Chapter 02
#DTG02 Chapter 02
Malungkot akong dumating sa library. Inagahan ko naman ang alis... pero mahirap talaga maglakad dahil masakit pa rin iyong paa ko tapos ang dami ko pang lilipatan na sakayan... Tapos medyo malayo pa iyong lalakarin ko bago ako maka-rating sa mismong gate ng Brent... Tapos malayo pa iyong building mismo ng College of Law mula sa gate...
Bitbit ang bag ko, pumasok pa rin ako sa loob ng library... Baka naman kasi may bakanteng lamesa kahit isa lang. Mas gusto ko kasi rito sa library mag-aral dahil tahimik at saka may aircon.
Bagsak ang balikat ko nang mapagtanto ko na wala talagang bakante. Grabe kahit medyo maaga pa naman, ganito na ka-puno ang library? Mukhang mas kailangan kong agahan sa susunod. Kaya lang nakaka-takot naman lumabas nang maaga... Marami pa namang tambay sa tinitirhan ko...
"Hi."
Agad akong napa-angat nang tingin nang may humintong lalaki sa harapan ko. Napilitan akong ngumiti dahil ayoko namang maging bastos. Sabi niya classmates daw kami... Ibig sabihin, madalas kaming magkikita. Ayokong magka-problema sa kanya.
"Hello," bati ko bago tumalikod. Sa labas na nga lang ako mag-aaral... Parang may naaalala akong mga upuan doon sa likod ng building. Tahimik naman siguro doon at makakapag-aral ako.
"I have a vacant spot beside me," sabi niya bigla.
"Ay, hindi na po."
Naiisip ko pa lang iyong girlfriend niya, sumasakit na agad ang ulo ko...
"Ano nga pala..." sabi ko at saka huminga nang malalim. "Nung umalis ka kasi nung isang araw, may tawag nang tawag sa 'yo... Akala ko emergency kaya sinagot ko... Pasensya na kung nag-away man kayo ng girlfriend mo... Hindi ko intensyon..."
Ayoko talaga ng may kaaway.
Ayoko rin ng nagsisinungaling.
Problema ko na nga kung paano ako mabubuhay dito sa Maynila mag-isa, ayoko ng dagdagan pa ng mga ganong bagay. Mas iniisip ko pa kung may paraan ba para maka-graduate ako nang maaga kasi gusto ko na talaga maging abogado para maka-uwi na ako sa amin at matulungan ko iyong mga kababayan ko.
"Yeah, I know. Don't worry about it," kaswal niyang sabi.
"Baka nag-away kayo."
"It's fine."
Ang weird naman... Sina Nanay nga kapag nag-aaway sila ni Tatay pakiramdam ko mabibingi ako, e. Minsan, naiyak na lang ako nung nagsisigawan sila. Ayoko ng nag-aaway sila. Tapos siya, parang okay lang sa kanya na sinisigawan siya ng girlfriend niya?
Tama nga si Nanay...
Kakaiba ang mga tao sa lugar na 'to.
"Ah, okay..."
Tumalikod na ako, pero nabigla ako nang hawakan niya iyong hawakan sa itaas ng bag ko kaya naman napa-atras ako ulit.
"There's a vacant spot beside me," sabi niya.
"Di naman ako bingi. Narinig ko kanina."
"Then why are you still leaving?"
Nagbuntung-hininga ako. "Di ako tiga-Maynila, Sir..." sabi ko. Alam ko naman na mayaman siya. Maliwanag naman sa akin na scholar ako sa school na 'to. "Nandito lang ako para mag-aral. Ayoko po ng gulo."
"I'm asking you to sit beside me... What 'gulo' are you talking about?"
Para akong naka-drugs kapag kausap ko ang taong 'to... Kinakausap ko siya ng Tagalog, pero parang intinding-intindi niya lahat... Matatakot siguro ako kapag nagsalita siya ng Tagalog... Isipin mo, blue eyes tapos dirty blonde iyong buhok pero ang lakas magsalita ng Tagalog...
Maynila... kakaibang lugar ka talaga.
"Iyong girlfriend mo—"
"Well, she's not here."
"Ayoko po ng gulo."
"Fine..." sabi niya. Naka-kunot ang noo ko nang iwan niya ako bigla. Grabe. Ni hindi man lang nagpaalam... Pero agad na umawang ang labi ko nang makita ko na kinuha niya iyong mga gamit niya.
"There you go. You can stay there," sabi niya habang sinu-sukbit iyong backpack sa balikat niya.
"Ha? San ka mag-aaral?"
"There are tons of coffee shops around," sabi niya ng naka-ngiti. Naka-awang pa rin ang labi ko sa pagtataka sa ginawa niya. Napa-kurap ako nang marahan niyang tapikin ang tuktok ng ulo ko. "Study well, Assia. See you in class," sabi niya habang naka-ngiti pa rin. Kumaway siya bago tuluyang lumabas ng library.
Nagbasa ako at gumawa ng notes. Sobrang lamig talaga. Malas ko dahil naiwan ko iyong jacket ko sa boarding house tapos manipis pa iyong blazer na nadala ko.
Nang oras na para pumunta sa klase, inayos ko na iyong mga gamit ko at saka dumiretso papunta sa building. Mabuti na lang talaga at may mga elevator sa College of Law kaya naman hindi na ako mahihirapan kasi nasa 5th floor iyong classroom ko.
"Hey, Assia!" bati sa akin ni Nikolai. Tipid akong ngumiti. Tatlo silang magkakasama. Sobrang daming gwapo sa Brent... pero iba talaga itong tatlo kapag magkakasama. Para silang may sariling mundo.
Nasa likuran ko sila dahil mas nauna silang sumakay sa akin. Habang papa-akyat iyong elevator, nagtaka ako dahil parang gumaan iyong dala ko. Ilang libro rin kasi iyong nasa bag ko... Pagtingin ko sa salamin sa harapan ko, nakita ko na hawak ni Vito iyong hawakan sa likod ng backpack ko. Hawak niya iyon gamit ang kaliwang kamay niya habang naka-hawak naman sa cellphone niya iyong isa.
Nang bumukas ang elevator, hawak niya pa rin iyong bag ko kaya hindi ako makapaglakad nang mabilis.
"Yung bag ko," sabi ko sa kanya.
"What about it?"
"Bitawan mo."
At binitawan nga niya.
At dahil mabigat talaga iyong bag ko, halos matumba ako dahil sa bigla niyang pagbitaw.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko dahil matutumba na naman ako! Hindi pa nga galing iyong paa ko, dadagdagan na naman niya! Paano ako makakapag-aral nang maayos kung unang linggo pa lang, puro injury na ang nakuha ko sa school na 'to?
"Dude, what the hell!" sigaw ni Niko na mabilis akong nahatak bago pa man ako magbending sa sahig. "Are you okay?" tanong ni Niko habang hawak iyong dalawang kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil akala ko matutumba ako.
"What is the goal here? Break every bone in her body?" sabi ni Niko kay Vito.
"Okay lang ako..." sabi ko nang maka-bawi na ako. Tumingin ako kay Vito na parang na-guilty sa nangyari. "Okay lang ako..." pag-ulit ko sa kanya. Kasalanan ko naman. Sinabi ko na bitawan niya ako. Sumunod lang naman siya sa sinabi ko.
"I'm sorry," sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang. Wala namang nangyari."
"But—"
"Kumbaga sa criminal law, frustrated pa lang kasi hindi naman natuloy. Ayos lang talaga ako," muling sabi ko sa kanya bago naglakad papunta sa classroom.
Pagpasok ko sa loob, hindi ko alam kung saan ako uupo... Parang...
Napa-buntung-hininga ako.
"Gusto mong tumabi sa amin?"
Napatingin ako sa nagsalita. Siya iyong isa sa mga kasama nina Niko at Vito.
"Sancho," sabi niya na may maliit na ngiti.
Ngumiti din ako pabalik. "Salamat," sabi ko sabay sunod sa kanya. Mabuti na lang at nag-alok siya... Hindi ko kasi alam kung saan ako mauupo. Magkaka-usap na kasi iyong iba sa kanila tapos parang ang yayaman nila... Hindi naman sa naiinggit ako pero para lang kasing ang hirap tumabi sa kanila.
Gusto ko sanang sa harap maupo para iwas sa distraction, pero sa likuran naupo si Sancho. Nasa pinaka-dulo siya. Nag-iwan ako ng dalawang bakante para sa kaibigan niya. Doon ako naupo sa sumunod na upuan.
Papa-upo na ako nang itulak ni Vito si Nikolai kaya naman halos masubsob si Niko doon sa upuan sa tabi ni Sancho. Hindi ko na sila pinansin at nilabas ko na lang iyong notebook ko.
Habang naghihintay, nagbasa lang ako ng notes ko. Sabi sa groupchat ng section, si Prosec Galicia raw ang professor namin sa Criminal Law. Magaling daw iyon... pero sobrang higpit din. Handwritten notes lang din daw ang pwede sa klase niya.
"Assia," tawag ni Nikolai sa akin.
"Bakit?"
"Do you always have written notes?" tanong niya at tumango ako. "Vito, let's exchange seats. I wanna sit beside her."
"Make your own notes," sagot ni Vito.
"Why make my own when Assia is willing to share? Right, Assia?"
Nagkibit-balikat ako. Okay lang naman sa akin. Hindi naman ako mamamatay kapag naki-share siya sa notes ko. Sabi rin kasi sa akin ni Nanay, kung kayang tumulong, tumulong. Hindi naman daw kasi lahat may kakayahang tumulong... kaya kung may pagkakataon ka, kunin mo na.
"Let's exchange seats!" sabi ni Niko pero natigilan siya nang biglang nagtayuan lahat ng tao. Mayroong pumasok na babae. May dala siyang malaking bag. Agad na bumilis ang puso ko nang hingin niya iyong class list.
Parang tatalon palabas ng dibdib ko ang puso ko habang kita ko na binabasa niya iyong mga pangalan sa listahan. Nag-aral naman ako... pero ayoko na una akong matawag. Hindi ko pa kasi alam kung paano siya magtanong... Hindi ako pwedeng magkalat dito. Hindi ako lumuwas ng Isabela papuntang Maynila para magkalat.
"Sartori," pagtawag niya.
Agad na nanlaki ang mata ko nang tumayo ang katabi ko. Nakita ko na natawa si Nikolai. 'First blood,' sabi niya pa sa akin habang natatawa.
"Characteristics of Criminal Laws?"
"Generality, Territoriality, and Prospectivity," kalmado niyang sagot. Agad kong tinignan iyong notes ko. Tama siya.
"Explain each one," parang bored na sabi ni Prosec Galicia.
"Generality means that the criminal law of the country governs all person regardless of their race, belief, sex, and creed," pagrerecite niya. Wow... Nasabi niya lahat. Kumpleto pa. "Territoriality means that the criminal law has the force and effect within the territory. And prospectivity means that penal laws only operate prospectively—or shall only apply to those which will happen in the future, after the passing of the law."
May sinulat si Prosec Galicia bago tinawag iyong, "Laurel." At saka may tumayo na babae. Nasa bandang unahan siya, pero ang tangkad niya tapos ang payat. "English and French Rule."
Grabe...
Hindi naman ako natawag pero parang sobrang kinakabahan pa rin ako.
"Ang galing mo," sabi ko kay Vito. Ngumiti siya sa akin. "Kinakabahan ako."
"If you don't know the answer, stand in front of me, I'll whisper the answer."
"Hala."
"But you studied well," sabi niya habang naka-tingin sa notes ko. "Consider that as your plan B."
Pero dahil medyo marami kami sa classroom at 2 oras lang naman ang klase, hindi ako natawag.
"Wow..." rinig kong sabi ni Niko nang magdismiss na si Prosec. "Yago's a fucking scam. Law school is not fun at all."
Napa-iling na lang ako. Nagpunta ba sila rito para sa fun? Kakaiba talaga...
Inayos ko na iyong mga gamit ko. Mabigat talaga, pero ayos lang naman kasi nagamit ko naman at naaral ko. Persons kasi iyong subject ko bukas. Kailangang galingan ko rin doon kasi malaki iyong units.
"Alis na ako," sabi ko sa kanila pagka-tapos kumaway.
Naglakad na ako. Dahan-dahan lang para hindi mabinat iyong paa ko. Sana gumaling na ako kasi maghahanap pa sana ako ng trabaho. Nakikita ko na na magastos talaga ang law school... Ayoko talagang humingi ng pera kina Nanay.
"Assia."
"Hmm?"
"Can I drive you home? Your ankle is really bothering me."
"Ha? Hindi, ayos lang ako—"
"The hell? When I tore my fucking ACL, you didn't even visit me in the hospital!" angal ni Niko.
Para lang siyang hangin na hindi pinansin ni Vito. Naka-tingin lang sa akin si Vito. Naka-tingin siya sa akin na parang nag-e-expect na pumayag ako sa alok niya.
"Okay lang ako," naka-ngiti kong sabi. Aksidente lang naman talaga iyong nangyari at saka dinala na nila ako sa ospital... Saka bilin ni Nanay sa akin na mag-iingat ako sa mga lalaki rito... Iba raw sila kaysa sa mga lalaki sa lugar namin... Masyado raw silang mabilis...
"If you're scared," sabi niya at saka tumingin sa paligid. "Shit. I don't know any female here. How do I make you feel safe enough to agree?"
Hindi ako sumagot. Bakit ba masyado siyang nag-aalala? Hindi naman ako naputulan ng paa.
"Fucking hell, let's just go on live while you're driving her home so that if anything happens, the whole world will know," sabi ni Niko habang inakbayan ako at si Vito. Tumingin siya. "What the—Sancho. Where the fuck is that guy?"
Hindi ko naintindihan iyong nangyayari. Nandun na ulit ako sa sasakyan ni Vito. Tinatanong niya sa akin kung saan ako naka-tira. Sinabi ko kung saan, pero hindi niya alam. Sinabi ko na lang iyong pinaka-malapit na landmark na alam ko.
"You live... here?" tanong niya nang magpa-hinto ako sa tapat ng LRT station. Kita ko na gulung-gulo iyong mukha niya.
"Salamat sa paghatid!" sabi ko. Doon pa ako sa isang kanto kaya lang masikip iyong mga daan. Baka magasgasan pa iyong sasakyan niya.
Sobrang laking tulong ng paghatid niya kasi naka-rating ako sa boarding house ng hindi sobrang pagod kaya naman nakapagreview pa ako. Kinabukasan, pagdating ko sa library, nakita ko na may dalawang bakanteng lamesa sa gilid ni Vito.
"Saved you a seat," sabi niya bago tinanggal iyong mga gamit niya. Napa-ngiti talaga ako. May kaibigan na yata talaga ako sa Maynila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top