Chapter 13

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG13 Chapter 13

Medyo naka-adjust na ako sa bagong schedule ko. Hindi na ako kasing pagod kumpara nung nagsisimula pa lang ako. Hindi na rin ako naiiyak habang naka-sakay sa jeep dahil sa dami ng ginagawa—hindi ko alam tuloy minsan kung naka-adjust na ba ako o wala na akong maramdaman. Pero may sweldo na ako—iyon ang mahalaga. Nakaka-tuwa pa na nakapagpadala ako kila Nanay kahit papaano. Sobrang natuwa ako nung nagsend sila ng picture sa akin na kumain sila ng mga kapatid ko sa SM. Maliit na bagay lang siguro sa iba pero sobrang laking bagay nun sa akin. 'Di bale, kapag naka-ipon pa ako, pangako ko na magbabakasyon kami.

"Do you think Sir will notice if I switch seats with Mauro?" tanong ni Niko. Alphabetical kasi iyong arrangement namin sa isang subject kaya hindi kami magkakatabi kapag Oblicon.

"Oo. Sabi ni Sir 'di ba hindi siya matandain sa pangalan pero matandain siya sa mukha?"

"I'll miss your notes."

Natawa ako. "Matuto ka ng magsulat."

Nasa first row si Sancho habang second row kami ni Niko. Si Vito naman ay nasa last row na. Halos araw-araw pa naman ay may Oblicon kami kasi 5 units siya. Tapos ay CrimLaw II iyong subject bago ang Obli. Sobrang aga pumasok ni Ma'am kaya iyong arrangement namin sa Obli ay iyon na rin ang pwesto namin kapag Crim. Hindi ko na nga sila nakikita tuwing umaga dahil sa trabaho tapos hindi na rin kami magkatabi.

"Nagdinner na ba kayo?"

Napa-taas ang kilay ni Niko. "What's happening?"

"Ha? Nagtatanong lang ako kung nagdinner na kayo."

"Yeah, but normally, we're the ones asking."

"Nakuha ko na kasi iyong sweldo ko. Libre ko kayo. Pero 'wag sa sobrang mahal, ha," sabi ko. Syempre nung nakuha ko iyong sweldo, tinabi ko na iyong para sa boarding house at sa emergency funds. Tapos nagpadala na rin ako kina Nanay. Pero nagtira rin ako para sa tatlong 'to kasi pangako ko sa sarili ko na ililibre ko sila, e. Buti na lang medyo malaki iyong nakuha ko... Tatlong buwang sweldo din kasi 'yun.

"Really? Nice!" sabi ni Niko.

"Congrats," sabi naman ni Sancho.

"Salamat," sagot ko. "San tayo kakain? San niyo ba gusto?"

Sabay kaming naglakad tatlo. Marami namang kainan sa paligid ng Brent kaya lang ay medyo mamahalin iyong iba. Ayoko naman silang ayain sa fast food kasi baka maarte sila kagaya ni Vito. Sana lang talaga ay 'wag sa sobrang mahal. Kaya ko siguro kahit tig-500 sila... Minsan lang naman, e.

"Let's just go there," sabi ni Vito sabay turo sa fast food.

"Ha? Sure ka?"

"Yeah," sagot niya tapos ay naglakad na siya papunta roon. Tumingin ako sa dalawa. Nagkibit balikat lang sila.

"Can I order tuna pie on top of what I'll really order?" tanong ni Niko.

"Oo na. Kahit may sundae pa."

"Nice!" sabi niya tapos ay binilisan ang takbo at sumabay kay Vito na nauna na. Napailing na lang ako. Tumingin ako kay Sancho na kasabay kong maglakad.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Oo naman. Bakit?"

"Wala lang. Tahimik mo ngayon, e."

Natawa siya. "Maingay ba ako?"

"Hindi naman. Iba lang ngayon."

"Ah... Ayoko kasi sa bagong pwesto ko."

"Grabe. Kaya ba pareho kayo ni Vito na naka-kunot ang noo?" tanong ko at nagkibit-balikat lang si Sancho. Kami kasi ni Niko kahit papaano ay magkalapit pa rin. Si Sancho nasa pinaka-una habang si Vito nasa pinaka-likod.

Natawa ulit siya. "Siguro."

"Hey, walk faster!" sigaw ni Niko sa amin nang nasa pintuan na sila ng fast food. Pagpasok namin doon, pumila na kami sa counter—natuto na sila kumpara nung una na para silang tanga na naghihintay ng menu.

Habang umu-order sila, tanung sila nang tanong sa akin kung ayos lang daw ba na iyon ang bilhin nila.

"Just burger and bottled water," sabi ni Vito.

"Parang tanga naman."

"What?" tanong niya na naka-kunot ang noo.

"Order ka na ng gusto mo. Bilis na. May pera naman ako ngayon."

"I'm okay with a burger—"

"Dalawa pong chicken with rice tapos po dalawa rin na burger saka po dalawang sundae. Isa pong coke saka isang bottled water," sabi ko para sa order namin ni Vito. "May idadagdag ka pa ba?"

"Are you sure it's okay?"

"Oo nga. Nakapagpadala na ako kila Nanay. Naka-reserve talaga 'tong pera para sa inyo," sabi ko habang naka-ngiti. "Gusto mo ba ng tuna pie?"

"Sure," sabi niya na may maliit na ngiti na rin.

Silang tatlo ang nagbuhat ng order namin habang ako iyong nagbantay ng gamit. Akala ko medyo matatagalan kami sa pagkain, pero bakit ba nagulat pa ako? Ang bilis kaya nilang kumain. Nagulat nga ako dahil nabitin pa si Niko. Pumila ulit siya sa counter at saka bumili ng burger pa. Pinuntahan ko siya para ako ang magbayad sana kaso sabi niya siya na raw. Kasalanan niya naman daw na gutom pa rin siya.

"Do you think there's a chance that Prosec will be our prof again?" tanong ni Niko. Tawang-tawa pa rin ako sa reaksyon niya nang makita niya na saktong 75 lang ang grade niya sa Crim. Buti nga pasado pa siya, e. Kalahati ng nasa section namin ay bumagsak.

"Ang alam ko sa 2nd year may chance na prof natin siya sa LabStan."

"Ah, fuck."

"Favorite ka naman nun."

"No, thanks," sabi niya habang kinakain iyong sundae niya. "I still can't believe she gave me 75. I almost failed," reklamo niya na naman.

Pagbalik namin sa parking lot, nagpaalam na ako sa kanila. Tahimik lang ako habang naka-sakay. Grabe. Nakaka-pagod iyong araw ngayon. Kailangan kong mas maging efficient sa oras ko. Nakaka-stress iyong Crim at Obli na magka-sunod.

"Good night. Ingat sa pagda-drive," sabi ko kay Vito nang huminto siya sa boarding house. Grabe. Tahimik lang talaga siya buong byahe. Baka pagod lang.

Hindi agad ako natulog dahil kinailangan ko pang magbasa para sa Obli. Mas mahigpit kasi iyong professor namin doon at saka mahalaga iyong obli dahil pre-requisite siya ng higher subjects. Kapag bumagsak ako roon, patay ako. Saka kukulitin na naman ako ni Niko sa notes ko.

Halos alas-dos na akong naka-tulog. Pagka-gising ko ng 6:30, para akong robot na nagbihis tapos ay sumakay ng jeep papasok sa trabaho. Umiglip ako sandali. Mabuti na lang at kinalabit ako ng ka-trabaho ko bago dumating si Atty. Narciso dahil baka masabon na naman ako.

"Thanks, Assia," sabi ni Atty. Villamontes nang iabot niya sa akin iyong kailangan kong i-file sa court. Sana may dumating na mas bago sa akin... Ang hirap na lagi ako iyong nagfa-file... Buti sana kung wala akong pasok, e... Ang hirap pa naman kasi bawal na akong ma-late dahil iyon ang rule sa Crim class namin.

Pagdating ko sa MTC, may pila pa. Kanina pa ako tingin nang tingin sa relo ko dahil ilang minuto na lang, dapat ay pabalik na ako. Kailangan ko pang maghintay ng jeep na sasakyan. Punuan pa naman ngayon.

"Assia."

Agad kong hinanap iyong pinanggalingan ng boses.

"Uy. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko kay Mauro. Bago lang siya sa classroom namin. Nagpalipat daw siya galing sa ibang section dahil working student din siya. Pwede pala 'yun? Pwede kaya akong magpa-lipat? Ang hirap talaga ng schedule ko, e.

"Dito ako nagta-trabaho," sabi niya.

"Talaga? Dito sa MTC?"

"Ano parang assistant ni Judge ganon," paliwanag niya. "Di ka ba papasok?"

"Papasok... Kaya lang kailangan ko pang i-file 'to," sabi ko sabay pakita nung hawak kong envelope. Meron pang tatlong tao sa harapan ko. Gusto ko sanang maki-usap kaso alam ko naman na lahat kami may kanya-kanyang ginagawa.

"Akin na. Tignan ko kung pwedeng ipauna ko na."

"Hala. Nakaka-hiya."

"Hindi, okay lang. Saka may klase pa tayo. Baka ma-late ka. Nakaka-takot pa naman si Sir," sabi niya tapos ngumiti bago kinausap iyong babae na assigned sa pagtanggap nung application.

Akala ko masungit iyong babae pero nagtawanan pa sila ni Mauro. Maya-maya lang ay bumalik na si Mauro at sinabi sa akin na hintayin lang namin sandali.

"Grabe. Salamat."

"Wala 'yun," sabi niya. "Nag-aral ka na ba?"

"Hindi pa nga masyado, e," sagot ko tapos nagsabi ako sa mga hirap ko dahil sa pagiging working student. Ang saya kausap ni Mauro dahil pareho kami ng mga reklamo. Pareho kaming minsan sa office na natutulog dahil sa mga biglaang pinapa-gawa. Grabe. Ang saya naman na may nakaka-usap na ako tungkol sa ganito.

Nang matapos na kami, sinabay ako ni Mauro dahil may sasakyan pala siya. Sabi niya sasakyan daw ng tatay niya iyon kaya lang ay siya na ang gumagamit dahil nahihirapan daw siyang magcommute papasok sa school dahil rush hour tuwing uwian namin.

"Shit. Takbo na tayo. Baka maunahan tayo ni Atty," sabi ni Mauro nang maka-rating kami sa Brent. Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin si Atty na papa-akyat na sa hagdan. Hindi ko akalain na ganoon pala akong ka-bilis tumakbo!

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko!

Mabilis kong binuksan iyong pinto at saka tumakbo papunta sa pwesto ko. Nang maka-upo na ako ay doon ko lang napansin na naka-tingin sa amin lahat ng classmates namin. Naka-kunot ang noo ni Niko sa akin. Huminga na lang ako nang malalim dahil alam ko paparating na si Atty.

"Ms. Lee, where did we end last meeting?" tanong ni Atty sa beadle namin. Pagkatapos sumagot ng beadle, agad na nagshuffle si Atty. Grabe. Muntik na kami ni Mauro doon, ah!

* * *

Halos wala na akong lakas nang matapos kami sa araw na iyon. Nagklase kami sa Crim at Obli at parehong may recitation. Bale 4 na oras akong kinakabahan. Ang malas pa dahil hindi ako natawag sa dalawa. Kinabahan ako sa wala. Pero mas mabuti na 'yun. Mag-aaral ako nang mas mabuti. Grabe silang magtanong... Lagi ring sinasabi sa amin na hindi na kami pwedeng maging tanga kagaya nung sa first sem dahil nasa second sem na raw kami. Hindi na raw acceptable defense iyong naninibago kami.

"Inaantok na ko..." sabi ko nung lumabas kami ng classroom.

"Are you and that Mauro close?" tanong ni Niko.

"Ayos lang. Bakit?"

"Survey purposes," sagot niya. "Why did you two come to class together?"

Nagkwento ako sa kanila tungkol sa nangyari kanina. Grabe. Ramdam na ramdam ko pa rin iyong kaba nung makita namin si Atty. Ano kaya ang nangyari kung mas nauna siya sa amin? Bilin pa naman niya na ayaw niya ng late... Sisigawan niya kaya kami?

Nang matapos ako, tumawa sina Niko at Sancho.

"Bakit?" tanong ko.

"Nothing," sabi ni Niko. "Night, you two," sabi niya pa bago pumasok sa sasakyan niya. Nagpaalam din si Sancho. Ang weird naman.

Pagpasok ko sa sasakyan ni Vito, mas lalo akong inantok dahil ang kumportable talaga nung upuan tapos tama lang iyong lamig kumpara sa classroom namin.

"Okay lang ba kung umiglip lang ako sandali? Pagising na lang kapag nandun na tayo?" tanong ko tapos hindi ko na nahintay iyong sagot niya dahil inantok na talaga ako.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nagtaka ako dahil nasa parking lot na naman ako. Grabe... Nasa Brent pa rin ba ako? Pero pagtingin ko sa paligid, napansin ko na nasa parking ako ng grocery na malapit sa Brent. Nadadaanan ko 'to pero hindi pa ako nakaka-punta talaga.

Gusto ko sanang lumabas kaya lang ay hindi ko alam kung nasaan si Vito at saka hindi ko alam kung paano i-lock 'to. Baka may mawala sa sasakyan.

Tumayo na lang ako sa labas. Sumilip ako sa loob ng grocery at nakita ko si Vito roon na may dalang basket. Sinubukan kong tignan kung ano ang dala niya pero masyado na akong malayo.

'Pano i-lock sasakyan?'

'I'm almost done.'

'Okay... Hintayin kita dito.'

Naka-sandal lang ako sa sasakyan niya. Ang lamig ng hangin. Minsan, nakaka-pagod talaga... pero iniisip ko na in a few years, aanihin ko rin lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon.

Sabi nga ng prof ko, 'If going to law school is easy, then everyone would be doing it. The fact that it's hard is what makes it special.'

"Ano'ng binili mo?" tanong ko kay Vito nang maka-labas na siya ng grocery. May dala siyang 2 paper bag.

"Food," sagot niya tapos nilagay niya sa backseat iyong pinamili niya. Pumasok na siya sa sasakyan kaya naman sumunod na ako. Ang tahimik niya naman... Nakaka-panibago.

Paghinto namin sa boarding house, bago pa man ako makapagsabi ng good night, lumabas si Vito at saka binuksan iyong sa backseat.

"Bakit?" tanong ko nang iabot niya sa akin iyong paper bags.

"Snacks."

"Ha?"

"I'd say that studying during wee hours of the morning is bad for the health, but I know that your schedule is difficult," sabi niya. "So here, have some healthy snacks."

"Kapag nagku-kwento ako sa 'yo ng nangyayari sa buhay ko, hindi ako nagpapa-bili ng kung anu-ano."

"I know."

"Bakit may ganito?"

Nagkibit-balikat siya. "There's trail mix there and dark chocolate bars. Also, some milk and vitamins."

"Si Vito naman."

"Just accept these," sabi niya sabay abot ulit sa akin ng paper bags.

"Grabe naman 'to," sagot ko habang inaabot iyong paper bags. "Kapag naging abogado na ako, libre na consultation mo for life pati ng asawa at buong pamilya mo."

Akala ko matatawa siya pero seryoso lang ang mukha niya.

"Don't stay up too late, okay?" sabi niya bago pumasok sa sasakyan. Pinanood ko na lang siya hanggang sa maka-alis siya. Pagpasok ko sa gate, nagulat ako dahil nakita ko si Rose.

"Alam mo kung may award sa pagiging manhid? Sa 'yo na ang korona!" sabi niya. "Imbyerna ka, girl."


***

This story is 6 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top