CHAPTER SIX


CHAPTER SIX

KRISTINE'S POV

"Hey, Ms. Matapang ni Bryle," agad na bati sa akin ni Cyril nang makarating siya sa garden. Bahagya niya pa akong niyakap.

Mas nauna ako sa kanya ng ilang minuto sa meet up place namin. "Baliw ka talaga. Katatapos lang ng klase niyo?"

Pareho kaming naupo sa bench saka nagkwentuhan muna. "Oo eh. The prof looked crazy. Crazy enough not to let us out of the class." Sabay kaming natawa. "By the way, ano nga pala 'yung pag-uusapan natin?" nakangiti niyang tanong.

Huminga muna ako nang malalim bago nagtanong. "Anong nangyari kela Chad? Kela Mari? Bakit hindi nila maalala yung nangyari? Or at least 'yun ang sa tingin kong nangyari."

Nakatulala lang siya at unti-unting lumalaki ang mga mata na para bang unti-unti pa lang nagsi-sink in ang sinasabi ko sa kanya.

I slightly nudged his shoulder. "Huy! Ayos ka lang?"

Ilang beses siyang napakurap saka tiningnan ako diretso sa mga mata. "N-Naaalala mo 'yun?" Agad akong tumango. "B-But why?" I frowned at his question. "I mean... Anong naaalala mo exactly?"

"'Yung tungkol sa love spell, yung pag-kidnap sa akin ni Chad, yung paglipad niyo ni Mari—"

"W-Wait. You remember me flying? So you mean to say... you know me?"

Muli akong tumango. "Oo naman, Cupid," nakangiti kong pang-aasar sa kanya na mas lalong ikinagulo ng itsura niya. "Bakit ganyan mukha mo?"

Napahilamos naman siya ng mukha niya saka mukhang naguguluhang tumingin sa harapan namin. "Mom said she'll remove those memories from everyone. Walang makakaalalang nangealam kaming mga diyos sa buhay ng mga tao. Kaya bakit—" humarap siya sa akin. "—mo naaalala 'yan?"

Hindi dapat naaalala? Edi ba't ko naaalala?

"Ano pang alam mo?" tanong ni Cyril na nagpabalik sa wisyo ko.

I shrugged. "Everything that happened to me. I even searched about your possible mom—I mean the Lola who gave me the love spell—The day after Mari's incident."

"And?"

"I'm thinking of Goddess Venus. Since 'yun 'yung nasa mga libro at internet."

He let out a sigh. "Yeah... She's my mom. And yeah, she was the old woman who gave you the love spell." Hindi naman na ako nagulat pa. "So ahm... all this time... you know who I really am?" I flatly looked at him before nodding. "And yet, you still act normally around me?"

"Malamang. Mas nakilala naman kita bilang Cyril kesa Cupid eh. Saka magaan ang pakiramdam ko sayo so..." I shrugged, ending the conversation.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan bago siya muling nagsalita. "Hey..." Bahagya akong lumingon sa kanya. "About the love spell—"

I quickly shook my head, cutting his sentence off. "Hayaan mo na 'yun. Since sinagot mo naman na kung sino yung mommy mo, naniniwala akong hindi umepekto 'yung love spell kay Jai kasi nakilala niya na 'yung totoong mahal niya." Huminga ako nang malalim saka tumingin sa mga bulaklak sa harapan. "As long as masaya siya at hindi niya ako kinakausap, magiging maayos din ako."

"Hindi ka man lang curious kung bakit naaalala mo pa 'yung mga nangyari?"

Nilingon ko siya. "For sure, pareho lang tayong curious dyaan sa bagay na 'yan." Napatango naman siya bago tumingin din sa harap at bumuntong hininga.

Pareho na kaming nanahimik at nagpakalunod sa lalim ng iniisip namin. Ilang saglit lang ay nagkayayaan na kaming umuwi sa kanya-kanyang bahay.

Nasa loob na ako ng aking kwarto and sa usual, mag-isa na naman sa bahay, kaya nakakapag-isip isip nang malalim tungkol sa pinag-usapan namin ni Cyril kanina.

Kung dapat ay nakalimutan na ng lahat ang nangyari, bakit nga naman naaalala ko?

Or maybe nakalimutan nung mom ni Cyril na isama ako?

Ay porkchop! Sinisi pa nga ang diyosa. Porkchop ka, Tine.

Napahinga na lang ako nang malalim saka hinayaang mahulog ang katawan sa kama. Plano ko na sanang umidlip dahil five PM pa lang naman nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Ayel

I heard that you just got home. Wanna go shopping with me?

P.S. I won't take no for an answer.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahina naman akong natawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To: Ayel

Pwedeng maybe?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang segundo lang pagka-send ko ng reply ay bigla siyang tumawag na agad ko namang sinagot habang nakangiti.

(What do you mean, maybe? Of course, even that is not allowed.)

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Opo na. Sasama na nga po. Kailan ka ba napigilan?"

I heard her laugh. (Never. Okay then. Dress up fast and open the door, okay?)

Napailing na lang ako saka nagmamadaling nagbihis. I just put her on speakers. "As usual, you're already outside our house."

(Why yes, of course. Also, I am very much looking forward to this newly opened fashion boutique. The products looked high quality in the photos.)

"By high quality, you mean expensive." I even rolled my eyes.

(Hey! I also enjoy not-so-expensive products if they look good.)

Napailing na lang ako saka tinapos ang pagpapalit ko ng damit. "Whatever you say, Ayel."

(I can see your door opening. I'll end the call. Move fast, come on!)

Natawa na lang ako saka naiiling na ni-lock ang pinto ng bahay bago tuluyang lumabas.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng door to the passenger seat ay agad akong napaatras. B-Bakit?

"Ayel?" punong-puno ng kaguluhan kong tanong sa nasa driver's seat.

She looked at me apologetically. "I'm sorry about that. He suddenly wants to come." Halatang iritado si Ayel.

"I just have to buy something," biglang imik ng lalakeng nakaupo sa passenger seat.

"Yeah right. And you can't use your car for that," Ayel sarcastically commented. She then looked at me. "You'll still join me, right? We'll just ditch this one off then we're good to go."

Pinilit kong ngumiti. "Yeah. Sasama pa rin ako."

"Good!" Bigla niyang tinulak ang pinsan niya. "Now, out! Go to the backseat! She's sitting beside me."

Sinamaan lang naman ni Jairo ng tingin ang pinsan niya saka tuluyan nang lumabas ng kotse. Agad akong umiwas sa kanya saka sumakay nang tuluyan na siyang makapwesto sa likod. Hindi niya naman ako tinapunan ng tingin—I mean... that's at least what I'm assuming.

Narinig ko ang pagpalakpak ni Ayel. "Nice! We're finally done. Let's go shopping!"

Pinipilit kong bawasan ang awkwardness na nararamdaman ko pero para kasing... para kasing may nakatitig sa akin. Wengya amporkchop!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top