Chapter 01

#DTG01 Chapter 01

"Magpapadala agad kami ng pera sa 'yo kapag nagkaron," sabi ni Nanay sa 'kin. Sumandal ako sa upuan at saka tahimik na tumango kahit 'di naman nila ako nakikita. "Palagi kang magtetext. Gabi ang pasok mo, ano? Magtext ka kapag naka-uwi ka na para hindi kami mag-aalala..."

Panay ang sagot ko ng opo sa lahat ng bilin nila sa 'kin. Alam ko naman na kinakabahan lang sila dahil mag-isa ako rito sa Maynila habang nasa Isabela silang lahat. Pero kailangan kong mag-aral. Hindi pwede na ganoon lang ang buhay namin.

Nang matapos ang tawag namin, nag-ayos na ako ng gamit. Kaunti lang ang dala ko dahil maliit na kwarto lang naman ang naupahan ko. Ang mahalaga, may tutulugan ako. Medyo malayo nga lang sa Brent dahil puro mahal iyong mga tirahan dun... Pero ayos lang. Ang mahalaga, nakakapag-aral ako.

Maaga akong natulog dahil plano ko ay pupunta ako nang maaga sa Brent para mag-aral sa library. Wala kasi akong libro... 'Di ko alam kung makaka-bili agad ako. Gusto ko sanang maghanap ng trabaho dahil ayokong manghingi lang sa pamilya ko... Kahit ba scholar ako, marami pa rin akong gastusin dahil mahal tumira sa Maynila. Kung sa Isabela lang, mamimitas lang ako ng kakainin ko, ayos na ako... Dito, lahat binibili.

Sabi sa akin, required daw na naka-formal attire sa Brent kaya naman namili na ako sa ukay ng isusuot ko... Mabuti na lang mura lang 'dun. Mukha namang maayos iyong suot ko. Naka-itim na slacks ako at puting blouse. May dala rin akong blazer dahil nung unang punta ko sa Brent ay halos mamatay ako sa sobrang lamig.

Naka-dalawang sakay ako ng jeep at saka naglakad pa ako bago ako naka-rating sa Brent. Panay ang paghinto ng sasakyan sa harap para magbaba ng mga estudyante. Panay mayayaman talaga ang nag-aaral dito... Kailangan kong mahanap iyong ibang scholar para naman magkaroon ako ng kaibigan.

Tahimik lang akong naglakad papasok. Medyo wala pang mga estudyante dahil maaga pa. Dumiretso na lang ako sa library. Agad akong napa-ngiti dahil ang ganda talaga rito... Kailangan kong galingan! Dito dapat ako makapagtapos. Alam ko na malayo ang mararating ko basta gagalingan ko lang.

Criminal Law I iyong una kong subject ngayon kaya naman iyon ang kinuha kong libro. Kinuha ko na rin iyong iba na kailangan ko dahil hindi na muna ako bibili ng libro... Nung huling tingin ko kasi e halos dalawang libo kada libro... Ayokong manghingi ng ganoong pera kina Nanay para lang sa libro... Alam ko kasi na sobra iyong hirap nila para magka-pera... 'Di bale, hahanap na lang agad ako ng trabaho.

"Salamat po," sabi ko sa librarian nang matapos siya sa pag-aayos nung mga hihiramin kong libro. Kailangan ko 'tong ibalik kada tatlong linggo. Ayokong magbayad ng penalty.

Habang naglalakad ako, halos matumba na ako dahil sa taas at bigat ng dala kong libro. Dahan-dahan akong naglalakad nang biglang manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko iyong mga libro na tumama sa paa ko.

"Hala siya!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit! Pakiramdam ko ay nabali iyong buto sa hinliliit ko!

Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko na ilang hardbound na libro ang tumama roon. Tapos biglang napunta iyong tingin ko sa dalawang lalaki na naka-tayo sa harapan ko. Parang nagtatawanan silang dalawa at biglang napa-tigil dahil sa nangyari.

"Holy shit!" biglang sabi ng isa. "Miss, I'm sorry!" pagpapatuloy niya bago siya lumuhod para kunin iyong mga libro. Iyong isang lalaki naman ay nanlaki ang mga mata habang naka-tingin lang sa akin.

"Are you okay?" tanong nung lalaking kumuha ng libro.

"Does she look okay?" sagot naman nung isang naka-tingin sa akin. "I told you to always look where you're going."

"Yeah, yeah, I know," sabi nung isa. "Hey, Miss, are you okay? We'll bring you to the clinic—"

Umiling ako. "Ayos lang ako," sabi ko at saka bahagyang gumalaw pero agad na napa-ngiwi ako dahil sa sakit ng paa ko. Ano ba 'yan! Maghahanap pa ako ng trabaho, e. Paano ako maghahanap kung nabalian ako ng paa? At saka ang layo ng nilalakad ko papunta sa school!

"We'll bring you to the clinic," sabi nung isa nang biglang umilaw iyong cellphone niya. "Shit. Dad's calling. Vito, can you bring her to the clinic?" sabi ulit niya bago nagsorry sa akin at saka tumakbo palabas.

Naiwan ako roon na naka-tingin sa lalaki na ang pangalan ay Vito.

Hindi ko na alam kung naka-ngiti o naka-ngiwi ako sa kanya. "Pwedeng patulong na lang po na dalhin libro ko sa table?" sabi ko sabay turo doon sa table kung saan naka-lagay iyong bag ko.

"Clinic?" tanong niya.

"Hala, hindi na po," sabi ko. Kailangan ko pang magreview para sa klase ko mamaya. Hindi ako pwedeng magkaroon ng panget na grado dahil hindi pwedeng mawala iyong sa scholarship ko... Kapag natanggal ako roon, mapipilitan akong umuwi sa Isabela kasi wala naman akong pambayad sa gintong tuition sa eskwelahan na 'to.

Saka sanay naman akong mabalian. Nung bata ako mahilig akong umakyat sa puno. Kaya ko 'to.

Mabuti na lang at nakinig iyong lalaki sa pakiusap ko. Kinuha niya iyong ilang libro na nahulog sa sahig at saka sinamahan ako papunta sa lamesa ko. Mabuti na lang din at maaga pa... Nakakahiya kung maraming tao ang nakakita. Ayoko pa naman maka-agaw ng atensyon dito... Gusto ko lang mag-aral nang tahimik.

"Salamat po," sabi ko sa kanya nang madala niya lahat ng libro ko. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang mag-aral. Nilabas ko iyong pencil ko at magaan na sinulatan iyong libro. Buburahin ko naman bago ko ibalik...

Nang maka-ramdam ako ng gutom, tumayo na ako habang dala ko iyong bag ko. May baon akong pagkain. Buti talaga nag-ikot ako nung una kong punta rito... Sobrang mahal! Isang pagkain ata ay halagang 500! Target ko sana e 150 lang kada araw.

Dahan-dahan akong naglakad palabas. Gusto kong umaray sa sobrang sakit! Ang bigat naman nga talaga ng mga librong 'yun! Problema ko pa tuloy kung paano ako uuwi mamaya! Hahatakin ko na lang ba 'yun?

Natigilan ako nang biglang may sumabay sa aking maglakad.

"Still don't wanna go to the clinic?" tanong niya. Siya si Vito. Mukhang foreigner. Sabagay, maraming mukhang foreigner sa school na 'to. Pati iyong kasama niya kanina, mukhang foreigner din, e.

Ngumiti ako. "Ah... pwedeng pasama na?" tanong ko. Halos tapos na rin naman ako sa binabasa ko... At saka ang sakit na talaga nung paa ko!

"Let me hold your bag—"

"Hindi na," mabilis kong sagot. May pagkain na laman 'yung bag ko, e. Baka mamantsahan pa iyong bag niya. Narinig ko pa naman sa usapan kanina nung mga babae sa tabi ko kung gaano iyong nagastos nila para sa 'wardrobe' nila ngayong semester... Grabe... Siguro ilang taon kong iipunin iyong isang hapon lang nilang ginastos.

Ang swerte talaga ng mga pinanganak na mayaman. Hindi nila kailangang mamroblema tungkol sa pera. Kaya kailangan ko talagang magsikap kasi ayoko na maranasan 'to ng mga magiging anak ko.

Hindi na nagsalita si Vito. Sinabayan niya lang akong maglakad. Medyo naiilang ako kasi ang bango niya. Hindi naman siya naka-dikit sa akin, pero amoy na amoy ko iyong pabango niya... Grabe, kahit amoy lang, amoy mayaman talaga siya.

"Just hold onto the railings. Give me your bag," sabi niya habang naka-lahad iyong kamay na parang hinihintay na iabot ko iyong bag ko sa kanya.

"May pagkain sa loob 'to."

"Yeah, sure."

"Baka tumapon. Madudumihan damit mo."

"I have extra in my car."

"Hindi, okay lang talaga," sabi ko na naka-ngiti habang nagsimula kaming bumaba ng hagdan. Dahan-dahan akong bumaba. Nang mapa-tingin ako kay Vito, nakita ko na naka-kunot iyong noo niya habang pinapanood ako. Ngumiti ulit ako sa kanya para ipakita na okay lang ako. Okay lang naman kasi talaga ako. Sanay ako sa ganito. Hindi ako mahilig humingi ng tulong kasi pinalaki ako nila Nanay na dapat kayanin ko lahat.

"For God's sake," sabi niya at saka mabilis na binuhat ako. Nanlaki iyong mga mata ko dahil sa ginawa niya. "Hold your bag."

"Hala, ibaba mo ako!"

Hindi niya ako pinansin! Gusto ko sanang sabihin na ibaba niya ako kaya lang ay nakita ko na pinagtitinginan na kami ng mga nakaka-salubong namin. Tinakip ko sa mukha ko iyong bag ko at mas lalong nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko na tumulo iyong sauce nung ulam ko.

Sinasabi ko na nga ba, e! First day ko tapos puro kamalasan agad nangyari sa akin! Gusto ko lang naman makapag-advance reading!

"Hala, sabi ko sa 'yo pabayaan mo na lang ako, e..." kinakabahan na sabi ko habang naka-tingin sa puting-puting polo niya. Pero tinignan niya lang sandali iyong damit niya tapos dire-diretso pa rin siyang naglakad pababa habang buhat ako.

"Uy—"

"Quiet, please."

Napaawang iyong labi ko. Hindi na ako nagsalita kasi baka magalit pa siya lalo... Tahimik na lang ako nang dinala niya ako sa clinic tapos kinabahan pa ako kasi sabi na kailangan ko raw ng x-ray kasi baka may bali nga iyong buto sa paa ko... Ano ba 'yan... Gastos na agad...

"Let's go," sabi ni Vito.

"Saan tayo pupunta?"

"Hospital. You need x-ray."

"Hala, hindi na. Gagaling din ng kusa 'yan."

"Are you serious?"

"Oo. 'Di naman 'to first time na mabalian ako," pangungumbinsi ko sa kanya kasi totoo naman. Ilang beses na akong nabalian... Buhay pa naman ako.

"If it's about the money, don't worry, we'll charge it to Niko."

"Yung lalaki kanina?"

Tumango siya. "Yeah. Since this is basically his fault."

Lumabi ako. "Kayong dalawa bumangga sa 'kin, e."

Umawang ang labi niya. "How can you be so sure? You were carrying a tower of books."

Nagkibit-balikat ako. "Syempre, dalawa kayong nag-uusap... Saka kung siya lang may kasalanan, 'di dapat nakita mong mababangga niya ako? Bakit 'di mo tinulungan? Ibig sabihin, may kasalanan ka pa rin, 'di ba?"

Naka-kunot ang noo niya habang naka-tingin sa akin. Ngumiti ulit ako sa kanya. "Pero okay lang talaga ako, promise," sabi ko sabay taas ng kamay. Lalagyan ko na lang ng kahoy para 'di ko magalaw iyong sa buto para gumaling agad.

"Let's just please go to the hospital," sabi niya.

"E mag-aaral pa ako."

"What's your section?"

"1B."

"We're classmates. As far as I'm concerned, there's no class during the first week, so please, let's just go to the hospital."

"Pero—"

At hindi na naman natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya na naman akong binuhat! Grabe naman! Kanina pa niya ako binubuhat na para lang akong papel!

"Baka matapunan ko 'yung sasakyan mo," sabi ko nang makita kong binuksan niya iyong pinto ng sasakyan niya... Mukhang sobrang mahal pa naman...

Grabe, Assia... Ano'ng nangyari sa tahimik na pag-aaral? Unang araw pa lang, ang dami na agad na nangyari sa akin...

"Don't worry about it," sabi niya nang biglang suotan ako ng seatbelt. "Whatever happens, we'll charge Niko for everything," sabi niya tapos tumingin sa akin na may maliit na ngiti.

Mukhang mabait naman siya...

Sige na nga. Kailangan ko rin naman ng kaibigan dito.

"Sigurado ka ba na walang klase ngayon?"

"Yeah."

"E bakit pumasok ka pa kung wala naman pala?"

"Bored."

"Nakapag-aral ka na?"

"Next week."

Grabe... Paano kaya iyong hindi kinakabahan sa law school? Samantalang ako binangungot kagabi. Napanaginipan ko kasi na natawag daw ako tapos hindi ako naka-sagot tapos sinigawan at pina-hiya ako ng professor... Nanlamig talaga ako nang magising ako.

"Do you wanna buy food?" tanong niya. "We'll charge Niko, don't worry," parang mapagbiro niyang sabi.

"Hindi. May dala naman ako."

"You sure?"

"May baon ako. Sayang naman kung 'di ko kakainin."

"Okay," sagot niya.

Pinapanood ko lang iyong parang screen sa sasakyan niya... Naka-sakay naman na ako sa sasakyan... Pero iba 'tong sasakyan ni Vito... Ano kayang tatak nito? Ang ganda talaga, e...

"You wanna listen to music?" tanong niya.

Umiling ako. Bigla niyang inikot iyong parang controller tapos may lumabas na pagpipilian na kanta sa screen. Ang ganda talaga ng sasakyan niya! Sana mabilan ko rin si Tatay ng ganito.

"Just browse," sabi niya habang saglit na tumingin sa akin. "The traffic's kinda heavy."

"Okay lang sa 'kin na tahimik," sagot ko sa kanya.

Nakita kong tumango siya. Biglang may tumawag sa kanya. May lumitaw sa screen na Trini calling... Nakita kong tumingin siya sa 'kin.

"Can I answer the call?"

"Hala, oo naman."

Kinuha niya iyong cellphone niya at parang nawala bigla iyong nasa screen. Naka-sandal iyong siko niya sa bintana. Tumingin na lang ako sa labas kasi parang privacy niya naman din...

"Hey..." narinig kong sabi niya. "I'm not at school. I'm going to the hospital. No, not me. I'm bringing someone," sabi niya tapos naramdaman ko na tinapunan niya ako ng tingin. "Yeah... Does it matter?"

Parang sobrang lalim nung buntong hininga niya na naramdaman ko 'yun. Nang mapa-tingin ako sa kanya, nakita ko na sinuklay niya iyong buhok niya na parang pagod siya.

"I'm driving. I'll just call you later, okay? Bye," sabi niya at saka mabilis na pinatong iyong cellphone niya sa pagitan namin. "Sorry about that," sabi niya sa 'kin. Ngumiti na lang ako. Ano namang sasabihin ko? Nakiki-sakay lang naman ako.

Pagdating namin sa hospital, dun niya ako hininto sa may harap ng emergency. Bago pa man ako makapagreklamo ay naka-sakay na ako sa wheelchair at tinutulak na ako papasok ng ospital.

Kinuhanan nga ako ng x-ray tapos nakita na may hairline fracture daw sa paa ko. Grabe naman nga talaga iyong mga libro na 'yun!

"Salamat pala," sabi ko nang matapos kami sa hospital. Nilagyan ng parang support iyong paa ko tapos binigyan din ako ng parang walking stick dahil hindi pwede na ma-pwersa iyong sa paa ko.

"Need help?" tanong niya.

"Okay lang ako."

"You sure?"

Ngumiti ako habang naka-tango. "Di ka ba magpapalit ng damit?" tanong ko sa kanya at parang doon niya lang napansin na madumi iyong damit niya. Kanina pa kasi siya naka-sunod sa akin nung may mga ginawa sa akin sa hospital. Natawa rin ako kasi talagang nilagay niya sa phone niya kung magkano iyong nagastos niya. Sisingilin niya yata talaga iyong kaibigan niya.

"Nah, I'm fine," sabi niya. "You wanna eat?"

Umiling ako. "Pwedeng hatid mo na lang ako pabalik sa school? Kukunin ko lang iyong mga gamit ko."

"You're going home?"

"Oo... Para makapagpahinga na rin."

Nakakapagod din palang pumunta sa hospital. Parang ang daming nangyari sa akin ngayong araw.

Bumalik kami ni Vito sa school. Sinabihan niya ako na maghintay na lang daw ako sa sasakyan niya tapos kukunin niya na lang daw iyong mga gamit ko sa library.

Habang naghihintay ako, nakita ko na naman iyong Trini na tumawag... Hindi ko pinansin... Pero tawag kasi nang tawag... Paano kung emergency pala? Tumingin ako sa labas kung nandyan na ba si Vito... pero parang wala pa siya. Tsk.

"H-hello—"

"Who the fuck are you?! Why are you answering my boyfriend's phone?!" sunud-sunod na sigaw niya sa akin. "Tell me your name, you bitch!"

Napa-awang iyong labi ko sa pagsigaw niya sa akin.

"Miss—"

"What's your name?! Where's Vito?!"

"Umalis lang—"

"Stay away from him! He already has a girlfriend!"

"Hala—"

"I swear if I ever catch you with him, you'll regret it!"

Pabilis nang pabilis iyong tibok ng puso ko sa paraan ng pagsigaw niya. Hala... Dapat hindi ko na sinagot... Akala ko lang naman kasi emergency... Kasi tawag siya nang tawag... Baka importante...

"I got your bag and the books—" Nabigla ako nang marinig ko iyong boses ni Vito. Naka-kunot ang noo niya. "Are you okay?"

Pilit akong ngumiti. "Ah, salamat sa pagkuha ng mga gamit ko," sabi ko at saka mabilis na lumabas ako at kinuha ko iyong mga gamit ko. Narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko, pero mas binilisan ko lang maglakad palayo sa kanya.

Gusto ko lang mag-aral.

Ayoko sa gulo nilang mayayaman. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top