Chapter 09
#DTG09 Chapter 09
"Thanks, Ms. dela Serna," sabi ni Atty. Villamontes sa akin nang iabot ko sa kanya iyong file na pinapa-hanap niya.
"May ipapagawa pa po ba kayo?"
"Okay na," sagot niya. "Midterms niyo ngayon, right? Sa Brent ka nag-aaral, 'di ba?"
"Yes po, Sir."
"Sige, aral ka na. I'll just call you kapag may ipapagawa ako," sabi niya na ngumiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya. Sobrang blessing talaga na napunta ako kay Atty. Villamontes kasi ang bait niya sa akin. Minsan marami siyang pinapagawa, pero sobrang minsan lang... Tapos madalas pa umaalis siya kaya wala rin akong ginagawa.
"Salamat po, Sir," sabi ko bago ako bumalik sa pwesto ko. Kinuha ko lang iyong notebook at reviewer ko tapos pumunta ako roon sa may fire exit. Nung isang beses kasi na nag-aral ako sa loob, sinabihan ako na hindi ako binabayaran para mag-aral... Pero exam kasi ngayon kaya kailangan kong galingan...
Crim iyong unang exam ko. Kinakabahan ako kasi ang balita raw, walang pumapasa sa midterm exam ni Prosec... Tapos wala pa raw kalahati ang papasa sa mismong course... Kapag pa naman hindi ka pumasa sa Criminal Law I, hindi ka makakaproceed sa Criminal Law II... E 'di delayed na agad ako?
Paulit-ulit kong binabasa iyong mga concept lalo na iyong sa pinagkaiba ng frustrated, attempted, at consumated. Nung una kong nabasa sila akala ko madali... pero nung nagbigay na si Prosec ng mga example, bigla akong nalito. Pati iyong proximate cause na medyo nalilito pa rin ako ngayon.
"Conspiracy exists when two or more persons come to an agreement concerning the commission of a felony and decide to commit it," pagrerecite ko. "Proposal to commit a felony exists when the person who has decided to commit a felony proposes its execution to some other person or persons."
Nagrecite pa ulit ako nung definition ng stages of crime kasi sabi nila mas mataas daw ang grade kapag verbatim iyong sagot. Kailangan mataas ang grade ko ngayong midterm kasi mas mahirap na kapag sa finals pa ako maghahabol.
"Oh, sorry," sabi ni Atty. Villamontes nang buksan niya iyong pinto. Agad akong napa-tayo. "Nag-aaral ka ba? Akala ko kasi walang tao."
"Dito po ba kayo, Sir? Lipat na lang po ako," sabi ko sa kanya. Ayoko na mainis sa akin si Sir kasi baka malipat na naman ako. Kahit sandali lang ako kay Atty. Narciso, parang bangungot iyon sa dami ng pinagawa sa akin.
"It's fine. D'yan ka lang. Alis din ako. Nagpapa-lamig lang ako."
Hindi na ako sumagot. Ang init nga dito, e. Ang lamig kaya sa opisina niya akala mo may snow.
Nag-aral na lang ulit ako. Binasa ko iyong digest ko sa mga kaso kasi baka may lumabas doon. Kinakabahan talaga ako sa exam... Pinaka-unang exam ko 'to sa law school... Puro essay daw kasi tapos puro situation... Magbibigay daw ng situation tapos sasabihin mo kung ano iyong crime tapos syempre kailangan may legal basis.
Grabe.
Ang hirap maging abogado.
Kaya siguro ang tatapang ng mga abogado... isipin mo ganito ang dinadanas nila araw-araw sa law school pa lang? Ako nga nasa unang semester pa lang pero pagod na ako, e.
"Sino'ng prof mo?" tanong bigla ni Sir.
"Prosec Galicia po."
"Same pala tayo. Prof ko rin siya dati."
"Ang hirap nga po sa kanya."
Tumawa si Sir. "Ganon talaga, pero matututo ka d'yan," sabi niya. "Baka may nagsabi na sa 'yo, pero si Atty. Galicia, naghahanap 'yan ng key words sa mga sagot niyo. Kapag hindi niya nakita kahit tama sagot niyo, 'di mo pa rin makukuha iyong perfect score... Actually, wala pa akong kilala na naka-perfect 10 sa kanya."
Grabe naman.
Patay si Niko at iyong 'but the thought is there' niya.
"Salamat po sa tip, Sir," sabi ko. Malaking tulong iyon. Tama pala na verbatim ako nagmemorize.
"Arthur na lang," sabi niya. "Ahead lang naman ako sa 'yo ng ilang taon." Ngumiti lang ako. Awkward na Arthur ang itatawag ko sa kanya. "Anyway, I'll leave you be. Good luck sa exam."
Nagpasalamat ako bago niya ako iwan sa fire exit. Huminga ulit ako nang malalim bago nagsimulang irecit ulit iyong mag articles na pasok sa midterm exams namin.
* * *
May 30 minutes pang natitira nang maka-rating ako sa school. Doon ako sa may gilid ng chapel nag-aral para tahimik. Binabasa ko lang ulit iyong notes ko. Tapos nung 10 minuto na lang, tumahimik ako para mapahinga iyong utak ko.
Naka-tingin lang ako sa kawalan nang mapansin ko na nasa gitna ng parang garden sa gilid ng chapel si Vito. Hawak niya iyong RPC codal at nagsasalita siya mag-isa. Napa-tingin siya sa orasan niya tapos ay mabilis siyang naglakad papunta sa classroom. Tumingin ako sa relos ko kasi gusto ko pagpunta ko sa room, pasimula na iyong exam. Ayokong maka-rinig ng kung ano dahil magugulo lang iyong inaral ko.
"Ano ba 'yan..." naiinis na sabi ko nang makita kong huminto iyong relos ko. Tinapik-tapik ko iyon, pero hindi siya gumagalaw. Wala pa namang orasan sa classroom. Paano ko malalaman kung ilang minuto na lang ang natitira? Baka magulat na lang ako last 10 minutes na pala?
Mabilis akong pumunta sa room. Napa-hinto ako nang makita ko si Vito sa labas.
"What's the matter?" tanong niya.
"Wala ng battery iyong relo ko," sabi ko. "Nandyan na ba iyong proctor?" tanong ko pero biglang nanlaki iyong mga mata ko nang tanggalin niya iyong relo niya. "Hala, hindi na—"
"It's okay. I have a spare in my car," sabi niya tapos mabilis na umalis at nakita ko na lang ay pababa na siya ng hagdan. Grabe naman! Ang hirap magreklamo kay Vito kasi para siyang guardian angel na binibigay kung anuman iyong sinasabi ko.
Pagpasok ko sa classroom, nag-uusap iyong mga tao tungkol sa mga concept. Huminga ako nang malalim. Nakita ko na kumaway sa akin si Niko.
"Saved you a seat," sabi niya sabay turo sa upuan sa harap niya. Nasa gilid niya si Sancho. Siguro si Vito iyong nasa gilid ko. May formation na ata kami. "Where's Vito?"
"Kumuha ng relo..."
"Huh? Why?"
"Pinahiram niya—" sabi ko pero napa-hinto ako nang pumasok iyong proctor sa classroom. May dala siyang isang tali ng booklet. Malamig na sa classroom pero parang mas nanlamig ako. Lord...
"No talking. No looking at your classmate's booklet. It's 5:30 and we'll end at exact 7:00," sabi niya bago nagsimulang magpamigay ng booklet. Hindi ako makapagsimula dahil wala pa rin si Vito. Dapat 'di niya na binigay sa akin iyong relo niya, e. Kaya ko namang magsagot kahit wala.
"The fuck..." rinig kong sabi ni Niko kaya naman napa-tingin agad ako sa questionnaire. Ang daming sub-question! Nasaan na ba si Vito? Ang dami nito. Kailangan niya ng magsagot.
Agad na napa-tingin ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nun. Nandun si Vito na mukhang medyo pawis dahil tumakbo ata siya papunta sa parking. Nakita ko na pinagalitan siya ng proctor habang binibigay sa kanya iyong samplex.
"Sorry—"
"No talking," malakas na sabi ng proctor kaya hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko. Ngumiti na lang si Vito sa akin bago siya nagsimulang magsagot ng exam.
Pagud na pagod na iyong kamay ko kahit nasa kalahati pa lang ako ng exam. May 2 items pa ako na hindi nasagutan dahil hindi ako sigurado sa sagot. Patingin-tingin ako sa relo ni Vito. Nakaka-takot naman 'to isuot... 'Di ako pamilyar sa brand pero mukhang mahal, e. Ibabalik ko agad 'to mamaya.
Meron pa akong 12 minuto. Naka-tingin pa rin ako sa tanong. Hindi ko sigurado kung impossible crime ba siya... pero parang ang dali kung iyon ang sagot? Mukha pa namang fan si Prosec nung mga tanong na parang madali pero madali ka ring babagsak...
"Last 10 minutes," announced ng proctor. Huminga ako nang malalim. Impossible crime na iyong sinagot ko. Nilagay ko na lang lahat ng requisite para kunwari may alam pa rin ako. May partial points naman siguro... Sayang iyong tinta ng ballpen ko...
Nang matapos ang exam, ang daming tao sa hallway. Nag-uusap sila tungkol sa mga sagot nila sa exam. Sumasakit ang ulo ko kasi iba iyong sagot ko sa kanila.
"The fucking sorcery was that!"
Agad na hinanap ko iyong pinanggalingan ng boses dahil sigurado akong si Niko iyon. Agad na nakita ng mga mata ko si Niko dahil kitang-kita silang tatlo na magkaka-tabi. Ang tatangkad kaya nila.
"Salamat," sabi ko sabay abot ng relo ni Vito.
"No problem," sabi ni Vito. "Do you still need this for tomorrow?"
"Hindi na... Papalagyan ko na lang ng battery 'yung sa 'kin."
"You sure? Do you have time for that?"
Hindi agad ako naka-sagot. Oo nga, noh. Wala pa naman akong alam na pagawaan ng relo dito...
Kinuha ni Vito iyong kamay ko tapos sinuot ulit sa akin iyong relo. Medyo maluwag kaya mukha siyang bracelet sa akin.
"Just return to me after the exam."
"Assia, for my birthday gift, try asking for Vito's car. I wonder if he'll 'lend' that to you, too," sabi niya pero mabilis siyang siniko sa tiyan ni Vito kaya napa-aray siya. Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.
Sabay-sabay kaming naglakad sa hallway. Kung pwede ko lang takpan iyong tenga ko sa mga nagdidiscuss ng sagot nila, e. Buti pa sila Vito—mukhang walang balak magdiscuss ng sagot.
"Adios, amigos," sabi ni Niko bago siya sumakay sa jeep niya.
"See you," sabi naman ni Sancho.
Kumaway na lang ako sa kanilang dalawa bago sumakay sa sasakyan ni Vito. Tahimik kong sinuot iyong seatbelt.
"Bakit bago na naman sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.
"This is smaller than my SUVs," sagot niya bago buksan iyong makina. "I think this will fit in your street."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"So that I can drop you off in front of your place," sagot pa niya habang papalabas kami ng Brent.
Napa-kurap ako dahil sa sagot niya. Nagpalit siya ng sasakyan para roon? Masyado bang nakaka-takot iyong dinaanan niya para mag-iba pa siya ng sasakyan para mahatid ako? Hindi naman nakaka-takot masyado... 'Di lang siya sanay talaga.
"It's Niko's party on Saturday."
"Oo nga, e... Wala pa akong regalo. Okay lang kaya kung pagkain?"
"I think he'll appreciate your attendance."
"Wala akong—" sabi ko tapos napa-hinto ako. Baka kapag sinabi ko na wala akong isusuot e bigla kaming huminto sa mall at bilhan niya ako ng damit. "Kapag talaga wala akong gagawin, dadaan ako roon."
As in dadaan lang ako. Para walang masabi si Niko. 'Di ko na kasalanan kung hindi niya ako makikita roon.
"It's just a party. I promise you won't have to drink or anything. I just want you to have fun," sabi niya.
Tumango na lang ako. Iba siguro iyong definition ko ng fun. Ang fun para sa akin ay gumala sa mall at manood ng sine tapos ay gumala sa bookstore tapos kumain sa fastfood. Pero ano ba ang alam ko? 'Di pa naman ako nakaka-subok magparty... Malay ko ba kung masaya talaga 'yun.
"Okay na ba 'yang kamay mo?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, I think so."
Tumango na lang ulit ako. Minsan hindi ko maintindihan. Ang tangkad ni Vito pero nagawa sa kanya iyon ni Trini? Kung si Trini man ang may gawa nun... Hindi talaga exclusive sa babae ang abuse...
"About Niko's party, you can just wear your jeans and whatever top you got," sabi niya. Nabasa niya ba iyong isip ko? "The party's exclusive so you don't have to worry about dress code."
"Ta-try ko nga..."
"Sure."
"Dadaan ako, promise."
"Like literally?" tanong niya. Ano ba 'yan. 'Di pa nga simula, nabuko na ako.
Huminto na siya. Nakita ko si Rose sa may gate. Nagkataon lang ba o inabangan niya talaga? Grabe naman kung inabangan.
"Oo na..." sabi ko sa kanya. "Punta na talaga ako... pero sandali lang ako."
Ngumisi siya. "Great. You already promised."
"Oo na..."
Inunlock niya na iyong sasakyan. Inabot ko sa kanya iyong relo. "Sa 'yo muna 'to. Kunin ko na lang bukas."
"Why?"
"Ang mahal, e. Baka mawala ko."
"It's fine. It's already old."
"E basta," sabi ko tapos inalis iyong seatbelt ko. "Kunin ko na lang bago magsimula iyong exam," pagpapatuloy ko bago buksan iyong pintuan. "Salamat ulit sa paghatid. Aral kang mabuti! Good night!" sabi ko bago pumasok sa gate. Nang maka-pasok lang ako sa mismong pinto at saka umalis iyong sasakyan ni Vito.
"Sana all..." rinig kong bulong ni Rose.
**
Read advanced chapters on patreon.com/beeyotch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top