Chapter 15

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG15 Chapter 15

"Sa tingin mo ba may attendance?"

Tumawa si Mauro. "Pumasok ka na kasi. Sigurado naman na walang recit."

Napa-buntung-hininga ako. "Kaya nga, e. Mas gusto ko sana na umuwi na at matulog," sagot ko sa kanya habang sinasandal iyong ulo ko para pumikit sana sandali. Sobrang daming ginagawa... Sobrang dami... Akala ko sanay na ako, pero may mga araw pala talaga na sobrang dami ng ginagawa na minsan, pakiramdam ko ay nalulunod na ako.

Pagdating namin ni Mauro sa school, nanibago ako dahil ang dami pa ring tao. Kadalasan kasi kapag dumadating ako, wala na halos tao dahil tapos na iyong uwian ng mga college students... Kung meron man ay kakaunti na lang.

"Wow. Parang park lang, ah," kumento ni Mauro nang mapaligiran kami bigla ng mga college students na magka-holding hands. "Damn. Na-miss ko bigla si Achi."

Napa-ngiti ako. "Papuntahin mo dito."

Alangan na natawa si Mauro. "Ayoko nga. Bigla pa namang pumupunta si Papa dito," sabi niya na umakto na parang kinilabutan siya sa takot. Ngumiti na lang ako kahit medyo nalungkot ako. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Sinabi niya sa 'kin na hindi pa alam ng pamilya niya. Mukhang hindi rin alam ng iba niyang kaibigan. Masaya ako na nakakapagsabi siya sa akin para kahit papaano, hindi maipon sa loob niya.

"Bakit naman pumupunta ang Papa mo rito?" tanong ko na lang dahil medyo nawi-weirduhan ako sa dami ng nakaka-salubong namin na tao. Ang ingay din. At halos lahat yata sila ay may hawak na cotton candy.

"I don't know... Maybe chine-check niya kung puma-pasok pa ba ako."

"Bakit naman hindi ka papasok?"

"Ewan ko nga, e," sagot niya. "Interesado naman talaga akong maging abogado..." pagpapa-tuloy niya bago huminto nang saglit. "Di lang ako interesado siguro pumasok sa NBI pagka-graduate ko."

"Sa NBI?"

Tumango siya. "Yeah... Usually kasi 'dun mga accountant graduates at mga lawyer," sagot niya at saka kinwentuhan ako sa mga ginagawang trabaho ng tatay niya. Ang galing. Hindi ko alam na pwede pala roon.

Pagdating namin sa classroom, tama nga ang hinala namin. Walang klase. Puno ng dekorasyon iyong classroom. Nakaka-bilib iyong determinasyon ng mga kaklase ko. Hindi talaga makakapagklase si Atty kahit gustuhin niya dahil pinuno nila ng bulaklak iyong lamesa at may naka-palibot pa na Christmas lights ba 'yun?

Sabagay. Dapat na rin siguro akong magpasalamat. Hindi ko na rin kayang sumagot sa recitation ngayon. Pagod na ako.

"Hey, Asia," bati ni Niko sa akin. Tumango si Sancho. Tinanggal ni Niko iyong bag niya—

"May bag ka na?" nagulat na tanong ko.

Umirap si Niko. "Why do you have to be so surprised?"

"Wala ka kasing bag dati..." seryosong sagot ko sa kanya. "Ballpen lang ang dala mo at saka 'yung clip na tinatawag mong wallet."

"It's called money clip and it's a thing, okay?" paliwanag niya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naka-clip ang pera niya. Sa Pasko, bibilhan ko ng coin purse si Niko para may lalagyan siya ng pera niya.

Tumango na lang ako. Naupo ako at saka tumabi sa akin si Mauro. Tatanungin ko sana siya kung okay lang na dito kami maupo dahil nabanggit niya sa akin noon na medyo naiilang siya kina Vito...

"Nasaan pala si Vito?" tanong ko nang mapansin ko na si Niko at Sancho lang ang nandito. Si Niko, himala na nagbabasa ng Crim II... Siguro talagang natakot siya kay Prosec... Si Sancho naman ay hawak ang cellphone niya.

"Rehearsals, I think."

"Rehearsal?"

"Yeah. The pageant," sagot niya at saka natawa. "God, I'm excited for that shit," sabi niya pa at saka siniko si Sancho. "Whatever the fuck happens, we're watching that shit."

Pati si Sancho ay natawa. "Kahit lumindol, manonood tayo."

Tinaas ni Niko ang kamay niya at nag-apir sila habang tumatawa. Napailing na lang ako. Masaya talaga sila kapag naiinis si Vito...

Dahil busy silang tatlo, tumulong ako sa pag-aayos ng classroom. Pero halos tapos na sila roon kaya inutuan na lang ako ni Isobel na maging lookout daw. Sabihin ko raw agad kapag papunta na si Atty.

Pumunta ako roon sa may dulo ng hall. Kita kasi roon iyong mga naglalakad papasok sa building. Tahimik lang akong naka-tayo roon at pinapanood iyong mga naglalakad. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko si Vito. Naka-tayo lang siya roon at bahagyang naka-kunot ang noo. Biglang lumitaw si Shanelle sa likuran niya. Medyo napa-awang ang labi ko nang hawakan ni Shanelle ang kamay niya at hatakin siya palayo. Close na sila? Kasi dati hindi naman sila nag-uusap. Wala namang masyadong kinakausap si Vito sa classroom namin maliban na lang kung kakausapin siya.

Mukhang may pinag-uusapan sila roon—o mas mukha na may sinasabi sa kanya si Shanelle kasi parang naka-tayo lang naman doon si Vito at naka-tingin sa kanya.

"Good evening, Atty—"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Atty na lumabas ng elevator. Hala! Masyado akong nanood kina Vito! Nalimutan ko na kaya nga pala ako nandito ay para maging lookout!

Halos madapa ako sa pagtakbo pabalik sa classroom. Ito na nga lang iyong binigay na trabaho sa akin ni Isobel, hindi ko pa nagawa nang maayos!

"Nandyan na si Atty," hinihinga na sabi ko nang maka-balik ako sa room.

"Okay, guys," sabi ni Isobel. "Atty's on his way up."

Mabilis akong umiling. "Hindi. Nandito na siya sa floor."

"Oh, shit. Guys, come on. On your position! Iyong lights paki-off na," sabi ni Isobel. Narinig ko na tumawa si Niko sa likuran ko kaya napa-tingin ako sa kanya. Nakita kong nakikipag-apir ulit siya kay Sancho, pero umiling lang si Sancho sa kanya.

Hindi ko talaga maintindihan si Nikolai.

"Happy Foundation Day, Sir!" bati ng buong klase nang pumasok si Atty. Nakita ko na napa-iling si Atty.

"Ako ba iyong school at ako ang binabati niyo?" tanong niya habang nilalapag iyong bag niya sa lamesa na punung-puno ng bulaklak.

"Sir, on behalf of the class," sabi ni Isobel habang lumalapit kay Atty. Siya ang laging pinapalapit ng lahat sa mga professor namin kapag kailangang makiusap. Ang ganda-ganda niya kasi talaga. Siya nga dapat iyong ka-partner ni Vito kaya lang talagang sinabi niya na kung pipilitin siya, aabsent siya sa araw ng pageant. Minsan, nakaka-takot din siya.

Naka-upo lang kami roon sa gilid habang nagsisimula iyong program. Nung unang beses kaming nagganito, nagulat ako sa mga laro nila... Sabi lang sa akin, ganito raw talaga ang laro sa law school. Kaya nandun lang ako sa pinaka-gilid lagi para hindi nila ako mapansin.

"Natakot ka talaga kay Prosec?" tanong ko kay Niko dahil kahit nagpaparty na ang mga tao sa classroom namin, seryoso pa rin siyang nagbabasa ng libro. Nakaka-panibago... pero mas nakaka-tuwa. Dati, lagi akong nag-aalala kay Niko. Hindi ko kasi alam kung paano niya itatawid ang semester ng ballpen at sarili niya lang ang dala niya.

Gumagana pala sa kanya ang negative reinforcement.

O kaya iyong trauma na muntik na siyang bumagsak.

"Duh," sabi niya lang kaya napa-iling na lang ako. "We'll graduate and take the BAR together. No one will get left behind."

Napa-ngiti ako.

Dahil busy pa rin ang mga katabi ko, nanood na lang ako ng laro nila. Mayroon silang parang trip to Jerusalem kaya lang ay imbes na upuan lang sa gitna, mayroong mga babaeng naka-upo tapos ay may saging sa gitna ng hita nila. Kapag huminto ang tugtog, uupo ang mga lalaki roon. Meron ding sabi nila ay ibang version ng chubby bunny na imbes na marshmallow ay saging.

Laging may saging.

Kaya pala ang dami kong nakitang saging kanina pagpasok ko sa room.

"Before we play our next game, let's eat our food first!" sabi ng host ng party.

"Tara na," sabi ko kay Mauro.

"Di ko na kayang kumain," sabi niya habang naka-sandal ang likod sa upuan at naka-pikit ang mga mata. "Busug na busog na ako," dugtong pa niya.

Pinagdikit ko ang mga labi ko. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ba ako sa kanya. Bunutan kasi iyong kung sino ang sasali sa laro. Palagi rin siyang nabubunot.

"Pwede ko bang bawiin iyong contri ko? Pucha, puno na ng saging iyong tiyan ko!" reklamo niya.

"Kuha na lang kita ng pagkain, gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Baka 'di ka na busog mamaya. Sayang naman," sabi ko. Tumango siya kahit naka-pikit.

Napa-tingin ako kina Niko at Sancho. Naka-upo pa rin iyong dalawa. Hindi ko alam kung hindi ba nila alam na kukuha na ng pagkain o ayaw lang nilang tumayo.

"Di ba kayo kakain?" tanong ko kay Niko.

"Later," sabi niya.

"Sancho?"

"Still full," sagot niya.

Naupo na lang ako.

Sayang... mukhang ang sarap pa naman nung pizza at saka carbonara...

Tahimik kong hinihintay na matapos sa ginagawa niya si Niko. Nahihiya kasi akong pumunta mag-isa sa lamesa. Hindi ko masyadong ka-close iyong mga kaklase ko. Nung first sem, laging sila Vito lang ang kasama ko. Ngayon namang second sem, naging busy ako sa trabaho. Sana next year, mayroon na akong maging iba pang kaibigan.

"Vito!" masayang sabi ko nang makita ko siyang bumalik sa classroom. Napa-awang ang labi niya nang marinig niya ang pagtawag ko.

"Hey..." sabi niya ng may maliit na ngiti sa labi.

"Gutom ka na ba?"

"Huh?"

"Gusto mong... kumuha ng pagkain?" tanong ko sa kanya sabay tingin doon sa lamesa. Hala. Paubos na iyong pizza.

"Uh... okay?" sagot niya.

Mabilis akong naglakad papunta sa lamesa bago maubos iyong pizza. Inabutan ko ng paper plate si Vito at saka tinidor at tissue.

"Tapos na iyong rehearsals niyo?" tanong ko habang kumukuha ng chicken at saka pizza.

"Yeah..." sagot niya. "Were you waiting for me to eat?"

"Wala akong kasama, e... Ayaw akong samahan nila Niko."

"What? Really?"

"Oo. Busy si Niko magbasa. Si Sancho busy sa cellphone niya."

"What about... Mauro?"

"Busog na sa saging," sagot ko tapos tinignan ko iyong plato ni Vito na wala pa ring laman. "Ayaw mo ba ng pizza?"

Naglakad ng isang slice ng pizza si Vito sa plato niya at saka isang maliit na manok. Sayang naman iyong binayad niya sa contribution. Pero baka busog na siya. Baka kumain na sila ni Shanelle bago bumalik sa classroom.

Pagbalik namin sa pwesto namin, masaya akong kumain. Ano'ng flavor kaya 'to ng pizza? Ang sarap!

"Do you want mine?" tanong ni Vito habang naka-turo sa pizza niya.

"Ayaw mo ba?"

"Still kinda full," sabi niya habang nilipat sa plato ko iyong pizza niya.

"Ah... Kumain kayo ni Shanelle?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Are you curious?"

"Wala lang. 'Di din kasi siya kumain," sabi ko habang naka-tingin kay Shanelle na nandun sa kabilang side ng classroom. Naka-upo lang siya at nagbabasa. Ang sipag niya rin. Saka ang cute niya talaga.

Habang kumakain ako, tinanong ni Niko si Vito tungkol doon sa isang concept sa Crim. May sinasabi si Vito kay Niko tungkol sa piracy nang biglang lumapit si Shanelle.

"What?" parang mabigat ang loob na tanong ni Vito nang lumapit si Shanelle.

"Nagtext si coach sa 'kin about sa speech," sabi ni Shanelle. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako. "Pwedeng sa labas na lang tayo mag-usap? Medyo naka-harang ako dito, e."

Tumayo si Vito at saka lumabas silang dalawa.

"Ang cute ni Shanelle," sabi ko.

Nagsnort si Niko. "Not Vito's type," sagot niya habang naka-tingin pa rin sa libro niya. Grabe. Hindi niya talaga aalisin ang mata niya roon? Grabe naman ang trauma na binigay sa kanya ni Prosec...

"Bakit naman? Ang cute naman ni Shanelle," sabi ko. Mas mukha nga siyang high school student kaysa law student, e. Saka mabait pa at masipag. Hindi rin siya mukhang masungit... Hindi kagaya nun ex ni Vito...

"Vito likes girls who are naive to the point of absurdity," sabi ni Niko. "Sancho, back me up."

"Affirmed," sabi ni Sancho.

Natawa si Mauro sa tabi ko.

Hindi ako nagsalita. Tinutukso ba nila ako? Ulit? Nakaka-hiya. Mabuti na lang at wala rito si Vito para marinig 'yang mga sinasabi nila.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakain ko. Maya-maya, nagsalita na ulit iyong host namin at sinabi na maglalaro kami. Sigurado ako may saging—

"Assia and Niko!"

Napa-tingin agad ako sa kanila.

"H-ha?"

"Let's go na! Last game na 'to!" sabi niya bago nagtawag ng iba pang pangalan. Nagka-tinginan kami ni Niko.

"Ayoko," mariin kong sabi sa kanya habang umiiling. Ayokong humawak ng saging ngayong gabi.

"Yeah, I don't wanna play," sabi ni Niko. "I love my life."

"Tara, labas tayo ng—"

Pero natigilan ako sa sasabihin ko nang lumapit sa amin si Isobel. "Guys, tara na! Last game naman na, and then dismiss na tayo," sabi niya. Hindi kami gumalaw ni Niko. "Please?" sabi niya, pero hindi pa rin kami gumalaw. "Sancho, pilitin mo naman friends mo," sabi ni Isobel kay Sancho.

Nagulat ako nang itulak patayo ni Sancho si Niko. "Maglaro daw kayo," sabi ni Sancho kay Niko. 


***

This story is 5 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top