CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-TWO
JAIRO'S POV
Shock was an understatement. Halatang-halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwalang sumama ako. At mas lalong dahil sa paliwanag ko.
Nakatulala lang naman siya habang nasa byahe. The couple in front of us kept on chatting and we were... well, we were silent.
Biglang nawala ang kadaldalan ni Tine. Lagi naman. Basta ako ang nandito, laging nawawala ang dila niya.
"So... ahm... it's your sister's birthday today?" I tried opening a conversation.
Nilingon niya naman ako saka sinamaan ako ng tingin. "What the heck are you doing?" she shouted as a whisper.
Napangiti naman ako. I don't know why but she looks even more adorable when she's pissed. "I am going to ask for your family's blessing. You know? To officially court you."
If looks could kill, I would be buried six feet underground. "I swear, Jairo. If you're serious about that, I'll smack you in the head in an instant."
I couldn't help but chuckle. "But I actually am—Aray ko." Sinamaan ko naman siya ng tingin nang sineryoso niya nga ang pambabatok niya. "Why did you do that?"
She rolled her eyes. "I told you what I'll do."
Pareho na lang kaming natahimik. Ba't kasi nananakit 'tong babaeng 'to?
"Hey, you two there. You both okay?" rinig kong tanong ni Ayel. I looked at her on the mirror before looking back over the window. Narinig ko lang na naman siyang bumungisngis saka muling nagsalita. "How about you, Tine?" Walang umimik. "Tine?"
Nilingon ko na siya dahil hindi pa rin umiimik. Hindi ko naman napigilang mapangiti nang makita ko siyang natutulog nang mahimbing. Pretty.
"Uh-oh. May in love," narinig kong sabi ng boyfriend ng pinsan ko.
Gusto ko sana siyang samaan ng tingin kaya lang ay hindi naman siya mali. Mas lalo lang akong napangiti habang nakatitig sa babaeng tulog na tulog.
"You're still not courting her for real?" bungad sa akin ni Ayel nang bigla-bigla na lang pumapasok ng kwarto nang may kwarto.
I frowned at her. "I'm still trying to earn her trust again before I do that."
Kumunot naman ang noo niya. "Can't you do those at the same time?"
Napabuga ako ng hangin. "Baka kasi hindi niya gustuhin kapag nagsabi agad ako sa kanyang liligawan ko na siya. So patience... Focus on trying to be on her good side again."
"Weren't you two dating already? After classes, according to Xei,"
Ako naman ang nagtaka. "Concepcion?" Tumango siya. "We're just... reviewing."
Ayel rolled her eyes at me. "Yeah, and hotdogs can bark." Napailing na lang ako sa pinagsasasabi niya. "By the way, if you plan to officially court her, next week might be the perfect timing."
"Bakit naman?"
"I just called Tine this morning. And according to her, her father is coming home as well as her for her sister's birthday. So you know? Get my idea? Be showered with the family's blessing. Kristine is already blessed by our family. So your turn." Pagkasabi ng mga iyon ay lumabas na siya sa kwarto ko.
I'll just need her family's blessing to court her then everything will be fine. How hard could it be?
"Hey, cuz. Why are you sweating? It's pretty cold, you know?" Hindi ko napansing pinagpapawisan ako't medyo nanginginig kung hindi pa nagsalita si Ayel.
"Meet the parents eh. The infamous Jairo Guevarra is getting worried and scared because of a woman's family." Mahinang natawa si Angelo. Sasapakin ko na sana nang muli siyang magsalita. "Don't worry, bro. I also felt that when I met you folks, Ayel's family."
"Oh, yeah. He was also sweating and shaky." Napangiti naman si Ayel. "But he did pull it through just fine."
Medyo matagal akong natahimik. "So I should be a slave?" Iyon kasi ang ginawa namin kay Angelo noon. Uutusan namin nang uutusan para malaman kung gaano kahaba ang pasensya niya.
Pareho naman silang natawa pero si Angelo na ang sumagot. "Basta kung ano ang utos, 'yun ang gawin. Feeling ko naman mababait din ang pamilya ni Kristine. She seemed like a kind and nice woman."
"She is," sabay naming sagot ni pinsan. Napangiti na lang kaming dalawa saka bumalik sa dati—silang dalawang magkasintahang nag-uusap, si Kristine na tulog, at akong pinapanood siya habang natutulog.
Pinagising naman sa akin ni Ayel si Tine nang makarating na kami sabi ni Waze. "Sorry. Kinulang ata ng tulog kagabi," sabi ng bagong gising na talagang humihikab pa rin.
"That's fine. Nakarating pa rin naman tayo. Ginawa mo nga lang driver si Ayel," sagot ko kay Tine na sinamaan lang na naman ako ng tingin.
"Nandito ka pa rin pala. Kala ko na-realize mo nang 'di ka welcome kanina nang batukan kita eh."
Sinamaan ko na lang din siya ng tingin. Pareho namang natawa ang magkasintahan sa harap. Bumaba na kaming apat at binuksan ni Ayel ang trunk kaya roon ako pumunta. Pagbalik ko ay naabutan ko silang nag-uusap.
"Maraming salamat ulit, Ayel. Kaya ko nang umuwi mag-isa kaya no need na sunduin pa ako."
Pasimple at makahulugang tumingin sa akin si Ayel bago tumingin at ngumiti kay Kristine. "Okey dokey, then. Have fun and take care here, best friend." They hugged each other. "Greet Angelica a happy birthday for me, okay?"
Nakangiting tumango si Kristine. "Will do." She looked at Angelo. "'Wag mo munang bubuntisin 'tong best friend ko ha?"
Angelo blushed. "We... We don't do that kind of thing." Then he smiled at her. "Wedding ring first."
Si Ayel naman ang namula pero agad ding nawala. Ngumiti naman si Kristine. "That's good to know. Ingats kayong tatlo pabalik."
My eyebrows furrowed. "What do you mean by tatlo?"
Nilingon naman ako ni Tine na agad nawala ang ngiti saka sinamaan ako ng tingin. "Sinabi nang 'di ka nga welcome rito."
"Being welcome or not is a decision that'll be made by your parents," seryoso kong sagot. Akala ko ba okay na kami? Bakit ganito 'tong babaeng 'to?
"Pero nakatira pa rin ako rito so technically, it could also be made by me," pakikipagtalo niya.
I frowned. "I want to court you seriously, meaning I want to ask your parents' permission. Don't you want that?"
"Ang ligawan mo 'ko? Oo. At bakit mo naman gagawin 'yun? Pinagti-tripan mo na naman ba ako?"
"Of course not. Haven't I already told you the reason yet—"
"Hindi pa nga. Mamaya gustuhin mo na naman akong gawing rebound. Lulunurin na talaga kita—"
"I have no plans doing that—"
"Edi ba't ka nga nandito? Ba't ka manliligaw—"
"Kasi nga mahal kita."
Pareho kaming natigilan dahil sa sinabi ko. The fvck‽ Huminga ako nang malalim saka nag-iwas ng tingin sa kanya habang nag-iinit ang mga pisngi.
I was about to ask Ayel to just let me come back with them when I saw no car. Fvck! Umalis na sila‽ Ba't 'di ko napansin‽ Saan ako niyan pupunta‽ For sure, this woman won't let me go with her now—
"Halika na," rinig kong sabi ni Kristine na nasa harapan ko.
Wait... she... she's asked me to come? R-Really?
Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. As for her, she glared at me. "Ano? Sasama ka ba o rito ka na lang? Ayos lang din naman. Palakad-lakad ka rito—"
"Sasama na nga." I matched her glare. This woman is really something.
Sabay kaming naglakad papalapit sa isang simpleng tingnan na bahay. It looked simpler than her Tita Winette's home.
Nilingon niya naman ako nang sumakto kami sa tapat ng pintuan nila. "Hindi kami mayaman ha? At pag-celebrate-in muna nang matiwasay ang kapatid ko bago mo sabihin 'yang tunay mong balak kela Papa."
Tumango naman ako saka inayos ang sarili ko. When Kristine knocked on the door, a girl opened it. "Ma! Pa! Si Ate Tine nandito na—" Bahagya siyang natigilan nang makita ako saka ngumisi. "Dala niya boyfriend niya, Ma! Pa!"
Agad naman siyang binatukan ni Tine. "Boyfriend ka riyan. Bibig mo talaga, Angelica! Ma! Wala po akong boyfriend!" sigaw naman ni Tine.
"Wala pa!" pang-aasar na naman ng kapatid niya saka tumingin sa akin. Sakto namang lumapit ang parents ni Tine saka rin ako tiningnan. "Manliligaw ka po ni Ate?"
Hindi na ako nakakurap dahil sa mga seryosong mga matang nakatingin sa akin. "Ahm... Y-Yes po. I'm Jairo Guevarra. I want to court Kristine po."
Nakita kong napa-facepalm si Tine sa tabi ko pero bahala na. Hell! This is a lot scarier than fighting with the other gangs.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top