Chapter 06
#DTG06 Chapter 06
"Isobel..." pagtawag ko sa beadle namin sa Persons.
"Yes?" sagot niya.
"Pwede favor? Kasi wala pa si Vito. Pwede kayang makiusap sa proctor na maghintay kahit 15 minutes lang?" tanong ko sa kanya. Kaka-announce lang kasi na wala na naman si Atty pero nag-iwan siya ng quiz. Akala ba ni Vito na hindi papasok si Atty kaya hindi na lang din siya pumasok? Pero hindi naman siya ganon. Pumapasok naman siya dati kahit hindi kami sinisipot ni Sir.
"Ah, si Sartori?" she asked and I nodded. "Got it. I'll buy you 15 minutes, but text him na magmadali na."
Nagpasalamat ako sa kanya bago bumalik sa pwesto ko. Nakita ko na naka-tingin si Sancho sa akin. Tinanong ko na lang siya kung sumagot na ba si Vito, pero sabi niya walang sumasagot ng cellphone niya.
Nang dumating iyong proctor namin, nakita ko na kinausap siya ni Isobel. Agad na pumayag iyong proctor. Sobrang ganda kasi ni Isobel. Minsan nga napapa-tulala din ako sa kanya, e.
"Hindi ba talaga sumasagot?" tanong ko kay Niko na nagrereview.
"No," sabi niya. "But he really sometimes does this. I'm sure he's fine."
"Normal lang sa kanya na hindi magparamdam?"
"I mean, he's got a life outside law school," sabi niya habang naka-tingin pa rin sa binabasa niya. Hindi ako naka-sagot. Tama naman siya. Baka nasobrahan lang ako sa pag-alala. "Hey... I didn't mean to offend you or anything."
Umiling ako. "Di naman ako na-offend," sabi ko sabay bukas din ng notebook ko. Makapag-aral na nga lang.
"Maybe he's just with his family," sabi ni Niko. Ngumiti na lang ako sa kanya. Tama naman siya. Baka nga may inasikaso lang... Kagaya nung huling beses. Akala ko absent siya pero birthday party niya pala. Baka may pinuntahan lang na birthday.
Nang matapos iyong 15 minutes, lumingon sa akin si Isobel at nagsabi ng sorry. Nagpasalamat lang ako sa kanya. At least nagtry pa rin siya. Pero wala na kaming magagawa dahil nagsimula na talagang magpamigay ng questionnaire iyong proctor.
Mabilis lang akong natapos magsagot. Nang lumabas ako, nagtext ulit ako kay Vito. Naghihintay lang ako na sumagot siya, pero naka-labas na at lahat si Niko, wala pa rin akong nakuhang sagot.
"Ride with me?" tanong ni Niko. Tumango na lang ako. Sa kanya talaga ako sasabay dahil wala si Vito. Tahimik lang ako sa sasakyan. Hindi naman kinakabahan si Niko at Sancho... Imposible naman na wala silang alam dahil high school pa lang daw magkakaibigan na sila...
Baka nga may iba lang talagang ginawa.
"For your peace of mind, I'll go to Vito's place after dropping you off," sabi niya.
"Text mo na lang ako na okay siya."
Tumango siya. "Nice to know that you're this concerned over him."
"Nakakapagtaka lang kasi. Hindi naman siya ganito na hindi nagpaparamdam."
Tumawa si Niko. "You still have a lot to learn about him," sabi niya tapos huminto na sa tapat ng LRT station. Tinanggal ko na iyong seatbelt ko.
"Salamat. Ingat ka. Text mo ko, ha?"
Nagroger sign siya sa akin. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa maka-rating na ako sa boarding house. Kumain muna ako ng hapunan tapos sinubukan kong magbasa. Patingin-tingin ako sa cellphone ko para tignan kung nagtext na ba si Niko, pero wala akong nakita.
May nangyari kaya kay Vito?
O ulyanin lang talaga si Niko?
Halos madaling-araw na akong naka-tulog sa kahihintay ng text ni Niko. Nang magising ako kinabukasan, wala pa rin akong nakitang text. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Dumaan din ako sa tindahan para magpa-load. Habang naghihintay ng masasakyang jeep, sinubukan kong tumawag kay Vito, pero patay iyong cellphone niya. Tumawag din ako kay Niko, pero hindi sumasagot. Malamang e tulog pa iyong isang 'yun. Wala naman akong number ni Sancho.
Pagdating ko sa school, umasa ako na nasa library si Vito at naghihintay sa akin gaya ng dati... pero wala akong naabutan doon. May ibang naka-upo sa usual na pwesto namin.
Lumapit ako kay Dale, iyong head beadle namin.
"Hi. 'Di ba may address ka ng buong bloc?" tanong ko.
"Yeah. Why?"
"Pwedeng mahingi 'yung kay Vito? Emergency lang. 'Di kasi siya sumasagot, e," sabi ko. Tinignan muna niya ako sandali bago binigay sa akin iyong address.
"Salamat," sabi ko nang itext niya sa number ko iyong tinitirhan ni Vito. Hindi pa talaga ako pamilyar sa lugar na 'to, pero siguro naman malapit lang 'to... On the way namain iyong boarding house ko sa tinitirhan ni Vito. Malapit lang naman iyong boarding house ko. Nahihirapan lang ako sa commute.
Iniwan ko na lang iyong bag ko sa library. Wala namang mawawala roon. Saka wala namang kukuha nun sa mga nag-aaral sa Brent. Madalas nga akong nakaka-kita ng mga laptop at iPad na nasa lamesa lang, e. Dinadaan-daanan lang ng mga tao.
Sandali akong nakipagtalo sa sarili ko kung magtataxi ba ako o magji-jeep.
Sayang iyong pera...
Pero hindi ako tiga-Maynila at baka maligaw ako.
Bahala na nga.
Pumara ako ng taxi nang maka-labas ako ng Brent. Pinakita ko sa kanya iyong address na binigay sa akin ni Dale. Hindi ko maialis iyong mga mata ko sa metro. Sana naman wala pang 100. Sabi naman ni Vito malapit lang siya rito.
Sumakit iyong ulo ko nang halos 200 iyong binayaran ko. Iisipin ko na lang na, at least, hindi ako naligaw.
Hindi agad ako naka-pasok sa building. Dito talaga naka-tira si Vito? Ang layo nito sa boarding house ko!
Pagpasok ko sa loob, para akong nasa SM dahil sa amoy. Hindi ko mawari kung ano, pero kaka-iba rin iyong tunog. Lumapit ako sa lobby para itanong kung pwede ba nilang tawagan si Vito. Pero sabi nila, private information daw iyon. Kung kilala ko raw talaga, itext ko na lang para bumaba si Vito dito sa lobby para sunduin ako.
'Hi. Nandito ako sa lobby ng condo mo.'
Sayang naman iyong gastos ko para maka-rating dito. Gusto ko lang naman malaman kung ayos lang siya. At saka on-deck siya sa recit mamaya. Baka absent ulit siya tapos matawag siya. Kung may valid na reason naman, sasabihin ko na lang sa prof para hindi siya matawag.
Naka-upo ako roon sa sofa at naghihintay nang text nang bigla akong may makitang paa sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin, agad kong nakita si Vito na nasa harap ko.
"Vito!" sabi ko sabay tayo. Naka-suot siya ng itim na jogging pants at saka puting t-shirt. Merong parang sugat sa gilid ng mukha niya.
"What are you doing here?" tanong niya.
"Ah... 'Di ka kasi sumasagot sa text."
Tumango lang siya, pero hindi niya sinabi kung bakit hindi siya sumasagot sa text.
"Pumunta ba si Niko kagabi?"
"Yeah," sagot niya. Pasaway talaga 'yang si Niko! Pumunta pala dito tapos 'di man lang naalala na nagsabi siya sa akin na itetext niya ako.
"Ah... Papasok ka mamaya?"
"Have you eaten yet?"
"Pagbalik ko sa school," sagot ko. "Pumunta lang ako kasi 'di ka sumasagot, e. Baka kako kung ano na nangyari sa 'yo."
Nilagay niya iyong kamay niya sa batok niya at ngumiti. "Yeah... Sorry about that. My phone wasn't with me yesterday," sabi niya pero napunta naman iyong mata ko sa palad niya. May sugat na naman doon. Bakit ba laging may sugat 'to?
"Papasok ka ba mamaya? On-deck ka kasi, e."
"Yeah, of course," sabi niya.
"Sige. Balik na ko sa school—"
"Wait," sabi niya. "I'll just go and change and I'll drive us to school?"
"Okay," sabi ko kasi ayoko na ring magtaxi. Ang mahal-mahal. Tatlong kain ko na 'yung pinambayad ko kanina. Sana magtext na sa akin iyong sa inapplyan ko para makapagtrabaho na ako.
"You wanna go wait in my room?" tanong niya.
Mabilis akong umiling. "Hala. Hindi na. Dito na lang ako," sabi ko sa kanya. Nakaka-hiya. At saka ayokong pumasok sa kwarto ng lalaki. Isa pa, may girlfriend siya. Syempre magagalit 'yun kapag nalaman niya na may ibang babae sa kwarto ng boyfriend niya.
"Okay," sabi niya. "I'll text you and you can go there when I pull over," pagpapatuloy pa niya sabay turo sa labas ng condo.
Tumango lang ako tapos naglakad na siya pabalik sa elevator. Patingin-tingin lang ako sa paligid. Grabe iyong chandelier sa lobby ng condo ni Vito. Pati iyong sahig mas maliwanag pa yata sa kinabukasan ko. Magkano kaya ang bayad dito kada buwan?
Pagkatapos ng mga 10 minuto, nagtext na si Vito. Hinanap ko pa kung saang sasakyan ako lalapit kasi wala naman iyong sasakyan niya. Nakita ko lang nung binaba niya iyong bintana. Ibang sasakyan kasi 'to. Audi iyong dati niya, e. Mercedes ata 'tong bago kasi kagaya nung logo nung kay Sancho. Tinanong ko dati sila kasi iba-iba sila ng sasakyan nila Niko, e. Iyong kay Niko kasi parang jeep.
"Nagpalit ka ng sasakyan?" tanong ko.
"Yeah. The other one's being fixed," sagot niya. "You wanna grab breakfast first?"
"Okay," sagot ko kahit hindi pa naman ako nagugutom. Baka kasi nagugutom na siya kasi kanina pa niya ako tinatanong kung gusto kong kumain ng umagahan.
Basta na lang huminto si Vito. Lumabas ako kasunod niya.
"Wala bang fastfood na lang? Wala na kong pera," sabi ko sa kanya. Naubos na iyong pera ko sa taxi kanina.
"My treat," sabi niya.
"Lagi mo na kong nililibre, e. Sa fastfood na lang tayo para KKB."
Ngumiti siya. "Nah, it's fine. Consider this as my thank you for checking up on me."
Tumingin ako sa paligid. Wala akong makitang kahit anong fastfood na malapit. Useless makipagtalo pa ako para dito. Iyong pinaka-mura na lang ang oorderin ko. O kaya makapagtubig na lang.
Pero mali ata desisyon ko dahil pagpasok ko pa lang sa loob, parang nagutom na agad ako sa amoy ng pagkain.
"I usually order pancakes and bacons here," sabi niya nang abutan kami ng menu. Tinignan ko iyong sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil isang linggo ko ng pagkain iyong presyo. Napaka-sobra naman! Tatalino ba ako sa pancake na 'to?
"I'll have continental breakfast," sabi niya nang may lumapit na waitress. Tumingin siya sa akin. "Assia?"
"Ah... Water na lang."
Natawa na napa-iling si Vito. "Make that 2," sabi niya sa waitress.
"Wala nga akong pera."
"I told you it's my treat."
"Wag mo na akong ilibre," sabi ko. "Baka magalit na naman sa 'yo iyong girlfriend mo."
"Trini and I broke up," sabi niya bigla kaya naman medyo nanlaki ang mga mata ko. Medyo umawang ang labi ko, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito iyong mga panahon na hinihiling ko na nandito si Niko kasi may comment iyon sa lahat ng bagay.
"Ah... I'm sorry," sabi ko na lang.
Ano ba ang sinasabi kapag nagbreak? Alam ko lang condolence kapag namatay, e...
"It's fine," sabi niya. "It was long overdue."
Ito kaya iyong dahilan kaya absent siya? Hindi siguro talaga nalimutan ni Niko na itext ako... Baka kagaya ko, hindi niya lang alam kung paano sasabihin sa akin kasi bakit naman niya sasabihin sa akin iyon? Ano naman ang kinalaman ko roon?
"Magiging okay ka rin," sabi ko sa kanya.
"I'm already okay," sagot niya.
"Magfocus ka na lang sa school para hindi mo siya maisip."
"Yeah... What did I miss?" tanong niya kaya naman sinabi ko sa kanya lahat ng ginawa namin sa school nung absent siya. Ma-swerte pa rin siya kasi isang quiz lang ang na-miss niya.
"Sayang naman iyong sa quiz," sabi ko. "Wala ka bang medical certificate na pwedeng ipasa?"
Meron talagang cut sa gilid ng mata niya tapos iyong sa palad niya pa. Hindi ko naman siya matanong nang diretsa kung napa-away ba siya o ano.
"It's fine. I'm sure I won't fail because of a quiz," sabi niya na may maliit na ngiti pero nahalata ko na parang iniiwasan niya iyong topic. Hindi na ako nangulit pa ulit. Dumating na lang iyong order tapos nagutom agad ako. Ang dami pala nito! Tapos ang ganda pa tignan.
"Wow..." hindi ko napigilang sabihin kasi first time ko lang maka-kain ng ganito. Tama nga talaga sila—nasa ibang mundo ang mga mayayaman. Ibang klase sila mamuhay. Ito 'yung mga tipo na sa pelikula mo lang makikita, pero sila, ito 'yung buhay talaga nila.
Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ako nagsimulang kumain. Hindi ko na lang pinansin kahit minsan pinapanood ako ni Vito kumain. Natutuwa siguro sa akin kasi excited ako.
"You want dessert?" tanong niya.
"Hala, hindi na," sabi ko. "Kapag talaga nagka-trabaho ako, ililibre ko kayo nila Niko."
"You're really close with Niko."
"Ang dami niya kasing sinasabi," sagot ko. Minsan para akong may alaga kapag kasama ko si Niko. Naalala ko tuloy iyong mga kapatid ko. "Tapos kapag recit naman walang masagot minsan. Kung 'di pa napag-initan ni Prosec, hindi pa magtitino iyon."
Tumango lang si Vito tapos hindi na nagsalita. Bumalik na kami sa sasakyan niya tapos dumiretso na kami sa school. Ang layo talaga ng condo niya sa school at boarding house ko.
Pagdating namin sa school, dahil halos tanghali na, wala ng space. Kinuha ko na lang iyong gamit ko tapos naghanap kami ni Vito ng bakanteng lamesa para doon kami mag-aral.
"Ola, amigos."
"Di ka nagtext," agad na sabi ko kay Niko nang maupo siya sa tabi ni Vito. "Napuyat ako kaka-hintay."
Tumawa si Niko tapos inakbayan si Vito na agad naman tinanggal iyong pagkaka-akbay sa kanya. "Don't be mad," sabi niya. Di ko alam kung ako ang sinasabihan niya kasi kay Vito siya naka-tingin. "My Dad called me again, so I kinda lost track of what happened after."
'Di talaga ako nagtatanong kung ano ang business ng pamilya ni Niko. Pakiramdam ko kasi ilegal. Ayokong malaman.
"Es-tu allé à l'hôpital?"
Tsk. Ayan na naman sila sa French nila.
"Après les cours," sagot ni Vito.
'Di ba nila alam na rude kapag iba ang salita na hindi naiintindihan ng kasama mo? Kausapin ko sila d'yan ng Ilocano, e.
"What?" tanong ni Niko nang mapa-tingin sa akin. 'Di ko siya pinansin. Tumawa siya. "Fine. I'll fucking text you good night every night if you're so pressed about me not texting."
Siraulo.
'Di ko na siya pinansin at nagbasa na lang ako. Nag-usap ulit sila. Iba-iba gamit nilang salita. Minsan, French. Mas gusto ko kapag Spanish sila nag-uusap kasi naiintindihan ko medyo. Minsan, narinig ko ng mag-Italian si Vito, pero nagsasalita lang siya nun kapag mukhang napipikon na siya kay Niko kasi walang nakaka-intindi sa kanya.
Para akong nasa United Nations. Kung anu-anong lenggwahe ang naririnig ko.
"Niko," sabi ko.
"What?" tanong niya habang kumakain. Kaka-balik niya lang galing cafeteria. 'Di pa rin siya nag-aaral hanggang ngayon. 'Di daw kasi siya makakapag-aral kapag gutom siya.
"Sa 'yo na lang ako sasabay. Ang layo pala nung kay Vito, e. On the way ba 'yung sa akin sa 'yo? Kapag hindi—" sabi ko tapos agad akong napa-hinto dahil iyong benda sa kamay ni Vito ay nagsimulang magkulay pula.
"The fuck!" biglang sabi ni Niko. "I told you to get that stitched up!" pagpapatuloy niya at saka tumayo.
Hindi ako naka-galaw.
Ano'ng nangyayari?
"I'm fine—" sabi ni Vito.
"Let's go," sabi ni Niko at saka hinatak si Vito patayo.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Susunod ba ako sa kanila? Babantayan ko ba iyong gamit nila na iniwan nila? Medyo naka-layo na sila nang magdesisyon ako na sumunod. Bahala na. Kinuha ko na lang iyong bag ni Vito dahil wala namang dala si Niko.
"I told you to get a restraining order for that bitch," sabi ni Niko.
"We're already broken up," sabi ni Vito.
"Yeah, after she threw a fucking vase at you. Seriously, dude, why do you let her do that shit?"
"Let's just—" sabi ni Vito na agad napa-hinto nang makita niyang naka-sunod ako sa kanila. Si Trini iyong may gawa ng mga sugat niya? Kaya siya absent?
**
Read advanced chapters on patreon.com/beeyotch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top