Chapter 19
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG19 Chapter 19
"Assia."
Agad akong lumapit sa lamesa ni Atty. Villamontes nang tawagin niya ako. Kakatapos lang ng klase namin. Nakaka-panibago. Si Atty D kasi ay karaniwan ay isang tanong lang at pagkatapos nun ay uupo ka na. Kapag pakiramdam mo tama ang sagot mo, e 'di okay. Kapag hindi, lagot ka kasi wala ka ng tsansa na dagdagan pa ang sagot mo. Kaso kay Atty. Villamontes, maraming follow-up question at puro scenario based ang mga tanong niya. Puro application. Halos ramdam ko na naiiyak na si Niko kanina sa row namin.
"Yes po, Atty?"
"You have my email, right?" tanong niya at tumango ako. "Please send me the syllabus of this class. Also, ask for a class list tapos paki-bigay sa akin before magstart iyong class sa susunod."
Tumunago akong muli. "Okay po. Pero si Giselle po 'yung beadle sa Tax."
Ngumiti si Atty. Villamontes. "Yeah, but ako na iyong prof niyo and you'll be my beadle," sabi niya bago lumabas.
Agad kong kinuha iyong notebook ko at sinulat doon iyong bilin ni Atty. Villamontes dahil baka maka-limutan ko. Ngayon lang kasi ako magiging beadle. Masyado akong busy dati para maging beadle. Saka natatakot ako kasi sila iyong kumakausap sa professor kapag may kailangang sabihin o kaya manghihingi ng ceasefire... Ayoko pa namang masigawan...
Pero wala na akong choice ngayon.
Hindi naman siguro ako sisigawan ni Atty. Villamontes.
Pagkatapos kong isulat iyong bilin sa akin ay nag-aral na ako para sa Wills. Hindi ko sigurado kung papasok si Atty o kung magpapadala lang siya ng tao para mag-administer ng quiz. Tahimik lang kaming lahat sa classroom habang nagbabasa.
Maya-maya pa ay may dumating na lalaki. Automatic na kaming naglabas ng yellow paper at inilagay sa harapan iyong mga bag namin. Tahimik kaming nagsagot ng quiz. Sana naman ay ibalik nila kahit iyong quiz lang. Ang hirap naman nito na puro quiz lang kami... Paano ko malalaman kung tama pa ba iyong natututunan ko? Mamaya puro mali pala ang alam ko.
Naunang matapos si Niko sa quiz namin. Sumunod si Sancho. Tapos ay ako na. Pagdating ko sa labas, nakita ko si Niko na naka-upo sa sahig habang may sinusulat. Agad akong lumapit sa kanya.
"Ano 'yan?"
"Digest."
"Pero sinagutan mo naman nang maayos iyong quiz?" tanong ko dahil ang aga niyang natapos. Kadalasan ay si Sancho o Vito ang nauuna sa aming matapos.
"Yeah," sagot niya habang palipat-lipat ang tingin sa cellphone niya at sa sinusulat niya. "Are you done with yours?"
"Oo."
"What?! How?!"
"Sinusulat ko tuwing Sunday saka nagsusulat ako ng 3 kada gabi."
"How—"
"Yung boses mo. May nagku-quiz pa sa loob," sabi ko dahil parang na-offend siya nang malaman niya na tapos na ako sa digest namin sa CivPro. Nung unang araw pa lang kasi ng klase ay sinabihan na kami ni Sir na may 300 kaming kailangang i-digest. Ayoko na siyang isipin pa kaya ginawa ko na agad.
"I just—fuck. The exam's next, next week already, and I'm not even half-way done," sabi niya habang problemado ang mukha.
"Kaya mo 'yan," sabi ko na lang habang tinatapik iyong balikat niya. "Parang review na rin 'yan ng concepts."
Alam ko naman na hindi tamad si Niko. Masipag na siya kumpara sa nung nasa first year pa lang kami. Talaga lang marami kaming ginagawa ngayon sa school. Minsan nga gumigising ako ng ala-una ng madaling araw para magreview kapag 3 ang subject ko sa isang araw. Kailangan talagang magsakripisyo para sa pangarap.
Nang maka-labas si Vito, nag-aya sila na kumain muna kami. Dahil gustong magdigest ni Niko ay doon kami kumain sa mga sosyal na kinakainan nila para wala masyadong tao. Gusto ko silang kasama kaya lang ay wala na akong trabaho at iyong ipon ko ay para na lang sa pambaon ko at sa mga kailangang bilhin sa school. Kaya naman sila ang nagbabayad sa kinakain ko, pero babayaran ko iyon kapag nagkaroon na ako ng trabaho. Naka-lista iyon lahat sa akin.
"What did he tell you?" tanong bigla ni Vito.
"Ha?"
"Atty. Villamontes."
"Ah... Wala. Iyong sa beadle lang," sagot ko sa kanya. Ibinalik ko iyong tingin sa menu. Napa-hugot ako nang malalim na hininga. Iyong future na sweldo ko, puro sa pagkain na talaga napupunta...
"What happened to Giselle?" tanong niya.
"Ewan ko. Sabi niya ako na raw beadle sa Tax," sabi ko. "Masarap ba 'to?" tanong ko sa kanya sabay turo roon sa isang pagkain. Nung isang beses kasi ay umorder ako tapos hindi masarap... Kaya lagi na akong nagtatanong kay Vito dahil kapag siya ang nagsabi na masarap, talagang masarap iyong pagkain.
"I think you'll like this one better," sabi niya sabay turo doon sa isang pagkain na beef. "Oh. So, you're the new beadle in Tax?"
Tumango ako. "Nanghingi din siya ng class list, e. Nagtuturo ba talaga siya ng Tax? May Villamontes notes kaya?" tanong ko kay Vito. Close naman sila ni Shanelle, e. Si Shanelle iyong may baul ata ng mga reviewer.
"I don't know."
"Tanungin mo naman si Shanelle."
"I heard Shanelle's name," singit bigla ni Niko. "My request for the Tax reviewer is still pending."
Napairap si Vito. "Ask Shanelle—"
"I'm asking you," sagot ni Niko. "God, I hate writing digests!" sabi niya sabay balik ng atensyon sa sinusulat niya. Silang dalawa ni Sancho ay nagsusulat. Pero si Sancho ay halos patapos na. Ang tagal naman na rin kasing binigay sa 'min 'to. Ewan ko ba kay Niko.
Hanggang sa makarating iyong pagkain namin ay puro reklamo si Niko sa digest niya. Nag-uusap kami ni Vito tungkol sa LegCoun dahil balita namin ay magkakaroon kami ng visit sa mga quasi-judicial branches. Sana magka-group kami.
"Assia."
"Bakit?"
"I have a proposal."
Kumunot ang noo ko sa tono ng pananalita ni Niko. "Kung ang proposal mo ay ang isulat ko ang digest mo—"
"Before you decline my offer, please know that I'm willing to pay," sabi niya. Pinagdikit ko ang labi ko. Gusto kong matawa sa itsura ni Niko. Hirap na hirap na talaga siyang magsulat ng digest. "Name your price, woman."
"You don't even have the same handwriting, idiot," sabi ni Vito nang maka-balik siya galing sa CR. "Just write 10 a day, and you'll be fine."
"You talk as if 10 digests a day is nothing," reklamo na naman ni Niko. Nakaka-bilib talaga kung paano siya hindi nauubusan ng irereklamo sa buhay niya.
"Well, it could've been 5 digests a day had you started earlier."
"Here we go again with victim-blaming," sabi ni Niko na naiiling habang binalik iyong atensyon niya sa pagsusulat. Napa-iling na lang din ako habang natatawa.
* * *
Halos 11pm na kami naka-alis doon sa restaurant dahil ayaw umalis ni Niko hanggang hindi niya natatapos iyong target niya na digest sa araw na iyon. Mabuti na lang at dala ko iyong libro ko kaya nagreview na lang din ako. Umorder na lang ng dessert sila Vito habang nandun kami. Tapos ay kay Sancho ako sumabay pauwi.
"Bakit po?" tanong ko nang sagutin ko iyong tawag ni Nanay. Agad akong lumayo sa admin office nang makita kong tumatawag si Nanay. Hindi naman kasi siya tumatawag kapag ganitong oras dahil alam niya na may pasok ako.
"Assia..." sabi niya na naging dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Bakit po? May nangyari po ba?" nag-aalalang tanong ko. Hindi agad naka-sagot si Nanay. Gusto kong sabihin sa kanya na sabihin niya na agad dahil kung saan-saan nakaka-rating iyong naiisip ko. "Nay?" tanong ko nang hindi agad siya naka-sagot.
"Ang tatay mo kasi napaka-kulit! Sinabi na ngang 'wag lalabas dahil maulan, pero napaka-kulit!"
"Nasan po si Tatay? Ano'ng nangyari? Okay lang ba siya?" sunud-sunod na tanong ko. Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko. Agad akong napa-upo.
"Okay lang ang tatay mo—"
"Salamat po," sabi ko na para bang nabunutan ako ng malalim na tinik sa dibdib. "Nasaan po si Tatay? Pwedeng pakausap?"
"Natutulog, anak. Pero tumawag ako para sana kung pwedeng maka-hiram kami ng pera—"
"Magkano po?"
"Pambili lang sana ng gamot."
"Okay po. Magkano po? Kailangan na po ba ngayon o pwede po na mamaya kapag uwian na?" tanong ko. Kailangan ko pang kunin iyong class list na nirequest ni Atty. Villamontes, pero kung kailangan na ngayon, baka umabsent na lang ako.
"Kahit bukas na lang, anak. Hindi na rin naman kami makaka-punta sa bayan ngayon. Pasensya na talaga, anak."
Parang sumikip iyong dibdib ko.
Huminga ako nang malalim.
Naramdaman ko iyong panlalabo ng mga mata ko.
Lahat ng paghihirap ko dito... para sa kanila 'yun.
"Wala po 'yun, Nay... Magpapadala rin po ako ng sobra. Bumili na rin po kayo ng vitamins niyo," sabi ko bago ako nagbilin sa kanila. Gusto ko ng umuwi. Miss na miss ko na iyong pamilya ko. Miss ko na iyong bahay namin. Miss ko na iyong mga kapatid ko.
"Salamat, anak... Magpapadala kami ng tatay mo baka sa katapusan. Malapit naman na iyong ani."
Huminga akong muli nang malalim.
Hindi na ako nagsalita.
Ang sikip ng dibdib ko.
* * *
"Sir, pasensya na po," sabi ko kay Atty. Villamontes nang iabot ko sa kanya iyong class list. Ilang minuto akong nasa CR habang hinihintay na mawala iyong pagka-pula ng mga mata ko.
Naka-tingin sa akin si Sir habang bahagyang naka-kunot ang noo. "It's okay," sabi niya. "Are you okay?" tanong niya sa mas mahinang boses. "You wanna be excused?"
Agad akong umiling. "Hindi po. Nandyan na rin po iyong printed na syllabus namin. Naka-mark po kung saan kami natapos," sabi ko bago ako umalis at bumalik sa upuan ko. Nakita ko na naka-tingin sa akin si Vito. Bahagyang ngumiti lang ako sa kanya.
Hindi ako natawag buong klase. Blessing na rin siguro dahil hindi ako makapag-isip nang maayos dahil iyong isip ko ay nasa Isabela. Gusto kong umuwi para ma-check ko sa sarili ko kung okay lang ba si Tatay... Ang kulit naman kasi... Kahit alam na umuulan, pumupunta pa rin sa sakahan... Alam naman niya na mag-aalala kami...
"Niko," sabi ko nang makita ko si Niko sa labas ng classroom. Nasa loob pa kasi si Vito kausap si Shanelle habang si Sancho naman ay pumunta sa admin dahil may itatanong daw tungkol sa grade.
"Yeah?"
"Yung sa offer mo—"
"Name your price."
"Okay..." sabi ko. "Pasensya na. Kailangan ko lang ng pera bigla, e," pagpapa-tuloy ko. Bumalik na lang kaya ako sa trabaho? Gusto ko na rin sana na magpa-full body check-up sila Nanay... Kasi para saan pa iyong ginagawa ko rito kung hindi nila maaabutan? Para sa pamilya ko lahat ng ginagawa ko rito...
Kumunot ang noo ni Niko. "What? Are you in trouble? You need help?"
Mabilis akong umiling. "Hindi," sabi ko. "Pasend na lang ng picture ng mga digest mo para ma-practice ko iyong sulat mo."
"Okay..." sagot niya. "But if you're in trouble—"
Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko naman na kung may problema ako ay nandyan lang sila. Kaya lang ay hindi naman lahat ng problema ko ay kailangan ko silang idamay.
"Sorry," sabi ni Vito nang lumabas siya ng classroom. "Let's go?"
Sabay kami ni Vito na naglakad palabas. Sa kanya kasi ako sasabay ngayon.
"Pwede daan muna tayo sa bookstore? May bibilhin ako, e."
"Okay."
Pagdating namin sa bookstore ay bumili ako ng 4 na pad ng yellow paper at mga ballpen.
"Do we have new digest?" tanong ni Vito nang makita niya iyon.
"Wala," sagot ko. "Kay Niko 'to."
"What—" sabi niya na napa-awang ang labi. "Did he force you?"
"Grabe... Hindi naman," sagot ko habang naka-pila kami. "Kailangan ko lang kasi bigla ng pera. Sayang naman. Extra-money din."
"Assia—"
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang ako."
"You know that whatever you need, I'm here, right?" tanong niya sa akin. "I'm serious. Whatever you need."
Ngumiti akong muli. "Alam ko. Thank you."
Nakita ko na nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Is there anything I can do?"
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Why?"
"Pwede mo akong samahan sa fast food? Kailangan kong maka-30 ngayong gabi para hindi maka-abala sa pagrereview ko, e," sabi ko sa kanya. "Pero kung may—"
"Okay," pagputol niya sa sasabihin ko. "I'll just get the car. Meet you in front."
***
This story is 5 chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top