Chapter 11
#DTG11 Chapter 11
Agad na nakita ko si Niko sa gitna. Napapa-libutan siya ng maraming tao. Ang saya niya tignan. Talagang friendly siya. Si Sancho kasi medyo may pagka-suplado. Si Vito naman ay hindi magsasalita kung hindi mo kaka-usapin. Si Niko iyong pinaka-friendly... kung sabagay, mahilig kasi siyang manghingi ng papel o manghiram ng ballpen kaya wala siyang choice kung hindi kausapin iyong mga tao sa classroom.
"My birthday wish for you is for girls to stop pretending that you knocked them off," sabi nung isang lalaki na katabi niya. Biglang naibuga ni Niko iyong ininom niya na alak. Nagtawanan iyong mga tao.
Masaya naman yatang magparty. Wala pa naman akong nakikita nung sinasabi ng mga classmate ko na bastos—
"What?" tanong ni Vito nang nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako naka-sagot. Sinundan niya iyong tinitignan ko at nakita niya rin iyong babae at lalaki sa isang gilid na...
Hala.
Ang bastos nga dito.
Agad na humarang sa harapan ko si Vito.
"Are you hungry? There's food here," sabi niya.
"Ah... oo," sabi ko na lang pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko iyong nakita ko. May kwarto naman dito... Sa labas talaga nila ginagawa? Ang dami pa kayang tao...
Hinawakan ni Vito iyong pala-pulsuhan ko at saka marahan akong hinatak. Sumunod na lang ako sa kanya dahil wala rin naman akong kakilala rito maliban doon sa tatlo.
"Can I have a menu?" tanong niya roon sa lalaki. Inabot sa akin ni Vito iyong menu. "We can go to a fast food if you want real food. I think they only have finger food here."
Umiling ako. "Hindi na," sabi ko. Birthday ni Niko, e. Magstay na lang ako rito. At saka uuwi na rin naman ako mamaya dahil inaantok na talaga ako.
Hindi ko alam kung ano ang oorderin ko kaya hinayaan ko na si Vito ang mamili ng kakainin ko. May tiwala naman ako sa kanya. Masarap naman lagi ang kinakain niya. Pagkatapos niyang umorder, nagpaalam siya sa akin na pupunta raw siya sa CR.
"Hey," sabi ng isang lalaking lumapit sa akin.
"Hi," sagot ko.
"Have a drink," sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na baso.
Agad akong umiling. "Hindi po ako umiinom..." sabi ko tapos tumingin sa paligid para hanapin kahit sino sa tatlo pero wala akong makita.
"Just one?" sabi nung lalaki.
"Hindi po talaga..."
"Come on... Masamang tumanggi sa alak."
Tumingin ako sa lalaki. Siya iyong katabi kanina ni Niko, e. Mabait naman siguro 'to. Saka mukhang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako pumapayag.
"Isa lang, ha..." sabi ko habang kinukuha iyong baso. Agad kong inatras nung matikman ko kung gaano katapang iyong lasa. Tumawa iyong lalaki sa harap ko.
"Just drink it straight," sabi niya. Nagsalin siya sa isa pang hawak niyang baso. Grabe. May dala talaga siyang bote. "I'm Lui, by the way. Are you a law student? Or the other friends of Niko?"
"Sa law school," sagot ko.
"Oh. I'm from SCA," sabi niya. "Cheers."
Sinunod ko iyong sinabi niya at diretso kong ininom iyong alak. Parang may kung ano sa lalamunan ko tapos ang init ng tyan ko. Grabe naman... Kakainom ko pa lang parang naiinitan na agad ako...
"Lui, what the hell!"
"What? I'm just making friends," natatawang sabi ng lalaki. "See you around, Assia," sabi niya pa bago kumaway at umalis.
Hinawakan ni Vito iyong magkabilang balikat ko. "Why did you drink?"
Hindi agad ako naka-sagot at mabilis kong pinaypayan ang sarili ko. "Ayaw niya kasing umalis, e... Ang init naman dito bigla..."
Nagmura pa si Vito pero hindi ko na siya pinansin. Gusto ko ng tubig. May nakita akong baso roon at saka inabot ko.
"Assia, what the—" sabi ni Vito nang diretso kong inumin iyon. Grabe. Akala ko tubig.
Agad akong bumaba.
"CR," sabi ko.
Sinubukan kong maglakad.
Hala.
Baka hindi na straight 'yung daan.
Diretso akong naglakad pero sa iba ako napupunta. Tapos natawa ako bigla. Hinatak ako ni Vito. Natawa ako kahit wala namang nakaka-tawa.
"CR."
"Yeah, yeah," sabi ni Vito habang hawak iyong braso ko. "I left you for less than 5 minutes."
"CR."
"Can you walk up the stairs? There's a line," sabi niya sabay turo sa linya ng mga babae sa harap ng CR. Tumango ako. Pagdating namin sa hagdan, nagdodoble na iyong paningin ko kaya mali iyong tapak ko. Tinapik-tapik ko iyong pisngi ko.
"Wait lang. Doble iyong paningin ko, Vito." Sinubukan ko ulit na humakbang pero mali ulit. "Isa pa—" pero hindi ko naituloy iyong sasabihin ko dahil naramdaman ko na naman na binuhat niya ako. Grabe naman. Hindi man lang nakapaghintay. Sinusubukan ko naman humakbang.
"Let this be a lesson that you shouldn't drink. You're a lightweight," sabi niya habang buhat-buhat ako.
"Wala kasi akong pangkain kaya magaan ako. Kapag nagka-pera na ako bibigat na ako..."
Bigla siyang natawa. "That's not what— " sabi niya tapos natigilan. "Never mind. Can you go to the CR alone?"
Tumango ako.
Binaba niya na ako sa harap ng CR. Huminga ako nang malalim tapos pumasok ako sa CR. Naghilamos muna ako para mawala iyong hilo ko. Nang matapos ako, lumabas na ako.
"Magagalit ba si Niko kapag umuwi na ako? Inaantok na kasi ako..." sabi ko sa kanya. Halos wala pa akong tulog dahil sa exam tapos ang daming pinagawa sa trabaho... Pinilit ko lang talaga pumunta para hindi siya magtampo. Hindi pa nga ako nakaka-bili ng regalo niya, e.
"Salamat," sabi ko nang abutan ako ni Vito ng panyo niya. Ang lambot naman nito. Parang hindi deserve ng mukha ko.
"Let's find Niko first," sabi niya.
Inalalayan ako ni Vito habang pababa kami ng hagdan. Pagbaba namin, ang daming bastos sa gitna.
"Just don't look at them," sabi ni Vito.
"Bakit sa gitna nila ginagawa?"
Narinig ko na natawa siya. "I don't know. They're drunk."
"Lasing din naman ako... yata... pero ayoko naman gawin 'yan," sabi ko sabay turo doon sa dalawang... hala... grabe... parang magpapalit na sila ng mukha.
Agad na ibinaba ni Vito iyong kamay ko. "Don't point at them."
"Nakaka-hinga pa kaya sila?"
Tumawa na naman si Vito. "I'm sure."
"Na-try mo na?"
Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kanya. Namumula iyong mukha niya.
"Let's just find Niko," sabi niya tapos ay hinatak ako palayo roon sa lugar na maraming bastos. Hindi nga nagsisinungaling iyong mga classmate ko... Bukod sa inom, bastos nga ang ginagawa nila... Si Vito ata ang niloko ako... Sabi niya inom lang ang ginagawa kapag party...
Grabe naman pala ang party ni Niko.
'Di na ako pupunta ulit.
Pakiramdam ko naikot na namin iyong buong lugar pero hindi namin nakita si Niko.
"Where's Niko?" tanong niya roon sa lalaki. Tumawa iyong lalaki. "The fuck, Yago? Where's Niko?"
"In heaven... probably."
Naka-kunot ang noo ko. Minsan pakiramdam ko may secret code iyong mga tao sa paligid ko. Iba iyong naririnig ko sa ibig talaga nilang sabihin.
"What—" sabi ni Vito at saka natigilan. "Seriously... And here I am thinking that Rory finally straightened the shit out of you."
Tumawa na naman iyong lalaki tapos ininom iyong hawak niya. "Don't hate the player; hate the game," sabi nung Yago. "It was Lui's idea, anyway. I just helped with the fine tuning of the details."
"Such as?"
"His type."
"Where is Rory?"
"Pangasinan," sabi nung lalaki. "Hi, I'm Yago. You are?"
"Assia po," sabi ko. Tumango iyong lalaki tapos naka-ngiti. Bakit ang gwapo ng lahat ng kaibigan ni Vito? May rule ba siya na bawal siyang lapitan ng mga hindi gwapo at maganda?
"Let's go," sabi ni Vito.
"Ha? Si Niko?"
"He's... elsewhere," sagot niya. Tumingin na lang ako kay Yago at nagpaalam bago ako hinatak ni Vito palabas ng club. Nang maka-labas kami, tumingin ako sa paligid kasi baka nandun si Trini...
"What are you looking for?" tanong ni Vito nang mapansin niya na patingin-tingin ako.
Umiling ako. "Wala," sagot ko.
Hindi naman na siguro kami magkikita ni Trini... Hindi naman siya pumapasok sa school... Saka hindi niya naman alam kung saan ako naka-tira at nagta-trabaho... Saka ang ganda niya naman... Sigurado ako na makaka-hanap siya ng ibang gusto siyang maka-sama... Ang hirap naman kasi kung ipipilit niya iyong sarili niya sa tao na hindi na siya gusto.
"Ayun 'yung sasakyan mo..." sabi ko sabay turo sa kulay blue niyang Audi.
"Let's go to the convenience store first."
Sumunod na lang ako sa kanya. Pagpasok namin doon, dumiretso siya sa ref at saka kumuha ng 2 bote ng tubig at saka 1 gatorade.
"You wanna eat?" tanong niya. Hindi ko nakain iyong inorder niya... Sayang naman... Inabot ko na lang iyong cup noodles. Pagdating namin sa counter, binayaran iyon ni Vito. Siya iyong nagdala nung cup noodles habang hawak ko iyong gatorade.
"It's still hot," sabi niya nang kainin ko agad iyong noodles kasi medyo umuusok pa iyon. Ang sarap talaga... Kung hindi lang ako magkaka-sakit sa bato kapag palagi akong kumain nito, e...
"Okay lang. Sanay ako," sagot ko sa kanya. Napa-iling na lang siya. Tahimik akong kumain ng cup noodles tapos binuksan niya iyong tubig at saka gatorade. Nagpasalamat ako sa kanya.
"What's your plan?"
"Plan?"
"Yeah... I heard that professors don't go to class the week after the exam."
"Talaga?" Tumango siya. Nanlaki iyong mata ko sandali tapos napa-buntung-hininga ako.
"Why?"
"Naisip ko sana na uuwi ako sa Isabela para makita ko pamilya ko kaso naalala ko may trabaho na nga pala ako..." sabi ko. Nakaka-miss sila Nanay. Minsan ko na nga lang sila maka-usap kasi daming ginagawa sa trabaho, e. Basta bilin lang nila sa akin magtetext ako lagi kapag naka-uwi na ako. Ginagawa ko lagi kasi ayokong mag-alala sila. Babae pa naman ako tapos mag-isa ako sa Maynila.
"Next month there's a long weekend," sabi niya. "Do you wanna go home?"
"Tignan ko muna. Baka maraming ipagawa," sagot ko. "Gusto ko sana good shot ako kay Atty. Villamontes."
"Is he good?"
"Oo. Alam niya kasi na midterms natin kaya wala siyang masyadong pinagawa. Bakit?"
"Nothing... I just heard some things about his family."
"Ah... oo nga, e," sabi ko. "Pero hindi naman porke ganon ang pamilya niya, ganoon na rin siya. Hindi naman kasi natin napipili kung saang pamilya tayo ipapanganak... pero mapipili natin kung anong klase ng tao magiging tayo."
Hinigop ko iyong sabaw nang maubos ko na iyong noodles. Ininom ko rin iyong tubig niya. Naghanap ako ng tissue para punasan iyong labi ko pero wala akong makita.
"Lalabhan ko muna tapos balik ko sa 'yo sa Monday, ha?" pagpapaalam ko bago ko ipunas sa labi ko. Tumango lang si Vito. Sabagay. Basa na rin iyong panyo dahil pinamunas ko kanina nung naghilamos ako.
Tinapon ko na iyong lalagyan ng cup noodles at saka iyong bote ng tubig. Dala ko lang iyong gatorade habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya.
"If there's no classes next week, what's your plan?"
"Uwi ng maaga. Advance reading."
"Have you explored Manila?"
"Hindi pa nga, e."
"Where do you wanna go?"
"Gusto kong pumunta sa Mall of Asia ba 'yun? Lagi kong nababasa 'yun dati, e."
"MOA?"
"Oo. Pero saka na. Sa bakasyon na."
Halos maka-tulog ako nang nasa loob na ako ng sasakyan ni Vito. Ang kumportable talaga ng mga sasakyan niya. Kapag kasi kay Niko ako sumasabay, parang mamamatay na rin ako dahil sa bilis niya magpa-takbo, e.
"Pano kayo naging magkakaibigan nila Niko?" tanong ko habang nagda-drive siya. Wala na halos sasakyan sa kalsada dahil madaling-araw na, pero kalmado pa rin magdrive si Vito. Kung si Niko 'to sigurado ako naka-hawak na ako sa kung saan man pwedeng humawak.
"High school," sabi niya.
"Pati college?"
"Yeah," sagot niya. "You remember Yago? The guy from earlier?" tanong niya at tumango ako. "He's actually a part of our... group. But he went to the US for college. He just came back for law school."
Grabe namang high school 'yan.
Para siguro silang iyong mga nasa anime at kdrama.
"Law student din siya? Bakit 'di siya kasama sa inyo?"
"Well... We were supposed to go to SCA, too... But there was a change of plan."
"Ano'ng nagbago?"
"Not at liberty to discuss."
"Hmm... kung doon kayo nag-aral, 'di tayo magiging friends."
"Brent's literally beside SCA. Maybe I'll bump into you."
"Baka 'di mo rin ako pansinin."
"And why?"
"Mukha akong patatas."
Tumawa siya. "Patatas?"
"Oo. Saka baka 'di rin kita pansinin."
"Wow... really?"
"Oo kasi busy ako mag-aral."
"We can be friends and study together?"
"Hindi siguro. Paano tayo magiging friends kung magka-ibang school tayo? Saka sa library lang naman ako nag-aaral. 'Di ako nag-aaral sa coffee shop maliban kung sinasama niyo ako. Kaya pakiramdam ko talaga hindi tayo magiging magkaibigan kung sa SCA kayo nag-aral."
Hindi agad sumagot si Vito. Naka-tingin lang siya sa daan. Ang ganda naman pala ng Manila kapag gabi. Wala masyadong sasakyan. Puro ilaw lang.
"Things happened for a reason," sabi niya nang magkulay pula iyong traffic lights. "We're meant to bump into each other," pagpapatuloy niya habang tumingin sandali sa akin tapos ngumiti.
**
Read advanced chapters on patreon.com/beeyotch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top