CHAPTER TWELVE


CHAPTER TWELVE

KRISTINE'S POV

Lahat ata kami eh nagulat nang sobra dahil sa madamdaming performance ni Blaire. Kahit ako eh tulala dahil parang ang lungkot-lungkot niya na sobrang hirap paniwalaan.

The question in my head was put into words by the girl beside me. "May nangyari kaya sa kanila?" rinig kong tanong ni Hyaciel.

Agad namang sumagot ang kakambal niya. "Maybe... Unless, she's just so amazing in expressing emotions kaya ang ganda ng execution niya sa kanta niya."

I couldn't help but agree with Xei. It's just that... talagang sobrang dama yung emosyon ng kanta dahil kay Blaire.

"You know what? I'm thinking that it has something to do with my cousin," bigla namang sulpot ni Ayel mula sa paggagagala para maghanap ng makakain. Inabutan niya ako ng cotton candy saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I just feel like it."

It has to do with Jairo? Bakit? Anong nangyari sa kanila? Wait... may nangyari nga ba?

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Blaire na kasalukuyang nagb-bow. "Hi!" rinig kong sabi ni Xei. Agad akong napatingin sa kanya saka nakita siyang nakatingin kay Ayel. "I'm Xei Concepcion, Kristine's friend. You must be Jairo's cousin," magiliw niyang pagpapakilala habang inilalatag ang kamay.

Agad na nagtaas ng kilay si Ayel. "A friend of my best friend?" Nagtatanong na nilingon niya ako na sinagot ko naman ng ngiti.

Hindi kasi sanay si Ayel na may makikilala siyang kaibigan ko. As far as she knows, she's the only friend I've got so far.

She then accepted Xei's hand and casually smiled. "Ayel Villaflor, Kristine's best friend." Hindi ko napigilang matawa nang mapansin ko ang pagdiin ni Ayel sa best friend.

"Ako rin. Kaibigan ni Kristine, Hyaciel C." Kumaway lang naman siya kay Ayel, kaya kumaway lang din naman ito pabalik.

Akala ko ay mananatiling tahimik sila Xei at Ayel, pagkatapos ng pagpapakilala nila sa isa't isa dahil mukhang wala namang planong makipag-usap si Ayel.

Kaya lang ay may nabanggit si Xei about a certain bag. And sooner or later, I just saw and heard Xei and Ayel chatting about shopping, brands, and other stuff. Nagkatinginan na lang kami ni Hyaciel saka sabay na nagkibit balikat.

Ibinalik na namin ang mga tingin namin sa stage nang biglang tawagin ang Black Dragons. Ang sabi ni Ayel ay magpe-perform daw si Jairo pero nagtaka ako nang wala naman siya sa mga lalakeng nagsasayaw sa stage.

It was just Nathan, JP, Sean, and Cyril. Ano kayang itsura ni Mr. Trying kung nandito pa siya? Napailing na lang ako habang nakangiti.

"OMG! Go, Babe!" biglang sigaw ni Xei sa tabi ko. Agad akong napatakip ng tenga. Jusmiyo marimar. Super supportive naman.

"Ampanget mo talaga, Agustin!" pang-aasar naman ni Hyaciel. Napailing naman ako nang makita kong dumilim ang mukha ni Sean. Itong dalawang 'to, konti na lang ay ishi-ship ko na talaga sila. Lagi na lang kasing nagbabangayan pero cute pa rin naman.

Nakangiti lang naman ako habang nanonood. Hindi ko rin minsang mapigilang sumigaw nang humarap at pumwesto sa gitna si Cyril. "Ang astig mo, Cy!" Ngumiti naman siya saka tiningnan ako bago kumindat.

Naramdaman ko naman ang sasama ng tingin ng ilang mga babae na nasa harap ko. What? Sino hindi maha-hype kung makikita mo ang gwapong si Cupid na magaling sumayaw? Biglang pumasok sa akin ang sinabi ni Goddess... not too close? But why? We're still friends.

Nakangiti pa rin ako at walang pakealam sa masasamang tingin ng iba nang maramdaman ko at titig nila Ayel. Nilingon ko sila saka nagtatakang nagsalita. "Bakit?"

Xei shrugged. "Wala lang. Ngayon lang ulit talaga kita nakitang ganyan kasaya," nakangiti niyang sabi.

"Saka mukhang friends talaga kayo ni Peredo ah," pansin naman ni Hyaciel. Nginitian ko lang silang kambal.

Tiningnan ko naman si Ayel na nakatitig pa rin sa akin. "Are you close with him?" Tumango ako. "That's cool." Ayel smiled. "I like it that you're finally having more friends."

Napangiti rin ako. "Ang unexpected nga eh."

She put her arm around mine before putting her head on my shoulder. "But I still like it better if you would end up with my cousin."

Mahina naman akong natawa. "Akala ko ba ayaw mo na nung idea na 'yun?"

She shrugged. "I just feel like something good might actually happen." Ayel stayed in that position, looking comfortable like that.

Ngumiti na lang ako saka nanatiling tahimik. Sana nga good. Hanggang sa matapos ang performance ng Black Dragons ay nanatili akong tahimik. Pumapalakpak lang para sa kanila.

Nang bumaba naman sila ay pumunta ang Black Dragons sa pwesto namin. JP went to his girlfriend's side, as well as Nathan. Si Sean naman ay nakikipagtalo kay Hyaciel. As for Cyril, tumabi naman siya sa akin saka kinumusta ang performance niya.

"Just a wild guess. You're curious about Jairo, 'no?" pamb-bwiset na naman sa akin ni Cyril.

I glared at him. "Wild guess ka dyan. Tigilan mo 'ko, Kupido ha?" pang-aasar ko naman. Hindi ko na rin nilakasan at baka marinig ng iba.

Siya naman ang tumingin sa akin ng masama. "Kapag ikaw talaga, narinig ng iba. Nako. Isusumpa ko love life mo," pikon niyang sabi.

Natawa naman ako. "Hindi pa ba sumpa ito?"

Cyril rolled his eyes. "Patience is a virtue, you know?" Napailing na lang ito saka tumingin sa harap. "Speaking of love life, ayan na yung hinahanap mo."

Agad din akong napatingin sa harap at napatigil nang makita si Jairo na may bitbit na gitara. He... he's going to play that?

I have always imagined him with different sports and musical instruments, because of Ayel's stories. But never in my entire life did I ever see him actually play.

Just now.

Ilang beses akong napakurap dahil hindi talaga ako makapaniwala. At mas lalo lang akong namangha nang marinig ko siyang kumanta.

Porkchop! Walang-wala yung imagination ko noon na Ikaw Lang Ang Aking Mahal na version niya! 'Di hamak na mas maganda ang boses niya sa totoong buhay.

And there I was, finding myself adoring him again simply because of his singing voice.

Napailing na lang ako saka finocus ang atensyon ko sa kanya. What I saw shook my world. Is... Is he staring at me? Is he seriously staring at me?

Porkchop ka, Jairo! Ano bang pinaggagagawa mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top