CHAPTER SEVEN


CHAPTER SEVEN

KRISTINE'S POV

"And welcome to Ayel's haven," I mumbled jokingly.

Ayel obviously heard it since she glared at me for a second before rolling her eyes. "Come on! Let's start our ritual." She then pulled me to the boutique.

Pagkatapos ni Ayel na magsawa last year sa boutique ni Soleil ay nagsimula na naman siyang maghanap ng magugustuhan niya. Mukhang ngayon pa lang ah. Ipinalibot ko ang tingin sa shop. Mukhang may papasa na sa standards ni Ayel.

Ayel's standards consist of three things, and those are fashionable, trendy, and expensive.

So far sa mga nakikita ko ay papasa itong boutique na ito.

"What do you think?" tanong niya sa aking nagpatingin sa kanya.

I tilted my head a little to the side to observe the dress she was wearing. "Hmm... Hindi bagay sayo yung kulay." Inabot ko yung cream white na off-shoulder mini dress. "Try this one."

She grinned before taking the dress and going back inside the fitting room. Tiningnan ko naman yung presyo ng ganoong damit saka napailing. Well, she'll just glare at me if I care about the price.

Siguro kung ako pa rin ang Tine last year, malamang sa malamang ay hindi na ako lumalapit sa mga naka-display. Imagine paying four thousand for a single dress. Definitely not me.

Nagsimula na akong magtititingin ng mga damit doon dahil paniguradong hindi ako makakalabas ng shop na iyon kung wala pa akong napipili. I was busy searching for my kind of clothes when I felt someone staring at me. Agad ko iyon nilingon para masigurado ang hinala ko at well... tama nga. Bakit ba kasama pa rin namin siya? I pulled away my stare and just let Jairo stare at me shamelessly.

Pinipigilan kong maapektuhan at kausapin siya tapos tititigan niya ako ng ganyan? Minsan talaga ang sarap niyang batukan ng malakas eh. Napailing na lang ako saka pilit na inalis ang pakealam ko sa kanya.

I continued looking for something when Ayel finally went out of the fitting room. "I love it!" natutuwa niyang sabi saka ako niyakap. Iba rin pala yung sapatos na suot niya. May dala-dala rin siyang bag at shades naman sa ulo.

Nag-full outfit pa pala siya porkchop! Nakangiti akong napailing.

"How about you? Have you chosen something?" Agad naman akong tumango saka inangat ang hawak kong pastel yellow na sleeveless dress. "I really like your fashion sense." Bahagya niya akong itinulak papunta sa fitting room. "Go on! Try it."

Papasok na dapat ako sa fitting room nang biglang may magsalita sa likuran ko. "Partner it with these." Agad ko siyang nilingon saka nakitang may hawak-hawak na white sandals si Jairo.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung anong pinaggagagawa niya kaya wala dapat akong planong mag-react nang biglang magsalita si Ayel. "What's with you? You dare talk to Kristine after rejecting her? Huh? Playing with her feelings was a sh*tty move, couz but I did not talk to you about it because she did not want me to get mad at you but this? Jai—"

"Ayel," I cut her off once I finally got back from being in a daze. "Tama na." I seriously looked at her. Stubbornness was obvious in her eyes but I had to make sure that she wouldn't just burst out. "Let it go." Hinarap ko naman si Jairo. "About the sandals, I don't need them. Thank you for the effort." Nilampasan ko siya saka pumasok sa fitting room para takasan ang sitwasyong iyon.

Once I got inside the room, I let out a deep, shaky breath. Hindi ko alam ang nangyayari.

Bakit ngayong halos mag-iisang taon?

Bakit ngayon siya nagkakaganyan?

Bakit siya nagkakaganyan?

Bored ba siya?

Trip niya na naman ba akong pagtripan?

Nag-away ba sila ni Blaire?

Bakit niya ako kinakausap?

Bakit siya nagpupumilit na namang pumasok sa buhay ko?

Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko pero ni isa eh wala akong maisagot.

Ayoko nang magdagdagan pa ulit ang isipin ko at stress sa buhay kaya naman napagdesisyunan ko na lang suotin ng mabilis ang damit na napili ko saka lumabas para ipakita kay Ayel.

Nang makalabas ay agad kong napansing nawawala si Jairo. Tss. Bakit mo pa hinahanap, Tine? Porkchop nga siya, diba? Wala na siyang ibang ambag sa buhay mo kundi stress kaya 'wag mo na siyang isipin.

"He left immediately after you got inside the fitting room," agad na sabi sa akin ni Ayel. Tumayo siya saka lumapit sa akin. "Hey, I'm sorry. I did not know that he'll do that. Hell! I didn't even know that he'd come with us."

I forced a smile. "Ayos lang 'yun. Saka pinsan mo naman siya kaya hayaan mo na." I glared playfully at her. "But don't do that again, okay? Hindi ka na damay sa nangyari sa amin ni Jai noon kaya 'wag mo na ulit stress-in ang sarili mo sa akin. I can handle myself just fine."

She gave me a tired sigh. "I seriously have no idea why he did that to you, Tine. You deserve so much, honey. I tried squeezing information out of him every single time I got a chance but nope. Not a single pulp of answer."

I then forced another smile. "Hayaan mo na." Kahit ako eh gusto kong malaman pero halata naman siguro ang sagot.

Bored siya noon at may LQ sila ni Blaire kaya to divert his attention, he focused on me. He saw me as a challenge so he chose me. Hanggang sa maging okay na ulit sila ni Blaire kaya naman ay pwede niya na ulit akong bitawan.

Tinapos na namin ang pamimili at as usual... Umabot na naman ng halos ten thousand ang nagastos para sa mga damit, sapatos, bag, and other accessories.

Katulad ng nakagawian, pagkatapos mag shopping ay kakain kami. Ayel once again wasted thousands for food. That's why I made sure that the payment was worth it. Lahat ng pwedeng kainin at tikman ay tinarget ko. Pwede ko rin kasing aralin ang mga iyon kung malalaman ko ang lasa. Experimenting foods would be one of my hobbies if I was rich.

Nang mga nine PM na ay inihatid na ako ni Ayel sa bahay. Hindi na rin namin nalaman kung nasaan si Jairo, but according to Ayel ay malamang sa malamang ay nag-taxi na iyon pauwi o kung saan man ito pupunta.

Pagdating sa kwarto ko ay naramdaman ko na naman ang pagiging mag-isa at sinalubong na naman ako ng mga isipin. Pilit na lang akong umiling saka nagsimulang mag-ayos ng sarili. Magluluto na lang ako mamaya ng pang-midnight snack kapag nagutom pa ulit ako pagkatapos kong maligo.

Wala naman na akong pending school tasks kaya pwede na akong dumiretso sa pagtulog. Kaya lang ay pagkahigang pagkahiga ko ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. I quickly took it out of my pocket and read the weird message.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: 0927*******

I want to see you smile.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gusto ko sanang itanong kung wrong sent 'yun o kung sino siya kaya lang ay naalala kong wala nga pala akong load kaya naman ay hinayaan ko na lang saka nagsimula nang mag-ayos.

After some time, I still wasn't able to get myself to sleep kaya naman napagdesisyunan ko munang lumabas para pumunta sa malapit na convenience store para bumili ng soft drinks saka chips. Ubos na pala kasi ang stocks sa cabinet at ref.

I was on my way to the store when something caught my eye. Amporkchop! Seryoso ba 'tong nakikita ko? Nagmamadali akong lumapit sa gift shop.

Pagkapasok ko ay pulang design at ilaw pa rin ang nasa paligid. Parang walang pinagkaiba—actually, meron.

"L-Lola... G-Goddess..." Kamukha niya pa rin ang lolang bumungad sa akin noon at nagbigay ng love spell pero... bumata... mas lalong gumanda!

The woman smiled at me. "Magandang gabi, iha."

"V-Venus... Goddess... Goddess Venus..." I let out a shaky breath. "This... this is unbelievable."

She chuckled. "Nah, grabe ka naman." She walked toward me and I shivered when I felt her hand caressing my hair. "You are still beautiful..." Her face darkened. "...and still nearing my son."

Ilang beses akong napakurap sa takot at kaba na naramdaman ko dahil sa mga tingin niya. "Ano pong... ibig niyong sabihin?"

The woman changed her expression in an instant and smiled at me. "Nothing, Kristine. I just want you to know that it is much better if you listen to me and you know? Choose the man of your dreams."

Naguluhan naman ako dahil paiba-iba ang topic niya. "Ano ho ulit ang nangyayari?"

"The guy that I told you that you were loving. His name was Jairo, am I right?"

My eyes grew bigger. "S-Si Jairo po ang sinasabi niyo noon?" She nodded. "I thought it was Chad." The goddess chuckled then shook her head. "Okay... so... does it mean that I'll still end up with him?"

She smiled mysteriously. "Oh, I'm not spoiling your love story ending. Just make sure to do one thing for me, sweet child."

I got curious. She looked so serious. "What is it?"

"Don't get too close with Cyril."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top