Chapter 20
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG20 Chapter 20
"Vito..." pagtawag ko sa kanya. Exam na next week. Halos wala pa akong nasisimulan sa pagrereview. Nag-aaral naman ako palagi... pero kailangan ko na talagang magsimula sa pagrereview. Mabuti na lang at wala na kaming halos klase ngayong linggo kaya mas nagkaroon ako ng oras na tapusin iyong digests ni Niko.
"Yeah?" sagot niya sa akin. Nandito kami sa isang study hub. Nung unang beses kasi ay nasa fast food kami. Medyo mahirap dahil nung madaling araw na ay naglilinis na sila kaya naman ilang beses kaming pina-tayo at pinalipat... Mabuti na lang at mayroong malapit na study hub sa boarding house ko. Hindi kasing ganda nung pinupuntahan ko kapag kasama ko sina Niko, pero ayos na 'to. Ayoko na sanang bawasan iyong pera ko dahil balak ko ulit na magpadala kina Nanay.
"Inaantok na kasi talaga ako. Pwede pagising ako pagkatapos ng 5 minuto?"
"How many left?" tanong niya.
"20 na lang naman."
"I'll just write the remaining 20."
"Wag na. Kaya ko naman. Last 20 naman na."
"Look," sabi niya sabay pakita sa akin nung papel na kanina niya pa sinu-sulatan. "I've been practicing."
Umawang iyong labi ko. "Iyan iyong ginagawa mo kanina pa?" tanong ko dahil akala ko ay nagrereview siya... Halos 2 oras na kami dito at 2 oras na rin siyang nagsusulat doon sa yellow paper sa harapan niya. Hindi ko siya iniistorbo dahil akala ko ay busy siya sa pagrereview...
Tumango siya. "I think Sir won't notice anymore," sabi niya sabay pakita sa akin nung sulat niya at nung pattern na binigay sa akin ni Niko. "See? Basically the same."
Napa-titig ako sa mukha niya. Medyo may itim na sa ilalim ng mga mata ni Vito dahil tatlong araw na kaming nandito palagi tuwing gabi. Umaga na kapag lumalabas kami ng study hub. Kailangan ko na kasing matapos talaga agad... Nakaka-hiya kay Niko na pinagkatiwalaan ako na gawin 'to. Saka gusto ko sana na i-check niya bago ko ipasa para masigurado niya na tama ang ginawa ko.
"Gusto mo bang umuwi na?" tanong ko.
"What? Why?"
"May eyebags ka na."
Dati naman kasi walang eyebags si Vito. Ayokong sabihin kasi parang weird... pero 'fresh' talaga iyong tamang adjective para i-describe siya. Kaya nga nanalo siya roon sa pageant sa school, e. Kasi parang hindi niya nararamdaman iyong stress ng law school.
"Really?" tanong niya na parang hindi niya alam na mayroon siyang eyebags. Napa-hawak pa siya sa ilalim ng mga mata niya. "It's okay. I can easily catch up on sleep," sabi niya tapos ay pina-kita ulit sa akin iyong papel. "So... thoughts?"
Muli akong umiling. "Kaya ko na 'to. Last 20 naman na."
"Yeah... but also, exams are next week."
"Binibilisan ko na."
Napa-buntung-hininga siya. "Okay," sabi niya at saka ibinaba iyong yellow paper. Pero ang galing niya... Halos kamukha na talaga niya iyong sulat ni Niko. Mas kamukha pa nga nung sa kanya iyong sulat kaysa nung sa akin. "But do we really think that Atty reads every single digest?"
Napa-kunot ang noo ko. "Ha?"
"I'm just saying..." sabi niya at saka sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso. Medyo gulu-gulo na ang buhok niyang karaniwan ay ayus na ayos. Nagi-guilty ako na nandito siya imbes na gawin iyong gusto niyang gawin. "He's got his private practice, right? And he's also a reviewer for the BAR? Plus his classes here in Brent and whatever schools he teaches in," pagpapa-tuloy niya. "Do we really think that he reads the digest?"
Mas kumunot ang noo ko. "Ano'ng... ibig mong sabihin?"
Nagkibit-balikat siya. "I mean... we probably could just write song lyrics—heck, probably even ingredients of a chocolate cake—and he wouldn't even notice."
Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Grabe ka naman!"
"Assia, how many students does he have? Multiply that by 300 each?" sabi niya habang seryosong naka-tingin sa mga mata ko. Seryoso ba siya? "I'm just being realistic here."
"Grabe ka. Digest 'to ni Niko."
"His fault, though. He should've finished this himself."
"Binayaran niya naman ako," sabi ko. Iyong hiningi ko nga sa kanya, dinoble niya pa, e. Ipapadala ko nga sana lahat kina Nanay kaya lang ay sabi niya sobra na raw iyon. 'Di bale, ipapadala ko naman ulit sa katapusan.
"Niko has tons of money. That's nothing to him," sabi niya.
"Kahit na," sagot ko. "Uwi na tayo. Inaantok na rin ako. Bukas ko na 'to tatapusin."
Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit. Kailangan ko na ulit bumili ng salonpas dahil sobrang sakit na ng daliri ko pati ng balikat ko. Ang dami ko kasing dala palagi na gamit. Matapos lang talaga ang exam na 'to...
Nang matapos ako sa pag-aayos, nakita ko na ni hindi gumalaw si Vito sa pwesto niya. Naka-tingin siya sa akin.
"Hindi nga kasi," sabi ko. "Paano kung makita ni Sir? Paano kung may iba palang nagche-check para sa kanya? Kawawa naman si Niko."
Nagkibit-balikat siya. "Then maybe that's a lesson he's got to learn—you can't buy everything with money."
"Grabe ka naman... Ang sipag na nga ni Niko, e. Kung nung first year siguro tayo, malamang nagbayad na talaga iyon ng magsusulat ng digest niya," sabi ko. Totoo naman. Nung first year kami, nagbayad si Niko ng magsusulat ng digest niya sa Crim... Kaya siguro naka-75 siya... Nalaman kaya ni Prosec na nagpa-sulat si Niko? Marami naman sila sa classroom namin na gumawa nun. Mayroon kasi talagang nag-aalok ng ganoon, e. Kaso ang mahal. 50 pesos per digest. Ang mahal.
Hindi pa rin guma-galaw si Vito.
"Tara na kasi," sabi ko. "Inaantok na rin ako."
Alas-dose na ng gabi. Inaantok na talaga ako. Pagod na rin ako. Nanginginig na nga iyong kamay ko sa dire-diretsong pagsusulat, e.
"Let me write the remaining 20," sabi niya.
"Vito—"
"It's non-negotiable."
Tumitig ako sa kanya. "Hindi mo talaga igigive-up?" tanong ko at saka umiling siya. Parang bata rin. Dati nagtataka ako kung bakit magkaka-ibigan sila... Nung lumaon at saka ko lang napagtanto na kaya sila magkakaibigan ay dahil pare-pareho lang din silang tatlo na isip bata minsan—isama pa si Yago na nasa SCA.
Parang iisang hulmahan silang apat.
"Okay..." sabi ko dahil inaantok at pagod na rin ako. "Pero ipangako mo muna sa akin na hindi mo lalagyan ng recipe iyong digest ni Niko."
"Okay," sagot niya pero may maliit na ngiti sa labi niya.
Napa-kunot ang noo ko. "Okay..."
"Okay," sabi niya ulit na may ngisi na.
Nawi-weirduhan ako kay Vito, pero dahil inaantok na ako ay pinabayaan ko na. Pagdating namin sa sasakyan niya ay nakita ko iyong libro.
"Hala," sabi ko nang makita ko iyong libro sa dashboard ng sasakyan niya.
"Why?" tanong niya habang nagda-drive.
"Nalimutan kong bumili. Magkano nga 'to?" tanong ko habang tinitignan iyong libro. Dahil bago iyong professor namin sa Taxation, iba ang ni-require ni Atty. Villamontes na libro. Hindi pa ako nakaka-bili dahil inuna ko iyong pagpapadala kina Nanay.
"I forgot," sabi niya. "Why?"
"Bibili sana ako," sagot ko habang tinitignan kung ilang page ang meron. "May softbound ba nito?" tanong ko pa dahil kung meron, iyon na lang ang bibilin ko. Ang mahal kasi talaga ng mga libro sa law school... Nung enrollment, naka-walong libro agad ako kahit kalahati lang ng subjects ko ang binilhan ko ng libro at iyong iba ay hiniram ko na lang sa library.
"You can have that," sabi niya.
"Ha?" tanong ko na bahagyang nanlaki ang mga mata. "Grabe, hindi naman ako nanghihingi—"
"Yeah... but I accidentally bought 2 copies."
"Vito—"
"I swear," sabi niya pa at saglit na itinaas iyong kamay niya. "Niko's gonna buy 1 so I asked him to get 1 for me, too... but then I forgot that I asked him, so I got 2 of the same book."
Ibinalik ko iyong libro.
Hindi ako nagsalita.
"Assia, I swear—" sabi niya tapos ay huminto siya. Saglit siyang tumingin sa akin. "I'm not lying."
Hindi pa rin ako nagsalita.
"I swear I have 2 books."
Huminto siya sa isang gilid. Tahimik lang ako habang may inaabot siya sa likod ng sasakyan niya. Hindi ko ipinahalata iyong pagtataka sa mukha ko nang abutan niya ako ng isa pang libro.
"See? I told you I have 2 copies."
"Bakit... ganito iyong naka-lagay?" tanong ko nang ang naka-engrave sa libro niya ay Reigning Mr. Brent.
Nakita ko kung paano siya humugot nang malalim na hininga. "It's because Niko—" sabi niya at saka saglit na huminto. "Can we not talk about him? I'm getting all kinds of mad again."
Pinagdikit ko ang mga labi ko. Masama ba na natatawa ako kay Vito kapag pinag-uusapan namin iyong pageant? Pero maganda naman iyong nangyari sa pageant... Nanalo siya. Ang galing-galing nga niyang sumagot sa mga tanong, e. Tinanong pa nga siya kung gusto niyang sumali sa debate team, kaso umayaw siya.
"So... akin na lang 'tong may naka-lagay na Reigning Mr. Brent?" tanong ko habang pilit na pinagseseryoso ang mukha.
"Are you making fun of me?"
Mabilis akong umiling habang magka-dikit ang mga labi ko. "Hindi, ah," sagot ko sa kanya. "Paano kapag nawala ko 'to? Sa 'yo ibabalik kasi ikaw ang—"
Tinakpan ko ng mga kamay ko ang labi ko dahil inuntog ni Vito iyong ulo niya sa manibela. Ito talaga iyong topic na wala siyang masabi sa sobrang pagka-asar.
* * *
"Is that my digest?" tanong ni Niko.
Nagkita kami sa labas ng school dahil kailangan naming pumunta ngayon sa mga quasi-judicial offices para sa requirement namin sa LegCoun. Nagpapasalamat ako dahil ito na lang daw ang gawin namin imbes na mag-exam kami ng midterms.
"May gagawin—" sabi ko kaya lang ay mabilis na kinuha ni Niko mula sa akin iyong digest. Napa-tingin ako kay Vito. Ngumiti lang siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko pa na-check kung wala siyang ginawang kalokohan, e. Titignan ko muna sana kung wala siyang nilagay na recipe, pero kinuha na agad ni Niko sa akin.
"Sweet," sabi ni Niko habang mabilis na hinagis sa loob ng jeep niya iyong isang eco-bag ng digest. "You're the best, Assia! I'll treat you meryenda later."
Hindi na ako naka-sagot. Sana lang talaga ay walang ginawang kalokohan si Vito.
"Pwedeng sandali lang?"
"Why?" tanong ni Niko. Sa sasakyan niya kasi kami para mas madali. Pupunta kaming Office of the Prosecutor, MTC, pati sa MARINA.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.
"Oh. Okay," sabi ni Niko. "I'll just—" Natigilan siya. "Where's those two?" tanong niya at saka umikot para hanapin sina Sancho at Niko. Nakita ko kasama nila si Yago kanina dahil nakita nilang naglalakad.
Mabilis akong pumasok pabalik sa school. Sabi kasi ni Atty ay dapat naka-formal attire kami dahil dadalhin daw namin iyong pangalan ng Brent. Nagsuot ako ng puting fitted slacks at saka itim na fitted na turtleneck. Mabuti na lang at hindi mainit iyong suot ko dahil baka himatayin ako habang naglalakad. Bumili rin ako ng itim na stilettos. May nakita ako na maganda at mukhang bago pa sa ukay. Medyo mas mahal kaysa sa budget ko, pero magagamit ko naman 'to kapag nagta-trabaho na ako. Lagi kasi sa aming sinasabi na parte ng magiging trabaho namin ang magmukhang disente palagi.
Itinali ko sa maluwag na ponytail iyong buhok ko para mas malamig. Ipinasok ko sa loob ng backpack ko iyong pinagbihisan ko.
Pagbalik ko sa labas, nakita ko na nandun na sina Sancho, Vito, at Yago. Nagtatawanan sila.
"Vito," pagtawag ko kaya lang ay hindi nila ako marinig. "Vito—" mas malakas na tawag ko kaya lang ay natigilan ako dahil nanlaki ang mga mata ni Vito nang lumingon siya at tignan ako. "Bakit? May mali ba sa suot ko?" tanong ko dahil kahit naman sila nina Niko ay naka-formal attire. Kaya lang ay mukha silang seminarista sa suot nila.
"Vito? May mali ba sa suot ko?" tanong ko dahil medyo naiilang na ako. Masyado bang fitted? Kasi wala na akong makitang ibang damit... May naka-sabay kasi akong bumili na reseller ata kaya kinuha niya lahat ng gusto ko sana...
Mas kumunot ang noo ko nang tumawa si Yago at Sancho.
"You look great," sabi ni Yago.
"Ah... salamat," sabi ko dahil nahiya ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi kami close. Minsan lang ay nakikita ko siya dahil magkatabi lang ang school namin. "Si Niko?"
"Ikaw nandito, pero si Niko hina-hanap? Payag ka nun?" sabi ni Yago habang tumatawa. Hindi ko na lang pinansin iyon at saka tinawag si Niko na nakita ko na nasa kabilang kalsada at hina-hanap pa rin ata ang mga kaibigan niya.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top