Chapter 18
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG18 Chapter 18
Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na matatawag iyong nangyari na nag-announce na walang pasok ng isang linggo pagkatapos iyong foundation week. Isang linggo ko nang hindi nakikita sina Vito. Pero tapos na iyong isang linggo ko. May pasok na ulit mamaya.
"Absent ka na lang," sabi ni Mauro sa akin.
"Puro ka absent."
Humalakhak siya. "Itsura mo kasi parang mamamatay ka kapag pumasok ka, e."
Napa-buntung-hininga na naman ako. Paano kaya ako papasok mamaya? Hindi rin kasi ako nakapagreply kay Vito nang magtext siya sa akin na nagsosorry kung anuman daw ang nasabi o nagawa niya nung lasing siya kasi wala raw talaga siyang maalala.
Wala naman siyang kasalanan.
Tama rin naman si Niko.
"Salamat po, Atty. Marroquin."
"No problem," sabi sa akin ng boyfriend ni Mauro bago kami bumaba sa sasakyan niya. Ang layo pa ng lalakarin namin. Ayaw kasi ni Mauro na magpa-hatid sa mismong harap ng school dahil baka raw nandun iyong tatay niya. Okay lang din naman sa akin. Ayoko pa rin namang pumunta sa school.
"Achilles kasi itawag mo. Ang weird kapag Atty. Marroquin."
"E iyon naman talaga siya..." sagot ko.
"I know. Weird lang. Ang pormal."
"E lawyer naman na talaga siya."
"Oo nga."
"E ano'ng problema sa pagtawag ko—"
"Aba, nagiging pilosopo ka na," sabi ni Mauro.
"Nagtatanong lang," sagot ko. "Hindi naman kami close para tawagin ko siya—"
Pero natigilan ako nang makita ko iyong sasakyan ni Vito na papasok ng school. Napa-tingin sa akin si Mauro.
"Ano? Absent ka na?"
Napa-buntung-hininga ako. "Hindi ako aabsent," sagot ko. Pumunta ako sa Maynila para mag-aral, para makapagtapos, para maging abogado. Kailangan kong magfocus. May pamilya ako sa probinsya na nagpapaka-hirap magtrabaho para lang mapadalhan ako ng pera dito sa Maynila. Sila Nanay at Tatay na naniniwala sa akin na magiging abogado ako.
Nang naka-tayo kami sa harap ng elevator, bigla akong napa-tingin kay Mauro.
"Ano'ng sasabihin ko sa kanya mamaya?"
"Hi? Hello?" Napa-buntung-hininga ako. "Wag mo nang isipin masyado, Assia," sabi ni Mauro habang ginugulo iyong buhok ko. "Mag-aral ka na lang."
Iyon naman talaga ang plano ko...
"Paano ba iyong sinabi sa akin ni Niko na limit? Tama ba iyong hindi ko siya nireplyan nung nagtext siya?" tanong ko. Hindi naman sa may gusto sa akin si Vito... Hindi ko lang din kasi alam kung ano iyong sinasabi ni Niko... Baka naguguluhan nga si Vito. Hindi ko alam. Ayoko ring magtanong.
"Kung paano mo tratuhin si Niko, si Sancho, ako, ganon lang."
"Bakit? Iba ba kay Vito?"
"Yeah."
"Paanong iba?" Nagkibit-balikat siya. Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Humarap ako sa kanya. "Paanong iba?" ulit ko.
"I don't know. Mas close lang kayo talaga. Pati iyong kapag suma-sagot iyong isa sa inyo sa recit, pagkatapos nun, nagtha-thumbs up kayo sa isa't-isa habang naka-ngiti."
"Mali ba 'yun?"
"Hindi naman. Kaya lang—ewan. Basta 'yung limit."
Bumukas iyong pinto.
Hindi ako maka-labas.
"Wag mo na kasing ioverthink. Baka iyan pa masagot mo mamaya," sabi niya. "Tara na."
Pagpasok namin ng classroom, dumiretso ako sa dati kong pwesto. Pero bago pa man ako maupo, natigilan ako. Dapat ba lumipat ako? Hindi ko kasi talaga maintindihan iyong limit na sinasabi ni Niko...
"Are you okay?" tanong ni Vito habang naka-tingin sa akin na naka-tayo lang sa harap ng upuan. Alangan akong ngumiti bago naupo. Tumingin ako kay Niko. Tahimik lang siyang nagbabasa. Iba naman ang libro na binabasa niya ngayon.
Nilabas ko na lang iyong photocopy ko nung cases sa Consti II. Buti na lang at mahaba iyon. Binasa ko ulit iyong ginawa kong summary dahil baka iyon ang itanong ni Atty tapos ay wala akong maisagot.
"Can I read?" tanong ni Vito. Tahimik kong inabot sa kanya iyong summary nung kaso. "Thanks..."
Tahimik ulit akong nagbasa. Lumabas si Vito nang magvibrate iyong cellphone niya. Naramdaman ko na naka-tingin sa akin si Niko.
"You're weird," sabi niya.
"Bakit na naman?"
"Can I read?" tanong niya habang naka-turo sa summary ko. Tumango ako at saka inabot sa kanya iyong yellow paper. "Thanks, Assia," sabi niya.
"Niko," pagtawag ko.
"Yeah?"
"Ano ba iyong limit?"
"What?"
"Iyong sinabi mo—iyong limit."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "What—" Natigilan siya. "The one from last week?" tanong niya at tumango ako. "Nothing," sabi niya. "Wait, are you mad at me or something?" tanong niya na may konting panic sa mga mata.
Mabilis akong umiling. "Hala, hindi. Gusto ko lang malaman... para walang ano..." Huminga akong muli nang malalim. "Confusion."
Napa-awang ang labi niya. "Oh," sabi niya. "Just... no late night talks and all that confusing stuff."
"Ano ba iyong confusing stuff?"
"You know." Umiling ako. "You don't know?" Umiling akong muli. "Oh, my dear, dear Assia..." sabi niya habang inabot iyong ulo ko at pinat iyong ulo ko. Bakit ba silang lahat ay hilig gawin iyon? "I'll make you a list, okay?"
"Listahan ng bawal kong gawin kay Vito?"
Natawa nang saglit si Niko kaya lang ay natigilan siya nang bumalik na si Vito. "I heard my name," sabi ni Vito.
"Yeah, I was telling Assia how you puked all over my fucking bed," sabi ni Niko at saka siya tinaasan ng gitnang daliri ni Vito.
"I paid for your cleaning service, so shut the fuck up."
Napa-ngiti ako dahil mukhang bumalik na sa dati si Vito. Tama nga siguro iyong limit na sinasabi ni Niko. Ayoko nung nakita ko na nagtutulakan silang dalawa. Mas gusto ko na ganito lang sila na masaya.
* * *
"Assia... I fucking can't anymore!"
"Hindi kita kayang turuan. Nalilito na rin ako. Baka pareho tayong mali," sabi ko kay Niko habang nagrereklamo siya sa akin na wala siyang maintindihan sa Taxation. Wala rin naman akong maintindihan. Pare-pareho lang yata kaming nalilito.
"What if I just... you know? Drop it?" bulong ni Niko sa akin.
Nandito kami sa may likuran ng high school building ng Brent. Si Niko iyong naka-kita ng lugar na 'to. Ayaw niya na raw kasing mag-aral sa library dahil daw maraming tao at nape-pressure daw siya. Dito na kami madalas mag-aral. Nagresign na rin ako sa trabaho ko nang magthird year na ako sa law school. Hindi ko na kasi talaga kaya. Nakapag-ipon naman na ako. 7 kasi iyong subject. Ayoko naman na ma-delay. Baka bumagsak ako kapag may trabaho pa rin ako habang nag-aaral.
"Kapag nagdrop ka, hindi tayo sabay ga-graduate."
"What if... you drop, too?" tanong niya. "Let's all drop that devil of a subject."
"Mag-aral ka na nga. 'Di naman mambabagsak si Atty. D kapag deserve mo namang pumasa," sabi ko sa kanya.
"Yeah... but isn't he the same prof that the accountancy students petitioned to be removed from their college?" tanong niya sa akin.
"Oo yata."
"See? He's scary!"
"Mag-aral ka na d'yan, Niko," sabi ko sabay bukas nung libro niya. Ibang-iba na talaga si Niko. May bag na siya ngayon. At may pen capsule—pero regalo ko iyon sa kanya nung birthday niya bukod sa coin purse.
Nang bumalik sina Sancho at Vito, may dala silang pagkain. Doon naupo si Vito sa harap ni Niko habang nasa harap ko naman si Sancho. Inabutan ako ni Sancho nung sandwich at tubig. Nagpasalamat ako sa kanya.
Ito raw iyong limit.
Minsan, kay Niko ako sumasabay pauwi.
Minsan, kay Sancho.
Minsan na lang ako pumapayag magpa-libre kay Vito.
Hindi na ako tumitingin sa kanya kapag nagrerecite siya.
Pero magkaibigan pa rin kami.
Hindi na kasing close nung dati...
Nung una, naninibago ako... pero nasanay na rin ako. Nasanay na rin siya. Nag-uusap pa rin kami kaya lang hindi na kagaya ng dati. Hindi naman ako nagpaliwanag sa kanya. Hindi rin siya nagtanong. Basta parang nagkaintindihan kami na meron na nung sinasabi ni Niko na limit.
"Vito, Shanelle sent you her reviewer in Tax, right? Please... can you send it to me, too?" tanong ni Niko. Nanatili iyong mga mata ko sa binabasa ko.
"Ask her."
"I'm already asking you."
"It's her reviewer. Her intellectual property."
"Right. But I'm your friend."
"You already overplayed your friend card, Nikolai," sabi ni Vito habang binubuksan iyong bote niya ng tubig. "Just ask Shanelle. She'll probably say yes."
Umirap si Niko. "But we're not close!"
"Because you're kinda ignoring her," sabi ni Vito.
"Just please give me the reviewer!" pagmamakaawa ni Niko. "I promise I won't tell anyone."
Nagkibit-balikat si Vito. "Nope."
Niyukyok ni Niko iyong ulo niya sa lamesa. "This is it. This is the subject where I'll first have the taste of failure..."
Pinigilan kong matawa kay Niko. Ang arte niya talaga.
Pinat ni Sancho iyong likuran ng ulo niya. "There's still CivPro."
Inuntog ni Niko ang ulo niya. "I swear to God, third year's like the world's version of hell," sabi niya habang paulit-ulit na inuuntog ang ulo sa lamesa.
"Nasimulan mo na ba iyong sa digest?" tanong ko sa kanya. "300 'yun, Niko. Deadline sa araw ng exam."
"Oh, fuck! I knew I was forgetting something!" sabi niya at saka naglabas ng yellow paper at nagsimulang magsulat. Tapos ay puro mura na lang siya dahil hindi niya alam kung uunahin ba niyang magreview sa Tax, magreview sa CivPro, magsulat ng digest, o magreview sa iba pa naming subject.
Mga bandang alas cuatro ay bumalik na kami sa classroom. Sobrang tahimik. Walang nagsasalita. Nung first year kami ay maingay pa sa classroom... pero patagal kami nang patagal ay patahimik na nang patahimik... Siguro ay dahil sobrang hirap na ng mga klase namin... O dahil konti na lang siguro kami? Marami na kasing nagdrop at umalis sa school.
Tahimik akong naupo sa tabi ni Vito.
"You want Shanelle's reviewer?" bulong niya sa akin.
"Akala ko Intellectual Property?"
Natawa siya. "Yeah... but do you want?"
Ngumiti ako habang umiiling. "May reviewer ako."
Tumayo ako at lumabas habang dala iyong reviewer ko. Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway. Walang tao roon kaya naman nakapagbasa ako nang tahimik. Nirerecite ko iyong mga definition dahil gusto ni Sir na verbatim... O iyon ang balita. Ewan ko. Hindi naman kasi nagpapakita si Sir ng grade sa amin. Magugulat ka na lang bagsak ka na.
"Assia."
Natigilan ako sa pagbabasa nang marinig ko iyong pangalan ko.
"Atty. Villamontes?" pagtawag ko sa kanya nang makita ko na siya iyong lumabas sa elevator.
"Long time no see," sabi niya habang naka-ngiti sa akin. Naka-suot siya ng puting barong at may hawak na brief case. Mukhang kaka-galing niya lang sa trabaho.
"Oo nga po, Sir, e..."
"Do you know kung saang classroom iyong 3B?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"
"Ah, nalimutan ko kasing tanungin kanina sa admin kung saan ang classroom nila. Biglang nagleave of absence si Atty. D. Ako na iyong bagong professor nila sa Tax," sabi niya na naging dahilan kung bakit biglang nanlaki ang mga mata ko.
***
This story is 5 chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top