CHAPTER THIRTY


CHAPTER THIRTY

KRISTINE'S POV

Nang idilat ko ang mga mata ko ay hindi ko malaman kung nasasaan ako. Ang tanging naaalala ko ay ang muntik kong pagkamatay dahil sa isang diyosang galit na galit sa akin.

Tinantya ko muna ang sarili ko kung kaya ko nang tumayo at lumabas ng kwarto, saka ako gumalaw. I couldn't believe my eyes as I roamed around. Mukha kaming nasa isang gubat na magaganda ang kulay ng mga halaman at paligid.

Ilang beses pa akong naglakad hanggang sa makita ko si Cyril na mukhang problemadong nakaupo sa sofa.

Lumapit ako sa kanya saka kinausap siya. "Cy..."

Agad siyang napatingin sa akin saka nag-aalalang tinitigan ako. "A-Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba? How's your soul?"

Kahit nasasaktan ng kaunti ay pinilit kong ngumiti para bawasan ang pag-aalala niya. "Ayos lang ako. Hindi na siya ganon kasakit."

Tinitigan niya pa rin ako at para bang alam niyang nagsisinungaling ako. I flinched while I was trying to speak without stuttering. "I'm so sorry, Kristine. I never wanted this to happen to you."

Ngumiti naman ako. "Ayos lang. Pero may gusto sana akong hilingin."

He quickly fixed the way he was sitting. "Anything, Tine."

I took a deep breath. "Let me help you. That's the least thing I could do—"

He shook his head. "No, Kristine. I can't let you do that."

"But why? You were nothing but a great friend to me, Cy. You were there when I was in pain. Hayaan mo akong tulungan kang maging masaya."

"But that'll mean letting go of this life, Kristine."

"I'm sure that there are other ways. I don't know how you, gods, do anything but if there's one thing I'm sure is that you're magic. I know that you'll be able to separate my soul from Psyche," I opened up. To be honest, I don't know if that'll work but we have to try something.

Matagal siyang natahimik bago seryosong tumingin sa akin. "But it might cost you your life."

Doon ako natigilan. So I might still end up dying and leaving this life.

Hindi ko siya sinagot doon at nanatili kaming tahimik. Hanggang sa gumabi na at nagpahatid ako sa kanya sa bahay ko.

I was still thinking of that option. I don't know why but I want to risk my life for this god. Maybe it's Psyche speaking but that's what I'm feeling.

Inabot ko ang phone ko saka tinext si Jairo. If I'm going to do this, I at least want to stay with the man I love.

Nang pumayag siya ay nagsimula na akong mag-ayos. I wore the dark blue dress that Ayel bought me. Kinuha ko rin ang itinatago kong regalo para kay Jairo.

I made sure that I looked my best. Buti na lang at tinuruan ako nila Ayel, Xei, at Hyaciel kung paano mag-ayos ng mukha at buhok.

I looked at the mirror and smiled. I hope he'll like this look.

Sakto naman nang matapos akong makapag-ayos ay dumating na rin siya. "You look so beautiful," aniya saka ako inalalayan papasok ng kotse. Nang pareho na kaming nasa loob ay muli siyang nagsalita. "What were you thinking when you asked me to have a date with you? Parang bago 'yun ah," nakangiti niyang sabi.

I couldn't help but smile at him. "I don't know. Na-miss lang kita."

Namula naman siya kaya iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Be careful with your words. I might have a heart attack."

Mahina naman akong natawa saka inabot ang isa niyang kamay. I feel like his hand was made to hold mine. This is probably one of the best things I'll miss if I ever leave this world. Napatingin ako sa kanyang masayang nakangiti. I don't want to leave you, but I think I have to. I just hope that in our next life, I would still be yours and you would still be mine.

"So saan tayo pupunta at kakain?" tanong niya na nagpabalik sa kasalukuyan.

Ngumiti naman ako. "Kahit saang gusto mo."

Pilyo siyang tumingin sa akin. "How about in a hotel?"

Agad napaangat ang dalawa kong kilay saka hinampas ang braso niya. "Jairo! 'Yang bibig mo ha?"

Natawa naman siya. "Marami kasing kainan sa isang hotel na nadaanan ko. I even heard that they offer fine cuisine." Muli siyang natawa saka sumulyap sa akin. "Nako, nako. 'Yang utak mo, Tine ha? Kelan ka pa naging mahalay?"

Sinamaan ko lang naman siya ng tingin saka ako muling tumingin sa labas ng bintana. Narinig ko lang naman siyang tumatawa na hindi ko na lang pinansin.

I'll surely miss these kinds of talks and arguments with him. Ngayon tuloy ay nagdududa na naman ako kung itutuloy ko pa ang pagtulong kay Cyril.

Nasa loob na kami ng restaurant at hindi ko maitanggi na talagang masasarap ang pagkain doon.

Napatigil lang ako sa pagkain nang magsalita si Jai. "By the way, where did you go after class?"

Agad kong kinalikot ang utak ko para mag-isip ng excuse. "Nagpasama si Cyril sa isang gift shop. Mukha kasing may napupusuan na siya eh," I lied. I'm so sorry Jairo.

Napatango naman siya saka ako tiningnan. "Right. I thought that he was actually liking you." Mahina itong natawa. "Nawala nga sina Chad at Bryle na kakumpitensya ko noon sa atensyon mo tapos biglang may darating na iba."

Pinilit ko na lang ngumiti saka tinapos ang kinakain ko. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay kinuha ko mula sa bag ko ang regalo ko sa kanya. "Here..." I gave him the box that has a bracelet inside.

He looked so happy when he took it out and wore it. Bibitawan na sana niya ang box nang may napansin siyang nakasulat doon. "Not loving you would definitely be a mistake." Tumingin siya sa akin saka ako niyakap. "Thank you so much, Tine. I love you."

Ako naman ang tumingin at ngumiti sa kanya nang bitawan niya ako. "I love you too, My Jairo Guevarra."

And for the first time ever since we became an official boyfriend and girlfriend. My lips finally touched his. This moment itself is already magical.

~•~

JAIRO'S POV

Nakangiti akong gumising. This has been my feeling after Kristine and I became official. Hindi ko maitanggi kung gaano ako kasaya kada gigising ako sa umaga at maaalalang kami na ng babaeng mahal ko.

Napatingin naman ako sa paper bag na may laman ng niregalo niya sa akin. I quickly grabbed it and was about to open the box when I suddenly saw a note. Wala naman ito kagabi ah.

Out of curiosity, I took it and read it. Hindi ko naman maiwasang kabahan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Whatever happens, please remember that I love you so much, Jairo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Agad kong inabot ang phone ko saka siya tinawagan. Naka-ilang ring na ay hindi pa rin siya sumasagot. Sinubukan ko ulit pero ganoon pa rin.

Hindi ko na napigilan ang sariling kong mag-drive papunta sa bahay ng tita niya. But she wasn't there as well. Akala pa nga ng tita niya ay kasama niya ako dahil hindi na ito umuwi pa.

Sa sobrang kaba ay wala na akong pakealam kung malayo ang bahay nila sa probinsya. Basta pinuntahan ko iyon kaya lang ay katulad kanina ay wala rin ito rito.

Nagsimula na ring kabahan ang pamilya niya kaya naman nagtulungan kaming lahat para hanapin siya.

But it has already been a year and no one has found her. I then looked at the bracelet that she gave me.

I am not giving up, Kristine. I know you'll come back. I would never get tired of waiting.

~•~

KRISTINE'S POV

I'm still inside the secluded island where Cyril brought me the last time. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na narito but so far, we still haven't found a way to separate my soul from Psyche's.

Napabuga na lamang ng hangin si Cyril habang papalapit sa akin at may hawak na vial.

"This is the second to the last trial. I do hope it'll work now."

Tumango naman ako saka tiningnan ang vial. Please work. I beg of you.

Nang mainom ko ang laman ng vial ay bigla akong nahilo. Ibang-iba ito sa mga sinubukan namin noon. I gripped my chest. "Tine. Tine, talk to me."

Suddenly I felt my heart... stopped beating.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top