Chapter 05
#DTG05 Chapter 05
"People v Nuñez?"
"The one with the firearms?"
"Tama. Saan?"
"Uh... Philippines?"
"Malamang," napapa-iling na sagot ko sa kanya. "Saang lugar mismo?" tanong ko ulit pero ngumiti lang si Niko. Ang pasaway talaga. Akala niya madadaan niya sa pa-cute si Prosec. 'Di na siya nagtanda na isang oras siyang nagrecite last meeting kasi niloko-loko niya iyong sagot.
"Ewan ko sa 'yo."
Tumawa siya. "I still know the pertinent facts."
"E nagtatanong nga si Ma'am ng lugar. 'Di mo na lang isama sa kinakabisado mo. Nagdadahilan ka pa," sabi ko sa kanya habang inaayos iyong mga papel ko. Nung matapos kasi iyong klase namin sa Persons, didiretso na sana ako sa library para mag-aral para sa Crim class namin, pero sabi nila Niko, sabay na lang daw kaming mag-aral. E wala ng space sa library para sa aming apat kaya napunta kami sa coffee shop sa labas ng school.
Tumawa si Niko. "Whoa. Chill," sabi niya sabay kuha nung papel ko na nandun iyong mga importanteng detalye na kailangan naming kabisaduhin. "I'll memorize these. Geez, Assia."
Napa-iling na lang talaga ako. Napa-tingin ako sa dalawa pang kasama namin. Si Sancho, nagsusulat ng digest. Sa boarding house ko ginagawa iyon bago ako matulog, e. Halos patapos na ako. Si Vito naman ay nagbabasa pa ng kaso kasi hindi niya ata natapos. Ako naman, tumahimik habang binabasa iyong title ng kaso tapos sinusubukan kong i-recite. Nakaka-kaba kasi. Tuwing tatawag ng pangalan si Prosec Galicia, pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang kaba. Nag-aral na ako sa lagay na 'yun. Hindi ko alam kung bakit buhay pa si Niko. Siya lang ang makapal ang mukhang pumasok na kulang-kulang ang alam.
"Sagutin mo nga 'yung text," biglang sabi ni Sancho.
"Just fucking turn your phone off," sagot naman ni Vito.
Napa-tingin ako sa kanila. Si Niko naman ay napa-iling lang. Parang alam nilang tatlo kung ano iyong topic. Binalik ko na lang iyong tingin ko sa papel ko.
Naniniwala ako sa kasibhan na 'mind your own business.'
Maya-maya, tumayo na si Vito para lumabas. Bigla namang binaba ni Nikolai iyong binabasa niya at mukhang nasa chismis mode siya.
"Trouble in paradise?" tanong niya kay Sancho.
"What else?"
"Why can't he just ditch that girl? I don't know why he lets her walk all over him."
Si Vito ba ang pinag-uusapan nila?
"It's his call. Let's just respect his decision," sabi ni Sancho.
"Respect my fucking ass..." sabi ni Niko. Tumingin siya sa akin. "Before I forget... You're invited to my party."
"Hindi nga ako nagpaparty," sabi ko sa kanya. Ilang party na sa school ang nagdaan, wala akong pinuntahan kahit isa. Muntik na akong pumunta nung sinabi na may additional grade, pero naisip ko na hindi worth it... Siguro kung gipit na talaga ako sa grade, baka doon na lang ako pumunta.
"It's my birthday!"
"E 'di happy birthday."
"Wow. Such cold response."
"Saka wala naman akong kilala roon," sabi ko pa. Sigurado ako na puro mga mayayaman at English speaking ang mga tao roon. Nakakapagsalita naman ako ng English dahil iyon ang gamit kapag recitation sa classroom... pero iba kapag sila iyong kausap ko. Sobrang... fluent nila magsalita na parang iyon talaga ang salita nila mula pagka-bata. Kahit si Sancho, nag-iiba iyong accent kapag English na iyong sinasabi niya.
Minsan, pakiramdam ko alien ako sa school.
"Sancho and Vito are going."
"E... Basta, happy birthday na lang," sabi ko sa kanya. Alam ko magtatampo siya pero bibilhan ko naman siya ng regalo. Hindi ko lang talaga gusto pumunta sa mga ganyan na party. Saka wala akong isusuot. Dami ko na ngang iniisip, idadagdag ko pa ba 'yun?
Pipilitin niya pa rin sana ako nang bumalik si Vito. Mukhang stressed iyong mukha niya dahil naka-kunot ang noo niya.
Akala ko magtatanong si Sancho o si Niko sa kanya pero napa-iling na lang iyong dalawa. Hindi na rin ako nagtanong at nag-aral na lang din ako.
Tahimik lang kaming lahat hanggang sa maka-balik kami sa classroom. Malamig na sa classroom pero mas nanlalamig ako kapag iniisip ko na papunta na si Prosec sa classroom...
Masama bang hilingin na sana nasiraan siya ng sasakyan? Sana safe siya, pero sana nasiraan siya para hindi siya maka-pasok.
Grabe.
Ano ba 'tong epekto ng Crim class sa akin.
Tumingin ako sa paligid. Normally, maingay sa classroom lalo na kapag Persons kasi hindi madalas pumasok iyong professor namin... Sa ibang subject din madalas nagku-kwentuhan sila... Pero kapag CrimLaw? Wala kang maririnig na ingay bukod sa mga nagtatanungan kung tama ba ang intindi nila sa kaso—kung tama ba iyong issue at kung tama ba iyong intindi nila sa ruling.
Sobrang... lala. Unang sem pa lang 'to. Kailangan ko talagang umayos dahil 4 na taon akong mag-aaral.
Nang dumating si Prosec, parang may party na sa loob ng dibdib ko. Ang ingay. Para akong mabibingi sa sobrang kaba. Tumingin ako sa mga katabi ko. Seryoso lang si Sancho. Medyo kunot ang noo ni Vito. Si Niko parang masusuka sa kaba. Ayan kasi hindi nag-aral.
"Ferreira."
Alam ko masamang matuwa sa kamalasan ng iba... pero napa-kagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko iyong apelido ni Niko. Hindi agad siya naka-tayo dahil sa sobrang pagka-gulat. Siya kasi iyong huling natawag last meeting kaya hindi niya siguro ine-expect na siya ang matatawag.
"People v Nuñez?"
Naka-tingin ako sa kanya. Mukhang naka-hinga siya nang maluwag. Iyon 'yung kaso na pinag-uusapan namin kanina. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang irecite iyong kaso. Nung huling recite niya, sobrang daming tanong sa kanya... Ngayon, tinanong lang sa kanya iyong lugar na parang nililito siya. Nasagot naman ni Niko.
Nang magtawag na ng iba, napa-salampak si Niko sa upuan. Pinigilan kong matawa. Kasi nung mga unang linggo, sobrang pa-confident pa siya... Tapos nung ginisa siya ni Prosec last week, doon lang siya nagsimulang maniwala na hindi niya madadaan sa ngiti niya si Atty.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Vito dahil sobrang tahimik niya sa tabi ko. "Tapos na iyong kay Nuñez," sabi ko pa sa kanya. May 'cheat sheet' din kasi siya. Binura niya iyong kaso roon.
"Thanks," sabi niya.
"You're welcome," sagot ko.
Hindi na siya ulit nagsalita pagkatapos nun. Mukhang may iba siyang iniisip... pero nang matawag siya, nakapagrecite naman siya. Sabagay... nag-aral naman siya kanina nung nasa coffee shop pa kami.
Halos patapos na iyong klase nang matawag ako, pero salamat naman sa Diyos na naka-sagot ako... Halos konti na lang kasi iyong mga kasong natira kaya naman naka-sagot talaga ako.
Grabe. Ilang kaso kaya ang makaka-bisado ko bago matapos ang sem na 'to?
Nang matapos ang klase, tahimik akong nag-aayos ng gamit ko. Salamat naman at natapos na ang linggong 'to. Akala ko mamamatay ako, e. Tatlong subject iyong nagpa-quiz tapos halos araw-araw akong ondeck.
"Niko, can you drive Assia home?" tanong ni Vito.
"Ha? Why?"
"Need to go somewhere."
"Uh... sure?"
Tumingin sa akin si Vito. "See you next week," sabi niya ng may maliit na ngiti sa labi bago nagmamadaling lumabas ng classroom. Napa-kunot ang noo ko.
"What... happened?" tanong ni Niko kay Sancho. Nagkibit-balikat lang si Sancho. "Gotta get that guy drunk... So many secrets," sabi niya tapos tumingin sa akin. "You need to go home already? I'm going to the mall."
"May gagawin pa ako, e," sabi ko sa kanya. Kailangan ko pang tapusin iyong resume ko kasi mag-a-apply na ako sa Monday. Medyo nakaka-lungkot kasi hindi ko na masyadong makaka-sama sina Vito dahil magta-trabaho na ako, pero ganon talaga... Mas importante na hindi ako magutom dito sa Maynila.
Nagpaalam ako kay Sancho bago kami umalis ni Niko. Dumiretso kami sa sasakyan niya. 'Di talaga ako kumportable dito... Pakiramdam ko kasi bigla na lang kaming ma-a-ambush, e... Bakit naman kasi bullet proof? Marami bang banta sa buhay ng isang 'to?
"You know, I'm worried about Vito," sabi ni Niko habang nagsisimulang magdrive.
"Bakit naman?"
"Don't you think he's acting weird?"
Hindi muna ako sumagot. Baka lang kasi wala lang sa mood si Vito... May mga araw kasi na ganoon din ako, pero hindi naman ibig sabihin na kailangang mag-alala para sa akin... 'Di ba ganon naman talaga? May good days and bad days?
"Kung may problema siya, sasabihin naman niya siguro."
"Nah... He's not that kind of person."
"Kung nag-aalala ka, kausapin mo na lang siya."
"It's not that easy," sabi niya.
'Di na ako sumagot. Ayoko kasi talagang makielam sa kanila... Kung kailangan nila ng tulong ko, tutulong agad ako... Pero hanggang wala silang sinasabi sa akin, tahimik lang ako.
"Do you really need to go home?" tanong niya.
"Oo nga. Aayusin ko pa 'yung resume ko."
"Resume?"
"Oo. Iyong pinapasa mo para sa trabaho."
"Hey, I'm not stupid."
"E bakit kasi nagtatanong ka pa e alam mo naman."
"Wow... The attitude is slowly showing."
"E kasi naman..." sabi ko sa kanya. "Kailangan ko na talagang umuwi kasi aayusin ko pa 'yun. May interview ako sa Monday."
"Where?"
"Sa OSG."
"Oh, wow. Good luck, then."
Ngumiti ako. "Salamat. Sana matanggap ako. Grabe ang dami ng gastos sa school," sabi ko. Sobrang thankful talaga ako na nakaka-sabay ako sa kanila kapag uuwi na ako. Sobrang laking bagay nun... Kapag talaga unang sweldo ko, ililibre ko silang tatlo.
Nagpasalamat ako kay Nikolai nang ibaba niya ako roon sa malapit sa LRT station. Hindi na nila ako kinukulit para malaman kung saan ako mismo naka-tira. Kahit naman sabihin ko sa kanila, 'di naman sila makaka-rating doon kasi hindi talaga kasya iyong sasakyan nila.
Tahimik lang iyong buong Linggo ko. Nagsimba lang ako para magpasalamat na buhay pa rin ako at maayos iyong sa school ko tapos bumili ako ng fastfood. Pangako ko kasi sa sarili ko na tuwing Linggo, kailangan masarap iyong pagkain ko. Iyon na lang ang pinaka-motivation ko sa buhay.
Dumaan din ako sa ukay para bumili ng isusuot ko para sa job interview. Naniniwala kasi ako na how you dress matters... Sa school kasi grabe silang magdamit... First year pa lang kami, pero parang lawyer na sila sa mga suot nila... Iba talaga iyong dating...
Bumili lang ako ng bagong blouse na mukhang formal tapos heels na mababa lang. May gusto sana akong blazer kaya lang kapag may sweldo na ako. Tiis-tiis muna.
Nung hapon, naglaba lang ako tapos nakinig sa music nung hapon. Maaga akong natulog dahil maaga iyong interview ko kinabukasan.
* * *
"Hey... What happened to your interview?" tanong ni Niko nang pumasok ako sa classroom. Napa-tingin si Vito sa akin na parang nagtatanong iyong mga mata. Si Sancho naman, tahimik lang sa gilid at parang may sariling mundo dahil naka-lagay iyong headphones niya.
"Ayos naman," sagot ko. "Sasabihan daw ako this week kung matatanggap ako."
Kaya lang kung matatanggap ako, after 3 months pa pala ang sweldo ko... Kailangan ko pa ring magtipid... Malapit na akong maging manok sa kaka-kain ng itlog.
"Where did you apply?" tanong ni Vito.
"Sa OSG."
"Where is that?"
"Ah, diyan lang," sabi ko. Kaya nga doon ako nag-apply para malapit lang, e. Iniisip ko rin kasi kapag malayo ay sobrang mahihirapan ako. Syempre priority ko pa rin ang pag-aaral kahit ano ang mangyari.
Dumating na rin iyong professor namin. Napa-dasal ako na sana hindi na siya magkwento tungkol sa buhay niya dahil gusto kong mag-aral.
"Sana magturo na siya sa susunod..." mahinang sabi ko nang magdismiss na kami. Tumingin ako kay Vito. Ang tahimik niya. Dati naman kinakausap niya ako palagi...
Kumunot ang noo ko nang mapansin ko na may benda iyong kamay ni Vito.
"Hala, ano'ng nangyari sa kamay mo?"
"This? Nothing," sabi niya na naka-ngiti. "Niko will drive you home. Next week, I'll drive you home."
Tumango na lang ako kahit nagsisimula na rin akong magtaka kung ano ang nangyayari kay Vito... Ang weird nga... Parang may kakaiba talaga sa kanya... Tapos dagdag mo pa iyong benda sa kamay niya... Napaano kaya siya?
"See you tomorrow," sabi ni Vito bago lumabas silang dalawa ni Sancho. Seryoso iyong mukha ni Sancho habang may sinasabi siya kay Vito. Minsan, ang gulo nung dalawang 'yun...
"Let's go?" sabi ni Niko.
Tumango ulit ako tapos umalis na kami ni Niko. Gusto ko na rin tuloy siyang tanungin kung ano ang meron kay Vito, pero naisip ko na baka personal... Hindi naman niya ako ganoong ka-close para maki-tanong ako sa problema niya... Pero sana alam nina Niko at Sancho para matulungan nila iyong kaibigan nila sa kung anuman ang problema niya.
"Niko..."
"Yeah?" sagot niya habang diretso sa daan iyong tanong.
"Okay lang naman si Vito, 'di ba?"
"Next week, yeah."
"Hala... paano this week?"
"Let's say that he's in the eye of the storm," weird na sabi niya. "But hopefully, the storm will have passed by next week."
Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.
Nagpasalamat ako sa kanya bago ako bumaba. Pagdating ko sa boarding house, kumain muna ako tapos nagsimulang magsulat ng digest. Last batch na 'to tapos tapos na ako.
Bigla kong naalala si Niko. Nagsusulat kaya 'yung pasaway na 'yun? Deadline na next week, e. Ite-text ko sana siya para ipa-alala nang mapa-hinto ako dahil nakita ko iyong pangalan ni Vito. Lagi niya akong tine-text noon o kaya kinakausap kapag may problema ako...
'Hi... Kung may problema ka, nandito lang ako para makinig.'
Ayokong makielam.
Pero gusto ko na alam niya na kung kailangan niya ng makikinig, nandito lang ako.
Ise-send ko na sana iyong reminder ko kay Niko nang bigla kong makita na nagreply na si Vito.
'Really appreciate that, Assia. Thank you.'
'No problem. Nandito lang ako palagi.'
'Same here. I always got your back, too.'
**
Read advanced chapters on patreon.com/beeyotch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top