CHAPTER FIVE
CHAPTER FIVE
KRISTINE'S POV
Pagkatapos ng biglaang pakikipag-usap sa akin ni Jairo ay ang pagbabalik namin sa kanya-kanyang mundo.
Madalas ko pa rin silang makasalubong ni Blaire na minsan ay ginugusto ko na lang dumaan sa ibang hall kesa sa nakasanayan ko tuwing pupunta ako sa library.
Speaking of library, hindi ko na rin nakita sa Jairo sa loob nun simula last time. Buti naman at payapa na akong nakakapagbasa at nakakapag-review.
Ilang linggo pa ang binilang at finally, nakakayanan ko nang hindi maramdaman ang presensya niya. Hindi na rin ako nagiging apektado nang sobra-sobra tuwing magsasalubong ang mga tingin namin.
Unti-unti ay nalalaman ko na sa sarili kong kaya kong mabuhay ulit nang hindi na sobrang nasasaktan tulad noon.
And as usual, after ng semestral break namin ay ang Foundation week. Katulad last year ay may pa-booth ulit pero sa first year lang ito assigned at sa bawat club. Ang mayroon ngayon sa second-year hanggang fourth-year students ay talent show.
Bilang pagce-celebrate ng ika-twentieth anniversary ng STEP UP University, magkakaroon ng kaunting performance para sa mga bisita. At syempre, ang higher years ang bahala roon.
Pwedeng sumayaw, kumanta, tumula, umarte, at kung ano pang performance ang pwedeng gagawin. Kada course and year ay lima ang magpe-perform.
Hindi naman na ako sumali kaya hindi ko gaanong alam kung sino-sino ang mga representative ng bawat course at year. Ang alam ko ay kakanta si Xei, tapos ang Black Dragons ay sasayaw. Since iba-iba sila ng course ay dapat kanya-kanyang performance pero syempre dahil pamangkin ni Ma'am Haru si Nathan ay pinayagan sila na iisang performance lang silang lahat.
Sayang nga at umalis si Mr. Trying eh. Pakiramdam ko tuloy kaya lang siya pumunta sa ibang bansa ay para takasan ang performance na ito.
Nasa cafeteria ako ngayon dahil napilit na ako nila Xei at Hyaciel na kumain kasabay nila. Saglit akong natigil sa pagkain ng lunch ko nang mapansin sina Jairo at Blaire sa kabilang table.
Kapag sinuswerte nga naman oh. Napailing na lang ako saka tumuloy sa pagkain. Akala ko ba hindi ka na apektado? Ba't may paganon pang react, Tine? I rolled my eyes.
"Tingnan mo 'tong babaeng 'to," rining kong reklamo ni Hya. "Kung makakapit sa braso ni Jairo eh parang sawa. That's so ew."
"I couldn't agree more, twin. Nakakairita rin yung pagtataray niya sa atin kahit 'di naman natin siya inaano," segunda naman ni Xei.
"Pero in fairness, kambal. Hindi na dumidikit si Mari kay Nathan."
"True. Siguro finally, na-realize na niyang taken ang boyfriend ko. Pero curious ako kung paano."
Nang dahil sa sinabi ni Xei ay muli kong naalala yung itatanong ko kay Cyril. Buti na lamang at nakausap ko siya nung isang araw at nakipag-palitan ng number.
Mabilis akong tumipa ng message.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To: Cyril
Hi. Can I talk to you later after class?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagka-send ko ay tiningnan ko siya sa table nila ni Jairo. Nakita ko siyang kinuha ang phone niya mula sa pocket saka inangat ang tingin na para bang may hinahanap.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya saka nag-thumbs up. Ngumiti lang din ako saka tumango. Wala naman sa plano ko pero bigla akong napatingin kay Jairo saka siya nakitang masama ang tingin kay Cyril.
Ano na naman kayang ginawang kalokohan nung Cupid na 'yun?
Napailing na lang ako saka itinuloy ang pagkain. Napansin ko namang may nakatingin sa akin kaya agad ko itong nilingon, only to see Xei's and Hya's eyes on me. "Yes?"
Si Hyaciel ang unang sumagot. "Wala naman. Para kasing ayos na ayos ka na ngayon eh. I mean... Don't get me wrong, Tine ha? Pero nung mga nauna kasing buwan eh kahit ilang beses mong sinabi na okay ka eh obvious namang hindi. Pero ngayon..."
"Well... once you say you're okay, you actually mean it. It's really obvious on the way you move or talk," dugtong naman ni Xei.
Ngumiti naman ako sa kanila. It's pretty nice meeting these ladies. I can now really consider them friends.
"I'm finally ninety percent moving on so yeah," paliwanag ko sa kanila.
Para naman silang nakahinga nang maluwag. Even their faces softened upon hearing my reply. "Buti naman kung ganoon. At least hindi ka namin kailangang ipa-blind da—" Agad tinakpan ni Xei ang bibig ni Hyaciel.
My forehead creased. "Blind date?"
Para namang batang nahuli si Xei na tumingin sa akin. "Well... we kinda searched for ways to you know? Help someone move on..."
"And you actually thought dating would help?"
"'Yun yung nakalagay sa website." Xei even pouted.
Napabuga na lang ako ng hangin saka naiilang na napangiti. "Thank you for being thoughtful, but I can do this one myself." I gave them a reassuring smile.
Pareho silang napabuntong hininga saka sabay na hinawakan ang magkabila kong kamay. "Basta kung may kailangan ka, like shopping buddy or movie date, nandito kami ha?" Tinanguan ko si Hyaciel. "Though mas possible na ako ang kasama mo dahil pareho tayong single at malamang sa malamang ay iba ang ka-movie date ni Kambal," sunod niya pang ikinatawa ko at ikinasimangot ni Xei.
Though if it's shopping... mas lalong ayaw magpatalo ni Ayel. Gusto niya lagi akong kasama sa pamimili niya kaya naman dumami na lalo yung mga gamit ko sa bahay.
Buti na nga lang at hinahayaan niya akong bigyan siya ng pagkain o ipagluto siya tuwing gusto niya eh. Para naman kabayaran sa panlilibre niya.
Nang matapos ang aming break time ay agad akong dumiretso sa library. May klase na kasi sila Xei at ako naman ay may kalahating oras pa.
Humiram na lang ako ng libro sa Student Librarian na si Elija saka dumiretso sa field. Minsan minsan na lang akong tumatambay sa ilalim ng puno na ito kaya naman kahit papaano ay na-miss ko rin.
Ito rin kasi yung puno kung saan naabutan ako ni Jairo noon na kumakain at katatapos lang nila sa gang fight nila. Hindi ko tuloy iyon makalimutan tuwing susubukan kong pumwesto rito.
Kaya naman laking pasasalamat ko sa sarili kong kaya ko na. Improving ka na talaga, Tine. Buti naman at hindi mo balak paabutin ng isang taon ang pagmumukmok mo.
Naiiling akong napangiti saka sumandal sa puno at nagsimulang magbasa habang ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin.
I was in the middle of the fantasy world when I felt and heard a ball hitting the tree I was under. Legit na ilang inches lang ang layo nito sa akin kaya kinabahan ako dahil mukhang malakas ang impact ng bola if ever na ako ang tamaan.
Tiningnan ko naman ang gumugulong na bola saka napansin kung sino ang papalapit para kunin iyon. Why does it have to be her of all people? Why does it have to be Blaire?
Tiningnan niya lang ako saglit saka kinuha ang bola pagkatapos akong irapan. Napailing na lamang ako. Pilit inaalis sa isip kong baka mamaya ay gusto talaga akong tamaan ni Blaire ng bola. 'Wag naman po sana, Lord. Mukha po kasing masakit tamaan ng volleyball sa mukha eh.
At dahil sa kaba na baka matamaan na nga ako ng volleyball players na nagpa-practice sa harapan ko ay napagdesisyunan ko na lamang na umalis na't mag-ikot ikot na lang sa university. Ten minutes na lang naman ang natitira sa akin bago ang sunod kong klase eh.
Habang naglalakad ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone. It was a message from Cyril.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: Cyril
School garden na lang tayo, gusto mo? Mga 4PM ang tapos ng class ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To: Cyril
Sure. 4PM din naman ang tapos ng akin eh. Kita kits na lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nang i-send ko ang reply ko ay huminga ako nang malalim. I'll try to get my answers later then.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top