Chapter 16

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG16 Chapter 16

Mariin akong umiling.

Ayoko.

Ayoko talaga.

"Bilis na, please? Baka magalit na si Atty..." sabi ni Isobel habang naka-tingin sa akin. Hindi ako maka-galaw dahil pakiramdam ko ay naka-tingin ang lahat sa akin.

"O-Okay..."

"Yes! Thanks, Assia!" sabi ni Isobel. "For fun lang naman 'to."

"I fucking hate my life," bulong ni Niko sa tabi ko.

Ngayon lang ako sumang-ayon kay Niko.

Dapat talaga umabsent na lang ako at natulog.

Sobrang bigat ng paghinga ko nang abutan ako ng saging. Nang dahil sa law school, habang buhay na yatang iba ang pagtingin ko sa saging... Nagawa na yata nila lahat ng pwedeng gawin sa saging.

"So, for our final game," sabi ni Colleen, "Is none other than the original banana game!" pagpapa-tuloy niya. Medyo nabingi ako sa sigawan ng mga tao sa classroom. Napa-hinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit na-e-excite sila. Ilang beses na naming napanood 'to dahil ginagawa 'to tuwing may party sa classroom...

Bakit ba kasi nasama ako rito?

Dapat talaga hindi ako nakinig kay Mauro at dumiretso na lang ako ng uwi kanina.

"Just don't participate," sabi ni Niko. "Unless... are we trying to win?" tanong niya habang naka-tingin sa akin at bahagyang nanlalaki ang mga mata.

"Hindi, ah!" mabilis na sagot ko sa kanya. Bakit naman niya iisipin na gusto kong manalo rito? Wala naman akong mapapala bukod sa magkakaroon ako ng potassium sa katawan dala ng saging.

"Oh, okay," sabi niya na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. "So, our game play would be just you... kneeling. Just don't fucking touch the banana, Assia. For both our sakes."

Parang problemadong-problemado si Niko. Nung huling naglaro naman siya nito, parang enjoy na enjoy siya. Sobra ba talaga iyong trauma na nakuha niya sa Crim? Parang medyo naging seryoso na talaga siya...

"Guys, everyone's required to participate, okay?" sabi ni Colleen na para bang sa akin naka-tingin. "If you don't wanna eat, at least peel the banana."

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at saka humugot ng malalim na malalim na malalim na hininga.

"Okay, girls, kneel na!" sabi ni Colleen. Halos mabingi na naman ako sa sigawan ng mga tao sa classroom. Gusto ko na lang takpan iyong mukha ko dahil nakikita ko na ang daming nagrerecord gamit ang mga cellphone nila. Mabuti na lang talaga at hindi maalam sa ganito ang pamilya ko... Baka kaladkarin ako pabalik sa Isabela kapag nalaman nila na gumagawa ako ng ganito sa Maynila.

"Niko," pagtawag ko sa kanya nang makita ko na parang chicken skin iyong balat niya. "Okay ka lang?" tanong ko habang naka-luhod sa harapan niya. Nakita ko na naka-ilang lunok siya.

"Here, guys," sabi ni Colleen. "Put the banana in between your legs. Girls, wait for my instructions before you begin."

Nakita ko na ipinikit ni Niko ang mga mata niya. Pagdilat niya, biglang nanlaki ang mga mata niya. Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero parang napako ang tingin niya sa kung saan man kaya napa-talikod din ako. Nakita ko si Vito na naka-tingin sa aming dalawa. Tumingin ulit ako kay Niko at para bang may sinasabi siya kay Vito pero wala akong marinig na salita.

"Go!"

Muling bumalik ang atensyon ko sa mga tao sa tabi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Assia, just peel the banana na lang," sabi sa akin ng isa ko pang kaklase. Napa-tingin ako kay Niko. Sobrang bilis ng pag-iling niya na para bang matatanggal ang ulo niya mula sa leeg niya.

"Or at least ilapit mo iyong face mo? Naka-tingin si Atty," pagpapa-tuloy niya pa. Saglit akong tumingin kay Atty at nakita ko na naka-tingin nga siya sa amin... siguro ay dahil kaming dalawa lang ni Niko iyong parang estatwa na hindi gumagalaw.

Huminga ako nang malalim.

"Babalatan ko lang 'yung saging—"

"No!" sagot ni Niko.

"Para matapos—"

"You know what will end? My life," sabi niya habang tinakpan iyong saging sa gitna ng binti niya.

"Bilis na—"

Pero bago pa man matuloy ang sinasabi ko, may nanalo na sa tabi namin. Grabe... ang bilis naman niyang kumain ng saging.

"Let's go," sabi ni Niko at tinulungan akong tumayo. Nang maka-tayo ako, magsasalita pa lang sana ako kaya lang ay mabilis siyang naglakad papunta kay Vito. Naka-kunot ang noo nilang dalawa. Bago pa man ako maka-lapit sa kanila ay naglakad palabas si Vito.

"Great," sabi ni Niko. "All I wanna fucking do was read!" dugtong niya bago tumingin kay Sancho. "Bitch, you sold me out," sabi niya bago kinuha iyong libro niya at lumabas. Mabuti na lang at naka-tayo ang lahat at nagkaka-gulo dahil baka magalit si Atty na bigla na lang nagwalkout si Niko.

Nang matapos ang klase, nagpaalam si Mauro na mauuna na siya dahil nagtext daw si Achi sa kanya. Naiwan kaming dalawa ni Sancho.

"Nasaan iyong dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Parking siguro," sagot niya. "Pag 'di natin nakita, hatid na lang kita."

Tumango ako. "Salamat."

"No problem," sagot niya na may matipid na ngiti.

Tahimik lang kaming dalawa habang pababa sakay ng elevator. Habang naglalakad kami palabas ng building, patingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko sila makita. Saan kaya pumunta iyong dalawang 'yun?

"Nandito pa yata sila sa school..." sabi ko dahil nang pumunta kami sa parking, nandun pa iyong jeep ni Niko at kotse ni Vito.

"Gusto mong hanapin muna natin?" tanong ni Sancho.

"Okay lang ba?" tanong ko dahil baka gusto nang umuwi ni Sancho. Kaso ay nagkibit-balikat lang siya kaya namang naglakad na kaming dalawa.

Mukhang mahihirapan kami dahil ang daming tao sa grounds ng school. Hanggang ngayon ay may mga college students pa rin. Hanggang ano'ng oras kaya iyong parang amusement park?

"Ang daming tao," kumento ko.

"Tawagan mo si Vito," sabi niya.

"Wala akong load..." sagot ko. "Ikaw na lang."

"Hindi sasagot 'yun."

"Bakit naman?"

Tumingin sa akin si Sancho. Tumingin din ako sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya.

"Never mind," sabi niya. "Ikot na lang tayo ng isang beses tapos kapag 'di natin makita, hatid na kita pauwi."

"Okay," sagot ko habang tumatango.

May nadaanan kami na mga rides. Sayang. Nasaan kaya si Vito? Kung hindi siya biglang nawala, aayain ko sana siyang sumakay. 'Di ko rin kasi siya masyadong nakikita ngayong linggo kahit walang klase dahil busy siya palagi sa rehearsals.

"Hala. Bukas na 'yung sa pageant, 'di ba?"

"Yeah. 3pm daw start."

"Okay."

"Manonood ka?"

"Oo. Magpapaalam ako."

"Nice."

Ngumiti ako. "Syempre kailangang magsupport kay Vito," sagot ko. Alam ko naman na ayaw niya talagang sumali roon at napilitan lang siya dahil vinolunteer siya ni Niko. Pero kahit na ganoon, kailangan na nandun pa rin kami bilang suporta sa kanya.

"Ayun yata sila..." sabi ko nang maka-kita ako ng dalawang lalaki doon sa may isang gilid. Parang kasing katawan sila nina Niko at Vito. Mas binilisan namin ang lakad. "Bakit..." Napa-hinto ako at napa-tingin kay Sancho. "Nag-aaway ba sila?" tanong ko nang makita ko na may isa na tumulak sa isa.

"Know what? Hatid na lang kita pauwi," sabi sa akin ni Sancho.

"Sandali. Nag-aaway ba sila?" tanong ko. "Sila ba 'yun? Baka hindi—"

"Sila 'yun," sabi niya kaya napa-hinto ako. "Don't worry, ganyan lang talaga 'yang dalawa. Okay na 'yang bukas."

"Pero—"

"Gusto mo bang lumapit?"

Napa-kunot ang noo ko. "Bakit... parang may kakaiba sa tanong mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Kapag lumapit tayo, malalaman mo kung bakit sila nag-aaway," sabi ni Sancho habang pareho kaming naka-tingin sa dalawang lalaki na nagtutulakan—o parang si Niko na pinipilit si Vito na suntukin siya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Wala," sabi niya. "I know you're from the province and probably sheltered, but you can't be that naive—"

"Hatid mo na ko."

Napa-tingin siya sa akin.

Bahagyang ngumiti ako.

"Hatid mo na ko."

"Are you sure?" tanong niya.

Tumango ako. "Nandito ako para mag-aral. Kapag abogado na ako, uuwi na ako sa amin, Sancho. Wala akong balak magtrabaho sa Maynila. Wala akong balak tumira dito. Kaya... kaya kung anuman 'yung sasabihin mo, ayokong marinig." Tumingin ako sa dalawa. "Hindi naman sa tanga ako... May mga bagay lang talaga na ayokong malaman."

* * *

"Good job, guys," sabi ni Atty. Villamontes nang matapos kami sa ginagawa namin. Halos sumakit ang batok ko dahil kanina pa ako naka-harap sa laptop. Dadaan nga ako mamaya sa botika para bumili ng salonpas. Sobrang sakit na ng buong katawan ko.

"Assia," pagtawag sa akin ni Atty.

"Yes po?"

"Maaga kang aali ngayon, right?" tanong niya at tumango ako. "Gusto mong sumabay na sa 'kin?" tanong ni Atty habang nag-aayos siya ng gamit. "Papunta na rin naman ako sa school."

"Hala, sir, 'wag na po," sabi ko.

Mabait naman sa akin si Atty at saka considerate lalo na kapag alam niya na may exam sa school... pero kahit na ganoon, ayoko pa ring sumabay sa kanya. Para kasing hindi magandang tignan... Estudyante pa rin naman ako at saka professor siya sa school.

"No, it's okay. Unless ayaw mo akong kasabay?"

Napa-awang ang labi ko.

Tumawa siya.

"I'm kidding," sabi niya. "Second year ka na next sem, right?" tanong niya at tumango ako. "Baka maging teacher mo pa ako, ah."

Alangan akong ngumiti. "Ano po tinuturo niyo?"

"Sa second year? Transpo and Insurance," sagot niya. "Basta, ikaw ang beadle kapag naging prof mo ako."

"Ah... sige po," sabi ko.

Hindi ko alam kung mauuna na ba ako. Baka mabastusan siya sa akin. Ayoko kasi talagang sumabay. Mabuti na lang at kinausap siya nung isa pang lawyer kaya naman naka-alis ako ng hindi niya napapansin. Mabilis akong bumaba at saka sumakay sa jeep.

Pagdating ko sa school, agad akong pumunta sa field dahil doon daw gaganapin iyong pageant. Agad kong nakita sina Niko dahil halata agad na sila iyon dahil sa tangkad nila ni Sancho.

"Nagsimula na ba?" tanong ko kay Sancho.

"Medyo."

Tumingin ako kay Niko. Napa-awang ang labi ko nang makita ko na may putok sa gilid ng labi niya.

"Niko—"

"I don't wanna talk about it," sabi niya.

Tumingin ako kay Sancho na nagkibit-balikat lang.

"Stop staring," sabi ni Niko nang ilang segundo na ang lumipas at naka-tingin pa rin ako sa kanya. "Let's just watch this damned pageant."

Hindi ako makapagfocus sa pinapanood ko.

Hindi ko rin alam kung paano nanalo si Vito kahit parang galit lang siya buong pageant dahil naka-kunot lang ang noo niya. Siguro dahil sa sagot niya. Kahit mukha siyang galit, sa kanya iyong pinaka-maganda at pinaka-backed up with facts na sagot sa tanong.

Ang talino talaga niya.

Sobrang dami niya kasing binabasa kaya ang dami niyang alam na random facts pati mga current events.

Nang matapos iyong program, sumunod lang ako kina Sancho. Napunta kami roon sa parang dressing room nina Vito at Shanelle. Medyo maraming tao ang nandoon para magcongratulate. Nakita ko na ang daming babae ang lumapit kay Vito.

"Let's go," sabi ni Niko nang makita niyang naka-hinto ako.

"May kausap pa siya," sabi ko nang makita ko na may kausap siya na higher year sa amin.

Umirap si Niko. "Don't care. Let's just get him and let's get out of here," sabi ni Niko bago dumiretso papunta kay Vito. Ang... weird. Parang kagabi lang ay nagtutulakan silang dalawa tapos ngayon ay okay na ulit sila.

Nasa unahan ko si Niko at Sancho. Hindi ko alam kung alam ni Vito na nandun ako dahil abala siya sa pagtanggal ng butones sa suot niyang puting longsleeves. Agad na nag-iwas ako ng tingin ng hubarin niya iyon. Nakita ko na natawa sa akin si Sancho.

"Come on," sabi ni Niko. "I'm starving."

"Can't you wait? I'm still changing," sagot ni Vito. "Fucking glitters," sabi niya habang pinapagpagan ang sarili. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti nang makita ko na tinutulungan siya ni Niko na tanggalin iyong glitters sa katawan niya. Sana ganito lang sila palagi. Ayoko nung kagabi na nag-aaway sila.

"Vito."

Sabay-sabay kaming apat na napa-tingin nang magsalita si Shanelle. Halos mapa-awang ang labi ko. Grabe... bakit ganon? Mas maganda siya kapag walang makeup.

"What?" tanong ni Vito na ibinalik ang atensyon sa pagtanggal ng glitters.

"Uh... may victory party daw iyong section. Sama kayo," sabi ni Shanelle sabay tingin sa amin. "Dinner tapos inom."

Napa-tingin sa akin si Vito. Medyo nagulat ako dahil ngayon lang siya tumingin sa akin simula nung pumunta ako rito sa dressing room.

"Okay," sabi niya kay Shanelle. "Just text me where." 


***

This story is 5 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top