon hinihintay siya ni Atty. Villamontes sa labas.
"Tchau!" sabi ni Niko nang ibaba niya kami sa harap ng school. Nandito kasi iyong mga sasakyan nina Vito at Sancho. Nagpaalam na rin agad si Sancho na aalis na siya. Gusto ko na ring umuwi para makapagreview na ako.
"Wala kang nilagay na kalokohan sa digest ni Niko, ha," sabi ko kay Vito habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Kapag bumagsak si Niko, sa akin magagalit 'yun."
"If," sabi niya. "If he fails, that'll teach him to do his own thing."
Sumimangot ako pero tinawanan lang ako ni Vito. Pagpasok namin sa sasakyan niya, agad kong inayos iyong seatbelt ko para maka-alis na kami. Hindi kasi siya magda-drive hanggang hindi ako naka-seatbelt. Nung una, sinasabihan niya pa ako. Nung lumaon, napansin ko na lang na 'di siya magda-drive habang hindi ako naka-seatbelt. Ayaw niya na lang siguro akong kulitin.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko dahil kanina pa ako naka-seatbelt.
"You worked with Atty. Villamontes, right?" tanong niya kaya naman tumango ako. "You two are close?"
Umiling ako. "Hindi naman. Pero mabait siya saka hindi niya ako pinapagalitan kapag nagbabasa ako nun," sagot ko. "Mabait naman siya. Tinulungan nga niya tayo kanina."
Tahimik na tumango si Vito, pero parang hindi siya kuntento sa sagot ko. "You know his family?"
Tumango ako. Sino ba ang hindi nakaka-kilala sa mga Villamontes? Laman sila ng balita palagi. Kung anu-anong balita—kadalasan ay hindi maganda.
"Bakit?"
Binuksan niya na ang sasakyan niya. "Nothing. Just... be careful."
"Mabait naman siya."
"Maybe," sabi niya. "But still, be careful."
Tumingin ako sa kanya. Naka-tingin lang sa daan si Vito. Hindi niya talaga gusto si Atty. Villamontes... Kahit sa classroom, parang masama ang tingin niya palagi kapag Taxation na ang klase namin. Pati kanina. Napansin ko na ni hindi man lang siya nagpasalamat nung tinulungan kami ni Atty.
"Okay, pero—"
"I'm not gonna argue about him, Assia. All I ask is that you be careful," sabi niya. Ni hindi siya naka-tingin sa akin habang sinasabi niya iyon. "He's nice to you, I get it. But still."
Hindi na rin ako nagsalita. Ayoko ring makipagtalo sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit parang galit siya sa akin. Mabuti nga at natulungan kami kanina. Kung hindi, baka kailanganin pa naming bumalik bukas para maghanap ng ibang pwedeng interview-hin. Alam ko naman na hindi niya gusto si Atty. Ang hindi ko maintindihan ay bakit parang sa akin pa siya nagagalit.
"Salamat sa paghatid. Ingat ka," sabi ko bago ako bumaba sa sasakyan niya. Narinig kong tinawag niya pa ang pangalan ko, pero nagpanggap akong walang narinig. Kailangan ko ng mag-aral. Ayoko ng mag-isip ng kung anuman.
* * *
Manhid na yata ako nang matapos ko iyong huling exam. Hindi ko alam kung saan kinukuha ng mga professor namin iyong tanong. Kaya kaya nilang sagutan iyong mga tina-tanong nila? May naka-sagot kaya? May makaka-rating pa kaya sa amin sa fourth year?
"Holy fuck, that exam was wild!" sabi ni Niko sa tabi ko. Kaka-labas niya lang din mula sa classroom. "Was it hard... or it's just because I didn't study enough?"
Hindi ako naka-sagot. Dalawang magka-sunod kasi iyong exam namin. Pagkatapos ng exam namin sa ADR ay dumiretso na agad kami sa exam sa LIP. Hindi ko na nga rin sigurado kung mahirap ba talaga o dahil nahilo na kami sa dami ng exam.
"Tara," sabi ni Sancho.
"Ha?"
"Bloc inom daw."
Hindi ako sumagot. Alam ko naman na may ganito talaga tuwing pagkatapos ng exam... Minsan nga kahit pagkatapos lang ng klase, e. Lagi kasi silang umiinom talaga. Hindi naman ako sumasama. Minsan lang kapag pagkatapos ng exam dahil sinasama ako nila Vito.
Pero pagod na talaga ako.
Gusto ko na umuwi.
Gusto ko na matulog.
"Where's Vito?" tanong ni Niko.
Nagkibit-balikat si Sancho. "I don't know. May kausap kanina."
Naka-sandal ako sa railing habang naka-pikit. Inaantok na ako. Pagod na ako. Pero gusto ko ring sumama. Hindi ko kasi masyadong naka-usap sila nitong exam dahil sa dami ng ginagawa namin. Kung nag-uusap man kami, tungkol lang sa kung may clarifications kami. Si Sancho ang kadalasan na tinatanong ko dahil ewan ko... ang galing niya sa CivPro.
Nang maka-labas si Vito mula sa classroom, sukbit niya na iyong maliit na backpack niya. Dala niya yata kasi iyong mga libro niya. Ewan ko. 'Di naman kami sabay na nag-aral.
"Dinner first?" tanong ni Vito kina Sancho.
"Dun na lang. May pagkain naman yata."
"Dude, let me eat first! I'm sure Sob won't dis—" sabi niya kaya lang ay mabilis na tinakpan ni Sancho iyong bibig niya. "Get your filthy hands off of my mouth!" sabi ni Niko habang pinupunasan iyong bibig niya.
Hanggang maka-rating kami sa parking ay pinag-uusapan pa rin nila si Sob. Hindi ko alam kay Sancho kung bakit hindi niya na lang kausapin. Mabait naman si Sob. Okay din naman si Sancho. Kaya lang kapag nandyan si Sob, parang nagiging high school student si Sancho na hindi mo maintindihan.
Dahil sa reklamo ni Niko, pumunta muna kami sa paborito niyang restaurant dahil 'deserve' niya raw iyon.
"Wait..." sabi niya sa babae na nagdala ng menu namin. "You look familiar."
Napa-kunot ang noo ko nang irapan siya nung babae. "Please call me when you're ready to order," sabi nung babae bago umalis.
"Am I crazy or was she rude to me?" tanong ni Niko sa amin. Hindi siya pinansin nung dalawa at patuloy lang sa pagpili ng kakainin. Sa akin tumingin si Niko. Tumango ako. "Weird..." sabi niya sa sarili niya. "She looks awfully familiar."
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami doon sa bar kung nasaan iyong bloc namin. Hindi ito maingay kagaya nung iba na pinu-puntahan namin. May parang singer sa harapan at may lalaki siyang katabi na tumutugtog sa gitara.
"Let's leave by 11," sabi ni Niko.
"Yeah," sagot ni Vito. "I'm tired. I wanna go home."
"Sancho, is 11 okay? 2 hours enough?" tanong ni Niko. Sinamaan lang siya ng tingin ni Sancho.
Dahil late kaming dumating ay hindi kami tabi-tabi. Katabi ko si Sancho at nasa harap niya si Sob. Si Niko naman ay nasa dulo habang may kausap na classmate namin. Ang alam ko may crush iyon kay Niko, pero hindi pinapansin ni Niko kapag tinutukso siya. Ayaw niya raw sa mga tiga-school kasi mahirap na raw. Marami na raw siyang problema sa acads. Kailangan niya raw maramdaman na 'safe place' iyong school.
Si Vito naman ay—
"Nasaan si Vito?" tanong ko kay Sancho.
"Ewan."
"Di mo—" Pero tumigil na ako sa pagtatanong dahil alam ko na wala akong makukuhang matinong sagot kay Sancho ngayong gabi.
Tumayo na lang ako para hanapin si Vito. Gusto ko kasing kausapin siya para ayos na ulit kami. Nakaka-miss kasi siyang kausap. Pagtayo ko ay mabilis na tumayo rin si Niko.
"Hahanapin ko lang si Vito," sabi ko.
"Yeah. I'll join you," sagot ni Niko. Awkward na ngumiti siya at nag-excuse kay Anne, iyong simula yata first year kami ay may crush na kay Niko.
"Para ka namang allergic kay Anne," sabi ko kay Nikko.
"Not my fault, you know? I already politely told her that I'm not interested," sagot niya. "Can I buy beer first?"
Huminto kami sa bar at saka bumili si Niko ng isang bote ng beer. Binilhan niya rin ako ng isang bote ng tubig at iniabot sa akin iyon. Naupo kami sandali roon. Hinintay ko na maka-kalahati siya. Nakaka-proud talaga si Niko. Dati akala ko hindi siya aabot ng second year dahil ang pasaway niya... tapos ngayon konti na lang nasa fourth year na siya...
Iba talaga kapag masipag ka.
O sa kaso ni Niko, iba talaga kapag nape-pressure ka sa kasipagan ng mga kaibigan mo.
"What's your plan after you pass the BAR?" tanong niya.
"Uuwi na ako sa 'min pagkatapos ng BAR," sabi ko.
"Really? You won't even wait for the result?"
"Sa amin na lang ako maghihintay," sagot ko. Tumatanda na ang mga magulang ko. Hindi lang nagsasabi si Tatay pero alam ko na marami ng kumi-kirot sa katawan niya. Kaya sana gusto ko na bago man lang siya—
Huminga ako nang malalim.
Basta.
Kailangan kong maging abogado agad.
Kailangan kong maayos iyong sa lupa namin.
Iyon naman talaga ang ipinunta ko rito.
"Not even considering working here in Manila?" tanong ni Niko.
Umiling ako. "Tapos ka na ba? Hanapin na natin si Vito."
Tumayo si Niko mula sa pagkaka-upo sa bar stool. Dala-dala pa rin niya iyong beer niya. "So... really no plans of staying here?" tanong niya. "Your plan is already set in stone?"
Tumango ako. "Ayun si Vito—" sabi ko kaya lang ay natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko na hindi siya mag-isa. Gusto ko sanang tawagin ang pangalan niya kaya lang ay mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Looks like someone's confessing."
"Tara na," sabi ko.
Hindi gumalaw si Niko.
"Assia," pagtawag niya. Tumingin ako sa kanya. "If your plan's already set in stone... you'll have no problem if Vito—" sabi niya at saka napa-tingin kami nang biglang maglakad palayo si Shanelle. Napa-sandal lang si Vito sa sasakyan niya at mukhang problemadong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya.
"Tara na," pag-uulit ko.
"You'll be okay if he dates, right?"
"Bakit mo ba tinatanong 'yan?"
"Just curious," sabi ni Niko. "You already have everything planned out... And that one's delaying everything for something that might never happen," pagpapa-tuloy niya. Nagkibit-balikat siya. "So, I don't know. I just wanna make sure everything's crystal clear, and there'd be no misunderstanding or miscommunication whatsoever."
Tumingin ako kay Vito na nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ni Shanelle.
Ngumiti ako kay Niko.
"Nandito lang ako sa Maynila para mag-aral, Niko. Nasa Isabela ang buhay ko. Nandun ang pamilya ko," sagot ko bago naglakad pabalik sa loob ng bar.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top