Chapter 17

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG17 Chapter 17

"Congrats."

"Thanks," sagot ni Vito nang hindi man lang lumingon sa direksyon ko. Papunta kami sa sinasabi nila Shanelle na lugar kung saan mangyayari iyong party daw. Tahimik lang kanina habang kumakain kami ng dinner—o baka ako lang iyong tahimik dahil nag-uusap naman sina Niko kanina.

Gusto ko sana ulit na tanungin si Vito kung may problema siya sa akin kaya lang ay baka makulitan naman na siya... Kinakausap niya pa rin naman ako. Kaso lang ay hindi kagaya ng dati.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa isang bahay.

"Akala ko sa bar?" tanong ko nang huminto iyong sasakyan.

"House party," sagot ni Vito. Tumingin siya sa akin. "Just tell me if you wanna go home already, okay?" tanong niya na bago pa man ako maka-sagot ay nabuksan niya na iyong sasakyan palabas.

Huminga ako nang malalim. Hindi naman ata siya galit sa akin. Baka pagod lang. Nakaka-pagod naman talaga iyong mga nangyari sa kanya dahil sa rehearsals pa lang dun sa pageant.

Hindi muna kami agad pumasok dahil hinintay namin sina Niko na dumating. Pagdating nila ay sabay-sabay kaming pumasok. Si Niko iyong may pinaka-maraming kilala. Marami din namang kilala sila Sancho at Vito, pero si Niko iyong palaging napapa-hinto para makipag-usap sa mga tao.

"If you wanna go home—"

"Kakarating lang natin," pagputol ko sa sinabi ni Vito.

"Yeah, I know. But also, this is not your scene," sabi niya.

"Akala ko tapos ka na sa pagpaparty?" tanong ko dahil naalala ko na sinabi niya sa akin iyon dati. Na tapos na raw siya sa buhay na pagpaparty. Para ngang pati sila Niko ay tapos na rin doon dahil madalas ko nang nakikita si Niko na nag-aaral.

Bigla siyang huminto sa paglalakad at kumuha ng beer at saka tubig. Inabot niya sa akin iyong bote ng tubig.

"Yeah... but also, distraction," sabi niya at saka binuksan iyong can ng beer. "Just one can, I promise," pagpapa-tuloy niya bago iyon ininom. Napa-buntong hininga na naman ako.

* * *

Hindi naman galit sa akin si Vito.

Ni hindi nga niya ako iniwan buong party. Nasa tabi ko lang siya. Kaso lang ay may mga lumalapit na babae sa amin para magcongratulate kay Vito. Ang dami nila. Saka ang gaganda. Kanina pa rin nila binibigyan ng inumin si Vito kaya lang ay hindi niya tinatanggap iyon. Ang iniinom niya lang ay tubig kasi naubos niya na iyong isang can ng beer.

"Tired? Wanna go home?" tanong niyang muli sa akin. Umiling ako. Gusto niya na ba akong umuwi? Ayoko naman na lagi siyang nag-a-adjust sa akin. Baka ganito talaga iyong buhay niya. Wala namang masama kung mag-adjust ako. Hindi ko naman ikamamatay kung magstay ako sa party na 'to. Tutal victory party naman daw 'to ng year level namin.

"Hey, let's play!" sabi sa amin ng isang babae.

"No, thanks," sabi ni Vito.

"Please? Don't be KJ na! Minsan lang naman!" sabi niya sabay hatak sa aming dalawa patayo. Napa-buntung-hininga na lang ako nang mahatak niya kami papunta sa isang gilid. Mayroon doong mga tao. Maraming tao sa bahay na ito. Hindi kaya sila inirereklamo ng mga kapitbahay nila? Sobrang lakas kasi ng tugtog...

"You see this?" sabi nung isang babae sabay pakita ng bote. "We'll play—"

"Boo!" sabi nung ibang mga lalaki.

"Assholes!" sagot nung babae. "Since we're not in highschool, we'll play shot or dare. Not truth because you know? Not really interested in your truths," sabi niya pa na naging dahilan kung bakit nagboo ulit iyong mga lalaki. Nagpaliwanag pa iyong babae sa mangyayari.

"Wanna go home now?" tanong ni Vito sa akin.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko sa kanya.

"If you wanna—"

"Nice! What's your name again?"

"Assia."

"Hi! Nice to meet you, Assia. So, shot or—"

"Shot," sagot bigla ni Vito sa tabi ko sabay inom nung alak sa maliit na baso.

"So... you're taken," sabi nung isa pang babae na kumausap kanina kay Vito.

"No, but she doesn't drink," sagot ni Vito. Tumingin siyang muli sa akin. "Still don't wanna go home?" tanong niya. Umiling ako. "Okay..." Napa-buntung-hininga siya. May kinuha siya mula sa bulsa niya at iniabot sa akin. "Here's my key fob. I don't know what will happen tonight, but don't let me drive. If Niko and Sancho are also both drunk," sabi niya at saka kinuha iyong cellphone niya at may ginawa roon. "Text this number and tell him to pick us up."

Napa-awang ang labi ko. "Okay..."

"Stay by my side," sabi niya. "Don't talk to strangers—"

"Pero puro tiga-school naman ang nandito..."

"Fair point," sabi niya. "But if you feel like you're in trouble, tell me immediately, okay?"

"Paano kung lasing ka?"

"I'm never too drunk to punch an asshole, okay?" sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Lihim akong napa-ngiti. Okay na yata kami.

* * *

Hindi ko alam kung malas lang ba talaga kami o madalas talagang tumapat sa amin ni Vito iyong bote. Siguro kung 20 beses na pina-ikot iyon, 15 iyong sa aming dalawa. Sunud-sunod halos iyong pag-inom ni Vito. Pulang-pula na iyong buong mukha niya lalo na iyong tenga niya. Gusto kong hanapin sina Sancho at Niko kaya lang ay hindi ko maiwanan si Vito... Kanina pa siya hinahawakan nung babae sa isang tabi niya.

"Vito..."

"Hmm?"

"Hanapin na natin sila Niko..."

"Okay..."

Sabay kaming naglakad kaya lang ay parang lasing na talaga si Vito dahil hindi na siya diretso maglakad. Hindi ko alam kung ano iyong pina-inom nila sa kanya dahil ang daming iba-ibang bote sa lamesa kanina.

"Can you just leave me here and find them?" tanong niya habang naka-upo sa isang gilid. Naka-takip iyong mukha niya ng mga kamay niya. Parang hilung-hilo na siya at lasing na lasing na.

"Okay..." sabi ko. "Babalik agad ako."

Tumango lang siya habang takip pa rin ang mukha. Nagmamadali akong bumalik sa loob ng bahay para hanapin sila Niko. Ilang tao ang napagtanungan ko kaya lang ay hindi din daw nila nakita si Niko... Iniwan ba nila kami? Parang hindi naman nila gagawin 'yun...

"Seryoso ka ba?" tanong ko nang makita ko si Niko na nagbabasa ng libro habang naka-upo sa kama. Nasa gilid niya si Sancho na mukhang natutulog na.

"Quiz tomorrow. Can't afford to fail again," sabi niya habang naka-tuon pa rin ang mga mata sa libro. May dala talaga siyang libro? Seryoso? Si Nikolai ba 'to?

"May quiz?"

"Yup. It's in the group chat."

"Nagbabasa ka na ng group chat?"

"You wound me, Assia."

"Sinaktan ka talaga ni Prosec, no?"

"Why are you here again? And where's your shadow?"

Hala.

Oo nga pala!

"Tara na... Pwede ba na iwan dito iyong sasakyan ni Vito? Kasi lasing na siya, e..."

Ginising ni Niko si Sancho tapos ay lumabas na kami. Grabe. Dito pa talaga siya nag-aral sa kwarto. Nagpaalam man lang kaya siya sa may-ari? O baka ganito talaga sa mga party sa Maynila? Pwede kang magbukas ng kwarto at maki-aral?

"Pwede mo bang kausapin iyong may-ari na iiwan muna iyong sasakyan ni Vito?" tanong ko kay Niko habang pababa kami ng sa unang palapag ng bahay... Grabe... Bakit may elevator sa bahay na 'to?

"No, it's fine. I'll have someone pickup his car tomorrow," sabi ni Niko. Binigay ko na sa kanya iyong susi ng sasakyan ni Vito. Habang naglalakad kami ay pilit kong hindi pinapansin iyong mga tao sa gilid.

"God, I miss my old self," sabi ni Niko habang naka-tingin sa dalawang tao sa may gilid na—

Grabe.

May mga kwarto naman sa taas—

Kaya lang baka kung ano ang gawin nila roon... Mas mabuti na siguro na dito na lang sila sa baba magganyan...

"I hate being studious," sabi ni Niko.

Natawa saglit si Sancho. "Isang subject lang naman inaaral mo. Ulol."

"Fuck you. Hater."

"Papasa ka nga sa Crim II, babagsak ka naman sa ibang subject."

"Fuck your annoying—"

Kaya lang ay natigilan siya nang makita namin si Vito na—

"Okay, buddy, we're going home," sabi niya kay Vito matapos hatakin palayo roon sa babae na—

Bakit... sila naghahalikan?

Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko.

Ano'ng... nangyari?

"Assia, let's go," sabi ni Sancho sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. Kanina pa ba ako hindi guma-galaw? "It's nothing. Lasing si Vito, halata naman."

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Parang bumabalik sa isip ko iyong nakita ko.

"Tara na," sabi ni Sancho.

"Hinalikan—"

"I'm pretty sure na hinalikan si Vito nung babae," sagot niya sa akin. "Tara na," pag-uulit niya. Kaya lang ay hindi ako maka-galaw. Parang bumabalik ulit sa isip ko iyong nakita ko kanina. Napa-buntung-hininga si Sancho. "Assia—"

"Bakit... siya humalik pabalik?" mahinang tanong ko.

"I don't know... Lasing siya," sagot ni Sancho.

"Hindi naman siya ganoon ka-lasing..." mahinang sagot ko. "Nakausap ko pa nga siya kanina... Siya iyong nagsabi na iwan ko siya para hanapin kayo..."

Parang ayokong pumikit dahil naaalala ko iyong nakita ko kanina.

"Baka pinainom ulit siya habang hinahanap mo kami. I don't know. Wala naman tayo kanina dito, Assia," paliwanag ni Sancho. "But let's go, okay? Nasa labas na sila Niko."

Pero hindi pa rin ako maka-galaw.

Tumingin ako kay Sancho.

"Hindi naman siya ganoon ka-lasing..."

"Siguro," sabi niya.

"Pumayag siyang halikan siya."

"Siguro."

Pilit akong ngumiti.

"Just talk to him," sabi niya.

"Ayoko."

"Ayaw mong malaman?"

Tumango ako. "Nandito lang naman ako para mag-aral."

"Okay," sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. "Whatever you want. Hindi ka naman pipilitin nun."

Bahagyang umawang ang labi ko. Magtatanong pa sana ako kaya lang ay nauna nang maglakad palabas si Sancho sa akin.

Pagdating namin sa labas ay nakita namin si Niko na pilit pinapasok sa likuran ng sasakyan niya si Vito.

"For fuck's sake! Get in!" sigaw niya kay Vito habang sinisipa papasok. Mabilis akong lumapit para tulungan sila. Ngumiti si Vito nang makita ako.

"Hi," sabi niya. Mapulang-mapula pa rin ang mukha niya... pati iyong labi niya.

Hindi ako sumagot. Pina-pasok ko siya sa loob ng sasakyan. Nang maka-pasok siya ay saka lang nagpaalam si Sancho na uuwi na rin siya.

"Stay at the back," sabi ni Niko nang bubuksan ko sana iyong sa pintuan sa front seat. Huminga ulit ako nang malalim bago pumasok sa likuran. Naka-sandal ang ulo ni Vito sa may bintana.

"Akala ko sanay kayong uminom?" tanong ko kay Niko habang nagda-drive siya.

"Yeah. But that one's out of practice," sabi niya. "And he barely ate anything earlier."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ihiga niya ang ulo niya sa mga binti ko. Medyo naka-dikit iyong buhok niya sa noo niya dahil sa pawis. Muli akong napa-tingin sa mga labi niya.

Narinig kong natawa si Niko sa harapan nang makita niyang punasan ko ng panyo ko iyong labi ni Vito na may lipstick pa nung babae.

"Assia, what are you doing?" tanong niya.

"Ha?"

"What are you doing?" muling tanong niya. "What are you doing to my friend?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Muli siyang tumingin sa akin mula sa rearview mirror. Nawala iyong ngisi na normal na nasa mukha ni Nikolai. Naging seryoso ang ekspresyon niya.

"I'm very fond of you, Assia... but also, if you don't want anything with my friend, let's set some limits here, okay?" sabi niya. "It's not fun seeing him like this."

Napa-awang ang labi ko.

"I don't mean any harm, okay? I really like you as a friend... but if you just want to be friends with him, just be friends with him. No things like that one you were doing earlier," sabi niya. "It's all kinds of confusing."

Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Just... stop adding to things being confusing."

***

This story is 5 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top